CHAPTER 8
Chapter Eight
Mahal Kita
Sa tagal na panahon naming magkakilala ni Marcus ay ito na yata ang pinakamahabang oras na natahimik ako dahil lang sa isang tanong.
Naghahati ang utak at puso ko sa isang sagot na sana ay noon ko pa sinabi pero imbes na sagutin 'yon sa paraang gusto ng utak ko ay wala akong nagawa kung hindi ang mapalunok nalang ng ilang ulit.
Huminga ako ng malalim ng makita ang pagtuwid niya ng upo. I badly wanna tell him that I want him... I love him...
Tila bumalik lang ako galing sa malalim na pagkakatulog ng marinig ang paghagalpak ng tawa ni Marcus kasabay ng pagpisil niya sa aking pisngi.
Halos humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan dahil sa gulat!
"Damn! That was funny!" Humahalakhak niyang sabi habang pinanggigigilan ang pisngi ko.
Sa pagbitaw niya sa akin ay parang doon lang isinampal sa akin ang lahat.
He's testing me again and I'm so stupid to feel this way! Muntik pa akong mapaamin dahil sa pang aasar niya!
"I hate you!" Inis kong hiyaw sa kan'ya ng makitang wala na yata siyang balak tumigil sa katatawa dahil sa naging reaksiyon ko!
"Kung makikita mo lang 'yung hitsura mo Mir! Nakakatawa para kang na in love bigla sa akin!"
Naramdaman ko ang ilang malalakas na sipa sa puso ko dahil sa kan'yang sinabi!
Tumuwid din ako ng upo at naghalukipkip sa kan'yang harapan.
"Are you kidding me?! Baka ma in love ako sa'yo! No way!" Inirapan ko siya.
Damn you Marcus! I hate you for being so playful! Muntik na ako!
Dahan dahang humupa ang tawa niya ng talikuran ko siya. Hindi ko na maawat ang kabang nararamdaman ko ngayon. Naiinis ako at parang gusto ko nalang siyang sapakin ng ilang beses dahil sa ginawa niya!
Nang maramdaman ko ang paggalaw niya ay nagmamadali na akong tumayo.
"Uuwi na ako." Huminga muna ako ng malalim bago siya hinarap.
Tumayo siya at tumango.
"Ihahatid na kita." He said.
I nodded at him. Ayaw ko ng dugtungan ang nabuksang asaran dahil alam ko, sa huli ay masasaktan lang ako sa mga birong sana ay totoo nalang.
Sa paglipas ng semester ay hindi ako nawala sa tabi ni Marcus. Madalas narin kaming magkasama kaysa kila Leonne. Ilang events at mga party narin ang nadaluhan naming dalawa at lahat ng 'yon ay siya ang date ko.
Sa bawat pagsikat ng araw at paglubog nito ay tila unti unti akong mabubuhayan ng loob para sa aming dalawa.
Sa bawat mga sulyap niya ay ipinapanalangin kong sana sa ibang paraan niya naman ako titigan
Sa bawat hawak niya sa kamay ko ay sana, siya na lang rin hahawak sa akin hanggang sa dulo...
"Nag eenjoy ka ba?" Nakangiti niyang tanong habang nasa dance floor kami.
Katatapos lang ng pormal na programa para sa reception ng kasal ng pinsan ni Marcus. And today, I am still his date.
Marahan akong tumango at ngumiti sa kan'ya. Naglakad ang kamay ko pahaplos sa kan'yang malapad na balikat hanggang sa kan'yang leeg.
"Thank you..." I blurted.
Nakita ko ang paglunok niya at pang ngiti.
"Saan naman?" Kunot noo niyang tanong.
Parang gusto kong maiyak sa inis ng magbago ang kanta sa kabuuan ng club house.
"I don't wanna lose you,
I don't wanna use you
Just to have somebody by my side..."
Payak akong tumawa. Damn it! Why do I feel so emotional right now? Dahil ba sa kanta? O dahil may nararamdaman akong kakaiba?
Iyong pakiramdam na gusto ko nalang siyang ipagdamot. Ang pakiramdam na gusto ko siyang ilayo sa lahat at sarilinin nalang...
"And I don't wanna hate you
I don't wanna take you
But I don't wanna be the one to cry
That don't really matter to anyone, anymore
But like a fool I keep losing my place
And I keep seeing you walk through that door..."
Umiling ako at muling ngumiti.
"Wala lang, gusto ko lang mag thank you kasi palagi kang nandiyan para sa akin. You always make sure that I am okay. Sa lahat lahat Marcus. Thank you... Walang halong biro."
Napalunok ako ng naramdaman ang marahan niyang paghapit sa katawan ko palapit sa kan'ya.
"Did you drink? May ibinigay ba sa'yo si Patricia?" Anito tukoy sa kan'yang pinsan.
"Wala. Seryoso na kasi. Gusto ko lang talagang mag thank you."
Kinagat niya ang labi niya habang nakatitig sa mga mata ko na tila may malalim na iniisip. Parang sinisiguro kung may nainom ba talaga ako o wala.
Kalaunan ay nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hinga.
"You're serious." he murmured.
"Yes."
Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan ng maramdaman ko ang marahang pag angat ng kan'yang kamay sa pinakakurba ng aking bewang..
"You are my friend Mir, remember? Best friend..." Dahan dahan niyang sambit na tila unti unti ring pagdiin ng mga matatalim na bagay sa aking dibdib.
Kinagat ko ang labi ko upang mapigilan ang masalimuot na isipin kasabay ng masakit na katotohanan.
Nagbaba ako ng tingin lalo pa ng makita ko ang pagkislap ng magaganda niyang mga matang paborito ko sa lahat. Iyong pagtitig niyang alam ko kung hanggang saan ang dulo.
"B-Best friend." Bulong ko.
He chuckled and work his fingers on my chin. Sa marahang paggalaw niya ay parang gusto nalang mag unahan ng mga luha ko.
Hinuli niya ang mga mata ko bago muling nagsalita.
"Palagi mong tatandaan na nandito lang ako para sa'yo. Kahit ano pa 'yan Mirthene... You can always talk to me about everything. Makikinig ako. Iintindihin kita. At kung isang araw may lalaking magtatangkang manakit sa'yo, ako ang unang unang makakalaban niya."
Lumakas ang kalabog ng puso ko lalo pa't pakiramdam ko'y sobrang lapit niya lang sa akin pero kahit kailan ay imposible kong maabot.
Siya ang isa sa mga pangarap kong malabong matupad...
Kinagat ko ang aking pang ibabang labi nang maramdaman ang paglabo ng aking mga mata.
Mir, please... Don't cry... Pag aalo ng utak ko.
Hinaplos niya ang pisngi ko bago muling ngumiti at magsalita.
"Nandito lang ako para sa'yo Mir dahil mahal kita... Dahil ikaw ang best friend ko..."
Nag unahan nang tumulo ang mga luha ko. His words were glimpse of a dream... Iyong pangarap ko noong unang beses ko palang siyang nakita pero ang mga salitang huli niyang binanggit ang pumutol rin sa lahat ng kahibangan ko.
Tumango tango ako sa kabila ng mga pagalit niya dahil sa aking pag iyak.
"Stop crying Mirthene. Ilan ba ang nainom mo ha?!" Hiyaw niya habang yakap yakap na ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro