CHAPTER 9
Chapter Nine
No One
"Ano ba kasing nangyari?" Nag aalalang tanong sa akin ni Jen matapos kong sabihin sa kan'ya ang nangyari noong gabi ng pag uusap namin ni Marcus.
Isang mapait na ngiti ang namutawi sa labi ko. Nagkibit ako ng balikat.
"Wala. That's it."
Imbes na maliwanagan ay tila mas lalong nalukot ang kan'yang mukha.
"Teka." Napaangat ako ng tingin ng tumayo siya at lumipat sa tabi ko.
"Anong that's it, Mir?"
"That's it. As in we're just best friends Jen. Mahal niya ako bilang kaibigan. Hindi ba gano'n naman talaga?"
"No. Hindi! Bakit? Bakit hanggang doon lang?"
Hindi ko na napigilan ang matawa sa reaksiyon niya. Nitong mga nakaraang araw ay wala namang pagbabago sa relasyon namin ni Marcus. Ni pag iwas ay hindi ko ginawa kahit na alam kong dapat ay tapos na ang lahat ng pag asa ko para sa aming dalawa.
Umiling nalang ako at nagkibit ng balikat.
May sagot pa ba sa tanong na 'yon maliban sa hanggang doon lang talaga ang nararamdaman niya para sa akin?
I am his best friend... Best friend lang, period.
Ilang linggong nanatili ang pangungulit sa akin ni Jen tungkol sa kung saan nagkamali ang mga plano niya pero wala na akong maisagot.
"What? Do you need anything?" Kunot noo kong tanong kay Hermes isang araw ng mapansin kong hindi nawala ang titig niya sa akin.
Imbes na sagutin ako ay kinunutan niya rin ako ng noo. What the hell!
Binitiwan ko ang pagtitig sa kan'ya at muling ibinalik ang atensiyon sa ginagawa kong essay na ipapasa bukas.
Ilang minuto palang akong nakakabalik ay nahinto ulit ako ng hindi parin ako tinantanan ng lalaking nasa harapan ko. Padabog kong isinara ang libro ko bago siya muling harapin.
What the hell is wrong with this guy?! At bakit ba siya narito ngayon imbes na samahan ang mga lalaki sa gymnasium?
"Bakit ba Hermes?" Inis kong palatak sa kan'ya.
Bumuntong hinga siya at ipinilig ang kan'yang ulo.
"Bakit din ba? I'm just looking at you. Masama ba?"
Rumolyo ang mga mata ko sa kan'ya. At ngayon pa talaga niya ako kailangang titigan habang busy ako at may ginagawa? Hindi niya ba alam ang salitang nakakailang?
"Masama Hermes! Isa pa, bakit mo naman ako kailangang titigan aber?!"
Naghalukipkip ako at hinarap siya ng maayos.
"You can't hide what you really feel Mirthene." Makahulugan niyang sinabi.
Kusang nabuwal ang mga kamay kong nasa aking harapan. Wala sa sariling napalunok ako dahil pakiramdam ko'y may iilang tamang punto siyang nasapul sapagkatao ko.
"W-What do you mean by that?" Nauutal kong sambit.
Nagsalubong ang kilay niyang tila gusto talaga akong salain ngayon! Ano bang nakain niya ngayon at ganito siya kung nakapag-react?!
Nagkibit siya ng balikat at pagkatapos ay tumayo na upang iwan ako.
"Hoy!"
Sinubukan ko pa siyang habulin kahit na hindi naman dapat pero dahil sa malalaking hakbang niya ay ako nalang din ang sumuko.
Hermes gave me the same look everyday.
Hindi ko man siya gustong pansinin sa mga pang iintriga niya pero hindi ko mapiligan lalo na sa tuwing magkakasama kaming lahat.
Sa tuwing binibigyan ako ng atensiyon ni Marcus ay doon naman mas lalong tumutuon ang mga mata niyang mapanuri sa akin.
Tumikhim ako ng mahuli ko siyang nakatingin na naman.
Is he drunk? Sa pagkakaalam ko ay wala namang alak na inilabas si Jennifer pero bakit ang lakas ng tama niya?
"Fuck." Tipid na sagot ni Leonne pagkatapos banggitin ang isang babaeng sikat sa Campbell.
Umirap si Jen sa akin at inginuso ang sumagot. Natatawa namang tinapik ni Hermes sa balikat ang katabing kaibigan.
"Fuck boy ka talaga!" Si Marcus.
Humalakhak si Leonne at itinaas ang kamay niya para bigyan ng middle finger si Marcus.
Sabay kaming tumayo ni Jen para gumawa ng maiinom pero panandali akong natigil ng sumagot si Leonne.
"Coming from you Marcus! Sino kaya ang fuck boy!" Aniya.
"I'm not like you Leonne!" Ganti naman nito.
Kung hindi pa hinila ni Jennifer ang kamay ko ay baka hindi na ako gumalaw. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakaintriga.
Ang laro o ang mga sagot ng kalalakihan? Probably the last one.
Sa pagbalik namin ay nagpatuloy lang sila sa larong fuck, marry kill habang nasa harapan ng xbox.
Napangiti ako ng makita si Hermes na seryoso habang pinagiisipan ang isasagot sa tanong.
"Fuck Tiffany. Marry Pat and kill Jen."
Humagalpak ako ng tawa habang inaayos ang sarili sa tabi ni Marcus dahil ang kaibigan ko ay madaling napunta ang kamay sa braso ni Hermes.
"Jen what the fuck!" Gulat niyang hiyaw dahil sa agarang hampas na natanggap niya.
"That's for killing me Hermes!"
"That's a different one! Iyong nasa college of accounting! Tsk!" Palatak niya habang sapo ang braso.
Tumawa naman si Leonne at umiling iling kay Jen para ipahamak pa ang kaibigan.
"Sino 'yun?" Nakangiting tanong ko kay Marcus habang abala ang tatlo sa pagbabangayan.
"Iyong fan niyang obsessed."
Tumango tango ako at ibinigay sa kan'ya ang isang basong may lamang juice.
"Hindi nga kayo kasali! Leonne, damn it! Back me up!"
"Bahala ka sa buhay mo! You shouldn't kill your friends Hermes!" Humahalakhak niyang panggagatong sa galit ni Jen.
Tumayo na si Hermes ng hindi siya tantanan ni Jen sa pananakit.
"I hate you Hermes!"
Umiiling na tumawa ang huli.
"Anong gusto mo? Fuck? Marry?"
Nakita ko ang agarang paghinto sa pagiging bayolente ni Jen dahil doon. Umirap siya at ngumuso.
"Kahit ano huwag lang kill. Patayin kita e!"
Lumipat sa tabi ko si Hermes habang si Jen naman ay umupo na sa tabi ni Leonne.
"Tawa tawa ka diyan. Ikaw rin!" Ismid niya sa katabi. "Ako nga ang sasagot!"
Umayos siya ng upo sa tabi nito. Nang humupa ang asaran ay saka siya muling nagsalita.
"Fuck Marcus. Marry Marcus and kill the both of you!" Singhal niyang mas lalo yatang nagpagulo sa sitwasyon.
Umiling si Marcus at sinulyapan ako. Ngumiti lang ako sa kan'ya.
"Hindi nga pwede ang friends, Jen." Si Marcus.
"At bakit? Sige nga, ikaw nga ang sumagot. Ako, si Mir at si Tiffany."
Tumuwid ng upo si Marcus at ipinasa kay Leonne ang controller bago lagukin ang laman ng basong hawak.
"Come on! It's just a game."
Ilang ulit akong napalunok ng makita ang ambang pagsagot ni Marcus. Kahit ano yata doon basta mabanggit lang ang pangalan ko ay mababaliw na naman ako sa kaba.
Nagtinginan ang mga lalaki kaya napainom narin ako sa hawak ko.
"Kill Tiffany." Tanging sagot niya.
Lahat kami ay natahimik at huminto sa kan'ya kanyang gawain para lang hintayin ang sagot ni Marcus pero wala na itong isinunod.
Napawi ang ngiti ni Jen habang ang dibdib ko naman ay mas lalo ng kumalabog. Damn it! My hopes are getting high again!
"And? Fuck? Marry? who?"
Umiling siya at humilig sa couch na kinauupuan namin.
"No one." He said.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro