11. Walang Iba
Weirdysays: Ang dami kung pending stories at projects ehehhe...ang dami kasing lumalabas sa utak ko ahahhaa...Kaya minsan hindi ako napapakapag-update dahil sa mga sunod-sunod na mga PT at Projects..Kung kailan pasko saka naman nila ako pinahihirapan ng husto..Haiiizz!! ehehehe
Ps: Sana po suportahan nyo rin ang dalawa kung story..."My Last Card for Love" at "Atsay in Disguise" salamat po :)) Love you
11. Walang Iba
"Saang lupalop ba ng mundo mo ako dadalhin ha?!!"
"Basta! Magugustuhan mo doon"
"Hindi pa nga tayo nakakarating doon hindi ko na nagugustuhan, pagdating pa kaya natin"
"Alam mo ang dami mong reklamo eh! Mabuti pa just enjoy this day dahil hinding-hindi mo ito makakalimutan kahit tumanda ka"
"Owss?"
"Yup! Lagyan mo ng X mark ang kalendaryo mo tandaan mo August 23 ... ito ang pinakamasayang araw ko kasama si Rain. Magdrawing ka narin ng hugis puso sa gilid para mukhang Romantic"
Hindi kaya nababaliw na ang isang ito?
"Magsasayang lang ako ng kalendaryo,tinta,oras,lakas at effort no"
"Ang dami naman nun"
"Syempre naman" proud ba akung ngumiti sa kanya...pangpapainis ba ehehhe
"Daya!"
"Ehhehee...ganun talaga!"
Biglang huminto ang bike....napahigpit tuloy ako ng yakap sa kanya. Naman!
"Ang sarap pala ng feeling no kapag may mahigpit na yumayakap sayo?"
Nang mapansin ko ang tinutukoy nito..bigla akung kumalas sa pagkakayakap sa kanya saka bumaba sa bike...Manyak talaga ang isang ito eh!
"Nandito na tayo!" malaki ang ngiting inilibot nito ang paningin.
Napatingin din ako sa paligid. WOW!!! Ang ganda!! Parang isang lumang paraiso...wala gaanong tao...kung meron man nagba-bike or nagjo-jogging lang...Ngayon lang ako nakapunta dito...
May ngiting binalingan ko ang nakangiting mukha ni Rain
"Hindi na masama...Halatang lagalag ka talaga?"
"Hindi naman masyado" yumuko pa ito saka nilagay ang isang kamay sa batok nito bago ako nginitian ng ubod ng cute.
CUTE NA NGITI? Kailan pa iyun?!
Hindi paman ako nakakarecovers sa pinag-iisip nitong aking magaling na utak...ay hinawakan nalang ako bigla ni Rain sa kamay ay hinila.
"Saan tayo pupunta?"
"Doon" itinuro nito ang isang papasok na daanan patungong gubat "Sa loob nun"
"Huwag mong sabihing trip mong mangubat ngayon?"
"Hindi naman ehehhee....Basta sumunod ka nalang"
"Susunod talaga ako hila-hila mo ang kamay ko eh"
"Ehehehhe...mahirap na at baka mawala ka pa"
"Yeah Right"
Hindi ko alam...peru parang naantig naman ang aking puso sa sinabi niya. May nakikita tuloy akung mga anghel na nagkakantahan...at ang puso ko!
OMG!!
Ang puso ko!!! Bakit ang lakas ng tibok nito? Hindi kaya dahil tumatakbo kami? Aissh! Bahala na nga!
Pagkalipas ng limang siglo at tatlong henerasyon nakarating kami sa isang lugar na napakaganda. Akalain mong may malinis na lawa pala sa loob ng gubat na iyun at ang raming magagandang mga bulaklak!
Paano naman kaya napunta ang isang Rain dito?
"Paano mo nalaman ang lugar na ito?"
"Sa pamamagitan ng paggala eheheh" inilatag na nito ang isang picnik cloth, basket na may lamang mga pagkain..Teka, Hindi ko napansin iyan ah?
Lumapit ako kay Rain saka umupo sa gilid nito "Ang rami mo talagang surprisa noh? Kaya siguro naiinlove ang mga babae sayo dahil you never fail to amuse them"
"Siguro nga?"
"Matanong ko lang ilang babae na ba ang nadala mo sa lugar na ito?"
"Maniniwal ka ba kung sasagutin ko ang tanong mo?" inabot nito ang isang lollipop saken "gusto mo?"
Kinuha ko iyun "Thanks," binalatan ko muna iyun "Depende sa magiging sagot mo" saka kinain
"Actually, ikaw lang ang una"
"Ows, hindi nga?!"
"Sabi ko na nga ba hindi ka maniniwala ehehe"
"Malay ko ba kung nagsisingungaling ka?"
"Yeah right...sa maniwala ka at sa hindi, ikaw pa ang unang babaeng dinala ko sa lugar na ito"
"Bakit naman?"
"Malayo eh...at saka nakakatamad ehehe"
"So ano? pinapalabas mong hindi ka tamad ngayon?"
"Inspired ako eh"
"Huh? Kanino?"
"Sayo"
Muntik na akung masamid sa sarili kong laway...Sus ko naman sa isang ito! Nakakabigla!
"Heto na naman po tayo...."
"Bakit ba ayaw mong maniwala na totoo at sincere ako sa panliligaw ko?" para namang sakit na sakit ito sa nalaman...
"E kasi naman...Weird lang kasi eh...I'm not used of you na sweet at saka mabait saken. Palagi kaya tayong nag-aaway tapos ganito nalang tayo bigla?"
"Nakita mo na ba ang play na "The Boor and The Proposal?"
"Narinig ko na iyun peru di ko pa nakita? Bakt napasok ang play na iyan sa usapan natin?"
"Alam mo ba ang linyang hinding-hindi ko makakalimutan sa palabas na iyun?"
"Hindi pa.." hindi ko nga napanood..alangan namang alam ko..Ano iyun?!
"Love can vanish anger and restores one's happiness" tapos ngumiti siya saken "Iyun ang explanation ng lahat kung hindi ka parin handa...handa naman akung maghintay eh..Okay!"
Wala akung masabi....
May point naman talaga ito....
"Ah...eh...."
"Ah wait!! May nakalimutan ako!" tumayo ito "babalik din ako agad?"
"Saan ka pupunta?"
"Hmmm...Basta...sandali lang talaga ako. Wait ka lang diyan" then he wink at me tapos tumakbo na palayo
Napabuntong hininga nalang ako... Nawe-weirduhan na talaga ako sa sarili ko... Noon makita ko lang ang pagmumukha nun tumataas na ang dugo ko. Ngayon parang wala lang...Ano iyun? Hindi narin ako ganoong naasar sa isang iyun? Ano din iyun?
Love can vanish anger and restore one's happiness....
Ano iyun love na? Ang bilis naman yata? Kidlat?! Ganun?
Aissh!! Napakamot nalang tuloy ako sa ulo ko...Pati ulo ko kumakati dahil doon. Aissh!
"I"M BACK?!!"
O__O
Napatingin ako sa hawak nito...Guitara?
"Saan galing iyan?!" turo ko sa gitara
"Hmm...hiniram ko muna sa isang mamang manggigitara sa tabi"
"Inistorbo mo pa talaga ang mama?"
"Ahehhee...nakalimutan kung dalhin iyung akin eh?"
"Marunong ka niyan?!"
Pumwesto na ito sa tabi ko "Para namang hindi mo narinig ang banda namin?"
"Ay oo nga noh?"
"Ikaw talaga eh" ginulo niya iyung buhok ko "E ito nalang kanta ko para sayo....makinig ka ha"
"Compose mo?"
"Hindi"
"Ay ang pangit!!"
"Ehehhee....next time nalang na gahol ako sa oras eh..."
"Hmmm..." ngumiti na rin ako "O sige na nga"
"Okay...."
Sinimulan na niya ....
Ilang beses ng nag-away
Hanggang sa magkasakitan
Na 'di alam ang pinagmulan
Pati maliliit na bagay Na napag-uusapan Bigla na lang pinag-aawayan
O__O Shucks naman! Parang kami lang kung mag-away ang lyrics ng kanta niya....Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa mukha nito....gwapo pala nito kapag kumakanta, maganda din ang boses...Kung hindi lang siguro ako naiinis sa mukong na ito...iisipin kung walang Pintas ang isang ito....Hayyy naku... Makinig ka nalang kaya Syndirella?
Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano Ikaw pa rin ang gusto ko
Kahit na sinasampal mo ako't
Sinisipa't nasusugatan mo Ikaw pa rin
Walang iba Ang gusto kong makasama
Walang iba
Walang iba
Nagsimula sa mga asaran
Hanggang sa magkainitan
Isang eksenang bangayan na naman
Ba't ba kase pinagpipilitan
Ang hindi maintindihan
Di naman kinakailangan
Ngunit kahit na ganito
Madalas na di tayo magkasundo
Ikaw lang ang gusto kong makapiling Sa buong buhay ko
Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano Ikaw pa rin ang gusto ko
Kahit na sinasampal mo ako't Sinisipa't nasusugatan mo
Ikaw pa rin Walang iba
Ang gusto kong makasama Walang iba
Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano
Ikaw pa rin ang gusto ko Kahit na sinasampal mo ako't
Sinisipa't nasusugatan mo Ikaw pa rin
Walang iba
Ang gusto kong makasama
Walang iba
Bigla siyang tumingin saken at masayong nginitian.... BOK! BOk!! BOKK!!! Bakit ganito? Ang lakas na naman ng tibok ng puso ko...
Wag ka ng mawawala Hmm, walang iba
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro