Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 16

Chapter Sixteen

I Love You From A Far

I distance myself from everyone. Hindi lang dahil sa gusto ko kung hindi dahil alam kong iyon lang ang tama sa lahat ng gagawin ko.

I did well in our games. Nakakuha pa kami ng isang championship bago matapos ang huling semester ng school year.

Sa kabila ng distansiyang ginawa ko at pagpupumilit na kalimutan ang lahat ay pinagbigyan ko parin ang sarili kong makita siya sa huling pagkakataon.

Inayos ko ang sarili ko sa gilid ng malaking pinto ng convention bago ituon ang mga mata sa lalaking nasa stage at masayang tinatanggap ang kan'yang diploma. Ngayong araw ay hindi lang siya ang ga-graduate kung hindi lahat silang apat maliban sa akin.

Wala sa sariling napakapit ako sa hawak kong box na may lamang relo. I bought this last year. Noong mga panahong maayos pa kami at magkaibigan. Sa ilalim ng hawak ko ay isang letter na ginawa ko kagabi. It was just a simple congratulations letter and nothing else.

Pagkatapos noong nangyari sa ball ay hindi na nagtagpo ang mga landas namin ni Marcus. Ni minsan rin ay hindi ko na pinangarap 'yon dahil alam kong tapos na ang lahat. I ended our friendship.

Napalunok ako ng makita kung gaano siya kasaya ngayon. Hindi man ako nagpakita sa kanila sa buong durasyon ng programa ay nanatili naman akong nakatanaw sa malayo habang masaya para sa natapos nila.

I am so proud not only for Marcus but for all of my friends who graduated today...

"Mir?" Napapitlag ako at mabilis na napalingon sa boses ng isang babaeng tumawag sa akin.

Pinigilan kong mapaawang ang bibig ng makita ang masayang si Tita Helene.

Halos maputol ang paghinga ko dahil sa agaran niyang pagyakap sa akin. Imbes na intindihin 'yon ay mas pinagtuunan ko lang ng pansin ang mga kaibigan kong papalapit na sa amin.

"Tita!" Masaya kong sambit at agad na pinutol ang yakapang 'yon.

"I'm so glad you came! I'm sure Marcus will be so happy to see you my dear!"

Tipid akong ngumiti at umiling.

"Napadaan lang po ako Tita." Bumaba ang mga mata ko sa mga bagay na aking hawak.

Huminga ako ng malalim at muling ibinalik sa kan'ya ang tingin.

"Gusto ko pa po sanang magtagal pero kailangan ko naring umalis." Inilahad ko sa harapan niya ang mga hawak ko. "Pwede niyo po bang ibigay ito kay Marcus?"

Napalunok ako ng matitigan ang mga mata niyang punong puno ng lungkot sa hindi ko malamang dahilan.

She slowly nodded at my request. Tila may naintindihan sa gusto kong sabihin.

"I'm sorry Tita Helene kung hindi na ako magtatagal. Congratulation din po sainyo. Mauna na po ako."

Pinisil ko ang kamay niya pagkatapos ay nagmamadali ng umalis bago pa ako maabutan nila Marcus.

Kung hindi lang dahil sa mainit na tasa ng kapeng hawak ko ay baka nalunod na akong muli sa kawalan. Pumikit ako at hinayaang hanginin ng malamig at preskong simoy ng hangin ang aking buhok. I can taste the sea from where I stand.

Huminga ako ng malalim... It's been a while since I think of him. Kung noon ay walang palya ang mga isipin ko tungkol sa kan'ya, ngayon naman ay madalang nalang pero kahit na gano'n... Kung ano ang nararamdaman ko noon ay parang hindi parin naman nagbago.

They say time heal all wounds... But in my case, time just made my wounds bleed continues love for him. Na kahit alam kong masaya na siya sa piling ni Blaire at ikakasal na nga ay hindi man lang nabawasan ang pagmamahal ko.

Yes I love him still but I know where to stand. Nirerespeto ko ang lahat ng kung anong mayroon silang dalawa at mananatili akong masaya para sa kanila. Hindi man niya alam ang mga saloobin ko ay susuportahan ko parin siya.

He will always be the guy who I loved first. Who I love the most... And still the guy that I'm loving from a far.

"Alam mo na ba 'yung tungkol sa dalawa?" Bungad sa akin ni Jen isang araw matapos kong ligpitin ang mga gamit sa aking lamesa.

"Oo naman. Noong isang araw pa sinabi sa akin ni Hermes."

"And?"

Kumunot ang noo ko sa tono ni Jen na may halong pang iintriga.

"And I am happy for them Jen. Iyon lang. Masaya ako para sa kan'ya. Ilang taon narin naman ang relasyon nila e. They should get married asap."

"Are you okay with that?"

Isang sarkastikong tawa ang lumabas sa bibig ko. Isinukbit ko na ang bag ko sa aking balikat bago lumabas ng tuluyan sa aking opisina.

"At bakit naman hindi? I am truly happy for Marcus and Blaire, Jen. Don't ever doubt that. Masaya talaga ako."

Isang mahabang buntong hinga ang pinakawalan niya sa kabilang linya.

"Paano kung imbitahan ka nila sa kasal? Pupunta ka?"

Bumagal ang mga hakbang ko dahil sa tanong ni Jen.

Kahit kailan ay hindi ko naisip 'yon. At hanggang ngayon yata ay hindi ko kayang isipin ang bagay na 'yon.

Kaya ko nga bang makita ang pakikipag-isang dibdib ng lalaking pinakamamahal ko sa babaeng pinakamamahal niya?

"Why not." Sa huli ay nasabi ko.

Ilang minuto pang nagtagal ang usapan namin bago siya tuluyang magpaalam sa akin. Hanggang sa makauwi na ako ay hindi nawala sa isipan ko ang napag usapan naming dalawa.

It's been four years...

Natulala ako ng bumungad sa akin ang profile ni Marcus na punong puno ng mga pictures nila ni Blaire. Wala sa sariling napangiti nalang ako.

Ang isang parte ng puso ko ay naisip na tama lang rin ang mga nangyari. Tamang si Blaire ang nakatuluyan niya dahil hindi ko alam kung kaya ko siyang pasayahin ng ganito.

Ibinaba ko ang cursor para tignan pa ang mga pictures nilang magkasama. Mayroong mga litratong kuha sa iba't ibang lugar. Iyong mga surprises ni Marcus at kahit ang mga maliliit na bagay na nagsusumigaw ng purong pagmamahal para kay Blaire.

Napahinto ako sa huling litratong nakita ko.

It was the night of his marriage proposal...

Wala sa sariling napangiti ulit ako.

Blaire really deserves Marcus and vise versa. Wala akong masabing kapintasan sa kanilang dalawa at maging sa kanilang relasyon.

Leonne even labeled them as the couple goals and we can all agree to that.

Humugot ako ng isang malalim na paghinga ng makita ko ang litrato ng nakaluhod at emosyonal na lalaki sa harapan ng napakagandang babae. Hinihintay marahil ang sagot nito tungkol sa pagyayaya ng kasal.

Bumilis ang tibok ng puso ko...

Noong bata pa ako ay pangarap ko ang ganito. Iyong isang araw na may lalaki ring magmamahal sa akin at ituturing akong prinsesa.

Iyong lalaking sasambahin ako at rerespetuhin. At isang araw hihingin ang kamay ko.

Isang araw pangarap ko ring maglakad sa altar habang hinihintay ng lalaking handa kong makasama sa habang buhay.

Pangarap kong titigan siya sa mga mata habang sinasabi ko kung gaano ko siya kamahal at kung gaano ako kahandang ibigay sa kan'ya ang lahat ng kaya ko mapasaya lang siya...

Pangarap kong mahalikan sa harapan ng lahat ng pamilya namin dahil sa purong pagmamahal na pinaghirapan naming buohin.

Ipinilig ko ang aking ulo at ibinalik ang atensiyon sa picture nilang dalawa.

Someday I will find him. Hindi pa siguro ngayon pero aasa akong balang araw ay makikita ko rin ang sarili kong magmamahal ng iba. Sasaya sa piling ng iba gaya ni Marcus...

He found his one true love.

Wala sa sariling pinasadahan ng aking mga daliri ang masayang mukha ni Marcus habang nakatingala sa babaeng pinakamamahal.

"Be happy Marcus Findle... Just be happy for me..." I murmured.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro