CHAPTER 40
(This will be the last chapter. POV and special chapter will only be available on Patreon. Thank you all so much for reading Mondays With Marcus!)
Chapter Forty
Tadhana
Sunod ko nalang naramdaman ang pagtulo ng maiinit na likido sa aking pisngi ng tuluyan na siyang makalapit sa akin.
Napakurap-kurap ako para luminaw ang mga mata ko at pagkatapos ay marahang pinawi ang mga luhang patuloy na nalalaglag doon.
Is it me or talagang matagal lang kaming hindi nagkita? Bakit kahit sa paggalaw nalang maski ng iilang hibla ng kan'yang buhok ay siya namang pagpuri ng pagkatao ko sa kan'yang kabuuan.
Pakiramdam ko'y dumoble ang emosyon ko ng dahan dahang umarko ang kan'yang labi para sa isang napakatamis na ngiti. Isang simpleng ngiti lamang iyon pero para bang lahat na ng matagal kong hinihintay ay kasabay na ng mga ngiti niya.
Kahit na gustohin kong sagutin ang ginawa niya ay hindi ko naman magawa dahil sa sobrang emosyong sumasalakay sa akin.
"Hi..." Pormal niyang panimula.
Napalunok ako at pinilit na maging matatag sa kan'yang harapan kahit kanina ko pa ramdam ang panginginig ng aking mga tuhod.
"H-Hi." Mahina kong sagot.
Hindi ko na pinansin ang mga bisitang nakatuon sa amin. Hindi ko na rin alam kung dapat ko pa bang intindihin ang kasal ng kaibigan ko o ang anak kong ngayon ay hawak na ni Marcus makalipas ang ilang taong lumipas.
Muli siyang ngumiti at hinalikan sa pisngi ang anak na hawak. Doon na ako nalunod ng tuluyan. Sa pag nginig ng balikat ko ay agad kong nakita ang pagtawid niya sa mumunting pagitan naming tatlo para gawaran ako ng yakap.
"Damn baby... I'm sorry, please don't cry..." Maingat niyang sambit kasabay ng paglapat ng kan'yang labi sa aking buhok.
I felt Renly's hand giving me a hug too.
"Mommy stop crying... Daddy will get sad..." Aniya sa maliit na boses.
Hindi ko nagawang mag-angat ng tingin sa kanilang dalawa bagkus ay iniyakap ko nalang rin ang mga kamay ko sa katawan ni Marcus.
Doon ko ibinuhos ang lahat ng nararamdaman kong hindi ko parin maisalarawan.
Narinig ko ang hiyawan ng mga tao lalo na ang nangingibabaw na boses ni Jennifer na nagwawala na yata.
Lumuwag ang yakap niya sa akin para sana harapin ako pero mas hinigpitan ko lang ang pagkakayakap sa kan'ya. He chuckled at that. Muli niya nalang hinalikan at hinaplos ang buhok ko.
Damn... Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maging reaksiyon ngayong yakap yakap ko si Marcus. Pakiramdam ko ay hindi ko na kaya pang pigilan ang pagkawala ng mga emosyon kong naipon sa loob ng ilang taong wala siya.
Napapikit ako ng marinin ng maramdaman ang paghugot niya ng isang malalim na paghinga.
"Na miss kita alam mo ba 'yon?" Bulong niya sa akin.
Pupungas pungas kong inangat ang mukha ko para muli siyang matitigan. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang mag ama pero hindi ko naman nagawang magsalita. Inangat niya ang isang kamay niya para unti unting hawiin ang mga luha ko.
"I'm sorry Mirthene... I'm so sorry for everything... Sorry if I let you raise my son without me-"
Para akong binalikan ng katinuan sa narinig at napakalas ng wala sa oras sa kan'ya. Wala sa sariling inilahad ko ang kamay ko para kunin sana si Renly pero imbes na magpakarga sa akin ang anak ko ay niyakap niya lang ng mas mahigpit si Marcus.
Laglag panga akong natulala sa kanilang dalawa. Si Renly na nakabusangot ang mukha habang yakap siya at siya naman na ngising ngisi dahil sa ginawa ng huli.
"He missed me Mir. Hayaan mo-"
"Hindi..." I cut him off.
Kumunot ang noo niya.
"H-Hindi ko maintindihan. Paano mo nahanap si Renly? A-and how can you be so sure that he is yours?" Nauutal at naguguluhan kong sambit.
Mas lalong lumawak ang ngiti niya at bago pa sumagot ay hinuli na ang kamay ko. Tinanguan niya at tinitigan ang mga taong nasa aming paligid kaya napagaya ako.
Sa paglingon ko ay iyak na ng iyak si Mackenzie. Ang bride naman ay emosyonal narin habang ang mga kaibigan naming lalaki ay abot hanggang tenga ang ngiti.
"Gusto mo bang idetalye ko sa kanila kung paano natin ginawa si Renly?" Nakangisi niyang sambit.
"Marcus!" Agad kong sinapak ang dibdib niya! What the hell!
Imbes na magalit sa ginawa ko ay mas lalo pa siyang natawa. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko.
"Let's talk Mir." Seryoso na niyang sabi.
Bumilis at lumakas ang kalabog ng puso ko. Hindi pa man ako nakakapayag ay gumalaw na siya. Aalis na sana kami doon pero agad kaming tinawag ni Russel.
"Where are you guys going?! Hindi pa tapos ang party Marcus! You can surely talk about everything later! Ang mahalaga ngayon, ito..." Iwinagayway niya ang wedding garter na kan'yang hawak bago lumapit sa amin.
"Sorry guys pero ipapaubaya na natin ito ngayon sa susunod na dapat nauna pang ikinasal sa amin ng asawa ko!" Magiliw niyang pagpapaliwanag sa crowd na sinagot naman ng hiyawan bilang pagpayag.
Kinuha ni Jen ang bouquet na nabitiwan ko at ibinigay sa akin pagkatapos ay kinuha si Renly kay Marcus.
Naramdaman ko ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi ng wala na akong nagawa matapos akong dalhin ni Marcus sa isang upuan na nasa gitna ng lahat.
Sa pagluhod niya sa aking harapan ay sumabay ang pagbabago ng tugtog. Hindi ko na tuloy alam kung paano pa ititigil ang pagluha ko. I glanced at my son. Hawak parin ito ni Jen sa kamay at kasalukuyang nanunuod rin sa amin.
Napabalik ang tingin ko sa lalaking nasa paanan ko ng hawakan niya ang aking kaliwang paa at marahang inangat iyon paalis sa bermuda grass.
"Let's get it on!"
Natatawa niyang nilingon ang sumigaw na si Leonne at pagkatapos ay umiling iling. I let him put my feet on his knees.
Awtomatikong natigil ang mga luha ko ng maingat niyang tanggalin sa aking paa ang suot kong sapatos. The crowd went crazy at that. Gustong kong pandilatan si Marcus lalo pa't alam kong nanunuod ang anak namin pero wala na akong magawa.
Ni isang salita ay wala ng gustong lumabas sa labi ko lalo na ng titigan ako ng kan'yang malamlam na mga mata. Napalunok siya ng bumaba ang kan'yang mga mata sa kinagat kong labi.
"Mirthene... I don't know if you still want me in your life. Hindi ko rin alam kung kahit kaibigan ay matatanggap mo pa ako. Hindi ko alam kung sino ng nagpapasaya ngayon sa'yo at mas lalong hindi ko alam kung dapat bang bumalik na ako pero gaya ng huli kong sinabi, apat na taon ang lumipas... Mahal kita at mamahalin kita." Bumalik ang mga mata niya sa akin bago magpatuloy.
"Mir, Mahal na mahal parin kita..." Dahan dahan at klaro niyang sambit.
"M-Marcus..."
Napakapit ako sa upuang kinalalagyan ko ng maramdaman ang maingat niyang pagpasok ng garter sa aking paa. Hindi na ako nakapagpatuloy.
Pakiramdam ko'y nagsisitayuan na ang lahat ng buhok ko sa katawan sa bawat pagtaas at paglapat ng kan'yang kamay sa aking balat.
"Hmm?" Aniya habang nagpapatuloy sa ginagawa.
"Higher! Higher!" Sigaw ng mga nanunuod.
Napalunok ako. Sa paraan palang ng pagtitig niya sa akin ay nagwawala na ang puso ko, ano pa kaya itong hawak na niya ako ngayon?
"May sasabihin ka?" He teased.
Lumakas ang kalabog ng dibdib ko ng makita ang pag ngisi niya. Itinikom ko ang aking bibig at hinintay nalang siyang huminto.
Nakahinga lang ako ng maluwag ng marinig ang paghiyaw ng host ng party at ang pagpalakpakan ng lahat matapos niyang huminto ng tuluyan sa aking hita.
Sa pagtayo ko sa upuan at pag-alalay niya ay siya namang paglapit sa amin ni Renly.
Agad ko siyang kinarga. Marcus held my hand again as he reached for the microphone.
"Thank you guys! Russel, Jennifer... Congratulations to the both of you! Ngayon..." Nakangiti niyang iginala ang paningin sa lahat ng nakapalibot sa amin.
"I just wanted to ask all of you a favor... especially to the newlywed," Sandali niya akong sinulyapan bago ibalik sa lahat ang tingin. "Pwede ko na bang masolo ang pamilya ko ngayon?" He continued.
Nag thumbs up si Hermes habang si Leonne naman ay nilapitan na kami para kunin ang mikroponong hawak niya. Humahagikhik na nagsilapitan narin sina Jen at Mackenzie para bigyan ako ng yakap.
Kahit na wala pa namang kasiguruhan kung ano ang mapag-uusapan namin ni Marcus ay nagpatianod nalang ako.
Siya na ang kumarga kay Renly hanggang sa makarating kami sa suite na para sa aming mag-ina.
Lumakas muli ang kalabog ng puso ko ng tuluyan na niyang maisara ang pintuan at lukobin kami ng nakakaliyong katahimikan.
Dahan dahan niyang inilapag sa kama si Renly na nakaidlip na. Tinulungan ko siyang asikasuhin ang anak ko at pagkatapos ay sabay na kaming lumabas sa balcony.
Wala kaming kibuan at tanging ang mga mata lang namin ang nag-uusap sa ilang minutong lumipas.
"Mir..."
"Marcus..."
Parehas kaming natigil ng sabay kaming magsalita.
"Hmm?"
"Ha?"
Umiling ako ng sabay parin kami sa pangalawang salita.
Tumikhim si Marcus at nilingon ang kinalalagyan ni Renly bago ibalik ang tingin sa akin.
"He's mine, Mir. Kahit hindi ko maging kamukha ang batang 'yan ay alam kong sa akin parin siya..." Pinal niyang sabi.
Napalunok ako.
I can feel my heart beating so fast again. Hindi ko na maintindihan. Akala ko hindi na siya makakapunta ngayong araw kaya ang kagabing kinabisado kong mga linya ay tuluyan ko ng nakalimutan.
"P-Paano kung hindi?" I blurted.
Parang gusto kong mapapikit ng marinig ang pagalit ng utak ko. Seriously? Iyon talaga ang naisip kong itanong?
Sarkastiko siyang natawa at pagkatapos ay hinila ang upuan palapit sa akin. Literal na naputol ang paghinga ko ng makitang napakalapit na niya sa akin.
My mind cursed me again when his lips curved a playful smile.
"Then I'll make him mine, Mirthene. Aakuin ko para sa'yo..."
"You can't do that. Paano kung..." Napaatras ako ng muli niyang inilapit ang mukha niya sa akin habang patuloy na nakangisi.
Damn it!
"P-Paano kung may boyfriend ako! Paano kung ayaw ko na sa'yo?"
"Really..." Aniya sa boses na nananantiya.
"Really." Pagmamatigas ko.
Pinigilan kong mapalunok ng makita ang pagseseryoso niya. Iyong mga mata niyang palaging tumatagos patungo sa kaluluwa ko.
"Tell me you don't love me..." Nag-iwas ako ng tingin.
"You still do." Proklama niya kaya napabalik ang tingin ko sa kan'ya.
"How can you be so sure?! It's been four freaking years Marcus. Hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na alam kung paa-"
"Then I'll make you fall in love with me again. Gagawin ko ang lahat para mahalin mo ako ng higit pa sa pagmamahal mong binalewala ko noon. I'll give you time to think about us Mir. Kasi ako... Hanggang ngayon sigurado akong ikaw parin. Ikaw lang... Kayo ng anak natin. Anak ko..."
Napapikit na ako ng maramdaman ang bawat emosyon sa binanggit niyang mga salita. Kinagat ko ang pang ibaba kong labi para mapigilan ang nagbabadyang pagtulo ng mga luha ko.
"Alam kong tayo ang magkakatuluyan at ngayon gusto kong bigyan ng katotohanan ang mga kasabihan na kahit magkalayo ang dalawang taong nakatadhana ay sila parin ang magkakatuluyan hanggang sa dulo. Parang tayo... Mir, para sa akin ka. And God knows how long I've been praying that he allows me to be with you again. Kahit isang chance lang..."
Lumakad ang kamay niya para kunin ang kamay kong nasa aking hita. Pinisil niya 'yon bago magpatuloy.
"Simula ng malaman kong nagbunga noon ang nangyari sa atin ay-"
"What?!" I cut him off immediately.
"I know about Renly... Hindi pa man siya lumalabas sa mundong ito alam ko na."
Lito ko siyang tinitigan, patuloy paring pinipigilan ang pag-iyak.
"How?"
"Mackenzie."
"Oh God..." I blurted.
Pinagdiin niya ang mga labi bago tumango tango.
"Kaya hindi mo pwedeng itanggi sa akin si Renly. I even named our guy, Mir."
"I-Ikaw ang nagbigay? Ikaw ang nagsabi no'n para ipilit sa akin ni Mackenzie?!"
Tumango tango siya at pagkatapos ay inangat ang kamay ko patungo sa kan'yang labi.
"Lahat alam ko. And I'm sorry if I wasn't there when he was born. I struggle for months in the states. Walang araw na hindi kita naisip. Kung anong nararamdaman mo. Kung paano ka habang dinadala ang anak ko. Kung sino ang bumibili ng mga kailangan mo, nang mga gusto mo habang naglilihi ka. Kung sinong humahawak ng buhok mo sa tuwing nagsusuka ka... Lahat lahat ng 'yon ay dahilan ng hindi ko pagtulog gabi-gabi. Ngayon..." Yumuko siya at humugot ng isang malalim na paghinga.
Tumulo na ang mga luha ko ng muling bumalik ang seryoso niyang mga mata sa pagtitig sa akin.
"I want you to know that I am ready. Na kaya ko ng ibigay ang lahat ng pangangailangan niyo... Just please... please let me fight for this family... Gusto kong buohin ang pamilya natin Mirthene. will you give me a chance?" He pleaded.
Ilang segundo akong natigilan habang dinadama at kinakalma ang pagwawala ng aking puso. I never expected this. Ni minsan ay hindi ko inasahang ganito kabilis ang mga mangyayari ngayon.
Parang kahit na wala ang mga magulang ko ngayon rito, o sa islang kinaroroonan namin dahil sa conference nila sa ibang bansa ay tila naririnig ko ang mga opinyon nila. Na sige na! pumayag na ako. Maging ang boses pati ang mukha ni Mackenzie ay nakikita kong handa akong pagalitan sa oras na tumanggi pa ako.
Apat na taon na nga ang lumipas. Marami na rin ang nangyari pero sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay gaya ni Marcus, hindi rin naman nagbago ang nararamdaman ko para sa kan'ya. Maybe because the sight of him never left me. Dahil kay Renly ay hindi ko siya nakalimutan. Paano ko naman kasi gagawin 'yon? They're definitely twins.
Kumurap kurap siya ng wala akong maisagot. He bit his lip, tila kabadong hinihintay ang sagot ko. Pakiramdam ko ay naririnig ko na rin ang mabilis na pagkalabog ng bagay sa kan'yang dibdib.
Bago pa siya muling magmakaawa ay marahan na akong tumango.
"O-Okay.." I said.
Lumiwanag ang mukha ni Marcus at wala sa sariling niyakap ako kaagad. Pakiramdam ko'y ang ilang puwang sa parte ng puso ko ay unti-unting nabuo sa ginawa niya.
Napangiti ako ng halikan niya ang buhok ko.
"I love you Mirthene..." Punong puno ng kasiyahan niyang sambit.
Huminga ako ng malalim bago siya sagutin,
"I-I still love you too Marcus..." I wholeheartedly blurted while hugging him back.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro