Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 35

Chapter Thirty Five

Stolen

Halos isang linggo na kaming nasa Paris ni Marcus pero hanggang ngayon ay hindi ko parin ma-contact si Jennifer!

Hanggang ngayon ay iniisip ko parin kung paano niya plinano ang ganito sa aming dalawa ni Marcus! Oo nga at gusto ko itong makasama pero ang isipin ng lahat na nasa honeymoon kami ay kabaliwan!

Sa tuwing umuuwi kami ni Marcus sa suite pagkatapos maglibot ay hindi nawawala ang mga panibagong magagandang bulaklak sa loob nito.

Wala sa sariling kinuha ko ang panibagong bouquet na nakalapag sa kama at inamoy 'yon. Napapikit na ako. Hindi ko narin napigilan ang mapangiti.

I'm loving this. Ang magandang lugar at kultura ng mga pranses na ang bawat segundo ay punong puno ng pagmamahal.

Napadilat lang ako ng marinig ang pagclick ng camera galing sa kung saan.

Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Marcus habang tinititigan ang kinuha niyang litrato.

Ibinaba ko ang bulaklak para sugurin siya pero madali niyang inangat ang hawak na camera palayo sa akin.

"Patingin Marcus! How could you!"

Tumatawa niyang mas itinaas iyon kaya lalong hindi ko maabot.

"Stop it Mir! No. Baka burahin mo!" Tumalikod siya pero hindi ako tumigil sa pangungulit.

"I promise patingin lang!" Naiinis akong natatawa sa sarili ko.

Hindi ko alam kung anong hitsura ko doon. Ang mga kaninang stolen shots niya sa akin gamit ang cellphone niya ay nabura ko pero ang mga pictures sa hawak niyang camera ngayon ay hindi ko pa nakita. I can't even touch the damn thing!

"Marcus!"

"No way!"

Halos hingalin na ako kakatalon para lang abutin iyon sa kamay niya pero dahil sa tangkad niya ay hindi lang ako umabot sa kan'yang palapulsuhan.

"Marcus you're being rude!"

Humagalpak siya ng tawa at umikot para harapin na ulit ako pero sa pag ikot niya ay sakto naman ang pagtalon ko.

Pakiramdam ko'y niyakap ako ng isang napakalamig na kaluluwa ng muntikan ng mahagip ng labi ko ang kan'yang labi.

Pareho kaming natigil sa pag galaw at napatitig nalang sa isa't-isa dahil sa pagkagulat.

Naghuramentado ang puso ko ng makita ang pagtaas baba ng adams apple ni Marcus matapos lumunok ng dalawang beses. Damn... He is sexy!

Parehas kaming nanatili sa ganoong pwesto. Kahit na gusto kong kalmahin ang dibdib ko ay hindi ko magawa!

Napalunok narin ako ng makita ang bahagyang pagkagat niya sa kan'yang pang ibabang labi.

"I..." Napahinto ako ng mablangko ang utak ko.

Shit!

"A-Ang init... Ang init init!" Agad akong yumuko at patakbong umalis sa harapan niya.

Pakiramdam ko'y naiwan sa labas ang kaluluwa ko matapos kong maisara ang pintuan ng bathroom! Nagkukumahog akong lumapit sa sink para maghilamos!

Habang ginagawa 'yon ay wala sa sariling natigil ang mga daliri ko sa aking labi. Pumasadang muli sa utak ko ang nangyaring muntikan naming paghahalikan.

Lumihis ang kamay ko at mariing pinisil ang magkabila kong nag iinit na pisngi. Napangiwi ako.

"Shit..."

This is real.

"Mir?"

Napatalon ako ng marinig ang pagkatok at tawag sa akin ni Marcus.

"O-Oh?" Nauutal kong sagot.

Tumikhim ako at kinuha ang puting tuwalya na nakalagay sa gilid bago pinunasan ang basa kong mukha.

"I heard you cuss. Are you okay?"

Hell no! Sigaw ng utak ko.

Tumikhim ako at itinabi ang tuwalya pero hindi parin ako handang makita si Marcus.

Itinukod ko ang aking magkabilang kamay sa gilid ng sink, still calming my self after what happened.

"Yeah."

"Good. Pwede ka ng lumabas. Hindi naman mainit."

Inayos ko ang aking buhok ko at muling naghilamos.

"Hey..."

God! Talagang papatayin ko si Jennifer pagbalik namin ng Pilipinas!

Muntik na ulit akong mapamura ulit ng maramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone sa aking bulsa. Agad kong pinunasang muli ang mukha ko at kinuha 'yon.

Speaking of the devil...

Habang tinutuyo ang mukha ay sinagot ko na ang tawag ni Jen.

"Mirthene..." Napakagat ako sa aking labi ng marinig ang mapang-asar niyang boses.

"You bitch."

Nawala ang kaba ko ng marinig ang paghalakhak niya sa kabilang linya. Damn! She really planned this! Kaya naman pala parang hindi nakikisali si Russel sa usapan namin dahil siya naman pala talaga ang may itim na balak sa amin!

"What?! So ano? Kumusta naman ang honeymoon ha!"

"I hate you!" Lumabas na ako sa banyo.

Binuwal ni Marcus ang pagkakasandal sa dingding ng makita akong lumabas doon.

Nagpaalam ako sandali para kausapin si Jen. Kalaunan ay ibinigay ko narin kay Marcus ang cellphone ng hanapin siya ng taksil kong kaibigan.

Nagtagal pa kami ng isang linggo sa Paris bago naman lumipad patungong Greece. Hindi na ako nanibago ng pati doon ay itinuturing kaming bagong kasal at nasa honeymoon.

Sa huling araw ng bakasyon namin bago bumalik sa Pilipinas ay doon ko na natanggap ang balita ni Jen tungkol kay Hermes at Blaire.

"O-Okay ka lang?" Tahimik akong tumabi kay Marcus na nakatanaw lang sa mga yateng nasa ibaba ng kinaroroonan namin.

He nodded.

Kanina lang ibinalita sa akin ni Jen na ikakasal na si Hermes at Blaire pero ang sabi ni Marcus kanina ay noong nakaraan pa raw iyon sinabi sa kan'ya ni Hermes. Maybe he just doesn't expect their wedding to be this soon.

"Are you sure you can do it? Pupwede ka namang tumanggi kay Hermes at sabihing huwag nalang ikaw ang gawing best man? Baka nga maintindihan pa niya kapag hindi ka pumunta sa kasal nilang dalawa kasi-"

"I said I'm fine Mir..." Humarap siya sa akin at seryosong inulit ang sinabi.

Ako naman ay napatango nalang.

Basta kapag masakit sabihin mo ha? Sabihin mo lang Marcus...

Hanggang sa makabalik kami ng Pilipinas ay hindi ko na binuksan ang topic na 'yon dahil alam kong kahit na sinasabi niyang okay lang siya ay ramdam ko namang hindi.

Kung ako rin naman ang nasa kalagayan niya ay tiyak mahihirapan din ako. Baka nga hindi talaga ako umattend sa kasalan. Kahit pa sabihing bestfriend ko siya...

Just like what I felt before when I found out that he already proposed to Blaire. Alam kong hindi talaga ako pupunta kung sakaling natuloy 'yon.

Pero iba si Marcus. Hindi ko alam kung saan niya hinuhugot ang tapang at lakas ng loob na gawin ang mga bagay na ito para kay Hermes at Balire.

Siguro nga gano'n talaga kapag sobrang mahalaga sa'yo ang isang tao.

Kapag mahal mo, nakakaya mong gawin 'yung mga bagay na imposible sa mata ng iba. Mahal mo e, and love has indeed no boundaries.

Kasama ko si Jen mamili ng damit na susuotin para sa kasal ni Hermes at Blaire.

Si Marcus naman ay kasama ng kan'yang best friend para sa gaganaping bachelor's party nito bago ang kasal sa isang araw.

"Sisipot kaya si Marcus?"

Ibinalik ko ang kinuhang damit sa lagayan bago kumuha ng panibago.

"For sure. Mukhang gusto niya rin namang makita si Blaire." I can almost taste the bitterness of my voice.

Ipinilig ko nalang ang ulo ko ng magtagal ang mapanuring titig sa akin ni Jen.

"Sukat ko muna 'to." Itinaas ko ang damit at dumiretso na sa fitting room bago pa niya ako kundenahin.

Nakailang oras pa kami sa paglilibot sa Parissiene bago makahanap ng susuotin sa kasal.

Excited ako ng dumating ang araw ng kasal ni Hermes. Maliban sa gustong gusto ko na siyang makita ay totoong masaya ako para sa kan'ya at hindi na ako makapaghintay na sabihin 'yon sa kan'ya ng personal.

Sinundo ako ni Marcus para sabay na kaming pumunta sa venue.

Hindi ko na muling tinanong ang mga katanungan ko dahil masyado na akong paulit-ulit. Tahimik lang din naman siya at seryoso.

Kahit na hindi niya sabihin sa akin ay ramdam kong apektado parin siya sa araw na ito.

Inalalayan niya akong makalabas sa pintuan ng kan'yang sasakyan at pagkatapos ay sabay na kaming pumanhik sa loob ng simbahan.

I greeted Hermes and Leonne. Maging ang iilan pang mga pamilyar na mukha ay binati ko rin.

Nang sumenyas ang wedding coordinator na dumating na ang bride ay muli kong tinapik ang balikat ni Marcus.

"I'm okay..." He mumbled.

Tumango tango nalang ako at sumama na kay Jen sa upuan namin.

Pakiramdam ko'y kusang nabasag ang puso ko ng makita ang pagkislap ng mga mata ni Marcus ng magsimula ng maglakad sa aisle ang bride. Maging ang boses ng wedding singer ay tila nanunuot sa kailaliman ng puso ko.

Nasa gilid siya ni Hermes na gaya rin nitong nakatitig sa magandang mapapangasawa.

Blaire on the other side looks so stunning. Suot ang napakagandang wedding gown na tanging sumisigaw ng kagarbohan.

Siniko ako ni Jen ng muli akong mapatitig kay Marcus.

Ano kayang nasa isip niya ngayon?

This is his dream right?

Ano nga kayang pakiramdam na ang pangarap mong kasal at pakakasalan ay sa iba napunta? Sa bestfriend mo?

Parang gusto ko nalang siyang yakapin ng mahigpit ng makita ang pilit niyang pag ngiti kay Blaire sa kabila ng malungkot na mga mata.

Marcus... Masakit pa ba? Nasasaktan ka parin ba? You know I'm always here right? Ako... Hindi kita iiwan... Hinding hindi kahit na walang wala ka na. Kahit ako nalang ang matira. Ako nalang Marcus...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro