Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Monita Girl 2

Tiningnan ko kung sinong katabi ko at nainis ako kung sino yon.

"Grayson Forbes! Bakit mo ginawa yun?" naiinis kong tanong sa kanya.

"Dahil hindi mo ako pinapansin. Kanina pa kaya ako nasa tabi mo." sabi niya na parang bata.

"At bakit naman kita papansinin?" mataray kong tanong sa kanya. Konti nalang at hahampasin ko na ito.

"Dahil sa gwapo ako at cute." sabi niya at nagpogi sign pa ang loko. Dahil dun ay pinaghahampas ko siya at sinasabunutan pa.

"Bwisit ka talagang lalaki ka! Una, tinutusok-tusok mo ang pisngi ko. Pagkatapos ay pinipisil mo naman, ang sakit pa naman! Tingnan mo ang nangyari sa pisngi ko. At huli, kinurot mo ako sa braso magkakapasa pa ako dahil sa ginagawa mo!" inis kong sabi habang hinahampas pa rin siya.

"Sorry na Lin-Lin. Masakit! Sorry na!" paulit-ulit niyang sinasabi habang iniiwasan ang mga hampas ko.

"Ang sweet ninyong dalawa! Pinagtitinginan na kayo oh!" kinikilig na sinabi ni Lara habang dala ang isang tray na nakalagay doon ang ang mga pagkain namin. Wag mong sabihin kanina pa siya nakatayo at nakatingin sa amin?

"Ayaw ko naman istorbohin kayo kaya hinintay ko nalang kayo matapos." sabi niya at umupo na sa tapat ko.

Tiningnan ko ang paligid namin at totoo ang sinasabi ni Lara, lahat ng tao dito sa canteen nakatingin sa amin. Yung iba kinikilig, yung iba hawak ang kanilang mga cellphone pinipicturan yata kami at yung iba masama ang tingin sa akin. Akala yata nila aagawin ko ang pinakamamahal nilang Grayson Forbes. As if!

"Bwisit kang lalaki! Tingnan mo tuloy ang pisngi ko ang pula!" naiinis kong sabi sa kanya at ang loko tumawa lang.

"Maganda ka pa naman kaya wag ka na mag-alala." sabi niya at ngumiti sa akin. Hahampasin ko sana siya nang bigla siyang tumakbo.

"Magkita nalang ulit tayo mamaya sa meeting Lin-Lin!" sigaw niya habang tumatakbo palabas ng canteen.

Dahil sa sigaw niya, umingay nanaman ang canteen kinikilig sa pinagsasabi ng bwisit nayun.

"Ayieeeee si Caitlin magkaka-love life na!" kinikilig na sabi ni Lara at pinaghahampas pa niya ako.

"Isa ka pa! Mapula na ang pisngi ko, masakit ang braso dahil sa kurit ng lalaking yun tapos hahampasin mo pa ako!?" naiiyak kong sabi sa kanya. Malakas pa naman ang hampas ng isang ito.

"Sorry na sis. Nabigla lang ako alam mo naman ako pag kinikilig." paumanhin niya.

Kumain na kami sa wakas! Andaming nangyari ngayon sa canteen tapos ngayon palang kami makakakain mygosh! Pagkatapos ay dumaan kami ng clinic. Humingi ako ng ice pack para sa braso ko. Nagkapasa pa ako, ang tagal pa naman at ang sakit ng kurit ng bwist na Grayson Forbes. At hanggang ngayon mapula pa rin ang mukha ko.

Aattend ako sa mga klase ko ng ganitong itsura!? For sure, magtataka ang iba kong kaklase kung bakit ganito na ang itsura ko, ang iba ay kikiligin kung alam ang nangyari, ang iba naman ay titingnan ako ng masama dahil ang pinakamamahal na crush nila ay lapit ng lapit sa akin. 

Babawi ako Grayson Forbes!!


~~

vote.comment.follow.support.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro