Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 13

Chapter Thirteen

Sasagutin


Lunes.

Lunes noong unang beses kitang makita. Tuwing Lunes din noong taong 'yon na hiniling kong sana ay araw araw maging Lunes nalang. Siguro nga totoong nakikinig sa atin ang nasa itaas 'no?

Dahil ang mga dasal ko noon ay mabilis na napagbigyan. Naging kaklase kita nang sumunod na semester. Naging close sa pangalawang taon. Minahal sa pangatlo...

At ngayon...

Lunes.

Sa panibagong Lunes ng panibagong taon ko unang nakita si Blaire... Kasama ka. Hawak sa magkabilang kamay ang kan'yang mga gamit habang nakangiti at magiliw na nakikipagkwentuhan sa kan'ya.

Hindi ko man alam kung ano ang ibig mong sabihin na iba si Blaire sa mga babaeng nakilala mo pero isa lang ang sigurado. 

Iba siya kasi siya ang gusto mo. At ako, gaya lang ng iba na kaibigan lang kung ituring.

Pakiramdam ko'y nanlamig ang buong katawan ko ng makita kung paano mo siya hawakan at titigan. Iyong titig na punong puno ng paghanga.

Iyong titig na kahit kailan... Alam kong hindi mo gagawin sa akin.

Simula sa pagkabata ay hindi ako nainggit sa mga bagay na wala ako pero ngayon, hindi ko maiwasang maramdaman ang inggit kasabay ng kirot sa puso ko habang pinagmamasdan kayo.

"Mir!" 

Napapitlag ako at agad na nag iwas ng tingin sa gawi nila Marcus ng marinig ang boses ni Hermes sa aking likruan.

Inayos ko ang aking sarili bago siya balingan. I smiled at him.

"Uy! Hermes!" Magiliw kong sagot, pilit na tinatanggal ang lungkot na nararamdaman.

Naningkit ang mga mata niya at sinulyapan ang dalawang nasa hindi kalayuan. Dahil sa pagtingin niya doon ay napalingon ulit ako. Sana pala hindi nalang.

I see how Marcus laugh while looking at her with so much adoration. 

Umaalon ang hanggang bewangniyang buhok. Hindi man natural na kulot iyon pero masasabi kong napakaganda parin. Her skin is like porcelain. Makinis at walang kapintasan. 

She is really beautiful... 

Bumaba ang tingin ko sa kabuuan niya. Parang gusto ko nalang mapangiwi dahil wala ng masabi ang utak ko kung hindi purong papuri nalang.

Naputol lang ang tingin ko sa kanilang dalawa ng hawakan ni Hermes ang siko ko.

"Tara na, ihahatid kita sa classroom mo." 

Pinagdiin ko ang mga labi ko bago tuluyang kalimutan ang lahat na nararamdaman. Kahit na napalayo ako sa mga kaibigan ko dahil sa pagpalit ng kurso ay nanatili parin naman silang suportado ang lahat ng ginagawa ko.

Kung minsan nga lang, sa kagustuhan kong umiwas ay hindi na ako nakakasama sa mga simpleng pagyaya nila na kumain sa labas.

"Dinner tayo?" Nakangiting bati sa akin ni Marcus ng sunduin niya ako pagkatapos ng klase ko.

Kanina pa tapos ang klase nila pero hindi ko alam kung bakit sinundo niya pa ako ngayon. I guess Blaire wasn't around? O baka naihatid na niya pauwi? 

Napalunok ako ng maramdaman ang mabilis at malakas na pagsipa ng kung ano sa aking dibdib.

"Wala ka bang gagawin? Marami kasi akong homework ngayon kaya baka hindi kita masamahan."

Nilagpasan ko siya pero madali niya rin namang napantayan ang mga hakbang ko.

"Gano'n ba? Paano kung sa bahay niyo nalang tayo? I'll help you with everything."

Ngumiti ako at muling umiling. 

Binagalan ko ang mga yapak ko. Dahil sa bawat pagmamadali ko ay mas lalo ko lang nararamdaman ang malakas na kalabog ng aking puso.

"Hindi na. I know you're busy. Tsaka kayang kaya ko na 'to 'no!" Nginitian ko siya.

"Are you sure? Ihahatid nalang pala kita?"

"Isa pa 'yan, nagpasundo kasi ako ngayon Marcus. Naku, oo nga pala! May pupuntahan pa kami ni Mackenzie! I gotta go. Next time nalang siguro!" 

Hindi ko na hinintay pang pigilan niya ako. Maski ang pagsagot sa sinabi ko ay iniwan ko na. Kahit ang paglingon sa kan'ya ay hindi ko narin ginawa.

Akala ko sa bawat pag iwas ko ay maiiwasan ko naring mahalin si Marcus. Akala ko sa bawat pagtanggi ko ay kaya ko naring tanggihan ang gusto ng puso ko. Pero hindi pala. 

Sa bawat paglayo ko ay dobleng sakit lang ang nararamdaman ko. 

Inabala ko ang sarili ko sa pag aaral. I divert my attention on sports. Kahit na wala akong kahilig hilig sa paglalaro ng kahit ano ay nagawa kong mag try out ng volleyball. 

Noong una ay nahirapan ako pero dahil sa subject naming physical education noong first year ay may idea narin ako kung paano ito laruin. Tuwing uwian naman ay niyayaya ko ang kapatid kong mag practice.

Natigil ako matapos i-serve ang bola ng marinig ang malalakas na palakpak sa aking gilid. Nakita ko ang mga kaibigan kong patuloy ang pag chi-cheer sa akin. Parang gusto ko tuloy maiyak ngayon dahil sa totoo lang, pati sila ay nadamay narin sa pag iwas ko.

"Go Mir!" Hiyaw ni Jen habang kumakaway pa sa akin.

Pumwesto ako pabalik sa laro. Ilang beses kaming nakapuntos dahil sa pagfocus ko sa bola.  

Masayang niyakap ako ni Bonita sa huling puntos dahilan ng pagkapanalo namin.

"Ang galing mo talaga Mirthene!" Walang pagsidlan ang tuwa niyang hiyaw matapos akong yakapin.

"Ikaw rin! Magaling tayong lahat!" Humahagikhik kong sabi.

Tumango tango siya at lumayo na sa akin. Sunod ko nalang naramdaman ang pagyakap ng pamilyar na bulto sa akin.

My hands automatically hug him back... Kung hindi ko lang nakita si Jen na umiiling ay baka napapikit pa ako.

Mabilis akong bumitiw sa yakap ni Marcus.

"Ang galing mo Mirthene..." Nakangiti niyang bungad sa akin.

"Thank you!" 

Hindi na siya nakasagot ulit ng pumagitna sa amin si Jennifer para bigyan ako ng yakap ay paalalang baka umasa na naman ako.

"Congrats Mir! Grabe ang galing mo na ha!"

"Magaling ang teammates ko." Ngumiti ako sa kan'ya.

Lumapit narin sila Leonne para batiin ako.

"O, tara na!" Aniya.

"Huh?" Naguguluhan kong sambit.

Nagsalubong ang kilay niya pero agad ring napalitan ng tuwa.

"Celebrate! Kain naman tayo. Miss ka na namin Mir. Tara na treat ko pa."

Nagkatinginan kami ni Jen pero bago pa ako makapag isip ng alibi ay sumingit na si Hermes.

"Sige na Mir. Ngayon nalang naman." His voice sounded desperate.

Kailan nga ba ang huling beses na sumama ako sa kanila? Hindi ko narin matandaan dahil sa pagiging abala ko. Nagpakawala ako ng malalim na paghinga bago marahang tumango.

"O-Osige. Mag aayos lang pala ako." 

Lumawak ang ngiti ni Marcus ng balingan ko siya. 

He nodded.

Sa paborito naming restaurant kami napadpad. Normal naman ang mga usapan. Katabi ko si Marcus at Hermes habang nasa harapan naman si Jen at Leonne.

"I'm so proud of you." Bulong ni Hermes sa akin ng maging abala si Marcus sa pakikipag usap sa dalawa.

"Proud saan?" 

"Sa lahat." 

Hindi ko napigilang mapangiti sa sinabi ni Hermes. Sa seryoso niya kasing mukha at sa mga lumalabas sa bibig niya ay parang hindi parin ako makapaniwalang siya na ngayon ang mas nakakausap ko sa ganitong paraan.

Sa mga bagay tungkol sa pag-aaral. Kung minsan ay nasasamahan niya ako sa mall para mamili ng gamit o kapag may kailangan sa school.

"Sus lover boy!" Hiyaw ni Leonne na nagpabaling sa amin ni Hermes sa usapan ng tatlo.

Humahagikhik si Jen habang si Marcus naman ay mukhang nahihiya.

"Aminin mo na! Kayo na 'no?" Dagdag pa nito.

"Nah." 

Kinuha niya ang inuming nasa kan'yang harapan pero hindi naman 'yon ininom. Bumaling siya sa akin at tipid na ngumiti.

"E anong status?" Intriga ulit ni Leonne.

"Ninyo ni Blaire?" Si Hermes.

Nagbaba ako ng tingin sa pagkaing nasa harapan ko. Hindi parin talaga ako sanay na iyon ang pinag uusapan namin. But what can I do? Parte na ng buhay ni Marcus si Blaire sa away at sa gusto ko.

"Liligawan palang." He said.

Bumagal ang pag nguya ko sa sinabi ni Marcus pero hindi ko nagawang ibalik ang tingin sa kan'ya. My heart pounded again. Iyong pagkalampag na wala na yata talagang katapusan!

Kailan ba talaga ako magiging handa sa ganito?

Tumikhim si Jen at si Leonne naman ay muntik ng mapasigaw. Mapait akong napangiti at tinapos ang pagkaing nasa aking bibig.

"She's perfect bro! Ligawan mo na at pasagutin. Baka maagawan ka pa e! Ang dami kayang nagkakagusto do'n!" Si Leonne.

Tumawa si Marcus at kumpiyansang sumagot.

"Ako ang sasagutin no'n." 


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro