CHAPTER 30
Chapter Thirty
The One That Got Away
"I'm so glad he fucked up. Inasahan ko na rin talaga 'yon." Parang nabunutan ng tinik sa dibdib na bulong sa akin ni Jen habang nasa burol kami ni Tita Helene.
Tipid akong ngumiti. It's been three day's since the cheating happened. Ang araw na ito rin ang huling lamay at simula ng makita ko si Bella at Tyrone ay lumiban muna ako sa trabaho.
Kahapon ay ibinalita na sa akin ni Lira na nag-resign na si Bella pero hanggang ngayon ay hindi parin ako handang pumasok. Siguro ay dadamayan ko muna si Marcus hanggang sa matapos ang pagluluksa niya kay Tita Helene.
"Nanggigigil parin talaga ako Mirtina." Pigil ang paghingang sambit ni Jen habang pinipisil ang kamay ko.
Tinawanan ko nalang siya. Gano'n na ang nakagawian ko sa ilang araw na napag-uusapan si Tyrone. Tinatawanan ko nalang lahat ng katangahan ko sa relasyong 'yon.
Ilang beses narin niyang sinubukan na kausapin ako at magpaliwanag pero dahil kay Daddy ay hindi na ito bumalik sa bahay kahapon.
Napapailing nalang ako habang nakatulala sa kinalalagyan ni Tita Helene.
Ilang araw ko ng tinatanong sa sarili ko kung saan humuhugot ng kapal ng mukha si Tyrone at Bella sa akin na parang wala silang ginagawang kababuyan sa likod ko? Saan nanggaling ang tigas ng mga mukha nila na umaktong parang inosente at anghel sa harapan ko?
Nandidiri ako sa tuwing naiisip kong ang mga labing buong puso kong hinahalikan ay hinahalikan din ng ibang babae. I just can't believe how good they are.
Ilang buwan na kaya nila akong niloloko? Siguro nga may pagkukulang ako kahit paano sa relasyon namin pero tangina naman.
Talaga bang kailangang maghanap ng iba dahil lang hindi ko kayang gawin ang gusto niya? Fuck reasons like he has needs and shit, dahil hindi iyon kailanman tamang rason para maghanap ng ibang mapapasukan ang kung anong kakatihan niya sa katawan.
"Anong iniisip mo?" Napapitlag ako ng maramdaman ang pag upo ni Marcus sa tabi ko.
Sa tagal ng pagkatulala ko ay hindi ko narin napansin na umalis na pala sa tabi ko si Jen para salubungin si Russel na kararating lang.
Ngumiti ako at umayos sa pagkakaupo.
"Wala naman. Mga bagay bagay lang."
"You mean, boyfriend mo?" Ibinigay niya sa akin ang isa sa mga kapeng hawak.
"Ex boyfriend." Sagot ko bago kunin iyon.
Tumango tango siya. Dahan dahan akong sumimsim sa mainit na kape at pagkatapos ay inilapag iyon sa aking gilid. Gano'n din ang ginawa ni Marcus.
"So iniisip mo nga?"
Agad akong umiling para tanggihan ang tanong niya kahit na alam kong wala naman akong maitatago. Kahit tumanggi kasi ako ay alam niya naman ang totoo.
"Huwag mo ng isipin 'yon sus!"
Natatawa niyang ginulo ang buhok ko kaya napanguso ako. Sinapak ko naman ang braso niya.
"Akala mo siya hindi iniisip si Blaire." Ganting pang-aasar ko kahit na hindi naman siya mukhang naapektuhan.
"Hindi ko na nga iniisip." Huminga siya ng malalim at ipinilig ang ulo para sulyapan ang kan'yang ina. "Mas mahirap yatang pakawalan si Mommy." Malungkot niyang sabi.
Pakiramdam ko'y dumoble ang bigat sa puso ko. Hinaplos ko ang kan'yang likod kaya napabaling siya ulit sa akin.
"She's finally happy Marcus. Kung si Blaire ay napakawalan mo para maging masaya siya at posibleng guminhawa sa iba, you should let go of Tita too... Sigurado akong wala na siyang sakit na nararamdaman ngayon. She's probably dancing with angels now. 'Di ba magaling mag tango si Tita?"
Sandali siyang napangiti at pagkatapos ay marahang tumango. Kinuha niya ang kamay kong nakapatong sa kan'yang balikat.
Pakiramdam ko'y sumigaw ang ilang parte ng pagkatao ko lalo pa ng maramdaman ang init no'n.
Wala sa sariling napalunok ako ng makita ang maingat niyang pagpantay ng kan'yang kamay sa kamay ko at ang dahan dahang pag pwesto ng mga daliri para ipag-isa ang aming mga palad.
He then glance at me.
"I have nothing left Mir. Lahat ng pinaghirapan ni Mommy wala na. Even the house..."
Pinagdiin ko ang labi ko bago pinakawalan ang bigat sa aking dibdib. I want to be there for him. Gusto kong bigyan siya ng lakas kahit na hindi ko alam kung paano. Kahit na wala akong magawa sa pag guho ng kan'yang mundo.
"You know you're always welcome to live with us Marcus. Kung gusto mo ipapahanda ko na 'yung kwartong tinutulugan mo noon?"
Ngumiti siya pero inilingan ang sinabi ko bago nagbaba ng tingin.
"I'm good. Kaya ko pa. Thank you Mir..."
"You're always welcome. Narito kami para sa'yo Marcus at hindi 'yon pampalubag lang ng loob. Ako... I'm still here at hindi kita iiwan."
Napaangat ang tingin niya dahil sa sinabi ko. I swallowed hard when his eyes looked at me with curiosity. Parang gusto ko tuloy kwestiyunin ang sinabi ko. Tama ba ang pagkakasabi ko no'n?
Hanggang sa mailibing si Tita Helene ay hindi ako nawala sa tabi ni Marcus at gano'n din siya sa akin. Dahil mas iniisip ko ang kalagayan niya ay hindi ko na naisip ang sariling problema at sakit na napagdaanan ko kay Tyrone.
Ginawa ko ang sinabi ni Marcus na huwag ng isipin ang mga manlolokong 'yon pero may mga oras talaga na hindi ko mapigilan ang lungkot. Sometimes I still cry myself to sleep because of it. Kahit ayaw ko.
"Uuwi na po kayo?!" Kumunot ang noo ko dahil tila gulat na gulat sa akin si Lira ng sabihin kong maaga akong uuwi ngayon.
It is Russel's birthday at napagdesisyunan ng kapatid ko na sa bahay nalang kami mag-celebrate kaya naman maaga akong uuwi.
"Oo. May pupuntahan pa kasi ako e." Lalagpasan ko na sana siya pero maagap niyang nahawakan ang kamay ko at agad na pinigil.
"Miss Mir! Mamaya nalang po kaya?"
"H-Ha? Bakit Lira? May kailangan ka pa ba sa akin?" Naguguluhan kong tanong.
Umiling siya at pagkatapos ay kumuha ng sapat na lakas ng loob para ipagpatuloy ang gustong sabihin.
"Si Sir Tyrone po kasi nasa labas at hinihintay kayo kaya..." Yumuko siya at binitiwan ang kamay ko.
Imbes na sundin ang gusto niya ay buong tapang akong lumabas. Hindi ko na alam kung ano pa ang pupwede niyang idagdag sa kasinungalingan niya pero sige. Sa ngayon ay gusto ko siyang pagbigyan. Gusto kong makita kung gaano siya magmumukhang tanga sa harapan ko.
"Mir..." Mabilis na tumayo si Tyrone ng makita ang paglabas ko ng lobby.
Nilagpasan ko lang siya pero sa laki ng hakbang niya ay mabilis niya akong napantayan.
"Mirthene please? Can we talk?"
Nagpatuloy ako sa paglakad na tila walang naririnig. Inabala ko ang aking sarili sa pagbati sa mga taong bumabati rin sa akin sa kabila ng pagkakailang nila sa parang asong ulol na habol ng habol sa likuran ko.
Sa paglabas ko ng tuluyan sa building ay doon na niya ako nagawang hawakan.
"Mir... Please?" Marahas kong hinawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
Sa pagtitig ko sa kan'yang mukha ay parang agad na napuno ng galit ang buong pagkatao ko.
Tyrone is dead to me. Kahit na anong sabihin niya sa akin ngayong palusot ay wala na akong balak pang makipagbalikan.
Kahit na totoong lumuha pa siya ng dugo ay hinding hindi na ako magpapaloko sa kan'ya.
He had his chance yet he screwed it.
Kitang kita ko sa mukha niyang may mga bakas parin ng sapak ni Marcus ang sinserong pagmamakaawa pero hindi ko na makita ang sarili kong siya ang kasama.
Kahit ngayong naiisip kong magkalapit kami ay parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa para lang makawala sa presensiya niya.
"Mir, I'm sorry. Hindi ko gustong mawala ka sa'kin. Walang nangyari sa amin ni Bella maniwala ka. Mahal kita. Ikaw ang mahal ko Mirthene."
Umatras ako ng makita ang pag galaw niya at akmang paghawak sa akin.
"Mir? Please naman? Please? Gusto mo bang lumuhod pa ako para lang mapatawad mo? Babe-"
"Luhod." Matigas kong pagpuputol sa litanya niya habang matalas na nakatitig sa kan'yang mga mata.
Nakita ko ang paglunok ni Tyrone maging ang matinding pagkalito sa sinabi ko.
"Mir?"
"Luhod sabi." Walang emosyon kong pag-uulit.
"Ano?" Litong tanong niya.
Hindi na ako sumagot bagkus ay inayos ko ang pagkakatindig ko sa harapan niya.
Dahil sa pananahimik ko ay wala na siyang nagawa. Gusto kong lumuhod siya. Halikan ang mga paa ko habang nagmamakaawa pero ng makita ko ang pagsuri niya sa paligid at pagtingin sa posibleng makakakita sa nakakabawas pagkalalaki niyang gagawin ay naiinis na akong natawa.
I can't believe him! Damang dama ko ang galit sa bawat pagkalabog ng puso ko!
"Sinabi mong luluhod ka pero hindi mo magawa? Tyrone that's exactly what happened to our relationship! Lahat ng sinabi mo hindi mo napanindigan kaya tapos na tayo! Tapos na tapos na tayo sa relasyong sana hindi na sinimulan!"
Tinalikuran ko na siya kaagad pero hanggang sa makalapit ako sa aking sasakyan ay sinundan niya ako.
"Mir naman! Wala nga 'yon. Hindi ko nga gusto si Bella. Ikaw-"
Huminto ako sa paghakbang para harapin siya. Ang galit na nararamdaman ko sa kan'ya ay wala ng pagsidlan!
Buong lakas kong inangat ang kamay ko at agad iyong ipinadapo sa kan'yang matigas na mukha!
Nag-igting ang bagang niya dahil sa gulat at wala sa sariling nasapo 'yon.
"Damn you! Anong karapatan mong sabihin na parang choice mo si Bella habang may girlfriend ka?! Anong karapatan mong sabihin na ako ang mahal mo pagkatapos mo akong saktan? At anong karapatan mong magpakita pa sa akin ngayon sa kabila ng panloloko mo?!"
"Mir-"
"Don't you dare touch me!" Umatras ako palayo sa kan'ya.
Kitang kita ko ang pag awang ng bibig niya at ang pagbuo ng mga luha sa kan'yang mga mata.
He deserves an Oscar's award! Ngayon may gana pa siyang umiyak? May gana siyang umarteng parang nalugi gayong siya nga itong nagpakasasa sa ibang babae?
Pwes walang dating. Kahit mangisay siya ngayon sa harapan ko ay hinding hindi ko siya tutulungan.
Bumilis lalo ang pagwawala ng puso ko ng makita ang pagtulo ng mga luha niya. This asshole!
I bit my lower lip to prevent myself from crying. He doesn't even deserve a tear from me. Kahit ang mga luhang nagbabadya sa'kin ay dulot lang ng galit. Masyado siyang walang kwenta para iyakan ko ulit!
Hindi ko na kailangan pang sabihin na pumunta siya sa impyerno dahil ngayon palang ay alam kong doon talaga siya nanggaling!
Bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko nang ibuka ang bibig ko para sa pinal na litanya.
"We are so done, Tyrone Jones! Consider me your one that got away dahil kahit ano pang gawin mo ay hinding hindi na kita babalikan!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro