1. First day Clash
If u happened to read this chapter plz vote,like and comments
Thanks
1. First day Clash
Unang araw ng pasukan at maganda ang mood ko. Kinuha ko ang bike ko at sinakyan iyun.
“Aalis na po ako!”
Sanay na akong walang sumasagot saken kaya okay lang iyun. Tinapakan ko na ang pedal ng bike.
“Ate!!”
Napahinto ako at napalingon sa pinto ng bahay. Napangiti nalang tuloy ako ng makita ko ang kapatid kung si Aki. Patakbo itong lumapit saken.
Ginulo ko ang buhok niya “O bakit gising ka na? Hapon pa ang klase mo ah”
“Hi-Hi e ate naiwan mo kasi ang baon mo?” Inilahad nito ang isang paper bag.
May baon pala ako? Hindi ko alam iyun ah…Well, that’s something new to me. Sige na nga kukunin ko na ito.
“Ah..” ngumiti nalang ako saka kinuha ang paper bag “Salamat” may paglalambing ko pang sabi. Sweet ako eh!
“Welcome” abot tengang ngiti niya saken…Ang cute talaga ng kapatid ko!
Inilagay ko na sa basket ng harapan ng bike ko ang paper bag saka ko binalingan ulit ang kapatid ko
“O sige na aalis na ako”
“Ingat ka ate ha”
“Okay!” sumaludo ako saka kumuway sa kanya. Pinaandar ko na ang bike.
***
Ang saya ng umagang ito!! Sana ganito nalang palagi! Ang saya! Ang saya! Sobrang Saya!
“Woo---Myka?!”
Napahinto ako sa kinatatayuan ko. Anong ginagawa ni Myka sa labas ng classroom? Ano na naman kayang trip ng babaeng ito at parang manyakis na sisilipsilip sa labas? Yumuko ako na parang kuba at dahan-dahang pumunta sa pwesto nito.
“Hoi!!”
“Eeeiii!!” nagulat ito at natawa naman ako sabay upo sa gilid nito. “Fret naman eh! Ba’t ka ba nanggugulat ha?” sumilip ito ulit.
“E ano ba kasi iyang ginagawa mo diyan ha? Parang kang sirang manyakis diyan ah”
“Eww! Hindi ako manyakis ah!” tinapunan niya ako ng masamang tingin saka sumilip ulit.
Sino ba iyang sinisilip niya? Matingnan nga?
“Si RYAN na nama---“ bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay natakpan na niya ang bibig ko.
“Shsshsss…Huwag ka ngang sumigaw baka marinig tayo ni Ryan” sumilip ito ulit para siguraduhing hindi kami napansin. She sighed in relief.
Inalis ko iyung kamay niya “Naman Mykaella ha! Tigilan mo na nga iyang pagsinta mong iyan sa Ryan na iyan ha…Hindi ka na papansinin nun. Get a LIFE!”
Ngumuso ito na parang bata “But he’s my LIFE!!”
“Hala! Baliw ka na ba ha? Mag-aapat na taon na tayo sa school na ito ni hindi ka naman nun pinansin”
“Well, nag Ha-Hi at Hello siya saken…Counted na iyun”
“Naku naman! Nababaliw na ako sayo Mykaella”
“Fret huwag mo na ngang problemahin ang love life ko. Humanap ka na ng sayo at ng maintindihan mo ang tunay na pag-ibig”
Yeah Right! Tunay na pag-ibig here we go again…Hanggang kailan ba tayo matatapos sa topic na iyan ha!
“Walang Tunay na pag-ibig okay!”
“Meron kaya! Bakit hindi ba tunay na pag-ibig ang sa mommy at sa daddy mo?”
Natigilan ako…Naman eh! Naalala ko na naman si Daddy. Naniniwala ako sa true love noon hindi naman iyun nabago. Medyo mas pinaniniwalaan ko na ang Reality kaysa sa mga ganyang bagay. Pagmamahal? Ewan ko!! Arggghhh!! Bakit ko ba iyun pinagtutuunan ng pansin?
“Bahala ka na nga papasok na ako” tatayo na sana ako ng bigla niya akung hilain ulit paupo
“Sorry”
“Bakit?”
“Basta Sorry….”
Hayy naku! Ang bilis talaga ma-guilty ng isang ito…Alam niya na siguro kung bakit natahimik ako bigla. Oh well…
“Pengkum ka talaga eh hihihi”
“Hoi! Bawal ang PDA dito!”
PDA?
O__O
Raaayyyyyn!!
Kahit kambal sila kilala ko pa rin kung sino si Rain at si Ryan sa kanila kahit mukhang pinagbiyak na bunga talaga ang dalawang multong iyun! Ryan’s has a light blue eyes while Rain is more darker peru ewan ko ba kung bakit marami parin silang naguguyong dalawa. Dahil First day natural na hindi kami naka uniform madali lang iyung i-identify kung sino si Ryan at si Rain peru kung may uniform na... nakakabuwang nag b- B1 at B2 ang dalawa! At nakakaasar iyun!!
“Anong kaguluhan ito?!” lumabas na ng classroom si Ryan at iba pang studyante sa classroom.
“R-Ryan?” kinikilig naman si Myka…Hayy naku! Hindi ko talaga maasahan ang isang ito.
“Wala naman kapatid” ngingisi lang ang mukong “Nagpapansin lang ako. Oh—Hi Girls” at kumaway pa talaga sa mga students. Ano ka artista? Feeling ka ha!
“Eeeiii…. Ang gwapo mo talaga Rain” kinikilig na sigaw ng isang babae. Iyan Gwapo? Okay ka lang? Magsalamin ka kaya?
“I know”
“Ang Kapal!” bulong ko nalang
“Hay naku Syndirella alam kung nagwa-gwapuhan ka saken kaya huwag mo ng i-deny huli ka na eh”
“Ang gwapo ni Ryan” naiinis na nga ako! Nag day dreaming naman itong si Myka!
“Pwede ba hindi ako katulad ng mga Fans mo! Hindi ko sila katulad”
“Ahahaha… Ows?”
“Kaya huwag ka ng mag-assume na gusto kita dahil never!”
“I think narinig ko na iyang linyang iyan eh” pag-aalala ni Rain
“Mom used to hate Dad before but they still end up together” sansala naman ni Ryan na nakangisi.
Naman talagang itong kambal na ito!!
“But mind you brother” umakbay si Rain sa kambal nito “Hindi ko type ang mga babaeng hindi tao. Hindi ako cheap ahahhaa”
CHEAP?!! Anong sabi niya? Hindi ako tao? ‘Langya ka!!
“Excuse me lang po Mister ha!” nilapitan ko siya at dinuro “Huwag na huwag mo kung malait-lait dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!”
“Hahalikan mo siya Fret?!” biglang sigaw ni Myka. Aissh!!
“Papayag ako diyan basta torrid ha” may nakakalokong ngiti nito.
Manyak talaga eh!! Torrid-iron ko iyang pays mo eh!
“Manyak ka talaga noh! Kilabutan ka nga sa mga pinagsasabi mo Rain!”
“Bakit ako ba ang nagsabi nun?”
“Yeah Right!”
“Bakit ‘di mo nalang kasi e-kiss ang Bud ko” panunukso naman ng ‘langya niyang kambal “Sweet ang lips niyan parang Honey hihihi”
O__O Mga Manyak!!
“Sa pagkakaalam ko wala pa namang nagrereklamo sa mga halik ko. They even begged me for more”
“E kasi lahat ng mga iyun ay nalason namatay at nababaliw!!”
“Alam mo Syndirella napaka Cynic mong tao. Nakakasama ka na ng loob eh…Hindi mo man lang ma appreciate ang kagwapuhan namin. Ouch!” nagdrama pa talaga!
“Wala ka ng pakialam doon!”
“Fret huwag ka ng makipag-away sa kambal ng Hubby ko nakakagasgas ng image ko eh” kumapit siya sa braso ko “Maawa ka naman sa kinabukasan ko”
Naman talaga oh! Mas inaalala niya pa ang kinabukasan niya kaysa sa akin!
“Ano naman bang kaguluhan ito ha?”
“Mr. Lakambini?!”
“Na naman ba?! Naluluka eketch sa inyong apat! Will you stop it already?”
Meet Mr. Lakambini ang binabae naming teacher…noong first year, second year at third year. Bakit kaya? Well, sa kabila ng pagkabinabae nito ay nirerespeto naman ito ng mga estudyante dahil siya ang naghahandle ng CAT. Yeah! Astig diba!! Maton iyang si Sir… Peru Wait iba ang eksena ngayon? Back to the studio! I mean….Ah ewan!!
“E naman kasi itong si Syndirella, Mr. Beautiful Lakambini” smile “Inaaway na naman ako”
“I like your compliment Rain hihihi…” ngumisi ito saka naging seryoso “Kailan ba naging bago iyang pag-aaway nyo ha! Para kayong bata! First day of school naghahasik na naman kayo ng lagim! Kaluka kayo! Nagkaka-wrinkles na naman ako sa inyo” hinaplos-halplos nito ang ilalim ng mata nito.
“E siya ang nauna eh!” sigaw ko naman.
“K siya ang nauna…K sya ang nahuli wala akung pakialam. You two will put in detention after my class kaya PASOK NA!!”
“Naman eh!!” napakamot nalang si Rain
“Iyan ang napapala mo Bud eh” tinapik naman ito ng kambal saka pumasok sa classroom
“Halika na nga Myka” hinila ko na si Myka “Hahanapin pa natin ang classroom natin”
“Ahhh…eh…Fret”
“Ahhh…eh… Ms. Aguilar?!”
“Yes sir?!”
“Saan ka pupunta?!”
“Sa klase ko po” saan pa po ba?
“Actually, dito ka sa Classroom na ito” itinuro pa nito ang pinto
“Huh?!! DIYAN!! Kung saan ang mga HAYOP?!” AYOKO!!
“Iyan iyung gusto kung sabihin kanina pa” bulong saken ni Myka
“OO kung saan maraming Hayop!! Kaya PASOK NA!! Bago ko pa gawin itong ZOO”
“Halika na Fret” hinila na ako ni Myka papasok
Na naman?! Bakit palagi nalang kaming magkaklase ng lalaking ito?!
Humanap nalang ako ng mauupuan kasi nakaupo na kasi si Myka sa likod ni Ryan…Na naman.. Wala ng bago sa seating position nilang iyun since first year. Talaga naman oh…
At sa malas-malas ko pa ay isa nalang ang bakante…At iyun ay ang katabing upuan ni Rain..Aisssh!! Kung minalas-malas ka naman oh! Marahas ko nalang inilapag ang mga gamit ko sa table ko at umupo.
“Nagdadabog ka Syndi?” taas ang kilay na tinanong ako ni Mr. Lakambini. E ba’t nandito pa iyan?
“Wala po!”
“Looks like you can’t get away from me?” I glared at Rain “Pinaglalapit yata tayo ng tadhana isn’t it HORRIBLE?!”
“Shut up!” bahala ka na nga sa buhay mo!
“Ok..Good Morning Class” nakangiting bati sa amin ni Mr. Lakambini…Seriously, wala ba talaga siyang balak umalis?
“Good Morning Mr. Lakambini!”
“Galit?!”
“Hindi po!”
“Well, Welcome to our NEW HOME students!! Ahahhaa” Ito lang ang pumalakpak. “Wala bang palakpakan diyan?!”
“Ikaw ang class advicer namin?”
“Oo…may problema ba doon?!”
“NA NAMAN!!! Nooooo!!!!!!”
“O Yessss….. Now, Let’s start to Party!! Get one whole sheet of paper will have a long quiz back to back!”
“Waaaaaaaa!!!”
***
Klasmet na naman kami ng Ryan ko…Eeeeiiii!! Kinikilig ako!! At ang swerte ko pa dahil na sa likod niya ako kitang-kita ko ang maganda niyang likod…Gosh!! Eeeeiiii!! Magpapadasal ako ngayon!! Kailangan kung magpasalamat kay Lord sa biyayang binigay niya saken ngayon… HAhhahaha….SAYA!!
Tandang-tanda ko pa ang una naming pagkikita ng Irog ko…It was something I won’t never forget!! Syempre na kilala ko ang aking Mahal! At grade six pa ako noon…
Si Ryan James Montague
Kinakabahan na talaga ako!! Gosh!! Gosh!! Kaya ko ba talaga ito? Yes! Kaya mo iyan Mykaella Franceska MonteMayor ikaw pa! Pinagpala ka ng Poong Maykapal kaya Kaya mo ito…AJA!!
Mabuti pa umupo muna ako bago ang interview ko…Yeah…Tama…
Ah doon… lumapit ako sa kinauupuan ng isang lalaking may hawak na isang bote ng tubig, nakayuko at parang may kinakabisado.
“Ahh…May I sit here?”
He looked up, stared, then smiled at me “Sure”
Ewan ko ba…peru parang lumakas yata ang tibok ng aking puso..Gosh!! Ang gwapo niya..At Napaka-asul ng mga mata niya…Half kaya siya? Gosh!! Naupo nalang ako. I tried to get myself back kaya tumingin nalang ako sa glass window at tiningnan ang magandang view ng mga makukulay na bulaklak sa labas. Peru hindi ko kaya eh! Para bang may magnetic force na humihila saken para tignan ang lalaking may magandang ngiti at asul na mata?
Ano ito? Bakit ganun?
Tumayo ang lalaki at palakad-lakad sa harap ko…Kinakabisado nito siguro ang piece nito. Siguro isa siya sa mga kalaban ko…Ang gwapo niya namang enemy…Naman! Maghunusdili ka nga Mykaella! Peru ang gwapo niya talaga eh…Pwede bang titigin nalang kita?
Bumalik ito sa kinauupuan niya.
“Ryan James Montague?!”
Tumayo ito saka pumasok sa isang silid.
Ang gwapo niya talaga!!!
I Think I’m in love with that blue-eyed-boy named, Ryan James Montague?
Isa siyang biyaya sa Maykapal!!
Katatapos ko lang i-deliver ang speech ko about sa Filipino Values…Ako kasi ang nagprisenta sa school namin sa Voice of the Youth peru feeling ko I’m doomned!! Nagkamali ako…Waaaa…Bakiiiiit?!!
Bababa na sana ako ng stage ng makita ko ang blue-eyed-boy named, Ryan James Montague..He smiled at me then raised two thumbs up..
OH MY GOSH!!! Did he just smiled at me again? Gosh!!
Para na namang nagpiyesta ang Puso ko!! I think I’m in love with him na!!
Hai!! Mahal ko na siya!! Ang gwapo niya talaga!!
Iyun na ang naging simula ng aking magiliw na pagsinta sa aking Irog na si Ryan…Hayyy…nanalo ako bilang first runner up at champion naman ito…kahit hindi na ako nanalo okay na saken iyun…dahil nakita ko naman ang aking Prinsipe!
“Tapos anong ginawa mo?”
“Inalam ko ang school niya, search him on the friendster…found him, send him a friend request, he accepted me, we become friends in Friendster, then I get the chance to be updated with his life.Noong uso pa ang friendster.. Then I followed him to this school…” I sighed dreamily “I have to follow my heart…”
“Huh?!”
“Huh?” nakita ko nalang nakakunot ang noo ni Syndi saken “Bakit?!”
“Tinanong kita kung ano ang naging kasunod na eksena sa BUDOY? E bakit napunta ka sa FRIENDSTER?”
“Ahhh…ehehhehe” akala ko…Well, ganyan talaga kapag umiibig nawawala sa ikot ng mundo
“Ewan ko sayo Myka! Aalis na nga lang ako! Pupunta pa ako sa detention ko kasama ang Monster na iyun…Gosh! Pray for me”
“O-okay...Goodluck!”
“Yeah Right…”
Talaga itong si Fret kahit kailan…ehhee…Basta ako inlove…Ano kaya ang gagawin ko this year? Susulat ng love letter? Ipagluluto siya? E-babake ng Cakes at cookies? Gayumahin? I think the last one sounds like a good idea hihihihi….Wicked me! Shing! Shing!!
“Hey, are you okay?”
OMG!! Ryan James Montague is that YOU?!! Pakakasalan mo na ba ako?
“Ah…eh…Yeah, why?”
“Baliw ka ba? Ngumingiti ka kasi mag-isa?”
Ahahhaha…NAKAKAHIYA!! LUPA LAMUNIN MO NA AKO, DALI!! T_T
“Ahhh….Gutom lang siguro ako” Yeah right!!
“Cute”
“Huh?” napatingin ako sa kanya
“Cute…You should often wear red headband. It looks good on you.Red looks good on you. Cute”
Totoo ba ang aking narinig? Bagay saken ang red headband kong ito? Hindi nga…Nahaplos ko tuloy ang headband ko…Makabili nga ng sampung kahon ng red headbands mamaya hihihi...At tiyaka isang kabinet ng puno ng pulang damit at churva!
Saya!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro