CHAPTER 14
Chapter Fourteen
Tulips
Marcus:
This one? Or this one?
Marcus:
How about this? 'Di ba gusto mo ng tulips?
Ilang beses kong binasa at pinasadahan ng tingin ang mga messages sa akin ni Marcus at ang mga pictures ng bulaklak na balak niyang ibigay kay Blaire.
Ako:
Yes. 'E pero magkaiba naman siguro kami ng gustong bulaklak no'n.
Wala pang isang minuto ay muli siyang nagreply. Para akong kinapos ng hininga ng makita ang pag selfie niya habang hawak ang isang bouquet ng makukulay na tulips.
Wala sa sariling napangiti na ako at hinaplos pa ang mukha niyang nasa screen ng cellphone ko.
Marcus:
Sasagutin na ba niya ako nito?
I bit my lower lip. I'm sure Blaire will love you Marcus... Alam kong mamahalin ka ng kahit na sinong babaeng magugustuhan mo dahil hindi ka mahirap mahalin. Kita mo, pati ako nga 'di ba minahal ka? Kahit akong hindi pwede, mahal na mahal ka...
Ako:
Oo naman. Sasagutin ka no'n.
Marcus:
Thanks Mir! I can't do this without you! You're my angel.
Ako:
No worries. May kailangan ka pa ba?
Marcus:
Wala na. Thank you ulit!
Ibinaba ko na ang cellphone ko.
Tinapos ko ang lahat ng kailangan kong tapusing report para bukas dahil hindi ko 'yon kaagad nagawa dahil kay Marcus. Ilang oras kaming magkausap. She wanted to surprise Blaire. Gusto niyang magpursigi sa panliligaw dito at ako naman ay buong puso siyang tinulungan.
Alas dos na ng madaling araw ng matapos ako. Napangiti ako ng makita ang goodnight message ni Marcus sa akin.
Sa pag gising ko ay bumungad sa akin ang bouquet ng tulips na kinuhanan ni Marcus kagabi.
"Ma'am mabuti naman po at gising na kayo, sayang nga lang at hindi niyo naabutan si Sir Marcus!" Nakangising sambit ng isang kasambahay namin.
Kunot noo kong kinuha ang bulaklak at binasa ang card na nakasingit doon.
"Thank you Mir..." Basa ko doon.
Sa paglipas ng panahon ay hindi ako nagkulang sa pagtulong sa panliligaw ni Marcus kay Blaire. Ilang beses ko mang narinig ang mga pagalit ni Hermes at Jennifer ay hindi ko nalang sila inintindi.
Gusto ko siyang tulungang maging masaya kahit na sa bawat kasiyahang 'yon ay nadudurog ako ng sobra.
Gano'n naman talaga ang gawain ng isang best friend 'di ba? You're there to support him. Make sure he's happy and be with him when he's down. Sa ngayon ay gusto kong suportahan ang lahat ng mga bagay na makapagpapasaya sa kan'ya.
Alam kong mahirap pero wala na akong magagawa para mapigilan pa ang lahat. Makita ko lang na nakangiti si Marcus ay ayos na sa akin. Kuntento na ako.
Lumakas ang paghuramentado ng puso ko habang nakatingin sa pinagkakaguluhan ng mga tao.
Gusto kong maging masaya ng walang halong ibang emosyon para kay Marcus at Blaire. Iyon talaga ang gusto ko ngayon pero paano?
Paano ako magiging masaya ngayon kung tinatraydor ako ng puso kong hangad ay ibang bagay?
Pinigilan kong mapapikit ng marinig ang magandang kanta na pinatugtog ni Hermes sa katabing stereo. Malakas na tilian ang nakadagdag sa pagwawala ng puso ko lalo pa ng lumabas si Marcus sa gilid ni Leonne.
Napaatras ako ng makita ang marahan niyang paglapit sa nalilito at nahihiyang babae habang hawak ang bouquet ng mga pulang rosas.
Pakiramdam ko'y biglang nanghina ang puso ko lalo pa ng mapansin ang mga placard na hawak ng mga estudyanteng materyal ng kan'yang panliligaw kay Blaire.
Sa loob ng tatlong taon naming pamamalagi sa Campbell ay walang ibang naging date si Marcus sa ball kung hindi ako pero ngayon?
Tila napako ang mga paa ko sa aking kinatatayuan kasabay ng pag agos ng kirot patungo sa puso ko.
Muling umulit sa utak ko ang nakasulat sa hawak ng mga schoolmates namin.
"Will you go to the ball with me?"
Ilang beses akong napalunok ng banggitin niya ang pangalan ni Blaire. Hindi ko narin napigilan ang mapapikit ng marinig ang sunod niyang mga sinabi.
"Will you be my date?" Masaya niyang sambit.
Lumakas ang tugtog at natahimik naman ang mga taong nakapalibot sa kanilang dalawa. Partikular ako. Napako ang mga mata ko sa lapag habang nakikiramdam sa mga nangyayari. I know this is gonna happen. Hindi ko lang in-expect na ganito kabilis.
Na sa isang iglap ay tuluyan na akong mawawala sa eksena. Gusto kong maging bitter pero pilit kong pinapagalitan ang sarili ko. Kahit kailan naman ay ayaw ko talaga siyang ipagdamot.
He is not mine.
Malinaw na malinaw iyon, pero mas malinaw ngayon na pag aari na siya ng iba.
Na ang lahat ng mga ginagawa naming dalawa noon ay kay Blaire na niya gagawin. Lahat ng mga ngiti at korning usapan ay si Blaire na ang makakasaksi. Lahat ng mga pag aalaga at atensiyon ay si Blaire na ang makakatanggap.
At ako?
Mananatili akong nakasuporta sa kan'ya. Sa kanilang dalawa... Mananatiling kaibigan niya at nangangakong patuloy na makikinig kung sakaling magkaproblema silang dalawa.
Lahat lahat ay hindi dapat magbago. Sa nangyayari lang ngayon ay lumilinaw kung hanggang saan lang talaga ako at kung gaano naman kalapit si Blaire sa kan'ya.
"Yes Marcus..."
Napapikit na ako ng marinig ang sagot ni Blaire. Nakakatawang isipin na sa nakalipas na tatlong taon ay itong pagkakataong ganito ang pinakainaabangan ko sa lahat.
Iyong araw na yayayain niya ako sa ball bilang date niya. Taon taon kong hinintay 'yon pero ngayon... Nag angat ako ng tingin pabalik sa hiyawan ng lahat.
Napakagat ako sa aking pang ibabang labi ng makita ang pagyakap ni Marcus kay Blaire na wala na yatang pagsidlan ang tuwa dahil sa pagpayag nito.
Ngayon, hindi na niya ako kailangan. Hindi na niya ako kailangan pang yayain sa ball dahil iba na ang gusto niya.
God knows how much I wanted to be happy for him... for both of them pero kasinungalingan kung sasabihin kong okay lang para sa akin kasi ang totoo, hindi.
Ang totoo, masakit parin pala lalo na kapag nakita mo na mismo kung gaano sila kaperpekto para sa isa't-isa.
"Sinong date mo?" Napaangat ako ng tingin ng marinig ang boses ni Jen.
Imbes na sa library kami ngayon magkita ay minabuti kong sa ilalim nalang ng malaking puno na ito. Umupo siya sa tabi ko matapos maghagis ng coin sa fountain na malapit lang sa amin.
Nagkibit ako ng balikat. Nakita ko ang pagbukas ng labi niya at ang agarang pagsara nito ng makita ang mga papalapit na lalaki.
"Kanina pa namin kayo hinahanap, dito lang pala namin kayo makikita!" Si Leonne na halatang napagod nga yata sa paghahanap.
Umupo siya sa tabi ko habang ang dalawa naman ay sa harapan namin. Inilapag ni Marcus ang isang box ng macaroons na agad namang kinuha ni Jen.
"Kanina pa kayo?" He asked.
Tumango ako at ngumiti.
"Oo. Tapos narin kami e."
He nodded. Kinuha niya rin ang binder ko.
"Mir, ako na ang maghahatid sa'yo mamaya." Singit naman ni Hermes sa usapan.
"Oo. 'Di ba pupunta pa tayo sa bookstore."
Tumawa siya at tumango tango.
"Sino bang date mo Mir?" Si Leonne.
Natigil sa pag nguya si Jen para pandilatan ng mata ang huli. Napalunok ako ng awtomatikong bumalik ang tingin ko kay Marcus.
He is waiting for my answer. Sino nga bang date ko? Hindi ba siya lang naman ang nagyayaya sa akin tuwing ball?
Sasabihin ko na sanang wala pero naunahan na ako ni Hermes.
"Ako." He said.
"H-Ha?"
Pasimpleng isinenyas ni Hermes ang katabi niya kaya agad kong nakuha ang ibig niyang sabihin.
"O-Oo! Si Hermes ang date ko Leonne!" Tumawa pa ako para lang maiwasan ang paniningkit ng mga mata ni Marcus.
"Pumayag na ba si Blaire?" Kunwaring walang ideya kong tanong.
"Yeah."
"Sus Mirthene! Kung alam mo lang kung paano naging Don romantiko 'yang best friend mo para kay Blaire! Nakakabakla!" Natatawang pang aasar ni Leonne.
Humagikhik ako ng marinig ang awkward na tawa ni Jennifer.
Our conversation went on and on. Mas marami ang naging usapan tungkol sa gaganaping ball pero wala na akong nasundan. Inukopa na kasi ng utak ko ang sinabi ni Hermes na siya ang magiging date ko.
Hindi ko alam kung totoo ba 'yon o gusto niya lang akong i-save sa pagkapahiya sa harapan ni Marcus?
Matapos ang dalawa pang klase ay nakita ko na si Hermes sa labas ng classroom ko. Kinuha niya kaagad ang mga dala kong libro at sabay namin iyong ibinalik sa library. Pagkatapos naman ay sinamahan niya akong mamili ng mga gagamitin para sa isang project ko.
"Totoo bang ako ang date mo sa ball?" Tanong ko ng maihatid niya ako sa bahay.
"Ayaw mo ba?"
"H-Hindi naman sa gano'n! Tsaka wala rin namang nagyaya sa akin kaya sino ako para tanggihan ka?"
Tumawa siya at tinapik ang couch para sabihing doon ako maupo. Para naman akong sunud sunuran sa kan'ya.
"I saw you that day..." Panimula niya.
Kumunot ang noo ko ng harapin siya.
"Noong niyaya ni Marcus si Blaire sa ball. Nakita kita doon..."
Nag iwas ako ng tingin ng maisip ang kasinungalingan kong tanong kanina.
Gusto kong sabihing oo nakita ko lahat. Nakita ko kung gaano ka excited si Marcus na mapasagot si Blaire. Ilang buwan narin naman siyang nanliligaw dito at alam kong hindi magtatagal ay magiging sila narin.
Napangiti ako ng mapait sa naisip. Nakita ko lahat.
Nakita ko kung gaano siya kasaya simula ng makilala si Blaire at kung paano siya nalayo sa akin.
Nakita ko lahat ng 'yon... Pati ang sarili kong pagkawasak ay kitang kita ng dalawa kong mga mata...
"Mahal mo talaga 'no?" He asked.
Kumawala ang sarkastiko kong tawa bago humilig sa braso niya.
"Nakakatanga palang magmahal 'no? 'Yung tipong ang sakit sakit na pero nagpapatuloy ka parin. Gano'n ba talaga Hermes?"
Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Hindi ko tuloy alam kung may mali ba sa tanong ko pero hindi ko narin nabawi. Bumuntong hinga siya bago ako sagutin.
"Parehas lang tayong tanga Mir..." He said.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro