Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 18

Chapter Eighteen

Mahal Ko


Napangiti ako ng maramdaman ang pagyakap sa akin ni Tyrone galing sa aking likuran.

"I'm sorry..." He murmured.

Mabilis akong kumawala sa yakap niya para harapin siya. Umiling ako.

"Okay lang 'yun, I understand. Okay na ba?" I asked.

Kanina pa kami narito sa beach resort para i-celebrate ang unang buwan ng aming relasyon pero ngayon lang siya ulit bumalik sa tabi ko. He's so busy talking to his father.

Tumango siya at muli akong niyakap.

"Yeah. Pagbalik natin didiretso ako sa office para harapin naman 'yung board members." Bumuntong hinga siya na tila stressed na sa mga nangyayari.

Hinaplos ko ang mukha ni Tyrone at tinitigan ng maigi ang kan'yang kulay kayumangging mga mata.

"Matatapos din 'yan okay? You can do it, Ty. Isa pa ayos lang naman na iyan ang unahin mo. Your father needs you. Sino pa bang mamamahala ng lahat ng business ninyo kung hindi ikaw 'di ba?"

Tumango tango siya sa sinabi ko.

"But I also want to be with you. Mahal kita Mir..." Madamdamin niyang sambit.

Napalunok ako dahil doon.

Ilang beses ko naman nang narinig ang mga salitang 'yon sa kan'ya pero hanggang ngayon ay naninibago parin ako. I'm still not used to it. Ni ang magkaroon nga ng boyfriend na kagaya niya ay parang nakakapanibago parin kahit na isang buwan na kami.

"I... I love you too." Nauutal kong sagot sa sinabi niya.

Tila naestatwa ako sa aking kinatatayuan ng mabilis niyang tawirin ang pagitan namin para gawaran ako ng halik.  Bago pa ako makatanggi ay hinapit na ni Tyrone ang katawan ko padiin sa kan'ya.

He bent back my head across his arm and kissed me with intensity that made me cling to him. His keen mouth was parting my trembling lips, sending wild tremors along my spine. Napaatras ako ng maramdaman ko ang panginginig ng mga tuhod ko. Sa bawat paggalaw ng mga labi niya ay gano'n nalang din ang pagbilis ng kalampag ng aking puso.

Sa gitna ng panghihina ay nagawa ko paring sagutin ang mga uhaw niyang halik.

Sunod ko nalang namalayan ay nakabalik na kami sa loob ng suite. Maingat niya akong inilapag sa malambot na kama habang hindi napuputol ang mga labi naming patuloy ang pagsasalo sa nag aalab na halik.

Ramdam ko ang init ng katawan ni Tyrone habang nasa ibabaw ko pero mas ramdam ko ang init ng katawan ko. I gasp when his lips traveled to my chin down to my neck. Iyong mga labing mapanuyo at marahan ang pag galaw.

"Ty..." Daing ko ng bumaba pa ang mga halik niya patungo sa aking collar bone.

Ilang ulit kong kinagat ng mariin ang labi ko dahil sa kiliting dulot ng mapanukso niyang mga halik.

I let his hands travel to my thigh. Sa bawat paghaplos niya sa aking katawan ay kusang nagsisitayuan ang mga balahibo ko.

I've never been touched by anyone. At ito ang unang beses na lumagpas kami sa simpleng mga halik, yakap at holding hands.

Napadilat ako ng maramdaman ang pag angat niya sa suot kong dress. Bahagya ko siyang naitulak dahil doon.

Hinihingal kong idiniin ang mga palad ko sa kan'yang dibdib.

"Babe?" Laglag panga niyang tanong dahil sa pagpigil ko sa kan'yang ginagawa.

Ang mga mata niyang punong puno ng pagnanasa ay nahaluan ng matinding kalituhan.

Kinalma ko ang aking sarili at nagmamadaling inayos ang damit na bahagya pang nakataas.

"I can't..." Nahihiya akong umalis sa harapan niya at bumalik sa veranda.

Ilang malalalim na paghinga ang pinakawalan ko dahil pakiramdam ko'y sasabog na ako sa sobrang kahihiyan at kaba. Sa lahat ng mga nangyayari ay isa lang ang naisip ko.

Masyadong mabilis. Masyado pang maaga para gawin namin ang ganito. I still can't give him what he wants.

Napapitlag ako ng maramdaman kong muli ang pagyakap sa akin ni Tyrone kasabay ng paglagay niya ng kan'yang mukha sa aking leeg. Napapikit ako ng marinig ang malalalim niyang pagbuntong hinga.

"Babe it's been a month... Hindi ka parin ready?" Bulong niya sa akin.

This is the first time I let him touch me like that. Hindi naman ako gaya ng iba na gusto ng kasal bago ang sex pero sa relasyon namin ni Tyrone ngayon ay hindi ko pa kayang ibigay ng buo ang sarili ko.

"I'm sorry..." Napayuko ako.

Maingat siyang bumitaw sa akin para maiharap ako ng tuluyan sa kan'ya.

"Hindi ba masyado pang maaga para do'n? I mean isang buwan palang tayo Tyrone..."

Inangat niya ang baba ko para salubungin ang mga mata kong mailap.

"Wala naman sa tagal 'yun pero kung hindi ka pa handa sige lang. Maghihintay ako Mir."

Tumango tango nalang ako. Ang buong araw na plano naming maglibot sa kabuuan ng resort ay hindi na natuloy dahil sa pagiging abala ni Tyrone sa  sariling problema ng kanilang pamilya. Mabuti nalang at naging maayos na iyon sa pagbaba ng araw kaya nagkaroon pa kami ng oras na maligo at mag dinner sa tabing dagat.

Our relationship started so good. At sa paglipas ng mga araw ay nagpatuloy ang kasiyahan sa puso ko. Tyrone never fails to make me happy kahit na minsan ay nauubusan siya ng oras sa akin dahil sa kan'yang career.

"Peter?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Oo babe. I'm sorry hindi kita masusundo ngayon huh? Babawi ako bukas! Makulit kasi 'tong si Peter kaya pagbibigyan ko na." Tukoy niya sa mga kaibigan noong college kami.

"Alright. Be safe and don't forget to text me when you got home."

"Copy that!" Natatawa niyang sabi bago tuluyang naputol ang tawag.

Ilang segundo akong natulala sa kawalan dahil doon. Parang naririnig ko kasi ang boses ni Jen na pinapagalitan ako ngayon. Ipinilig ko nalang ang aking ulo.

Marami pa akong dapat na isipin ngayon at hindi ko dapat alalahanin si Tyrone na magsaya kasama ang mga kaibigan niya. I trust him and I know that he can be trusted.

Nakapagpahinga lang ang utak ko ng mareceive ang text niyang nakauwi na siya.

Sa pangalawang buwan ng relasyon namin ay wala namang naging problema maliban sa pagiging abala niya sa trabaho.

"Puntahan kaya natin? You know like stalk them and shit." Suhestiyon ni Jen ng sabihin kong lumabas na naman si Tyrone kasama ang mga kaibigan niya.

"Jen! That's stupid. Hindi naman kailangan 'yon. I'm just here to vent. Wala akong mapagsabihan." Tipid kong sambit.

Nitong nakaraang linggo kasi ay napadalas ang pakikipagkita niya sa kan'yang mga kaibigan at hindi ko na naiwasan ang mag isip.

"See? Paano mo nga naman ise-share kila Tita at Ken iyang mga naiisip mo kung gaya ko rin silang tutol diyan sa relasyon na 'yan."

Inirapan ko siya at tamad na kinuha ang chips na nasa coffee table.

"You're so negative."

"Sige sabihin mo na lahat ng gusto mo pero alam mo yung women's intuition? Minsan totoo talaga e! Hay naku Mirthene huwag lang siyang magkamali dahil kahit wala akong connections sa mga serial killer ay maipapapatay ko siya!"

Napanguso ako sa sinabi ni Jennifer pero imbes na mainis ay natawa nalang ako. Ito ang dahilan kung bakit hindi ko pa siya pormal na maipakilala kila Mommy. Paano ba naman, itong si Jen palang ay hirap ng makasundo.

Gano'n siguro talaga kapag ayaw mo sa isang tao. Iyong kahit na anong gawin nila, kahit na wala basta ayaw mo. Ayaw mo talaga.

"I'm serious Mirthene." Dagdag niya kasabay ng pag nguya ng chips na kinuha.

Hindi na ako sumagot.

Pumunta ako rito para maibsan ang mga negatibong bagay sa utak ko pero ibang lugar yata ang napuntahan ko. Sa mga sinabi niya kasi ay lalo lang dumami ang mga iniisip kong masama kay Tyrone. Damn it. I'm so bad at this. Tama bang maramdaman ko ang ganito?

"Mahal mo na ba talaga? Mag ti-three months palang Mir pwede ka pang makipagbreak kaagad."

"Jen naman. Mahal ko 'yon." Ismid ko sa kan'ya.

Isang sarkastikong tawa ang lumabas sa labi niya dahilan para mapairap ulit ako.

"Talaga? Mas mahal mo na kay Marcus?" Mapang asar niyang sambit.

Nahinto ako sa pag nguya para titigan siya ng matalim.

"Iba 'yung mahal sa minahal Jen!"

Humalakhak siya ng makita ang nakabusangot kong mukha.

Minsan nakakapikon din palang pag usapan ang ganito lalo na kung pakiramdam mo ay may punto ang lahat ng sinasabi niya.

"Ang ibig kong sabihin ay kung mahal mo na ba si Tyrone gaya ng pagmamahal mo noon kay Marcus! With the same intensity gano'n!"

Natigilan ako lalo pa ng makita ang pagtaas ng kilay niya habang hinihintay ang sagot ko. Pinagdiin ko ang aking labi. Ilang beses ko mang hagilapin sa utak ko kung gaano ko kamahal si Tyrone pero wala akong tamang maisagot sa tanong ng kaibigan ko.

Kahit ako ay parang hindi ko pa kayang sagutin 'yon. Yes I am happy with him. Mahal ko siya at alam kong mahal niya rin ako pero kung titignang mabuti kung parehas iyon noong kay...

Naputol ang pag iisip ko dahil sa pagpalakpak ni Jen sa aking harapan.

"Sabi ko na nga ba e!"

Rumolyong muli ang mga mata ko.

"Mahal ko okay?! Bakit ba palaging nasasali sa usapan si Marcus? Ikaw yata 'tong hindi na naka move on!"

Hindi nawala ang pagtawa niya.

"Sige na ako na! Ako na lahat Mirtene. Ang punto dito, dapat hindi ka masaktan okay?" Natulala ako ng ituro niya ang dibdib ko bago magpatuloy.

"Guard that thing Mirthene..." Buong puso niyang sambit.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro