CHAPTER 4
Chapter Four
Happiness
Naramdaman ko ang panlalamig ng aking kamay.
Hindi sa kabang baka magsuntukan sila kung hindi dahil sa narinig na litanya na galing sa lalaking nasa aking likuran.
Muling umawang ang bibig ni Tyrone kasabay ng nakakaloko niyang paghalakhak.
"Proud ka pa? Bakit akala mo ba sasagutin ka ng walang taste na babaeng 'to?!' Napayuko ako ng ibalik niya ang matalim na titig sa akin.
Pakiramdam ko'y napapaso ako sa tindi ng galit ni Tyrone!
Bakit ba kasi hindi ko nalang sinunod ang sinabi ng kaibigan kong huwag itong bigyan ng pansin! Kasalanan mo Mirthene! Nagpadala ka sa mga mabulaklak na salita. Umasa kang mababaling ang atensiyon mo sakan'ya kahit na alam mong iba naman talaga ang gusto mo!
Napapitlag ako ng maramdaman ang paghawak ng mainit na kamay sa akin.
Para akong dahon na tinangay ng isang malakas na hangin dahil sa simpleng paghawi ni Marcus sa akin paalis sa harapan ni Tyrone ay agad akong nadala.
"I'm not scared of rejection. At ano ngayon sa'yo kung bastedin niya ako?"
Napalunok ako ng ilang ulit pero imbes na bigyan ng atensiyon ang dalawang nagkakainitang lalaki ay lumakad lang ang tingin ko sa kamay ni Marcus na hawak ang kamay ko.
What the hell!
Ang isang kamay ko ay wala sa sariling naisapo ko sa aking nagwawalang dibdib!
Bakit ganito? Bakit ang lahat ng takot ko kanina ay kusang naglaho lalo na ng maramdaman ang kamay niya? Bakit pakiramdam ko ay walang taong makakapanakit sa akin ngayong nandito siya? At higit sa lahat...
Bakit ganito kataas ang pag asa ko sa simpleng paghawak niya?
Kahit na alam kong ginagawa niya lang 'to para itaboy si Tyrone ay umakyat parin sa utak ko ang kahibangang sana nga siya nalang...
Sana nga siya nalang ang nanligaw sa akin para hindi na ako nakasakit pa ng iba...
"Well good luck! Bahala ka sa buhay mo!" Inis na sigaw ni Tyrone na gumising sa lahat ng kahibangang nasa utak ko.
Naramdaman ko ang pag galaw ni Marcus at paghigpit ng kapit sa kamay ko ng banggain siya ni Tyrone. Ang kamay kong nasa aking dibdib ay mabilis na napahawak sa braso niya ng makita ko ng amba niyang pagsugod sa lalaking umalis.
"H-He's not worth it!" Natataranta kong pigil sa kan'ya.
Ilang minutong natahimik ang gawi namin.
"Kupal talaga 'yang si Jones!" Inis na sambit ni Leonne na bumasag sa katahimikan ng lahat.
Sa paglingon sa akin ni Marcus ay muling naputol ang paghinga ko. Marahan niyang binitiwan ang kamay ko.
"Are you okay?" Kunot noo niyang tanong.
Tumango tango ako at binitiwan narin ang braso niya. Inayos ko ang bag ko at maging ang aking sarili. Sa nangyari kasi ay para akong na haggard ng sampung beses!
"Good. Stay away from douchebags." Ngumiti siya ay sinulyapan na ang mga lalaking kasama bago ako lagpasan.
"Marcus!" Tawag ko kaya nahinto siya sa pag alis.
Kumunot ang noo niya ng balingan ako.
"Salamat." Ngumiti ako sa kan'ya.
Tango nalang ang naisagot niya sa akin habang si Leonne naman ay kumaway pa sa akin. Ang lalaking isa naman ay dire-diretso na at nanatiling walang kibo sa nangyari.
Pinanuod ko silang maglakad hanggang sa tuluyan na silang mawala sa paningin ko. Wala sa sariling nagbaba ako ng tingin sa kamay kong hinawakan ni Marcus...
Oo nga at mahilig akong managinip ng gising pero sa lahat ng panaginip ko ay hindi ko naisip na mahahawakan niya ang kamay ko.
Humugot ako ng isang malalim na paghinga ng muling umulit sa utak ko ang ginawa niyang pagtataboy sa walang modong si Tyrone Jones!
"Uy! Tawag ka na!" Siko sa akin ni Gary ng hindi ko mapansing tinawag na pala ako ng aming professor para mag-recite sa harapan.
Dahil sa tindi ng imahinasyon ko dahil sa nangyari kanina ay hindi na ako pinasukan ng katinuan. Hanggang sa matapos ang klase ay natutuliro parin ako.
Sa pag uwi ko sa bahay ay halos matapos ko ang lahat ng homework ko sa loob lamang ng thirty minutes! Gano'n ako kainspirado dahil sa tagpong nangyari kanina.
Ilang beses kong pinigilan ang sariling umasa pero huli na yata ako.
Sa pagtagal ng oras at palagiang pagtatagpo ng mga landas namin ay natutunan ko ng hayaan ang sarili kong mahulog sa kan'ya. My daydreams were big this time.
Kung noon ay umaasa lang akong makausap niya, ngayon naman ay dumating na ako sa isiping balang araw ay magugustuhan niya ako.
Ang kabaliwang 'yon ang naging motivation ko sa pag-aaral.
I badly want to impress him. Kahit na alam ko namang malabo iyong mangyari ay gusto kong gawin ang lahat para lang mapansin ng isang Marcus.
Sa iilang mga event ay mas lalo kaming napalapit. Sa birthday ni Hermes Montgomery ay muli ko silang nakasama. Sa tuwing may laro sila ng basketball ay ni minsan hindi ako pumalya mapanuod lang siya.
At kahit minsan ay hindi niya ako nagawang pansinin sa paraang gusto ko, natuto akong makuntento dahil alam ko...
Si Marcus ang kasiyahan ko. Hindi man ako ang dahilan ng pag ngiti niya pero mananatili siyang inspirasyon ko sa lahat.
"Sama ka na." Nakangiti niyang anyaya sa akin ng sabihin ni Jennifer na hindi siya sasama sa party ni Leonne kapag hindi ako kasama.
Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Jen pero ipinagkibit ko lang 'yon ng balikat.
"Pag iisipan ko ha. Kasi-"
"Give her ten minutes!" Putol sa akin ni Jen.
Siniko ko siya pabalik dahil sa gigil. Narinig ko ang pagtawa ni Marcus.
Damn... His laugh is really my jam!
"Sige na, Mir! Gusto mo ihatid pa kita pagtapos, e. Same time!" Si Leonne tukoy sa curfew kong ipinatupad ni Daddy.
"Hello? At ako? Hindi ba ako kahatid hatid Leonne?" Ismid ni Jen na naging dahilan ng pagtawa ko.
Humalakhak si Marcus at sinapak ang balikat ng kaibigan.
"Siyempre kayong dalawa!" Pagbawi niya.
Sa pag-uusap nila ay nagkaroon ng pagkakataon ang kaibigan ko para pandilatan ako at inguso ang kinababaliwan niyang si Leonne.
Huminga ako ng malalim bago sabihin ang sagot ko.
"Alright. Sasama na." Natatawa kong sabi.
"'Yun!" Pagbubunyi ni Leonne.
Naging mas malapit kami hindi lang dahil sa pagiging magkaklase namin kung hindi dahil sa pagsuporta namin ni Jen sa lahat ng mga kalokohan nila.
Hindi nawala ang tuwa ko habang nakaupo sa tabi ni Marcus at tahimik na kumakain. Pinagpaplanuhan nila ang gagawing surprise party sa nalalapit na birthday ni Jen.
"What do you think?" Nakangiting baling niya sa akin.
Napailing ako.
"S-Saan?" Lutang kong sambit.
Humagikhik si Marcus at muling sinabi ang plano nilang punoin ang buong condo unit ni Jen ng mga lobo at kung ano ano pa.
"Pwede naman." Nakangiti kong sagot sa kan'ya.
"Good! Isa pa, ano nga palang favorite na kulay ni Jen?" Tanong niya.
"Uhm, blue."
"Blue then!" Isinulat ni Leonne ang lahat ng mga bagay na plano naming gawin para sa surprise birthday party ni Jen.
"Ikaw anong favorite mo?" Wala sa sarili kong tanong sa kan'ya.
"Red." Sagot niya.
"Same..." I murmured.
Sa dami ng plano namin ay wala na yata akong natandaan dahil sa kalandiang nasa utak ko sa buong durasyon no'n!
Parang gusto ko nalang batukan ang sarili ko dahil sa tuwing napupunta kay Marcus ang mga mata ko ay pakiramdam ko'y bumabagal ang paggalaw ng lahat.
Ang pagsasalita niya... Ang mga ngiti at lahat ng kilos ay talaga namang naisasapuso ko.
Ganito pala talaga kapag in love ka 'no?
Na lahat ng bagay ay konektado sa taong gusto mo.
Na maski ang paghinga niya ay parang gusto mo nalang kabisaduhin kung kada ilang segundo.
Na kahit alam mong hindi siya perpeko ay wala siyang kapintasan sa utak mo.
Tama ba?
Tama pa ba ang ganito kahit na alam kong kahit kailan naman ay hindi niya ako napansin sa paraang gusto ko?
Na ni minsan ay hindi man lang niya ako natitigan gaya ng mga titig ng bidang lalaki sa babaeng bida sa loob ng isang romantic movie?
Napayuko ako sa naisip nang imbes na purong kasiyahan lang ang maramdaman ko ay nalamatan na ng lungkot ang puso ko.
Stop thinking so much Mirthene... Paalala ng nakikisimpatya kong utak.
Just admire him. Let him be your happiness.
Sige lang... Mahalin mo lang lalo na kung ang pagmamahal mong 'yon ang tanging nagpapasaya sa'yo...
Huminga ako ng malalim at ipinilig ang ulo para mawala ang paglalim ng isip ko.
Wala namang masama kung mahalin ko siya hindi ba?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro