Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 3

Chapter Three

Manliligaw


"Warner... Warner... Warner..." Taimtim kong dasal habang iniisa isa ng aming professor ang mga magkaka-grupo sa project na gagawin.

Napadilat lang ako ng marinig ang apelyido ni Jen kasabay ng pagtawag sa surname ng lalaking ipinagdarasal ko.

Nagkatitigan kaagad kami ng kaibigan ko dahil sa nangyari. Umiling iling siya at bumuntong hinga sabay tingin sa gawi ng lalaking nasa likuran namin.

Bagsak ang balikat ko lalo pa ng marinig ang apelyido ko na kasama ang ilang mga kaklase namin.

"Cheer up! Palit nalang tayo gusto mo? kakausapin ko si Mrs. Polimar." Patuloy na pangungulit sa akin ni Jen habang nakapila kami sa cafeteria.

Umiling ako at hinarap siya.

"Hindi na. Ayos lang naman sa akin kung hindi, e..." Sagot ko.

Kahit na totoong ayos lang naman sa akin na hindi siya makasama sa project ay hindi ko parin maiwasan ang malungkot.

Kumunot ang noo ko ng matahimik si Jen. Kung sa ibang pagkakataon ay pinagaan na niya ang loob ko pero imbes na bigyan ako ng mga pampalubag ng loob ay tanging ngisi lang ang nakita ko sa kan'ya.

Rumolyo na ang mga mata ko ng kagatin na niya ang labi dahil sa kung anong kalokohan ang pumasok sa utak.

"Jen, ano na naman?" Huminga ako ng malalim ng sumabog na naman ang kaba sa puso ko.

Alam kong may itim na binabalak na naman ang babaeng ito!

"Sumama ka sa amin kapag gagawa na kami." Nakangisi niyang sabi.

Imbes na sagutin siya ay mabilis ko siyang tinalikuran.

"Mir look! Hindi naman bawal na sumama ka, a? Besides, sumasabay ako pauwi sa'yo. Paano ako makakauwi kapag wala ka?"

Pinigilan kong pagalitan siya dahil ako na ang nasa unahan ng pila para sa pagpili ng mga pagkain. Itinuro ko ang apple pie at isang soda bago siya bigyan ng atensiyon.

"Jeep? Taxi? Magpasundo ka sa driver niyo o di kaya naman ay maglakad. Maraming paraan para makauwi. And no thank you. Okay nga lang." Giit ko.

Napanguso siya at hindi na muling nagpumilit sa kan'yang ideya.

Sa panibagong Lunes ng linggo ay nagawa kong mag ayos ng sarili. Naglagay ako ng kaunting blush on at lip tint para kahit paano ay magkakulay naman ang mukha ko.

Napangiti ako ng makita ang sariling repleksiyon sa salamin.

Siguro naman mahirap ng mapansin kung pamumulahan man ako ng mukha mamaya kung sakaling kiligin ako sa kan'ya 'di ba?

Malayo palang ako sa classroom ay wala ng pakundangan ang pagwawala ng puso ko. Sa sobrang bilis no'n ay para nalang akong mahihimatay kung sakaling ngitian niya ulit ako.

Ilang beses kong kinalma ang sarili at binagalan ang paglalakad. Calm the fuck down Mirthene... Sobra sobra yata talaga ang pagkabaliw ko sa lalaking 'yon at hindi na makatarungan!

"Hey!"

Napatalon ako ng marinig ang boses ng isang lalaki at hindi pa man ako nakakalingon ay parang nilubayan na naman ako ng aking katinuan ng makita ang mabilis na paglapit ni Marcus sa gawi ko para pantayan ako.

"Anong oras na?" Pormal niyang tanong ng huminto sa tapat ko.

Isang mahabang mura ang isinigaw ng utak ko. Nang maramdaman ko ang pag init ng aking pisngi ay isa lang ang naging sambit ng utak ko.

Salamat sa blush on!

Napayuko ako para tignan ang bagay sa aking palapulsuhan.

Oras na para mahalin mo ako... Bulong ng talipandas kong utak.

Kinagat ko ang pang ibaba kong labi at nagmamadaling sinuri ang aking wrist watch.

"N-Nine fifteen!" Kinakabahan kong sagot.

Napaangat ako ng tingin ng marinig ang buntong hinga ni Marcus. Pakiramdam ko'y umalon ang mundo ko ng maramdaman ang kamay niyang humawak sa yakap kong libro.

Sa pag ngiti niya ay lumakad na ang init sa buong katawan ko.

Is... this... really... happening? Ngayon ba talaga? Hindi ba 'to ilusyon lang?

"Sabay na tayo. Ako na." Nakangiti niyang sabi bago kunin sa akin ang dala kong libro.

Dahil sa pagkatulala ay hindi na ako nakatanggi kaya naman sa pagpasok namin sa classroom ay parang sinilaban ang mukha ni Jennifer ng makita kami.

Patuloy akong umiling dahil alam ko na ang iniisip niya. Sa nakakalokong ngisi niya palang ay parang gusto ko ng tapalan ang bibig niya!

"T-Thank you!" Natataranta kong sambit bago kunin ang libro ko sa kan'yang kamay.

Tumango si Marcus at napakamot pa sa ulo dahil sa madalian kong pagbawi doon. Hindi nawala ang titig ko sa kan'ya hanggang sa makaupo na siya sa kan'yang upuan.

Natigil lang ang ako ng lapitan na ako ni Jennifer.

"Improvement..." Pilyo niyang bulong sa akin habang sinusundan ako sa aking upuan.

"You wish..." Bulong ko pabalik.

"Sus... Bakit kayo magkasama aber?" Aniya.

Inayos ko ang bag ko bago siya harapin.

"Nakasabay ko lang." Tipid ko namang sagot.

Hindi na siya nagsalita kahit na alam kong kating kati pa siya sa dami ng gustong itanong sa akin. Dumating narin ang unang professor namin kaya tuluyan na siyang nahinto sa pang uusisa.

Isang buwan... Dalawa... Tatlo, hanggang sa matapos ang semester ay hindi natigil ang paghanga ko kay Marcus.

Ang noo'y akala kong mawawala ring paghanga ay lalo pa yatang tumindi ng mapagtanto kong sa pangalawang taon ko sa Campbell ay mas naging mabait ang tadhana sa akin.

Hindi lang Lunes kung hindi sa limang araw ko sa loob ng isang linggo ay makikita ko na siya. Hindi ko na kailangan pang pumunta sa building one para lang makita siya. Sa library o di kaya naman ay manuod palagi ng practice game nila dahil sa pagiging magkaklase namin sa lahat ng subject.

Hindi natigil ang pagwawala ni Jennifer lalo na ng malaman na hindi lang ito ang magiging kaklase namin kung hindi ang crush niya ring kaibigan nito na sI Leonne.

Nakapangalumbaba akong nakadungaw sa pintuan at hinihintay ang bilang na sampu...

Hanggang ngayon ay hindi natigil ang kabaliwan sa isip ko.

Hanggang ngayon ay iniisip ko parin na sana... sana isang araw ay mapansin niya ako kahit na imposible.

Sampu...

Pakiramdam ko'y lumiwanag ang buong silid ng makita ko siyang papasok sa pintuan habang kasama ang mga kaibigan.

Umayos ako sa pagkakaupo pero hindi nawala ang titig ko sa kan'ya.

Hindi ko naiwasang purihin ang bagong gupit niyang buhok na mas lalong naging dahilan ng pagwawala ng bagay sa dibdib ko. Damn it! He is gorgeous!

My feelings for him were unstoppable.

Sa bawat paglalapit namin at mga kaswal na pag-uusap ay parang dinidinig ng may kapal ang mga panalangin ko.

"Sorry Tyrone..." Bagsak ang balikat kong sambit ng sabihin ko sa lalaking ilang linggo ng nanliligaw sa akin ang mga salitang 'yon.

Hinawakan ko ang braso niya at marahan iyong pinisil.

"H-Hindi pa kasi ako ready, e..." I lied.

Napalunok ako ng salakayin ako ng matinding konsensiya.

Oo nga at hindi naman kasinungalingan ang sinabi kong hindi pa ako handa pero alam kong may iba pang dahilan kaya ko siya nagawang tanggihan.

"Really Mir? Ngayon mo lang sinabi pagkatapos ng ilang beses kong pagsundo at paghatid sa'yo? Lahat ng effort ko? Ngayon lang talaga?" Napabitiw ako sa kan'ya ng layuan niya ako.

He looked at me with disgust. Parang sinipa ng paulit ulit ang puso ko kasabay ng pagdaloy ng matinding kirot dito dahil sa narinig.

Hindi ko akalaing ganito siya. Sa ilang linggong pagbuntot niya sa akin ay hindi ko akalaing maririnig ang tono niyang ganito.

"Ty, I know you're upset and I'm sorry-"

Natigil ako ng lumabas ang sarkastiko niyang pagtawa. Itinaas niya ang dalawang kamay sa ere.

"You're not what you think Mirthene. Tama nga ang sinabi ng mga lalaking binasted mo. Wala kang taste." Matabang niyang sabi na tuluyan ng naging dahilan ng pag igting ng panga ko.

Dahil sa matinding galit na sumanib sa akin ay mabilis na umangat at dumapo ang palad ko sa kan'yang mukha.

"What the fuck!" Matigas niyang sigaw na dahilan ng panghihina ng mga tuhod ko.

Hindi ito ang unang beses na may binasted ako. Maraming mga lalaki na ang sumubok na ligawan ako pero ni isa sa kanila ay walang pumasa pero hindi iyon dahil sa wala akong taste!

Sa dami ng mga 'yon ay si Tyrone... Siya lang ang kauna-unahang lalaki na ganito ang naging reaksiyon sa pagtanggi ko.

Napaatras ako ng makita ang mabilis niyang paglapit sa akin pero hindi ko parin naiwasan ang kamay niyang mabilis na hinablot ang kamay ko.

Sa kabila ng dagat na mga estudyante sa school grounds ay ni isa sa kanila ay walang naglakas ng loob na punahin ang galit na lalaking nasa harapan ko.

"You're boring! Nakakainis dahil nagsayang lang ako ng oras! Wala kang kwenta!" Halos tumulo ang mga luha ko dahil sa diin ng pagkakasabi niya no'n.

Ito ang unang beses na may lalaking nagalit sa akin. Ito ang unang beses at hindi ko alam kung paano ko siya matatakasan. Kung nakamamatay lang ang titig niya ay baka pinaglamayan na ako sa kinatatayuan ko!

Sa pag arko ng labi niyang mala demonyo ay lalong nadagdagan ang takot ko. Iginalaw ko ang kamay kong hawak niya pero sadyang mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

"Dude, tigilan mo na." Kalmado ngunit may diin na puna ng kung sino.

Natigagal ako sa pagbaling ko sa aking likuran ng makita si Marcus kasama ang mga kaibigan niyang nakasuot ng basketball jersey.

Mas lalong dumilim ang titig ni Tyrone sa pagbalik ng mga mata ko sa kan'ya.

"Manliligaw mo?" Matigas niyang bulong bago balingan si Marcus.

Tuluyan ng nagwala ang pagkatao ko ng makita ang paglapit ni Marcus at ng kan'yang mga kaibigan sa gawi namin.

Napahawak ako sa palapulsuhan kong namumula ng bitiwan niya ako.

"Manliligaw ka rin ba?" Sarkastiko niyang tanong.

Natataranta akong sumunod sa gilid ni Tyrone.

"Hindi!" Maagap kong sabi dahil sa tanong niya.

Para na akong mahihimatay sa lakas ng pagkalampag ng puso ko.

Marcus looks so dangerous in his poker face. Ngayon ko lang nakitang seryoso at madilim ang kan'yang aura samahan pa ng mga kaibigan niyang parang gusto nalang kastiguhin ang lalaking nasa tabi ko.

Lumipat ako sa gitna nila at hinarap si Tyrone para pigilan ang tensiyon.

"Hindi Tyrone! Si Marcus-"

"Ano ngayon sa'yo kung manliligaw ako? Anong pakialam mo?" Matigas na sabi ni Marcus na nagpahinto sa pag inog ng mundo ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro