Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 27

Chapter Twenty Seven

Lost

Malungkot kong ibinaba ang hawak kong cellphone matapos makitang hanggang ngayon ay wala parin akong natatanggap na text galing kay Tyrone. It's been a week since we argued about making love. Noong una ay akala ko madali niya lang makakalimutan ang nangyari pero mali ako.

He's giving me a cold treatment. Iyon bang tumatak na sa utak niya ang nagawa kong pagtanggi. Halos araw-araw ako kung magtext sa kan'ya. I even visited him twice this week but I felt like it wasn't enough.

Sa tuwing binubuksan ko naman ang usapan tungkol doon ay agad niyang pinapatay ang topic.

Isang malalim na buntong hinga ang pinakawalan ko. Jen keep on asking me to watch a movie pero dahil magulo ang utak ko sa relasyon namin ni Tyrone ay ilang beses ko iyong tinanggihan.

Jen:

Sige. I understand pero kung kailangan mo ng kausap andito lang ako ha?

Ako:

Thanks Jen.

Reply ko naman sa text niya.

Katatapos ko lang mag lunch kasama sila Bella at ngayon nga ay pabalik na ulit sa aking opisina.

Inangat ko ang hawak ko ng marinig ang muli niyang pagte-text.

Jen:

Pupunta ka ba sa hospital?

I pushed the door and went straight to the swivel chair. Humilig ako sa sandalan bago siya muling replayan.

Kasabay ng pag alis ni Tito Leo. Pagkatanggal ni Marcus sa trabaho. Pakikipag-hiwalay kay Blaire ay sumabay pa doon ang tila pagbitiw ni Tita Helene sa buhay. She's been in and out of the hospital dahil sa matinding depresyon.

Napalunok ako ng maisip ang patong patong na pinagdaraanan ni Marcus ngayon.

Ako:

Hindi ko pa alam kung makakadaan ako bukas. I haven't talk to him since the last time. How is he?

Jen:

Still broken and almost giving up. Tita Helene needs him, Mir. Pumunta ako kahapon at hanggang ngayon ay wala paring pagbabago.

Simula ng nahospital si Tita Helene ay isang beses palang akong nakadalaw. Noon pang umuwi si Leonne at Hermes para sa ilang araw na bakasyon. Iniisip ko palang kasi ang sitwasyon ni Tita Helene ay parang nanghihina na ako.

Marcus's mother is really beautiful and loving. Noong unang nakilala ko ito ay wala akong naging problema sa pakikisama dahil likas itong masayahin at mabait. Pero ngayong halos hindi na ito makausap ay parang pinipiga ang puso ko. I can't imagine my Mom being like that.

Hindi ko kaya.

Ako:

Kapag may oras dadalaw ako. I'll text you.

Jen:

Okay.

Matapos ang aming usapan ay tumahimik na ang paligid ko. Imbes na mag isip ay inabala ko nalang ang sarili sa trabaho. Kung hindi lang dahil sa malakas na hiyawan ng mga maiingay na taong pumasok sa loob ng opisina ko ay baka hindi ko namalayan na oras na pala ng uwian.

Kumunot ang noo ko ng marinig ang patuloy na paghiyaw ni Faye habang hawak ang malaking bouquet ng rosas sa kan'yang mga kamay. Lira, our new intern stood by her side smiling like there's no tomorrow.

Isinara ko ang aking laptop ng makalapit sila sa aking lamesa.

"Miss Mir," Tumikhim si Faye at pilit na inayos ang sarili kahit na tila kanina niya pa gustong tumili ng tumili sa kung anong dahilan. "This is for you. Ipinabibigay ni... Well just read the card."

Inilapag niya sa harapan ko ang bulaklak.

Nalilito at nangingiti ko iyong kinuha at binasa.

"I'm sorry for how I treated you this past few days babe... Forgive me even though I can't forgive myself for acting so stupid."

Napangiti ako sa nabasang card at bago pa makapag react ay nakita ko ng pumasok si Tyrone sa loob ng aking opisina.

Tumayo ako at agad na lumapit sa kan'ya para bigyan siya ng mahigpit na yakap.

We ended up at our favorite restaurant. Buong gabi yata siyang nag sorry sa akin kahit na paulit ulit ko namang sinabing ayos lang iyon.

"Okay lang Ty... I'm sorry..." Hinaplos ko ang kan'yang mukha.

Kinuha niya ang kamay ko at iginiya iyon sa kan'yang labi bago gawaran ng halik.

"I'm sorry Mir... I promise to wait for you. Hihintayin kong maging ready ka bago natin gawin 'yon."

"I swear I am more than ready, Ty... I am ready to give myself to you but I also want it to be special. I want to remember every part of it." Pakiramdam ko'y namumula na ang buong mukha ko dahil sa mga pinagsasasabi.

Tyrone nodded.

"I want that too..." He answered.

The next week went lighter than the last one. Mas naging maayos kami ni Tyrone at mas napadalas narin ang paglabas namin. Hindi rin lumilipas ang isang buong araw na wala siyang padalang kahit na ano kapag nasa opisina ako. Most of it was flowers and fruits.

I almost forgot the world existed until I received a text from Marcus.

Ito ang unang interaksiyon namin matapos ang nangyari sa condo ni Jennifer ilang linggo ang nakalipas.

Marcus:

Are you busy?

Ang kaninang masayang pakiramdam ko ay tila unti-unting lumabo dahil agad kong naramdaman ang presensiya niya kahit pa hindi ko naman siya kaharap.

Ako:

I'm about to sleep. Bakit? Are you okay? How are you?

Inayos ko ang sarili sa kama habang iniyayakap sa aking katawan ang makapal na comforter.

Katatapos lang naming kumain sa labas ni Tyrone kanina kaya medyo na-late ako ng uwi ngayon.

Marcus:

Can you come outside?

Awtomatiko akong napabalikwas ng tayo sa kama dahil sa nabasa.

Ako:

Nasa labas ka?

Marcus:

Kanina pa. I'm sorry to disturb you Mirthene. It's just that I'm so lost right now...

Madali kong kinuha ang aking robe at ipinatong sa aking katawan. Dahil malalim na ang gabi ay ako nalang ang natitirang gising sa kabuuan ng bahay namin.

Nakita ko ang pagtayo ni Marcus sa gutter ng buksan ko ang aming gate. Tipid niya akong nginitian bago lumapit sa gawi ko.

"Anong oras ka pa nandito? Bakit ngayon mo lang sinabi?" Niluwagan ko ang gate para patuluyin siya.

"I don't want to disturb you. I was here before the sunset but the maid said you're still out. Bumalik lang ako ngayon, nagbabakasakaling nandito kana." Sagot niya habang sinusundan ako papunta sa garden area.

Napayakap ako sa katawan ko ng umihip ang hangin. Nang makarating kami doon ay naupo ako sa isang silya. Gano'n din ang ginawa niya.

Pinilit kong ngumiti kahit na ngayon palang ay ramdam ko na naman ang lungkot niya.

"I was out with Ty kaya natagalan ako ng uwi. Sana tinext mo nalang ako."

Umiling siya at inayos ang sarili sa aking harapan.

"Okay lang. Hindi ko rin naman alam na babalik pa ako e." Nag iwas siya ng tingin at kinuha ang isang pack ng sigarilyo galing sa kan'yang bulsa. "Can I smoke?" He asked.

Tipid akong ngumiti at tumango.

Marcus still looks the same. Maliban sa lungkot na madaling makita sa kan'yang mukha ay wala namang masyadong pagbabago doon.

Ipinilig ko ang aking ulo at nagbaba ng tingin ng simulan na niya ang paghithit sa hawak.

I can't believe I am praising how gorgeous he is with light stubble.

Siguro nga matagal kaming hindi nagkita kaya hindi ako masyadong sanay na mayroon siyang facial hair ngayon. He look so good with it though.

Pinanuod ko siyang manigarilyo habang hinihintay ang kung anong pakay niya sa akin. He flicked his cigarette after two hits.

"How's your day?" He asked.

"Okay naman ikaw? How's Tita Helene?"

"She's fine. Nakatulog kaya naiwan ko ulit kanina. Dapat noong isang linggo pa ako pupunta..." Huminto siya at muling nanigarilyo.

Tumango tango nalang ako. Wala akong masabi o maitanong na iba. Parang lahat kasi ng itatanong ko ay maaapektuhan ako ng lungkot.

"How are you and Tyrone, Mir?" Out of nowhere niyang tanong.

Hindi ako kaagad nakasagot. Hindi pa man nauubos ang sigarilyo ay tinigilan na niya 'yon at hinarap ako.

Parang gusto kong matawa ng maisip na sa dami ng pwede niyang itanong at sabihin ay 'yon talaga ang napili niya.

"Ayos naman kami." Tipid kong sagot.

Tumango tango siya at muling nanahimik. Nang mapagtanto kong hindi na siya muling magsasalita ay sarkastiko na akong natawa.

"Is that it? Kaya ka narito para itanong sa akin 'yon? That's the reason why you're lost Marcus?"

Tumuwid siya ng upo dahil sa tanong ko.

"Do you really love that guy Mirthene?"

Napaawang ang bibig ko sa tanong na binitiwan niya. Kasabay ng pagkairita ay ang pagpintig ng tenga ko.

Parang gusto ko na siyang ipagtabuyan kaagad lalo pa't sa tono ng pananalita niya ay parang nauulit lang ang unang beses na nalaman niyang ito ang boyfriend ko. A tone full of disappointment.

"Why are we talking about this again Marcus? Iyon ba talaga ang pinunta mo?"

"I am just asking you."

"And why do you have to ask about how I feel? Hindi pa ba sapat 'yung unang sagot ko diyan?"

Kumurap kurap siya at natigil sa pagsasalita pero hindi nagbitiw ng tingin sa akin.

Hindi ko gustong mainis pero dahil sa tila pangingilatis niya sa relasyon namin ay muling nabuhay ang galit ko.

"Mir, I am just concerned-"

"About what? Are we talking about the same issue when we're in college?"

Napatayo na ako dahil sa inis.

"Mir, hindi. Ayaw ko lang masaktan ka ni Tyrone. I don't want you to get hurt because of him."

Malumanay ang pagpapaliwanag niya no'n pero hindi ko na napigilan ang galit na tinalo ang natitira kong kabaitan.

"I can't believe you! Nasasabi mo talaga 'yan huh? Sa'yo pa galing na baka saktan ako ni Tyrone? Marcus look what you did to Blaire! Hindi ba dapat iyon ang atupagin mo kaysa ang pakialaman ako? You broke the girl who loved you the most!"

Nahinto ako sa pagsasalita ng makita ang dahan dahan niyang pag ahon sa pagkakaupo.

Pakiramdam ko'y umikot ang tiyan ko dahil alam kong nasapul ko ang ilang parte ng kahinaan niya pero sa galit na nararamdaman ko ngayon ay wala ng makakapigil sa akin. I'm sick of the people who have nothing good to say about my relationship with Ty.

Those unsolicited advice that I didn't even want to hear! Pagod na pagod na akong ipaglaban ang lalaking wala namang ibang ginawa kung hindi ang pasayahin ako! Kailan nila makikita 'yon?!

"I'm sorry..." He said gently, tila sumusuko at nagsisisi sa sinabi but I'm unstoppable!

Pakiramdam ko'y narating ko ang dulo ng pasensiya ko dahil sa paulit ulit na panghihimasok niya sa amin ni Tyrone.

"Hindi porket iniwan mo si Blaire ay gagawin ko rin iyon kay Tyrone dahil hindi mo siya gusto. You don't have to tell me what's wrong and what's right. Wala kang karapatang sabihin sa akin kung saan ako sasaya at kung saan ako masasaktan dahil hindi mo kontrolado ang lahat. Blaire is happy being with you, yet you left her because of too much pride. Now sinong mas masama sainyo ni Tyrone?" Mabilis ang nagawang pagtaas baba ng dibdib ko dahil sa mga mararahas na salitang lumabas sa aking bibig.

Parang piniga ang puso ko. Hindi ko akalaing masasabi ko ang mga 'yon pero wala akong balak bawiin.

I watched him shut his eyes and looked down.

Wala siyang nagawang sagot sa lahat ng sinabi ko at nagpapasalamat ako dahil alam kong hindi ako magpapatalo kapag inulit niya pa ang unang mga salita.

Tumalikod na ako ng makita ang pag igting ng kan'yang panga kasabay ng pagkumo ng mga kamay.

I hate it! I hate how they protect me from something I love. Tyrone and I may have bumps throughout our relationship but that's just how things work. Gano'n talaga ang relasyon!

"I'm sorry Mir. Aalis na ako." He said in a low voice.

Hindi ko siya nilingon. Kahit na narinig ko ang mga yapak niya palayo ay hindi ko siya nagawang tapunan maski ni isang tingin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro