CHAPTER 15
Chapter Fifteen
The End
"You're so beautiful Mirthene!" Parang hindi makapaniwalang sambit ni Jen habang sinisipat ang kabuuan ko sa kulay ginto at makinang na evening gown.
Sa totoo lang ay parang naninibago parin ako.
Una ay dahil bago ang magiging date ko sa gaganaping ball ngayong linggo at itong damit. This is not my usual go to dress whenever there's a party. I am big fan of ball gowns. Iyong magmumukha kang prinsesa kapag suot mo na pero ang suot ko ngayon ay ibang iba.
I stepped my right foot forward. Lumabas kaagad doon ang makinis kong legs dahil sa mataas na slit sa gilid. Hindi ako makapaniwalang nagmukha akong matured dahil sa ganda ng gown.
Hulmang hulma ang katawan ko at kahit na hindi naman masyadong mababa ang uka sa harapan ay pakiramdam ko'y madali akong makakakuha ng atensiyon dahil sa boobs ko.
"I need to lose weight damn it!" Reklamo ni Jen na pumutol sa mga iniisip ko.
Hindi ko napigilang mapangiti ng makita ang nakabusangot niyang mukha habang hinahaplos ang tiyan na hindi naman gano'n kalaki.
"Tama lang naman Jen. Pangit 'yung masyadong mapayat!"
Lumapit ako at tinulungan siyang iangat ang zipper na hindi pa tuluyang naisara.
Kung ang sa'kin ay kulay ginto, ang kan'ya naman ay silver na makinang din. 'Yon nga lang, mas mukhang revealing iyong kan'ya.
"Kung sabagay..." Tumagilid siya sa harapang salamin para tignan ang kan'yang pang upo. "My butt looks bigger in this gown. I'll get this, Mir."
Tumango tango ako sa kan'ya.
"Ikaw? Are you comfortable with that?" Lumayo siya ulit sa akin para suriin ang kabuuan ko.
"I guess?" Umikot ako sa harapan niya ng imuwestra niya ang mga kamay.
"Then 'yan na! Maraming maglalaway pag nakita ka sa ball!" Humahagikhik niyang pambobola sa akin.
"Sira!"
Nang lumabas si Jen sa cubicle para tanggalin na ang suot na damit ay napabuntong hinga ako. Gaya ng damit na 'to, siguro nga kailangan ko naring baguhin lahat? Kung pwede nga lang na pati ang puso madaling mabago e.
"Wow!" Nakagat ko ang labi ko ng makita si Daddy na laglag ang panga ng makita ako.
Tumuwid ng tayo si Hermes at ang date ng kapatid ko na parehong nasa kan'yang gilid. Ngumiti ako sa kanila ng makalapit na ako at pagkatapos ay niyakap si Daddy.
"Mirthene." Sabay sabay kaming napalingon kay Mommy na kasama naman si Mackenzie.
Hindi ko alam kung marami lang ba siyang make up sa pisngi o sadyang namumula lang talaga dahil sa date niya ngayong gabi?
Niyakap ko si Mommy ay hinayaang kuhanan niya kami ng mga pictures.
"Mag iingat kayo ha." Paalam ni Daddy bago tuluyang isara ang pintuan ng sasakyan nila Hermes.
Si Mackenzie naman at date nitong si Conrad ay nasa likuran namin at sumusunod.
"You're stunning Mir." Bulong ni Hermes ng baybarin na namin ang daan patungo sa Campbell.
Ngumiti ako at nahihiyang tumango.
"Ikaw din naman. Ang gwapo mo ngayon." I wholeheartedly said.
Halos sumabog na sa kaba ang puso ko ng makarating na kami sa Palace. Siniguro kong nakakapit ako ng maayos sa braso ni Hermes dahil ramdam ko ang panghihina ng mga tuhod ko.
"You okay?" Malumanay niyang tanong sa akin.
Kabado akong ngumiti at tumango nalang.
"Good. You look beautiful Mir kaya wala kang dapat ikakaba."
Umirap ako at pinisil ang braso niyang hawak ko.
"Wala, naninibago lang siguro ako..." Itinuon ko ang tingin sa malaking pintuan sa dulo ng hallway.
Hindi ko maiwasang isipin si Marcus. Sa mga ganitong pagkakataon ay palagi naman akong kinakabahan at sa lumipas na tatlong taon na siya ang kasama ko sa ball ay hindi siya pumalyang pakalmahin ako.
"Oh? Tingin nga? Sus! Walang wala lahat ng babae doon sa'yo! Baka nga ikaw pa ang manalo bilang queen of the night! Smile nga!"
Sinapak ko ang braso niya. Nakakainis! Taon taon niya nalang ginagawa ang ganitong klaseng pang aasar sa akin para lang mawala ang kaba ko.
"Huwag mo nga akong utuin!"
Mas lalong humalakhak ang damuhong lalaki sa tabi ko. Sa paghawak niya sa kamay ko ay mas lalong nagwala ang pagkatao ko. Mas nakakakaba pa yata ang maisip na nasa tabi ko ang gwapong lalaking ito kaysa sa mangyayari sa event ngayon e!
"Mir? Uy..." Napapitlag ako ng marinig ang boses ni Hermes na pumukaw sa pagbabalik tanaw ko.
"S-Sorry!" Ipinilig ko ang ulo at muling inayos ang sarili para makasabay sa kasalukuyan.
Sinalubong kaagad ako ni Jen ng tuluyan na kaming makapasok sa venue. Nasa tabi niya ang date at boyfriend na si Russel.
"Bagay kayo ha!" Mapang asar niyang bulong sa akin habang inilalayo ako sa tabi ng mga lalaki.
Gaya ng mga nakalipas na taon ay parehas lang naman ang naging daloy ng event.
Ang naiba nga lang, wala na si Marcus sa tabi ko ngayon kung hindi nasa tabi ni Blaire. Other than that, nothing has change. Maging ang kabaliwang pagmamahal ko sa kan'ya ay nanatili.
"Mir nakailan ka na. Tama na 'yan!"
Sinubukang kunin ni Jen sa kamay ko ang pang apat na basong wine na kinuha ko sa pabalik balik na waiter.
"Jen naman... Ngayon na nga lang ako uminom e. Tsaka hindi ako malalasing ng wine!" Humagikhik ako at muling sumimsim doon.
Inirapan niya ako at muling hinawakan ang kamay ko kaya mabilis kong nilagok ang laman ng basong hawak ko.
Natatawa kong pinunasan ang labi ko pagkatapos kong maubos 'yon!
"Hay naku Mirthene! Kailan ka ba hindi nalasing? Kahit wine o champagne pa yan alam mong madali kang matamaan kaya tigilan mo na. Tara nalang sa photo booth!"
Iniwas ko ang sarili ko ng tumayo siya at ambang hahawakan ako patungo sa pakay. Hindi natigil ang pag ngisi ko kahit wala naman talagang nakakatawa sa mga nangyayari.
Itinikom ko sandali ang bibig ko ng makita ang seryosong mukha ng kaibigan ko at ang mga braso niyang awtomatikong humalukipkip.
Tamad akong tumuwid ng upo at tumikhim para lang maging seryoso sa harapan niya.
"I'm tired. Mamaya nalang."
"Tired? Mir, you're tipsy!"
Umirap ako sa kan'ya.
"You're over reacting Jen. I'm okay. I'm enjoying this!" Iniwas ko ang tingin sa kan'ya para muling hanapin iyong waiter na gusto ko ng maging best friend ngayong gabi.
Naramdaman kong muli ang pag upo niya sa tabi ko.
"Mir, sabihin mo nga-"
"Jen. You should dance with Russel. Huwag ako ang intindihin mo okay? Gusto ko lang manahimik dito at inumin lahat ng libreng painom ng Campbell. This is only once a year kaya sige na!"
Nagpapasalamat akong hindi na nakatutol sa akin si Jen dahil sa pagdating ni Russel at Hermes pabalik sa lamesa namin.
"Sayaw tayo?" Tanong ni Russel sa kan'ya.
"Go!" Pagtutulak ko.
Bago pa siya tuluyang pumayag ay nakita ko muna ang pagsenyas niya kay Hermes na tila ipinauubaya na ako rito.
Napangiti ako ng mahagip ng mga mata ko ang best friend kong waiter.
"I'll get this." Masaya kong sabi ng muli niya akong lapitan.
Mukha mang hindi sigurado ay hinayaan niya akong kunin ang isang bagong bote ng mamahaling red wine. Kinuha iyon ni Hermes sa kamay ko.
"Hermes!" Bawi ko.
"I-I'll just open it."
Ilang segundong naglaban ang mga mata namin pero sa huli ay bumigay din ako. Matapos makainom ng dalawa pang baso ay pumayag na akong umalis sa kinauupuan namin para paunlakan siya sa isang sayaw.
"Pinuntahan ka na ba niya?" Tanong ni Hermes habang nasa gitna na kami ng dance floor.
"Nino?"
"Marcus."
Tipid akong ngumiti at umiling.
"Hindi na kailangan. I'm sure he's busy with Blaire." Mapait kong sabi.
Pinanuod ko siyang humugot ng isang malalim na paghinga.
Ang plano kong isang kanta ay nadagdagan pa ng dalawa.
"She's really lucky." Wala sa sariling bulong ko sa gitna ng katahimikan namin.
Kumunot ang noo ni Hermes dahil sa sinabi ko. Sa pagtitig ko sa mga mata niya ay naramdaman ko ang bahagyang pag alon ng paningin ko. Aaminin kong mahina nga akong uminom at tama ang kaibigan ko, lasing na nga siguro ako.
"Sino?"
"Si Blaire.." Pinagdiin ko ang labi ko at mas mataman siyang tinitigan. I see him swallowed hard. "She's really pretty Hermes..."
He slowly nodded at that.
Napangiti ako ng mapait lalo na ng sa pag ikot namin ay siya namang pagbalandra ng dalawang pares na halos magkayakap na sa dance floor.
Bumilis ang dagundong ng puso ko ng makita ang ngiti at tuwang nakapaloob sa mga mata ni Marcus habang matamang nakatitig kay Blaire.
He looks so happy and in love with her. Iyong pagmamahal na hanggang sa pwesto namin ni Hermes ay damang dama ko.
Napapikit ako at nag iwas ng tingin ng makita ang marahang paghaplos ni Blaire sa mukha ni Marcus. Sa ginawa ko ay naramdaman ko ang pagbaling doon ni Hermes.
"B-Balik muna ako Hermes..."
Mabilis akong kumawala sa pagkakahawak sa kan'ya at nagmamadaling lumusong sa dagat ng tao para hindi na niya ako mahabol. Malalaki ang mga yapak ko sa kabila ng nagkalat na tao sa paligid.
Nang makita ko si Leonne sa lamesa namin na nakikipagtawanan sa mga babae ay umibis ako palayo.
Sunod ko nalang napagtanto ay nasa bar area na ako kasama ng best friend kong waiter na walang humpay ang pagpapaalala sa akin na hindi na dapat ako uminom.
Humagikhik ako at inangat ang basong katatapos ko lang maubos.
"Ma'am tama na." Nahihiya man ay nagawa niyang kunin ang wine glass sa kamay ko.
Tumango tango ako.
"Thank you." Sinubukan kong umalis sa high chair pero napakapit ako sa counter ng muling umikot ang mundo ko.
"Mir! I've been looking for you!" Tawag ng isang boses galing sa aking likuran.
Hindi ko na kailangan pang lumingon para makita kung sino ang nagsalita dahil sa pagbigkas palang niya ng pangalan ko ay alam na alam na ng pagkatao ko ang dapat makita.
Huminga ako ng malalim at nagdasal na sana ay mali lang ako pero hindi na ako nakatakas. Napapitlag ako sa paghawak niya sa aking siko.
Pakiramdam ko'y nalalasahan ko na ang kabang nararamdaman ko ngayon.
"Mir..."
I bit my lower lip when I heard his voice again. Ang boses niya na purong saya lang ang nakapaloob.
Nanatili akong nakatuon sa sahig dahil para na akong mahihimatay sa paraan ng pagkalampag ng puso ko at sa kirot na mabilis na dumumog sa dibdib ko.
"Uminom ka?" Hindi nawala ang tuwa sa boses niya at sinimulang iharap ako sa kan'ya.
Ilang ulit nagmura ang utak ko dahil hindi ko pa man nakikita ang masaya niyang mukha na dahil kay Blaire ay nag iinit na ang magkabilang mata ko.
Pumikit ako ng mariin ng maramdaman ang kamay niyang marahang dumampi sa aking baba at maingat na inangat 'yon.
Damn it...
"Mir, I have something to tell you... Look at me."
Imbes na gawin ang sinabi niya ay madali kong hinawi ang kamay niyang nakahawak sa akin.
I felt like I am so close to exploding. Hindi ko alam kung dahil sa wine na ginawa kong tubig o talagang punong puno na ako? Iyong pakiramdam na gusto mo nalang sumabog at hindi intindihin ang lahat.
"Damn, you are drunk. Where's Hermes?" Ang kaninang masaya niyang boses ay nabahiran na ng pag aalala.
"Iniwan ka niya?" Patuloy niyang tanong at kinuha muli ang kamay ko.
Mas lalong pumait ang nararamdaman ko. Oo nga at wala namang masama sa sinabi niya pero dahil sa patuloy na pagbaon ng kirot sa puso ko ay dumating na ako sa dulo...
Buong tapang kong hinawi sa pangalawang pagkakataon ang kamay niyang nakahawak sa akin.
"I'm okay." Pormal kong sambit.
Nakita ko ang pag igting ng panga ni Marcus ng magtama ang mga mata namin. Tila gulat sa nagiging reaksiyon ko ngayon.
"Are you okay? Nasaan si Hermes? Hinayaan ka niyang uminom ng mag isa?"
Mabilis akong umatras ng makita ang paglapit niya.
Sarkastiko akong natawa. Ilang parte ng utak ko ay pinaalalahanan akong kontrolin ang sarili ko pero hindi ko na yata iyon kaya pang gawin. Hindi na lalo pa ngayong nasa harapan ko siya.
"Ihahatid na kita-"
"No Marcus. I said I'm okay! Hindi na kailangan."
"Mir why are you acting like this? Nag away ba kayo ni Hermes? Anong ginawa niya?"
Mas diniinan ko ang pagkagat sa pang ibaba kong labi para muling pigilan ang sariling marating ang sukdulan ng aking emosyon. Kahit na nahihilo ay nagawa ko siyang lagpasan para makaalis na.
"Mir. Come on! What happened-" Nahinto ako ng mahuli niya ulit ang kamay ko.
My heart pounded aggressively in my chest. Sa malakas na kalampag no'n ay nahirapan na akong huminga ng maayos!
"Marcus ano ba! I said I'm okay! I am fucking okay! Hindi mo ba naiintindihan?!"
Mabilis ang pagtaas baba ng dibdib ko dahil sa mga salitang lumabas sa labi ko. Pilit kong tinanggal ang kamay niyang humawak sa akin.
Parang sinaksak na ng tuluyan ang puso ko ng makita ang pagkatulala ni Marcus sa akin. Gayunpaman, wala na akong naramdamang pag atras dahil nag uumapaw na ang lahat ng emosyong dapat ay noon ko pa inilabas.
"Mirthene..." His voice soothes in the deepest part of my heart.
Ang boses niyang puno ng pang unawa at pag intindi pero hindi ako natinag.
"What's wrong?" Litong lito niyang sambit.
Itinaas ko ang kamay ko ng humakbang siyang muli palapit. Sa pag angat ko ng tingin para tumitig sa naguguluhan niyang mga mata ay kusa ng tumulo ang mga luha ko.
"I'm okay! Okay na Marcus! Tama na! Ayaw ko na!" Gumagaralgal ang boses kong sabi na mas lalong nagpatigagal sa kan'ya.
Ilang ulit siyang napalunok dahil sa pagbuhos ng mga luha ko. Iyong pakiramdam na gusto niya akong aluin pero dahil sa mga sinabi ko ay hindi na niya magawa.
"Mir, anong-"
Marahas kong pinunasan ang mga luha ko bago siya putulin sa pagsasalita.
"I'm okay! Pipilitin kong maging okay dahil ayaw ko na! Hindi ko na kayang magkunwaring masaya at maging maayos sa harapan mo Marcus dahil ang totoo, matagal na akong nagtitiis! Matagal ko ng tinitiis ang sakit na nararamdaman ko dahil gusto kitang suportahan sa lahat ng bagay na makapagpapasaya sa'yo! Gusto kong sumaya ka kahit na kapalit no'n ang sarili kong kasiyahan..."
Halos pumiyok ako sa tindi ng paninikip ng dibdib ko pero hindi ako huminto.
"Sinuportahan kita kasi gano'n naman talaga kapag nagmahal ka 'di ba? Susuportahan mo kahit kabaliwan na para sa iba! Susuportahan mo parin dahil mahal mo. Oo Marcus... Mahal kita! Mahal na mahal kita kahit napakasakit mong mahalin!"
Parang pinira-piraso ang puso ko sa pagtapos kong magsalita.
Sabi nila kapag inilabas mo ang lahat ng bagay na nagpapabigat sa kalooban mo, gagaan na ang pakiramdam mo pero bakit parang hindi naman?
Bakit parang habang nakikita ko siyang natutulala sa akin ay mas lalo lang bumibigat ang dibdib ko?
Ilang beses siyang kumurap habang tila nai-estatwa sa kinatatayuan. Bumuntong hinga ako para kumuha ng panibagong lakas upang magpatuloy.
Sa kabila ng panlalabo ng mga mata ko ay kitang kita ko parin ang mukha niyang walang maisagot sa akin.
Nanginig ang balikat ko ng muli akong mapahagulgol. Fuck all the wine...
Pumikit ako at yumuko. I can't stand seeing him like this. Hindi ko kayang makita siyang ganito dahil ang totoo ay wala naman siyang kasalanan.
Ako ang nagmahal. Ako ang lumagpas sa hangganan ng relasyon namin kaya dapat ako lang ang masaktan. I won't blame him. Hindi ko gustong masira kami pero wala na akong magawa.
I know we will end up like this eventually. Lahat ng kinatatakutan ko ay nasa harapan ko na ngayon.
"Marcus ayaw ko na..." Pagod kong sambit.
"I don't want to get hurt while seeing you being so happy with someone else. Selfish ako. Makasarili ako pero nagawa kong magtiis para sayo pero ngayon... Hindi ko na kaya. Pagod na akong masaktan habang nakikita kang masaya sa piling ng iba. Ayaw ko ng magkunwaring wala lang lahat dahil ang totoo, wasak na wasak na ako. And for that I am sorry... I'm sorry dahil hindi ko na kaya pang maging masaya sa mga kasiyahan mo."
Sa huling beses ay muli akong tumitig sa mga mata niya sa kabila ng walang humpay kong pagluha. Mapait akong ngumiti at buong pusong nagpatuloy,
"Marcus... I-I'm sorry if I can't be the girl who can truly make you happy...I'm sorry I'm not what you wanted... and I'm sorry if I wasn't good enough..."
"Mir..."
Umiling ako at hindi na hinayaan pang dugtungan niya ang lahat ng gustong sabihin.
Nagmamadali ko na siyang tinalikuran at patakbong lumayo sa kan'ya. Dumaan ako sa pinakamaraming tao para kahit na sundan niya ako ay mahihirapan na siya.
Hindi ko ininda ang may kadilimang lugar at ang sarili kong umiikot na ang paningin dahil sa dami ng nainom. Habang nararamdaman ko ang pagkirot ng puso ko ay mas lalo lang akong nagkakaroon ng determinasyong lumayo.
Ito na ang huli.
This is the end of my night and probably the end of our friendship...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro