
CHAPTER 37
Chapter Thirty Seven
Someday
Hindi ko alam kung paano ko nagawang makauwi pagkatapos ng nangyari sa amin ni Marcus.
I instantly felt the shattering pieces of my heart when I heard him say the last words.
Alam kong hindi ako nagkamali sa pagkakarinig no'n kahit na may alak ang sistema ko. Marcus still loves Blaire and I totally understand that.
Kahit na naibigay ko sa kanya ang lahat ng meron ako ngayon ay si Blaire parin ang laman ng puso niya. Pero okay lang. Ayos lang. Magiging maayos rin ako...
Sikat na ang araw ng makauwi ako sa bahay. Parang nawala narin ang hilo ko matapos kong maligo.
Wala sa sariling hinawakan ko ang labi ko habang nakatitig sa harapang salamin. I can still feel his lips against mine. Kung paano niya ako halikan at kung paano ko sagutin ang mga 'yon.
That was the best kiss of my life... Sa taong matagal ko ng pinangarap. Kahit ano nga talaga ang gawin ko ay hindi ko na maitatangging mahal na mahal ko si Marcus at nagawa ko na ang lahat ng pagpapakatanga para lang mapatunayan 'yon.
Hapon na ako nagising. Matapos kong pumunta sa opisina ay agad kong kinausap ang pamilya ko sa aking pag uwi.
"Anong kabaliwan ito Mirthene? Bakit ngayon mo naiisip ang ganito?"
"Vlad, hear your daughter first." Malumanay na sambit ni Mommy habang hinahaplos ang braso ni Daddy.
Napayuko ako ng tapunan nila akong lahat ng tingin.
"I... I just wanted to get out of the country. Besides, maganda naman ang offer ni Clinton sa akin sa New Zealand-"
"May kinalaman ba si Marcus sa desisyon mong ito Mirthene?" Matigas na tanong ni Daddy.
Nag angat ako ng tingin. Malungkot lang akong tinignan ng kapatid ko pero ni isang salita ay wala naman siyang sinabi.
I haven't heard anything from Marcus dahil simula kanina ay hindi ko na pinakialaman ang cellphone ko. I hope he's still sleeping or too tired to even remember everything that happened.
Hindi ko rin sigurado kung matatandaan niya ang sinabi niya kanina pero ngayon ay buo na ang loob kong tanggapin ang offer ng boss kong si Clinton.
"Mirthene, tell us what happened? Alam ba ni Marcus ang desisyon mong umalis ng bansa ha?" Si Mommy.
"Mom, Dad... Wala naman kaming relasyon ni Marcus kaya kahit na hindi ko ipaalam sa kanya ay wala siyang magagawa sa desisyon ko. I'm leaving tomorrow before sunrise."
Kitang kita ko ang kalituhan sa mukha ng mga magulang ko pero sa huli ay wala na rin naman silang naging pagtutol. Mommy looks so scared about my decision habang si Daddy naman ay parang gusto nalang akong itali huwag lang akong matuloy.
Hindi man magiging madali ang iwan sila at lumayo ng mag-isa pero iyon nalang ang tanging naiisip kong paraan para lang makapagpahinga ako sa sakit.
Mackenzie followed me in my room.
"Ate are you sure about that huh? Napag-isipan mo ba yang mabuti? I know something happened between you and Kuya Marcus. Nag-away ba kayo dahil nandito si Blaire?"
Dumiretso ako sa aking closet para kunin ang mga damit kong dadalhin pero sinundan niya parin ako.
"Ken wala. Hindi kami nag-away. Gusto ko lang talagang tanggapin ang promotion na in-offer sa akin and that's it. Walang kinalaman si Marcus sa desisyon ko." Pagsisinungaling ko.
"But why it's so sudden? Kung talagang nakapag-desisyon ka na noon palang, sana noon mo pa sinabi sa amin kahit ang detalye hindi 'yung biglaan na ganyan."
Nilagpasan ko siya at dinala ang mga nakuha kong damit sa aking kama. Binalikan ko rin ang maleta ko doon.
"Stop asking so many questions Ken. My decision is final." Pasalampak siyang naupo sa kama ko at dinaganan ang mga gamit kong nililigpit.
"Umamin ka na... Ano bang nangyari?"
My heart pounded at that. Alam kong hindi niya ako titigilan kaya hindi imposibleng mabasag nalang ako ngayon sa harapan niya.
Aalis na sana ako pero mabilis niyang nahawakan ang kamay ko.
"Ate please tell me what's going on? Hindi ba nangako tayo sa isa't-isa na walang taguan ng sikreto? Don't you trust me?" Malungkot niyang sambit.
Sa pagharap ko sa kanya ay kusa ng tumulo ang mga luha ko.
Nang marinig ko ang sinabi ni Marcus kanina ay wala akong iniyak. Lahat ng natitirang tapang ko ay inipon ko para lang makaalis sa apartment niya pero ngayong kaharap ko ang kapatid ko ay tuluyan na akong nabasag.
Maagap ang pagyakap sa akin ni Mackenzie na tila natataranta pa dahil sa pagkawala ng mga luha ko.
"You're right Ken... Something really happened between us..." Humihikbi kong pag amin sa gitna ng mahigpit niyang pagyakap.
Lalong nanginig ang mga balikat ko dahil doon.
"Ate..." He murmured softly.
Hinayaan niya akong umiyak sa balikat niya habang pinakikinggan ako sa lahat ng sakit na nararamdaman ko. Kahit anong tapang ko pala, hindi parin sapat. Masakit parin pala... Masakit na masakit parin...
Tutol man ang mga magulang ko sa desisyon kong umalis ngunit wala naman silang magawa dahil alam nilang iyon ang gusto ko.
Kahit na hindi naman kailangan ay gumising parin sila ng maaga para magpaalam sa akin.
I did not sleep. Kahit isang oras ay wala akong naitulog kanina dahil sa magkahalong takot at kabang nararamdaman ko sa gagawin.
Sinulyapan ko sa huling beses ang aking cellphone ng makita ko ang pag ilaw nito sa ibabaw ng bedside table. Imbes na kunin 'yon ay yumuko ako at buong loob na iniwan 'yon.
Hawak ang isang suitcase sa aking kamay ay natigil ako sa pagpapatuloy sa naghihintay na sasakyan ng makita ko si Marcus na nakapamulsa at nakatayo sa gilid ng sasakyan namin.
Sinulyapan ko kaagad si Mackenzie na mabilis namang bumalik sa tabi ng mga magulang ko at iginiya sila pabalik sa loob ng bahay. Kinuha ng aming kasambahay ang mga dala kong gamit at walang ingay na pumahik sa sasakyan para isunod iyon sa mga nauna.
Kumalabog ang puso ko ng makita ang agarang pag angat ng mukha ni Marcus para titigan ako. Kitang kita ko sa mga mata niya ang lungkot na kahit kailan ay hindi ko nakita sa kanya. Ibang klaseng lungkot iyon. Malayo sa lungkot na dala ni Blaire.
"Mir..." Agad siyang lumapit sa gawi ko at hinintay ako sa ibaba ng hagdan.
Tila nasemento naman ako matapos makatapak sa bermuda grass dahil sa maagap niyang paghawak sa kamay ko.
Mirthene... huwag kang iiyak!
"What is this Mir? Why aren't you answering my calls?"
Kinagat ko ng mariin ang pag ibaba kong labi para pigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Imbes na sagutin siya ay umiling lang ako.
"Mir? Can you at least talk to me? Ano 'to?" Gumaralgal ang boses ni Marcus dahil doon.
Muntik na akong mapasinghap ng bahagya niyang iangat ang baba ko para lang mahuli ang mailap kong mga mata.
"Can we talk? Please?" He pleaded.
Pinagdiin ko ang labi ko at tumango nalang. Ayaw ko mang maging dahilan ng pagbabago ng isip ko ang magiging pag-uusap namin pero siguro nga kailangan ko rin 'yon para magpaalam sa kanya. Sisiguraduhin kong hindi na niya mababago ang desisyon ko.
Hinayaan kong igiya niya ako papunta sa garden. Parang nalaglag ang puso ko ng bitiwan niya ang kamay ko ng makarating kami doon.
Nakakunot noo't tiim bagang si Marcus na tila gulong gulo sa mga nangyayari.
"Is that true? Tama ba ang sinabi ni Ken, Mir?"
Nanatili akong tahimik. Marahas siyang napabuntong hinga at naisuklay pa ang isang kamay sa kanyang buhok.
"Are you really leaving me?" Aniyang parang isang matulis na punyal sa aking dibdib.
"Marcus, this is not about you. Not about what happened between us..." Natigil ako ng makita ang pagkislap ng mga mata niya.
Halos habulin ko ang aking paghinga ng muli niyang hulihin ang magkabila kong kamay.
Mataman niyang itinuon sa aking mga mata ang kanyang matang punong puno ng pagsusumamo.
"Alam kong oo, Mir... Fuck... I am so stupid to let you-"
"No... Hindi..." Pinisil ko kaagad ang kamay niya para matigil siya.
"Then what happened? May nagawa ba ako? Anong mali Mir?"
Sa pagkakataong 'yon ay kitang kita ko ang matinding kabiguan sa kanyang mga mata.
Umiling ako at nagbaba ng tingin.
"Mir... Mahal kita..." He murmured softly.
Tumulo na ang mga luha ko sa narinig. Parang paulit-ulit na piniga ang puso ko sa kabila ng katuwaang nararamdaman ko ngayon.
Mapait akong napangiti. Yes I am happy that I finally heard Marcus say that pero hindi ko lubusang maramdaman iyon dahil sa kaakibat nitong sakit.
Suminghap ako at pinunasan ang aking mga luha bago pisiling muli ang kanyang kamay.
"No Marcus... Hindi porket alam mong mahal kita ay kailangan mo na akong mahalin. I didn't ask you to love me back kahit iyon ang gusto ko..."
Hindi ko inaasahang makita ang pagbagsak ng mga luha niya. Wala sa sariling dumako ang palad ko sa kanyang pinsgi.
Oh please Marcus... Don't cry... Huwag ganito...
Kinuha niya ang kamay ko at pilit na ibinaba 'yon.
"Alam kong mahal kita Mir. Ramdam kong mahal kita..." Mariin niyang sambit.
"S-Si Blaire... I know you still have feelings for her too and that's okay Marcus."
Nanginig ang balikat niya dahil sa pag iyak. Damn it... I hate this. Hindi ko kayang makita siyang ganito. Kahit noong mga panahong nasadlak siya ay hindi ko siya nakitang ganito kung umiyak...
This is the first time.
"Bigyan mo pa ako ng oras Mir... Huwag namang ganito oh? Bakit naman kailangan mo akong iwan? Mir wala na si Blaire sa buhay ko. Matagal na. Sige sabihin na nating tama ka pero sigurado akong mas tama ako. Mirthene, mahal kita. "
"Marcus don't... It's okay, I'm okay. Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mong madaliin ang nararamdaman mo."
"Why don't you give me a chance to be brave right now? I've been so coward all my life pero ngayon handa na ako. Handang handa akong maging matapang para sa'yo... pero bakit hindi na pwede?" Nanginginig ang boses niyang litanya.
Napahagulgol na ako.
Buo na ang desisyon kong lumayo dahil hindi ko na kakayanin ang lahat kapag nagpatuloy pa ang ganito.
I can't risk even an ounce of feelings he still have for Blaire. Alam kong hindi kailanman mabubura iyon ng basta nalang at pagod na akong umasa. Pagod na akong manalangin ng oras para sa aming dalawa. I just wanted to leave everything behind. Kahit ngayon lang. Kahit para sa sarili ko nalang.
"I'm sorry, Marcus..."
"Mir, please? Give me a chance. Bigyan mo naman ako ng pagkakataong maging matapang... pagkakataong ipaglaban ka..." Binitiwan niya ang kamay ko at saka idinuro ang kanya padiin sa kanyang dibdib. "Ipaglaban 'to..."
Parehas na kaming nasa malalim na emosyon. God knows how much I wanted that but it's too much for me right now. Wala na akong maisip kung hindi ang magpahinga.
Mahal na mahal ko si Marcus at sa ngayon ay maniniwala nalang ako sa kasabihan na kung kami talaga, kami.
Gumalaw ang katawan ko para bigyan siya ng mahigpit na yakap. Doon na kami nagpatuloy sa pag-iyak.
I'm finally leaving him tonight.
Nadudurog ang puso ko sa tuwing nararamdaman ang paghigpit ng yakap niya sa'kin. Habang damang dama ang pagmamahal niya para sa akin.
"Mir, ikaw nalang ang natitira sa'kin bakit iiwan mo na rin ako? Please tell me what should I do to make you stay? Please baby... just fucking stay with me..." Namamaos niyang sambit.
Hinayaan kong lumuha ako sa dibdib ni Marcus. Napapikit ako ng maramdaman ang ilang ulit niyang paghalik sa aking buhok.
"I'm sorry Marcus... Hindi ko na kaya..." Bulong ko sa gitna ng paghagulgol.
We stayed crying in each other arms for minutes. Hindi ko na alam kung paano ako pupunta sa airport ng ganito ngayong wala na yata akong makita dahil sa walang humpay na pagtulo ng mga luha ko.
Akmang bubuwalin ko na ang yakap niya pero hindi ko magawa ng mas lalong humigpit ang pagkakakulong niya sa katawan ko.
"Marcus..."
"Please let's just stay like this Mirthene... I can't let go of you... Please? Nagmamakaawa ako..." Bahagyang pumiyok ang boses niya.
Suminghap ako para masagot ang sinabi niya. You don't know how long I've been waiting for this Marcus but it's too late... Pagod na ako. Sumusuko na ako...
"Y-You should let me go, Marcus..." I pleaded.
"No!"
Idinikit na niya ng tuluyan ang kanyang labi sa aking buhok. Sa bawat pagtaas baba ng balikat niya ay nagmumura ang utak ko.
Sa bawat paglabas ng boses niyang punong puno ng pagmamakaawa ay nababaliw ako sa sakit.
Nang maramdaman ko ang panghihina niya ay doon na ako tuluyang kumawala sa kanya.
Pinilit kong ngumiti kahit na patuloy ang pag iyak ko.
"You'll be fine Marcus. Matapang ka. Makakaya mo ang lahat ng 'to."
Agad siyang umiling at hinawi ang mga luha sa mata.
"How can I be strong without you?! Paano ko gagawin 'yun kung ikaw ang lakas ko sa lahat, Mir?! Sa'yo ako kumukuha ng lakas para magpatuloy pero paano ko gagawin 'yon kung iiwan mo ako?"
"Marcus-"
"Ang lahat ng meron ako ngayon ay kaya kong bitiwan pero ikaw? I just can't..."
Damn it! Bakit ganito kahirap?
"Marcus hindi ba ang sabi nila kapag tayo, tayo talaga? Kung hindi noon at hindi ngayon malay mo sa ibang panahon, tayo na..."
"Fuck that! Kaunting oras lang ang kailangan ko, Mir... And I want every second of it with you... bakit ayaw mo akong pagbigyan? Bakit kailangan pa nating sundin 'yung kasabihan kung pwede namang ngayon? Just give me a chance... Please? Huwag mo na akong iwan."
Muli akong napahikbi ng makita ang panghihina sa kanyang kabuuan. His words are just so pure and true.
"I'm begging you, baby..." Matapos ang pagkakasambit niya no'n ay kasabay ng pagluhod niya sa harapan ko.
Natutop ko ang bibig ko pero agad din namang nakabawi kaya madali ko siyang nadaluhan sa bermuda grass.
"Marcus, don't do this please?"
"Huwag mo ring gawin sa'kin 'to Mirthene... Mahal kita at mamahalin kita. Hindi mo ba ako kayang paniwalaan huh?"
Ikinulong ko ang nagmamakaawang mukha ni Marcus sa aking mga palad.
"I believe you but I need to leave. Gusto kong makahinga muna. M-Marcus, please get up."
Umiling siya at muling hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ko.
"Wala na ba akong magagawa para mapigilan ka? Huli na naman ba ako? Am I too late to fight for us?"
Marahan akong tumango.
Napayuko siya at pinisil ang kamay kong nakahawak parin sa kanyang pisngi. Nang makita ko kung gaano siya kabasag sa harapan ko ay muli ko siyang niyakap ng mahigpit.
"I-I love you so damn much... Marcus... Mahal na mahal kita kaya ko gagawin 'to. Please give me a chance to heal too..." Pagod kong sabi sa gitna ng pagyakap.
Kumawala ang lahat ng sakit sa lahat ng parte ng katawan ko ng maramdaman ang marahan niyang pagtango.
Iniharap niya ako.
Sa pagkakataong 'yon ay siya naman ang kumulong sa mukha ko at pagkatapos ay pinunasan ang mga luhang patuloy ang pagtakas doon.
Hindi pa man ako nakakapag-isip ng matinong sasabihin ay naglaho na ang lahat ng katinuan sa utak ko ng tawirin niya ang pagitan naming dalawa.
He kissed me one last time... Iyong halik na noon pa ay pinangarap ko na. It was indeed our farewell kiss...
"I love you too Mirthene, at ako ang aalis. Ako ang lalayo. Hindi mo kailangang iwan ang pamilya mo dahil sa'kin. Let me at least do this for you..."
"Marcus-"
"Bukas na bukas aalis ako at ipinapangako kong hindi ako babalik hangga't hindi ka pa nagiging maayos. I will give you all the time in the world to fix yourself... At ako... Mananatili akong aasa na balang araw sasang-ayon rin ang lahat sa atin. Na balang araw tayo na. Habang buhay kong ipagdarasal na ikaw parin ang pakakasalan ko... Ikaw ang hihintayin ko sa altar ng kahit saang simbahan mo gusto..."
His words cuts deep. Natutunaw ang lahat ng lakas ko lalo pa't damang dama ko ang bawat salitang sinabi niya.
I didn't respond. I'm too tired to even part my lips.
"I'm so sorry for causing you too much pain, Mirthene." Aniyang walang humpay sa pagpawi ng luha sa aking pisngi.
"Sorry kung naging duwag ako noong mahalin ka dahil akala ko iyon ang magiging paraan para mas magtagal tayo. Na kapag hindi ako lumagpas sa pagiging magkaibigan ay hindi tayo kailanman masisira. Kung alam ko lang na ganito lang rin pala, sana naging matapang na ako simula palang. Sana minahal na kita. Sana sinunod ko nalang 'yung puso ko pero wala e. Duwag ako. Duwag na duwag akong mawala ka sa'kin noon." Tumigil siya sandali para kalmahin ang sariling emosyon.
"Mahal kita noon at mas mahal kita ngayon Mirthene..."
Napahagulgol na naman ako sa mga narinig. I felt the sincerity of his broken voice. Na sa bawat salita niya ay kusa iyong dumidiretso sa kaibuturan ng puso ko. At naniniwala ako. Kahit aasa na naman ako ay maniniwala ako.
"Mas mahal na mahal kita..." Emosyonal kong sambit.
Tinulungan niya akong makatayo at pagkatapos ay muli akong niyakap sa huling pagkakataon.
Sa pagtapos ng yakap ay muli niyang ikinulong ang mukha ko gamit ang kanyang mga palad.
"Don't leave them please? Promise me you'll stay?" Hinawi niya ulit ang mga luha ko at wala sa sariling napatango nalang ako.
Pumikit siya ng mariin at pagkatapos ay tumingala na tila pinipigilan na naman ang pagbabadya ng mga luha. Sa muling pagbalik niya ng tingin sa akin ay pinilit niyang magpaskil ng isang ngiti.
Bumaba ang mga kamay niya patungo sa aking mga kamay. Ilang beses niyang pinisil iyon na tila hirap na hirap parin sa gagawin.
"I'll always love you, Mirthene..." Aniya habang unti-unting binibitiwan ang kamay ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro