13. Rain ---> Ryan
Weirdysays: Hanep! Isinulat ito habang abalang-abala ang lahat sa pagkain at pagnguya sa Family Day ng Kuya ko ahhahah...Astig ko diba? Iyun lang na e-share ko lang :D .... Sana magustuhan nyo ang update kung ito...
13. RAIN --> RYAN
Kakabihis ko pa nga heto na naman po kami. Nakakinis na! Basang-basa na naman ang uniform ko! Wala na bang kataposan ito? T__T
"Ay! Bakit may wet na pusa sa school?"
"Ang Ewww...."
"Hay naku! Iyan talaga ang napapala ng mga taong umaakyat ng ibang bakuran. Akala mo kung sino"
"Dah! Ang kapal!"
Kapal?!!
Sa tingin nyo sinong mas makapal sa atin?! Nakakabwesit!!
Actually, panglima na iyun ngayong araw. Ano pa kaya ang susunod? Naman! Ganito ba talaga ang mga Rain at Ryan Fans club nila. Talo ko pang bibitayin sa ginawa ko. Nakakinis naman kasi eh! Wala naman akung ginawang masama.
Hindi na ba pwedeng tumanggi? Aissssh!! T__T
Kaya mo iyan Syndi!!
AJA!!
O__O
Na naman?!!
"Hala! Bakit may nakakalat na basang basura sa school?"
"Dapat tinatapon na iyan sa basurahan!"
"Tama ka! Halika tawagin natin ang Janitor"
Naiinis na talaga ako!!
"Hoy Syndi tawag ka ng president natin?"
"Bakit?" inalis ko iyung mga basura sa buhok ko at damit "Ano na naman ba iyung ipapagawa niya?"
"Aba'y ewan! Basta sumunod ka nalang"
"Naman!!"
Wala na ba silang ibang mauutusan bukod saken?
Myka
"Sumusobra na talaga ang mga iyan!"
Nakakainis talaga ang Rain na iyan eh! Buti nalang hindi ganun si Ryan ko! Pagkatapos niyang ligaw-ligawan si Syndi bigla nalang siyang aayaw. Ano iyun? TRIP?!
Ngayon hindi ko pa makita si Syndi...Aisssh! Asaan na ba iyun?!"
Ryan
"Hindi ka man lang ba tatayo diyan at pigilan ang mga alipores mo sa pagpapahirap kay Syndi?"
"Hindi ko sila Alipores...wala na akung pakialam sa babaeng iyun"
"Alam mo hindi talaga kita maintindihan eh!" napakamot nalang ako sa ulo "Hindi ko alam na may pusong bato ka palang tinatago sa loob mo?"
Hindi na niya ako sinagot. Minsan talaga mahirap espelingin ang ugali ng kambal ko. Minsan na nga lang ako mag P.O.V sa story nahihirapan pa akung ipabasa ang nasa utak ko. Aisssh!
Sanay na ako sa ugali ng kambal ko...peru parang hindi ko na talaga gusto ang pagkamalihim niya nitong mga nakaraang araw. Nabwe-bwesit ako! Kung mag-ala Edward Cullen nalang kaya ako? Kaso wala akung the Power of Reading minds...kagwapuhan meron ako.
Ano nalang ang gagawin ko sa isang ito?
Napatingin nalang ako sa labas ng bintana....Nakita ko si Syndi may dala-dalang kahon na patong-patong.
"Nakakakita pa kaya siya niyan?"
"May kausap ka ba?" tanong saken ni Rain, sumilip din ito sa may bintana sakto namang natumba si Syndi...Aissh! Sabi ko na nga ba eh...Mahirap kayang maglakad na may kahon-kahong dala..Dapat nag convert siya ng Formula A=wh....para ma kalkula niya ang bigat at ng mabalanse niya---- Aisssh!!
Anong connection nun?!!
"Hindi talaga nag-iisip" narinig kung bulong ni Rain bago ako tinalikuran
"Saan ka pupunta?!"
"Magpapahangin"
"Sa labas?"
"Ay hindi sa loob..."
"Nagtatanong lang eh...masama ba?"
"Ewan ko sayo!”
"Kung may time pakitulungan mo nga si Syndi mabigat yata iyung dala-dala niya"
Lumabas na siya peru hindi paman ako nakakapagbilang ng oras ay bumalik agad ito. “May nakalimutan ka?”
Lumapit siya saken saka walang sabi-sabing kinuha ang salamin ko sa mata at sinuot iyun bago ako tinalikuran.
“Pahiram mo na”
“Aanhin mo iyan?”
“Wala”
Aanhin niya ang salamin ko? Trip?
Malas naman oh!! Nagiging gwapo ako nun eh kapag suot ko iyun .. Kakain na nga lang ako!
Rain
Ewan ko sa babaeng iyun kung bakit tinitiis niya ang ginagawa ng mga estudyante dito? Aisssh!! Kailangan ko pang magpanggap na si Ryan para lumapit.
Teka?!
Bakit kailangan ko pang magpanggap na si Ryan?
Dahil hindi ka nun kakausapin kapag ikaw si Rain….alam mo namang ma pride ang isang iyun. Kung magpapanggap kang si Ryan may 50% na kakausapin ka nun.
50% lang?!
Okay na iyun…at least may percent…e ang sayo…ZERO…ITLOG
Bakit ko ba kinakausap ang sariling utak ko?
Malay ko sayo!
Aisssh!!
Ang Weird ko…
“Bwesit talaga!! Ano bang laman ng kahon na ito? Ginto? Ang bigat ah”
“Gusto mo ng tulong?”
Nagulat naman ito peru dinedma lang ako. Aisssh! Sinundan ko nalang siya.
“Kung mabigat hayaan mo ng tulungan kita”
“Iwanan mo na nga ako Rain!”
Naman! Nakikilala niya parin ako? No! Huwag kang magpahalata…Gayahin mo nalang si Ryan.
“Mas gwapo ako nun…ako si Ryan” tinignan niya ako “B-bakit?”
“Kamukha mo siya eh”
“Syempre kambal kami…may tuliling ka ba?”
“Hmmmp! Huwag nalang Ryan baka ano pang isipin ng ibang tao”
“Anong pakialam ko sa kanila…isa lang silang particles na pilit nabubuhay dito sa Earth”
“Ikaw nga si Ryan…ang hilig mong e-relate sa subject ang mga sinasabi mo”
Buti nalang naalala kung mahilig magdaldal ang kambal kung iyun at nire-relate sa subject matter…GOOD!
“Tama ka…ako si Ryan, at dahil hindi ako si Rain hindi ka nila pakikialaman kung tulungan man kita” kinuha ko na iyung ibang kahon “Minsan lang ako ganito kaya magpasalamat ka na rin”
Ngumiti ito “Hindi ko talaga alam kung bakit mahal ka ng kaibigan kung iyun?”
“May sinasabi ka?”
“Ah…w-wala”
Matanong ko nga lang sayo Rain…Bakit mo naman ito ginagawa? Akala ko ba wala kanang pakialam sa kanya…EWAN!! Hindi ko na alam…
Ano bang ginagawa ko dito?
She heaved a deep sigh “Ngayon ko lang nalaman na napakabangis ng mga fans nyo…Grabeh kayo! Parang kayong mga Gods…kulang nalang ay ialay nila ang sarili nila.”
“Ahhh”
“Alam mo naiinis ako sa kambal mong iyun…Liligaw-ligawan niya ako tapos bigla nalang niya akung aayawan. Ano iyun? Trip…Tama lang siguro na hindi ko na lang siya pinaniwalaan..hindi din pala siya seryoso saken” she sighed again…
Nakinig lang ako sa kanya…minsan nafe-feel ko ang guilt…ASAR!
“Siguro nga pinaglalaruan lang ako ni Rain? Muntik pa akung maniwala sa kanya…peru hindi naman pala totoo…” tumingin siya saken “Ganyan ba talaga kayo? Sumasaya ba kayo kapag may ibang nasasaktan?” naiiyak na ito…
Syndi?!....
Marahas na pinahid nito ang namumuong luha….Ngayon ko lang nakitang umiyak si Syndi. May kahinaan din pala ang isang babaeng matapang pa sa Lion.
“Ngayon gulung-gulo na ang buhay ko dahil hindi ko sinagot si Rain. Lahat nalang ginawa nila para saktan at mapahiya ako…Feeling ko tuloy nakapatay ako ng tao at dapat pagbayaran ko ang kasalanan ko. Nakakaasar talaga ang kambal mong iyun”
“……….”
Tumingin ulit siya saken “Ganito ka ba talaga hindi nagsasalita?”
“Hindi pa tayo close…ayokong maging FC”
Natawa ito “Nailabas ko na lahat sayo iyun naman pala para lang pala akung lamok sayo…di bale na nga lang. Sa bagay masungit ka nga pala sa ibang tao peru madaldal ka sa harap ng pamilya mo…Matanong ko lang?”
“Ano iyun?”
“Ganyan ka ba talaga? I mean ang weird mo?”
“Hindi ako weird…ayoko lang makita ng ibang tao ang tunay na ako..Hindi kami Close..iyun ay Privacy…second, hinahayaan kung makilala ako ng pamilya ko dahil Close kami…iyun ay public for family lamang”
Ginaya ko lang ang sinabi ni Ryan noong tinanong ko siya nun…Weird talaga ang isang iyun. Buti nalang hindi ako ganun kalala. Pengkum iyun!
“Ahhhh…ngayon alam ko na”
“Saan mo ba ito dadalhin?” pag-iiba ko
“Ah sa storage room lang”
“Ah…sige…”
“Bakit mo kO tinutulungan ngayon Ryan?”
“Wala akung magawa eh…inaantok ako…ng makita kita napagtripan ko lang tulungan ka”
“Naman! Kung hindi mo pala ako napagtripan di mo rin ako tutulungan?”
“Parang ganoon na nga”
“Aisssh!...” peru ngumiti parin ito…ang cute niya…O__O “Salamat parin Ryan ha”
“Ah…O-okay lang”
Nalunok ko iyung laway ko bigla..Saan galing iyung compliment na iyun? Napahawak bigla ako sa dibdib ko….THUD! THUD! THUD!
Ano iyun?! Breathe in….Breathe out….nawawala na rin ang malakas na tibok ng puso ko…Siguro dahil sa init lang iyun ng araw…Yah..Tama..
“Okay ka lang Ryan?”
“Ah….” Napatingin ako kay Syndi…bigla ko nalang ipinatong ulit iyung mga kahon “Ito! Malapit naman na ang storage room. Aalis na ako” tinalikuran ko na siya…teka…saan ba ako dadaan?
“Ah…Ryan saan ka pupunta?”
“Sa classroom….sige bye”
“Ah…hindi iyan papunta sa classroom eh..” tumingin ako sa kanya
“Huh?”
Itinuro niya ang daan “Doon”
“Ah…Ganun ba…sige salamat”
Crap!! Mukha akung tanga!! Aisssh!! Nakakahiya! Asar naman oh!
“Ang weird talaga nun…”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro