16. Nasaan si Rain?
Note: Kung napapansin nyo mas focus ako sa story ni Ulan..esti ni Rain at Syndi...ang totoo niyan hindi ko rin alam kung bakit? aahhaa...Ano iyun? Siguro kasi magandang magsulat kapag wala gaanong side story diba...peru meron din sila Myka at Ryan kaya lang baka abutin pa ng ilang siglo hindi pa kasi naalala ni Ryan si Myka. Baka kapag-naalala niya doon na magsimula ang pagsibol ng isang bulaklak (actually walang connection iyun ahahaa) Adik eh!
Ps: Ito na ang update ko para bukas at ngayon. Baka kasi hindi ako makapag-sulat bukas Dec. 23 dahil birthday ko :D At bilang gift nyo saken mag comment naman kayo at mag-vote *puppy eyes* Sige iyun lang :D
16. Nasaan si Rain?
"Alam mo nakakailang na titigan tayo ng mga tao" bulong ko kay Rain..e kasi naman kung makatingin sa amin itong mga taong ito para kaming tinubuan ng tatlong ulo.
"Ano ka ba pabayaan mo na sila" nakangiti lang din ito. Halatang hindi affected
Nagkasalubong lang din kami nitong si Ulan sa bus stop kaya pinangkas nalang niya ako sa likod ng bisikleta niya. Nakakailang peru masasanay din ako diba?
"Nga pala Syndi"
"Ano iyun?"
"Kilala mo ba kung sino si Teddy Bear?"
o_O?
"Sino naman iyun?"
"Ahahaha...iyung manliligaw mo?"
"Ahhh...." umiling lang ako hindi ko na nga natatandaan iyun eh "Hindi ko din alam eh..peru nitong nakaraang araw hindi na rin siya nagpapadala ng mga letters siguro nagsawa na"
"Ahhh...ganun ba. Hmm"
"Bakit mo naman natanong?"
"Wala naman... sige kita nalang tayo mamaya may kukunin lang ako locker ko"
"Adik ka ba? Magkaklase kaya tayo ahahahaa"
Napakamot lang tuloy ito sa ulo "Ay oo nga pala noh...sige...kita nalang tayo sa classroom"
"Sige" peru hindi ko parin mapigilang mapangiti. Okay lang din naman pala itong maging kaibigan si Ulan.
***
"GoodMorning class"
"Goodmorning Sir Lakambini"
"Hindi na ako iikot sa halamanan direct to the point...Mag re-retreat na tayo!"
"Talaga sir?!"
"Ano bang sinabi ko?"
"Magre-retreat po tayo"
"Iyun naman pala eh...edi may retreat...Kaloka ito!"
"Itong si Sir o HB na naman ahahhaa"
"Anong HB?!" taas kilay ni sir
"HighBlood ehehee"
"Mga batang ire! Ang kukulit nyo ah!"
"Mana sayo eh...diba mga classmates?!" sigaw pa ng isa naming kaklase
"Kaloka! Hoi! Mga tsanak kayo ako diwata..Paano ko kayo naging anak?"
"Simple lang sir...."
"Ano?"
"God gave me U!!"
"Booooooo!!! Ano iyun Joke?"
"Sir mag-half day na tayo" suhestiyon ng isa "Kailan po ba ang retreat sir?"
"Sa Friday.....e kung gusto mo mag-halfday e lumayas ka sa harap ko!"
"Ahahahaha...Joke lang sir"
"Hindi ako si Joker!"
"Ganda nyo sir!"
"Bolahin kita jan eh!"
"Sir naman....bakit napaka init naman ng ulo mo ngayon?"
"Malamang hindi malamig! O sha! Magsi-ayos na nga kayo at ng hindi ko kayo matapon isa-isa sa bintana."
All Salute "Sir,yes,sir!!"
"VERY GOOD!!!"
At natapos din ang pambabara session...Ganyan talaga palagi ang section namin. Dapat yata Fourth year section Barahan ang tawag samen eh...eheheh...Mamatay ka sa kakatawa!
Peru napansin kong...hindi pala pumasok si Rain. Saan na kaya iyun? Nandito naman si Ryan..akala ko ba may kukunin lang iyun sa locker room?
***
Dismissal Time
"Myka nakita mo ba si Rain?"
"Hindi eh...." biglang nag-iba ang ekspresyon nito sa mukha "Aminin mo nga saken Syndirella...kayo na ba ha?"
"Hindi ah! Nag-sorry lang siya saken"
"Talaga nag-sorry siya sayo? Ang weird naman nun...Hindi pa kasi iyun nagso-sorry sa mga taong inaaway at binubwesit niya." grins "Mukhang tinamaan talaga ang isang iyun sayo ah. Narinig ko pang sabay kayong pumasok kaninang umaga"
"Nagkasalubong lang kami. At ano ka ba ang rami mo namang iniisip diyan tungkol samen magkaibigan lang kami"
"Owsss talaga? bakit mo siya hinahanap?"
"E kasi nagtataka lang ako kung bakit siya absent ngayong araw. Pumasok naman siya peru bakit nag cutting class siya?"
"Oo nga noh? Tanongin mo kaya si Ryan?"
"Nandiyan pa ba si Ryan?"
"Hmmm..parang OO"
"Sige..."
"Isama mo ko hihihihi"
"Ikaw talaga!"
Pinuntahan namin si Ryan sa Chem Lab. Doon kasi iyun naglalagi.
"Ryan?!"
"Hi Ryan" kaway naman nitong si Myka
"Busy ako...kung meron man kayong sasabihin isulat nyo nalang diyan sa manual ko"
"Ah Ryan..nakita mo ba si Rain?"
Napahinto si Ryan sa gingawa at napadako ang tingin samen.
"Bakit mo siya hinahanap?"
"E kasi..."
"Sorry Syndi...peru di ko pwedeng sabihin kung nasaan si Ryan ngayon"
"Bakit naman?!" ni Myka "Saan ba iyung si Rain?"
"Patawad peru di ko pwedeng sabihin. Huwag kang mag-alala okay lang ang kambal ko"
"Ano bang ginagawa niya?!"
"Mahalaga....pasensiya na talaga"
Nakakainis! Bakit ayaw sabihin ni Ryan?!
"Umalis na lang tayo Syndi..mukhang ayaw talagang sabihin ni Ryan ko eh"
"Bakit kaya?"
Saan kaya si Rain?
Ano kaya ang ginagawa niyang importante?
Aisssh!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro