CHAPTER 26
Chapter Twenty Six
Thank You
"Are you sure you can get through that Marcus?" Nag aalalang tanong ko habang seryosong nakatitig sa kan'yang mga mata.
Hindi ko naman obligasyon na kumustahin si Marcus araw-araw dahil hindi rin naman siya humihingi ng tulong sa amin ni Jen pero bilang kaibigan, alam kong iyon ang tamang gawin.
Inilayo niya ang tingin sa akin at ibinaling sa malawak at payapang dagat. Sumunod doon ang mga mata ko. Tyrone is with his friends for a night out again kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataong makausap si Marcus tungkol sa bigat ng problema niya.
"Yeah."
Inangat niya ang beer na bahagyang nakabaon sa buhangin at walang ano ano'y ininom 'yon.
"She will be devastated Marcus..." Malungkot kong sambit.
Hanggang ngayon ay hindi ko maisip na mangyayari ang ganito. Noong sinabi sa akin ni Hermes na ikakasal na si Marcus at Blaire ay alam ko ng nakatadhana iyon. Pero ang desisyong pakikipaghiwalay niya rito? I didn't see it coming.
Siguro nga may mga bagay na hindi tayo dapat magsiguro. Lalong lalo na iyong mga bagay na akala natin ay kontrolado natin. Time and fate is a tricky bitch. Patalikod kung tumira. Darating sa oras na hindi mo inaasahan.
"Sandali lang 'yon Mir, kumpara sa habang buhay na magiging hirap niya kasama ako."
Gano'n ang naging kabuuan ng takbo ng aming usapan. At sa mga sumunod pa ay parehas lamang ang naging kahihinatnan. He is certain with his decision.
Sa naging pag aayos namin ni Jen at Marcus ay tila bumalik kami sa dati. Kung minsan ay binibisita nila ako sa bahay gaya noon. Sa lahat ng pwedeng sumaya ay si Mackenzie ang pinaka natutuwa sa lahat ng nangyayari.
Tyrone often visits me. Kung minsan ay sinusundo niya ako sa bahay at inihahatid sa opisina.
Nang dumating ang sunod naming monthsarry ay nag out of town kami kasama sila Mommy. Simple lang ang naging selebrasyon at totong masaya ako sa nagiging takbo ng aming relasyon ngayon.
I love Tyrone so much. Parang wala na akong hihilingin pa.
"They broke up already Mirthene..." Natigagal ako sa narinig na balita kay Jen isang gabi.
"Where is he?"
"He's here. Hindi ko nga makausap e. I'm really worried about him."
Nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan ng maramdaman ang pagyakap sa akin ni Tyrone galing sa aking likuran at ang paghalik niya sa aking leeg. Tinakpan ko ang aking cellphone para sawayin si Tyrone pero nagpatuloy siya sa ginagawa.
He's drunk. Galing kami sa party ng kan'yang kapatid at ngayon nga ay ako pa ang nag drive sa kan'ya pauwi rito. Kakaayos ko lang sa kan'ya sa kama at handa na sanang umuwi ng tawagan ako ni Jen.
"Ty, please? Saglit lang." Pakiusap ko.
Huminto siya sa paghalik pero lumipat naman sa kabilang banda ng aking leeg. Ibinalik ko sa tenga ko ang cellphone para sana magpaalam na kay Jen pero naunahan na niya ako.
"Mir, can you come here? I'm sorry, I know you're with Ty pero kasi hindi ko alam kung anong sasabihin ko rito. Hindi ko na alam kung paano. I'm bad at dealing with broken people like him. Isa pa, aalis kami ni Russel ngayon e. Please? I just need someone to look after him right now. You know, people with broken heart tend to do cruel things with themselves so please? I promise we'll come back after a couple of hours?"
I gasp when I felt Tyrone's hand cupping my breast. Dahil sa pagkagulat ay napalayo ako sa kan'ya.
"Okay Jen." Sagot ko bago nagmamadaling patayin ang tawag.
"Babe? Let's do it right now..." Namumungay ang mga matang sambit ni Tyrone sa akin.
Lumapit siya ulit at agad na hinapit ang katawan ko palapit. Pinilit kong lumayo dahil alam kong lasing lang siya pero dahil sa lakas niya ay parang isang pader lang ang kaharap ko.
"Ty, you are drunk okay? Please stop. Next time nalang." Pilit kong pagpipigil sa kan'ya.
"I'm not babe..." He kissed me again.
Hindi ako nakapagsalita kaagad pero ng bumabang muli ang halik niya sa aking leeg ay nagawa ko na siyang maitulak.
"Ty! Tama na. Huwag muna sa ngayon. Lasing ka okay? Magpahinga ka na. We will talk about this again. Huwag lang sa ngayon."
Nakita ko ang pag igting ng kan'yang panga dahil sa sinabi ko. Namuo sa kan'yang mga mata ang galit na kahit kailan ay hindi ko pa nakita sa buong durasyon ng aming relasyon.
"Hanggang kailan ba ako maghihintay Mir? Ang tagal na natin pero hanggang ngayon ayaw mo parin? Hindi pa ba sapat 'yung pagmamahal ko? Hindi pa ba ako sapat para sa'yo? Why can't you just make love to me?" Frustrated ang boses niyang litanya sa akin.
Ilang beses akong napalunok. Hindi ko akalaing maririnig ko ang mga salitang 'yon sa kan'ya. He's been gentle with me the whole time. Pinaalalahanan ko ang sariling dahil lang iyon sa alak. Dala lang ng alak kaya siya nagiging ganito ka sensitibo ngayon.
"Ty..." Akmang hahawakan ko ang kamay niya ng umatras siya palayo sa akin.
"I'm sleeping. You go home." Matigas niyang sambit bago ako talikuran at naglakad pabalik sa kama.
Ilang minuto pa akong natulala sa kan'ya habang nakikita siyang nakahiga na doon at natutulog bago ako tuluyang umalis.
This is the first time he acted like that. Kasalanan ko. Ilang beses na ba kaming sumubok pero hindi naman natutuloy? I'm more than willing to give him my all pero hindi ganitong lasing siya.
I want my first experience to be memorable. Iyong pag naisip ko ay iinit nalang ang pisngi ko sa kilig.
Kapag bumigay ako sa kan'ya ay baka hindi niya lang iyon maalala kinabukasan at ayaw kong gano'n lang ang mangyari.
Pagdating ko sa condo ay nakabihis na si Jen at Russel.
"Mir! Thank God! Hindi ko na alam! I'm scared!" Histerikal na sambit ni Jen matapos akong pagbuksan ng pinto.
Pakiramdam ko'y nanlamig ang buong katawan ko sa naging reaksiyon niya. Lumapit si Russel at inalo ang emosyonal na girlfriend.
"Bakit? Anong nangyari?!" Lumakas ang paghuramentado ng puso ko dahil sa kaba.
"He's in the balcony Mir. He won't let us talk to him! Hindi ko rin mabuksan 'yung pinto!" Niyakap niya si Russel na tila kumukuha ng lakas dito.
"Babe relax..." Alo ni Russel habang hinahaplos naman ang buhok ng girlfriend.
Nilingon ko ang nakabukas na kurtina sa balcony. I see Marcus sitting on the floor. Beer on his left hand and cigarette on the right.
"Sige na Jen. Ako na ang bahala okay? You two go and enjoy. Kapag tatalon 'yang kaibigan mo, doon ko nalang babasagin 'yang pintuan. Ayos lang ba?" I said, trying to lighten up the mood even though my body is shaking.
Ang totoo ay natatakot ako sa anong kayang gawin ni Marcus sa sarili niya ngayong tila pasan niya ang buong mundo. Anything can happen.
"Are you sure?" Nag aalalang sambit ni Jen.
Tumango ako at tinapik ang balikat niya. Maging ang kay Russel ay tinapik ko para sabihing ako na ang bahala.
"Thank you Mir. Just call me when something goes down. Like literally down the building!" Aniyang pilit na inililipat ang malungkot na sitwasyon sa masaya.
Tumango tango nalang ako. Habang inihahatid sila palabas ay hindi natigil ang pagsulyap ko sa gawi ni Marcus. Mukha namang wala siyang balak tumayo kaya medyo nakakahinga pa ako ng maluwag.
Sa paglapat ng pintuan sa hamba ay narinig ko na ang sariling pagtibok ng puso ko. Sa katahimikan ng kan'yang condo unit ay umaalpas ang malakas na kabang nararamdaman ko.
Lumapit ako sa pintuan. I knocked twice pero ni hindi man lang siya gumalaw sa pwesto. The smoke of the cigarette in his hand were dying. He looks helpless.
"Marcus... It's Mirthene. I'm here... Can you open the door?" Maingat kong sambit pero wala akong nakuhang sagot.
Nanlulumo akong naupo sa tapat niya. Nakapagitna ang glass wall sa aming dalawa.
"Marcus? Uy..."
"I'm here..." Pag uulit ko.
Still, he doesn't move even a bit. Tila lutang siya sa sakit na nararamdaman.
"Marcus? Galaw galaw ka baka ma stroke ka diyan..." Pagbibiro ko pero gaya ng mga nauna ay wala parin.
"Do you want me to sing? 'Di ba sabi mo noon maganda 'yung boses ko? Maganda 'yung boses natin? Baka pwede tayong mag duet? O baka gusto mong maglaro ako ng volleyball dito? Doon lang kasi ako magaling e. Gusto mong makita? Huh?"
Niyakap ko ang aking mga tuhod at sumandal sa dingding ng wala parin akong makitang pagbabago. Alam kong naririnig niya ako. Alam ko 'yon pero sana lang ay pinapakinggan niya ang mga sinasabi ko.
Napawi ang mga ngiti ko ng maisip na kahit ako yata ay wala ng magagawa. He is too damn sad... and I can't do anything about it.
"Marcus... I know it's hard... Alam kong masakit. Alam kong naiisip mong sumuko pero paano 'yan? Pag tumalon ka diyan, mamamatay ka. Masisira 'yung gwapo mong mukha. Madudurog 'yung utak mo at sasabog sa ibaba-"
Natigil ako ng makita ang paghithit niya sa hawak na sigarilyo at ang pag inom naman sa hawak na beer.
I continued my litany with a low and soft voice,
"Pag nawala ka... M-Mamimiss kita Marcus... Gusto mo bang umiyak kaming lahat kapag nawala ka? Do you want me to cry? Iiyak talaga ako Marcus... Sige ka..." Nangilid ang mga luha ko sa mga huling salita.
Pakiramdam ko'y buong buo ang mga salitang 'yon na nanggaling pa sa kaibuturan ng aking puso. I heard a clicking sound. Lumiwanag ang mukha ko ng makita ang pag awang ng pintong tamad na binuksan ni Marcus.
Para akong batang biniyayaan ng napakaraming chocolates dahil sa ginawa niya. Nagmamadali akong tumayo at lumabas doon.
Lumapit ako at tumayo sa harapan niya. Hiningal pa ako dahil sa pagmamadali! Pakiramdam ko nga ay lalabas na ang puso ko!
"You're being too loud, Mirthene." Masungit niyang sabi.
Imbes na matakot sa pamumuna niya ay lumawak lang ang ngiti sa labi ko.
Huminga ako ng malalim ng maramdaman naman ang inis na mabilis na kumalat sa aking pagkatao.
"Magpapakamatay ka ba ha?! Gusto mo na bang kunin ni Lord?! Pwes sinasabi ko sa'yo hindi ka mapupunta sa langit kapag nag suicide ka! You're definitely going to hell Marcus! At hindi masaya do'n! Satan will burn you alive! Habang buhay kang susunugin and that's not cool at all!" Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng luha ko dahil sa magkahalong kaba, takot, saya at pag-aalala para sa kan'ya.
Sa posisyon niya ngayon sa buhay ay alam kong wala ng iba pang daan para matakasan ang lahat kung hindi ang magdesisyon para sa sarili. Alam kong pwede niya iyong maisip pero hindi iyon ang tamang solusyon! Taking his own life will never be the answer to his problem. Hindi kailanman.
"Why are you crying? Hindi pa naman ako patay a?"
Nagmamadali akong lumuhod sa harapan niya at agarang pinagsasapak ang kan'yang dibdib!
I knew he was drunk. Mamula mula na ang kan'yang magkabilang pisngi at ang mga mata ay tila namumugto pa.
"I fucking hate you, you know!" Patuloy kong bulyaw sa kan'ya.
Natatawa niyang ipinitik ang sigarilyong hawak at hinuli ang kamay ko. Hinawi ko naman iyon at mabilis na pinunasan ang mga mapangahas kong luha.
Tahimik akong naupo sa tabi niya. He handed me his beer. Agad ko iyong kinuha at ininom.
"I'm not stupid to kill myself, Mir. Gusto ko lang sanang mapag-isa pero paano ko 'yon gagawin kung ang ingay ingay mo? May pa volleyball volleyball ka pang nalalaman akala mo naman makakapaglaro ka sa loob ng condo ni Jen."
Natatawa kong sinapak siya ulit.
"Hindi ka kasi gumagalaw! Malay ko ba kung na overdose ka na sa alak mo!"
"There's no such thing."
"Yes there is! Nakakamatay ang alak." Pagkasabi ko no'n ay muli kong tinungga ang natitirang alak ng kan'yang beer.
Yes he looks sad pero alam kong may hangganan ang lahat. Alam kong kaya niyang lagpasan ang lahat ng ito.
"Bakit mo ininom kung nakamamatay?"
Inismiran ko siya. Ibinaba ko ang bote at pagkatapos ay nagseryoso na. Sa muling pagtitig ko sa mapupungay niyang mga mata ay doon ako muling nahawa ng lungkot.
"Pwede naman sigurong damayan kita sa kamatayan 'di ba?"
Pagod siyang pumikit at isinandal ang ulo sa dingding. Wala sa sariling ginawa ko rin ang ginawa niya. I closed my eyes.
Siguro nga kailangan ko nalang tumahimik para sa kan'ya. If he wants to be alone, then I'll act as if I wasn't here.
Binagalan ko ang paghinga ko, iniiwasang maistorbo siya sa pag-iisip pero agad akong napadilat ng maramdaman ang kamay niyang humawak sa aking ulo at maingat na iginiya iyon patungo sa kan'yang balikat.
I let him do that.
Nagbaba ako ng tingin at pinanuod naman ang isa niyang kamay na lumakad para kunin ang kamay kong nasa aking hita.
Napalunok ako ng makita ang detalyadong pagdadaop ng aming mga kamay.
Lumakas ang pagtambol ng puso ko ng maramdaman ko ang pagbagal ng kan'yang paghinga. Napapikit na ako nang marahan niyang haplusin ang aking buhok.
"Thank you for being here, Mirthene..." He wholeheartedly murmured.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro