CHAPTER 17
Chapter Seventeen
Boyfriend
"I can't believe you." Umiiling na sambit ni Jen habang sinisipat ang kabuuan ko.
Kumunot ang noo ko at nagkibit nalang ng balikat.
"He's change."
Marahas siyang napatayo sa kinauupuan para lang lumipat sa aking tabi.
"Mirthene seryoso ka ba talaga? Parang noong nag aaral pa tayo kinasuklaman mo na 'yung taong 'yon tapos ngayon sasabihin mo sa'kin na sasagutin mo na? I can't fucking believe you!"
Imbes na dagdagan ang inis niya ay pinigilan ko ang sariling matawa. Itinuon ko ang mga mata sa nakabukas na TV.
Lahat naman siguro ng tao nagbabago 'di ba? I believe in second chances too. I become a sucker for that lately. Siguro dahil sa mga napapanuod kong movies nitong mga nakaraan.
Alam kong hindi naman talaga maganda ang nangyari sa amin noong nag aaral palang kami sa Campbell pero habang tumatagal ay nakikilala ko naman siya.
Ilang beses narin siyang humingi ng tawad sa akin sa nagawa niya noon at ilang beses ko narin naman siyang pinatawad. We were young. Hindi ko siya masisisi lalo na at marami naman siyang choice noon. Maraming babae ang nagkakandarapa sa kan'ya.
He can even get all the girls that he wanted and I ruined his ego. Iyon ang nakita kong dahilan kaya siya nagalit ng husto sa akin noon.
"Kahit anong gawin ko, hindi ko talaga lubos maisip na magkakagusto ka rin pala sa gagong Tyrone na 'yun!" Patuloy niyang pagalit na litanya sa akin.
"Nagbago na nga. Nag matured na... and maybe I am ready too. Ready narin naman akong magkaroon ng boyfriend Jen."
Sandali siyang natigilan dahil sa sinabi ko.
Ipinilig ko ang aking ulo para matigil na siya sa pagdududa sa akin. I know what she was thinking. Alam na alam ko na kung ano ang tumatakbo ngayon sa utak niya. It's all about Marcus again.
"No Jennifer, okay? Walang kinalaman si Marcus sa desisyon kong sagutin si Tyrone. Iba na ngayon. I want to be happy just like him. Malay mo si Tyrone pala talaga-"
"I doubt that!" Pagpuputol niya sa sasabihin ko.
I bit my lower lip.
Ano pa nga bang magagawa ko?
Hindi ko na yata siya kayang kumbinsihin na gustohin si Tyrone para sa akin.
Siguro normal lang ang ganito sa mga kaibigan. Normal lang 'yung maging overprotective sila sa'yo lalo na sa paglalayo sa mga taong nagawa ka ng saktan noon.
"Napakaraming lalaking nanligaw sa'yo Mir. Hindi ko akalaing si Tyrone talaga ang napili mong maging boyfriend. Naiinis parin talaga ako!" Inis siyang naghalukipkip kasabay ng padabog na pagsandal sa couch na kinauupuan namin.
Huminga ako ng malalim at inalis ang tingin sa TV para lang balingan siya.
"Jen you know I don't like Russel at first too pero dahil gusto mo siya kaya gusto ko narin... Please just give me the benefit of the doubt. Kahit ngayon lang sa desisyon ko. I... I like him." Halos pabulong kong sambit sa mga huling salita.
Sinalakay ng kaba ang dibdib ko dahil sa huling sinabi. Parang hindi ako makapaniwalang masasabi ko sa kan'ya ang bagay na 'yon na ibang tao na ang tinutukoy.
I never imagined myself liking someone else other than Marcus pero habang nakikita ko ang effort ni Tyrone sa ilang buwang panliligaw sa akin ay unti unting nabuo ang atraksiyon ko para sa kan'ya.
Oo nga at hindi kami nag umpisa sa magandang relasyon pero sa pagtatiyaga niya ngayong makuha ako ng totoo ay alam kong nagugustuhan ko 'yon.
Napangiti ako ng makita ang pagbuntong hinga ni Jen at pagsilay ng isang matamis na ngiti. She slowly nodded and held my hand.
"Ayaw ko lang talagang makita kang nasasaktan ulit Mir... You deserve to be truly happy. Iyon lang ang gusto ko para sa'yo dahil lahat na yata ng kasiyahan ay isinuko mo na para sa taong mahal mo..."
Pinisil ko ang kamay niyang nakahawak sa akin bago suklian ang kan'yang mga ngiti.
"Normal lang namang ibigay lahat para maging masaya 'yung taong mahal mo 'di ba? Wala akong pinagsisisihan doon Jen. Gusto ko naman 'yon. Ginusto ko 'yon at tama ka. I deserve to be happy too kaya sana kahit na hindi mo gusto si Tyrone, suportahan mo nalang ako? Pwede ba 'yon?"
Marahas siyang napabuntong hinga sa sinabi ko pero kalaunan ay ngumiti nalang ulit at tumango.
I know this is hard for her. Sabay naming kinamuhian noon si Tyrone kaya naiintindihan ko ang pinanggagalingan ng pagtutol niya.
I met Tyrone again after my graduation. Sa iisang kompanya rin kami nag training at simula noon ay hindi na siya nawala sa buhay ko. He begged for my forgiveness and eventually he asked if he can court me again. Iyong totoo na sa ngayon. Iyong seryosohan na. That's his exact line.
Noong una ay hindi naman ako naniwala pero sa araw araw at walang palyang pagsuyo niya sa akin ay alam kong unti unti ko narin siyang nakilala.
"What?!" Nakita ko ang agarang pagliwanag ng mukha ni Tyrone ng sabihin kong sinasagot ko na siya.
Tila lumakas ang masayang tugtog ng piano sa hindi kalayuan dahil sa tuwang nakikita ko ngayon sa lalaking nasa harapan ko.
"Oo na!" Natatawa kong sinabi.
Halos magningning ang mga mata niya dahil sa walang pagsidlang katuwaan. Kumalabog ang puso ko ng tumayo si Tyrone at lumapit sa kinauupuan ko para lang kunin ang aking kamay.
Masaya ko namang tinanggap ang nakalahad niyang kamay at sinundan ang pag giya niya sa akin. Sa pagtayo ko ay agad niya akong niyakap ng mahigpit. Lumakas ang pagwawala ng puso ko dahil do'n!
"You made me the happiest Mir. Imagine, boyfriend mo na ako ngayon!"
"You're a douchebag back then!" Natatawa kong bulong sa tenga niya na naging dahilan ng paghalakhak niya ng tuluyan.
"Oo na. I admit it okay? Gago na ako pero tignan mo... Tayo na ngayon."
Tinapos ko ang yakap na 'yon para harapin siya.
"Wala kasi akong taste." Pang aasar ko.
Ikinawit niya ang kan'yang kamay sa aking bewang bago ako hapitin palapit.
"Ako ang maglalagay ng panlasa mo simula ngayon Mirthene..." Aniyang taliwas sa inaasahan kong sagot.
Wala sa sariling kinagat ko na ang pang ibaba kong labi ng makita ang paglapit ng mukha niya sa akin. Pakiramdam ko'y kinapos ako ng paghinga ng bumaba ang mukha niya. My heart screamed so loud when I felt his lips against mine.
Ang panlalaki ng mga mata ko dahil sa pagkagulat ay agad ring nawala ng maramdaman ang paghaplos ni Tyrone sa aking pisngi.
Tuluyan na akong napapikit. This is my first kiss... He is my first boyfriend and I am ready to be happy...
Marami mang mga kaibigan ko ang magtataas ng kilay kapag nalaman nila pero wala na akong gustong isipin kung hindi ang maging masaya kasama si Tyrone. Sa ngayon ay ramdam kong totoong masaya ako. Sa loob ng ilang taon ay ngayon lang ako sumaya ulit ng ganito. And this is all because of him.
Dahil sa boyfriend ko...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro