Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 34

Chapter Thirty Four

Borrowed Time

"Hindi parin talaga? Hindi pa ba dating 'yan Mir? Look how he treats you! Para kang isang prinsesa sa kan'ya. Para  ngang ikaw ang unang naging girlfriend ni Marcus e!" Pang-iintriga ni Jen sa akin isang araw.

Hindi ko siya pinansin. Nanatili ang mata ko sa aking laptop. Sa background na may mukha naming dalawa ni Marcus.

Nang makita ko ang pagtayo ni Jen at akmang paglapit sa akin at madali ko iyong isinara.

"Hindi nga. Isa pa, kung oo sasabihin ko naman sa'yo. He's been like that since the very beginning Jen. Huwag mo ng bigyan ng kulay-"

"Bakit? Umaasa ka rin 'di ba? Kasi alam kong hanggang ngayon si Marcus parin naman talaga. You still love him do you?"

Napalunok ako sa tanong ni Jen sa akin. Alam kong kahit na sabihin kong hindi ay hindi naman siya maniniwala.

"K-Kung oo... Masama ba 'yon?"

"Hell no! Mas maganda nga 'yon lalo na ngayong matagal narin si Hermes at Blaire! Marcus deserves a happy ending too! Meaning ikaw, Mirthene! Alam kong noon pa ay kayo na talaga ang nakatadhana. I just hate the fact that life ruined all of it! Hindi ko inasahan si Blaire at mas lalong hindi ko inaasahan na hanggang ngayon ay pareho parin kayong single at naghihintayan!"

"Anong gagawin ko Jen? I can't tell him that I love him-"

"Hep hep! Enough of that crap! I'm sure he knows what you really feel for him!"

Napailing ako sa napagtanto.

Hindi ba mas nakakatakot ang gano'n? Iyong alam naman na ni Marcus na mahal ko siya pero wala parin siyang ginagawang hakbang? Paano kung kaibigan lang talaga ang turing niya sa akin at masira kami ulit dahil sa kahibangan ko?

"That's the reason Jen. Kung alam na niya, bakit kailangang ako ulit ang magsabi?"

Sandaling natigil sa pagsasalita ang kaibigan ko at tila nilamon nalang ng malalim na pag-iisip.

Imbes na hintayin pa ang sasabihin niya ay muli ko nalang itinuon ang atensiyon sa trabahong ginagawa ko.

Days went so fast.

Isang araw ay ibinalita nalang sa akin ni Hermes ang balak niyang marriage proposal kay Blaire.

"Alam na ba ni Marcus? I mean hindi naman sa nangingialam ako o ano..."

"Of course Mir. Siya ang unang taong pinagsabihan ko no'n. I respect Marcus so much at masyadong malawak ang pang-unawa ko sa nakaraan. I totally understand everything that happened between the two of them and I am grateful that Marcus is still my friend. Kahit na pakakasalan ko na si Blaire... I have his permission, Mir. Noon ko pa hiningi 'yon kahit na hindi niya hilingin. He's my bestfriend and he means so much to me."

I nodded.

"Well, congratulations Hermes. I'm glad that you are happy with Blaire. Totoong masaya ako para sa inyong dalawa." Buong puso kong sambit.

"Thank you Mir. So paano? I'll just send you the wedding invitation?"

Napangiti ako doon.

"Put me on the VIP list kung meron!"

Natatawang tumango tango si Hermes.

Ilang linggo pa ang lumipas bago ako nagkalakas ng loob na maitanong kay Marcus ang tungkol sa napag-usapan namin ni Hermes.

I just wanted to know how he feels about his bestfriend marrying the love of his life.

"Just like what I have said, masaya ako para sa kanila Mir. At kung kukunin man akong best man ni Hermes, maa-appreciate ko pa."

"Really?" Hindi sigurado kong tanong sa kan'ya.

Tumango tago siya bilang pagsegunda sa unang sinabi.

"You don't believe me?"

"No. I'm just making sure."

Marcus chuckled like what he used to do. Iyong tuwing napag-uusapan ang bagay na seryoso ay parang ginagawa niya lang biro para gumaan ang usapan.

"I am serious Mirthene. Now, can I eat my steak first before you ask me God knows what about their wedding?" Nakangisi niyang tanong.

Napanguso nalang ako.

"Alright. Mabulunan ka sana kung nagsisinungaling ka."

Kahit na halos pabulong nalang ang pagkakasabi ko no'n ay narinig parin ng damuho!

Humalakhak siya at binitiwan ang mga hawak na kubyertos bago tumayo at ilahad ang kamay sa harapan ko.

Pakiramdam ko'y matutunaw na ako ngayon lalo pa't ramdam ko ang marahas na pagtibok ng puso sa aking dibdib.

"Ano?"

"I lost my appetite."

"A-Agad agad?" Naghalukipkip ako imbes na tanggapin ang kamay niya.

Nagbago ang tugtog sa garden restaurant kung nasaan kami kaya mas lalo niyang pinag-igi ang kamay na nasa harapan ko.

"Oo, ang kulit mo e."

Itinaas ko ang isang kilay ko.

"Anong gagawin ko ngayon?"

Ang lahat ng pagtataray ko ay awtomatikong napawi ng makita ang paglunok niya at pagseryoso.

"I owe you this one Mir... I missed that last ball with you. So... please? Pwede bang pabawiin mo ako?"

Para akong nahipnotismo sa paraan ng pagtitig sa akin ni Marcus at wala sa sariling tinanggap ang kamay niya. He smiled once again bago lagay ang kan'yang mga kamay sa aking bewang.

Habang sinusundan ang maingat niyang paggalaw sa tugtuging namumutawi sa kabuuan ng garden restaurant ay hindi ko mapigilan ang humiling na sana ay huwag ng matapos ang ganito.

Na kung hiram lang ang oras na kasama ko siya ngayon ay sana huminto nalang ang pag-inog ng mundo.

I've never imagine myself hoping again for us but here I am... Mas matindi sa kung anong naramdaman ko ngayon ang nararamdaman ko para sa kan'ya. At nakakatakot. Hindi nawawala ang takot ko pero ipupusta ko ang lahat para lang sa kasiyahang nararamdaman ko ngayon.

Dahan-dahan kong ipinadausdos ang kamay ko patungo sa dibdib ni Marcus. Dama ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya at kung hahawakan ko rin ang akin ay gano'n din 'yon.

Ramdam ko ang pag-init ng magkabilang pisngi ko ng hulihin ni Marcus ang kamay kong nasa kan'yang dibdib at maingat iyong inangat patungo sa kan'yang labi habang nakatitig sa aking mga mata.

Napangiti ako ng ulitin niya ang paghalik do'n ng dalawa pang beses pagkatapos ay muling ibinalik ang kamay ko sa kan'yang leeg.

Gusto ko ng mapayuko dahil alam kong pulang pula na ang pisngi ko at kitang kita iyon ni Marcus ngayon pero ayaw ko rin namang mawala siya kahit isang segundo sa paningin ko.

Lumamlam ang mga mata niya habang unti-unting bumababa patungo sa aking labi. I swallowed hard at that.

Muli na naman kasing nagsusumigaw ang puso't isip ko.

"Have I told you how beautiful you are Mir?" Aniyang matamang nakatitig sa akin.

Pakiramdam ko'y pati ang buong katawan ko na ang umaapoy ngayon dahil sa kaseryosohan ni Marcus. Ni kahit kaunting tuwa o pagbibiro sa mga mata niya ay hindi ko nakita.

"No."

Doon lang siya tila natawa pero agad din namang bumalik sa pagkaseryoso.

"I'm such a dick then. Damn..."

Napahagikhik ako lalo pa't nakita ko ang inis niya sa sarili.

"Hindi rin naman kaila-"

"You are... so... damn... beautiful Mirthene..." Klaro at dahan-dahan niyang pagpuputol sa sasabihin ko.

Naramdaman ko ang panghihina ng mga tuhod ko dahil sa narinig. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin kay Marcus.

Kung mag te-thank you ba ako sa kan'ya o ibabalik sa kan'ya ang sinabi.

Ano nga bang dapat gawin o sabihin kapag sinabihan kang maganda ng lalaking noon ay hindi naman iyon nakita?

"T-Thank you..." I blurted.

Iginalaw ko ang mga kamay ko papunta sa mukha ni Marcus. I let my hand felt his light stubble.

"Ang gwapo mo rin..." I confessed.

Parang mas lalong naghuramentado ang puso ko ng makita ang pag ngisi niya.

"I know. Sinabi mo na noon 'di ba?" Pilyo niyang sambit.

Parang gusto ko nalang tapusin ang pagsasayaw ng maalala kong iyon ang una kong nasabi sa kan'ya sa unang Lunes nang simulan ko siyang pangarapin.

"I can't remember." Pagsisinungaling ko.

Mas lalong lumawak ang ngisi ni Marcus kaya tinanggal ko na ang mga kamay ko sa kan'yang leeg.

"Kain na tayo. Nagutom ako bigla!"

Akmang aalis na ako sa harapan niya pero ni hindi ko magawang umatras kahit kaunti dahil sa paghigpit ng mga kamay niya sa aking bewang.

"You're lying Mirthene... Alam kong gwapo ako dahil sinabi mo na noon."

Bahagya kong kinagat ang labi ko. My heart is pounding so loud in my chest! Nakakabaliw na ang pagwawala ng puso ko!

"Hindi ko na talaga maalala."

"Really?"

Napalapat ang mga kamay ko sa magkabilang dibdib ni Marcus ng maramdaman ko ang paglakad ng isa niyang kamay sa aking likuran.

Pakiramdam ko'y habang umaangat 'yon ay pabilis naman ng pabilis ang kuryenteng patuloy na dumadaloy sa sistema ko.

"So hindi ako gwapo, huh?"

Pinigilan kong mapapikit ng maramdaman ang palad niyang nasa aking leeg na.

"G-Gwapo..." Nauutal kong sambit bago tuluyang kumawala sa kan'ya.

Nagmamadali akong bumalik sa lamesa at agarang napainom ng tubig dahil sa nangyari!

Nanatili namang nakatingin sa akin si Marcus habang naiwan sa kinatatayuan namin kanina.

Ibinulsa niya ang kan'yang magkabilang kamay bago ako lapitan. Hindi nawala ang nakakalokong ngisi niya.

Damn you Marcus! Damn you!

Ang buong durasyon tuloy ng dinner namin ay halos hindi ako makatingin sa kan'ya ng diretso. I prayed that he just make fun of what happened pero hindi nangyari.

Ilang beses nagmura ang utak ko. I felt like I let him see some part of myself that I'm still trying to hide. Ang paghanga ko sa kan'ya. Ang pagmamahal na higit pa sa isang kaibigan.

Nang sumapit ang birthday ko sa sumunod na buwan ay napagdesisyunan naming bumisita sa Paris.

"What?!"

Halos sabay naming bulalas ni Marcus ng sabihin ni Jen na hindi na sila sasama sa amin ni Marcus.

Humagikhik si Jennifer at hinawakan ang kamay ni Russel.

"We decided to go to Israel. Gusto kong bago kami mag settle ay mabisita ko muna ang holy land."

Nagkatitigan kami ni Marcus dahil doon. Nagkibit naman siya ng balikat.

Kahit na duda ako sa dahilan ng dalawa ay hindi ko narin sila pinilit. Kaya naman ng dumating ang araw ng bakasyon sana naming apat ay dalawa nalang kami ni Marcus na pumunta.

"Bonjour Mr. and Mrs. Warner!" Bati ng isang babaeng sumalubong sa amin ng makarating kami sa isang resort na si Jen ang nag ayos.

Napalayo ako kaagad kay Marcus ng marinig ang pagbati nito. Imbes na itama naman niya ang sinabi ng babae ay binati niya lang ito pabalik.

"Bonjour."

Hindi natigil ang pagdaldal ng magandang babae sa amin gamit ang kan'yang nakamamanghang french accent. Pero mas hindi ako makapaniwalang sa iilang french words na sinabi nito ay tila naintindihan iyong lahat ni Marcus. Nanatili akong tahimik at tulala sa kanilang dalawa.

Kung hindi pa hinawakan ni Marcus ang kamay ko ay baka hindi ko pa mamalayang nasa harapan na kami ng suit.

"Welcome to the honeymoon suit." Nakangising sambit ng babae na nagpalaglag ng panga ko.

Umangat naman ang gilid ng labi ni Marcus habang tumatango tango sa babaeng nasa kan'yang harapan.

"N-No-"

"S'il vous plaît profiter de votre séjour avec votre femme!" Masayang dagdag ng babae kay Marcus na dahilan para matigil ako.

Nalilito kong pinagmasdan ang tuwang tuwa na mukha ni Marcus kasabay ng pagtango niya rito.

"Une femme heureuse est une vie heureuse." He answered back.

Para akong literal na na-seenzoned dahil kahit na nasa harapan nila ako ay parang hindi nila nakita ang pagtutol ko sa isiping sa iisang kwarto lang kami tutuloy ngayon!

Bago pa ako makapag-reklamo ay nagpaalam na ang babae.

"What was that?"

"Huh?"

"Anong ibig sabihin no'n at tuwang tuwa kayong dalawa?" Hinarangan ko si Marcus ng akma na siyang papasok sa loob.

Natatawa niyang pinisil ang mukha ko.

"Wala. Sabi niya honeymoon suit daw 'to-"

"Narinig ko 'yon Marcus! I'm asking about the french words. I didn't know you can speak french too! Did you say something bad about me huh?"

Humagalpak na siya ng tawa.

"Why would I do that?"

Sinapak ko ang dibdib niya.

"E bakit tuwang tuwa ka! Alam kong may sinabi kang iba Mr. Warner!" Pinagdiin ko ang huling salita.

Mas lalo lang siyang natuwa sa asta ko. Umiling siya at nilapitan ako.

Napalunok ako ng makita ang mabilis na pagpasada ng kan'yang dila sa mapupulang mga labi para basain 'yon.

Oh God! Wala na ba talagang katapusan ang pagwawala ng dibdib ko?!

Para akong natuyuan ng lalamunan ng hawiin niya ang buhok sa aking mukha at maingat iyong ibinalik sa likod ng aking tenga sabay sabing,

"A happy wife is a happy life..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro