Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 12

Chapter Twelve

Till My Heartaches End


"Sama ka ba?" Tanong ni Hermes sa akin habang nag aayos na ako ng gamit.

Katatapos lang ng klase namin at eto na naman ako. Nagmamadaling umalis para lang makaiwas sa pang iintriga niya.

"Hindi. May pupuntahan kasi kami ni Ken e. Next time nalang." Nginitian ko siya pagkatapos ay isinilid na sa aking bag ang huling librong dala ko.

"Mga ilang next time pa ba Mir?"

"Eto naman! Para namang hindi kayo sasaya kapag wala ako!" Natatawa kong sabi kahit na alam kong pinapasigla ko lang ang lahat para wala na siyang mahalata pang kung ano.

"Hindi nga."

Tinapos ko ang pag aayos at madaling isinukbit ang aking bag sa aking balikat bago siya harapin.

"Hermes, busy lang talaga ako. Isa pa, masanay ka na ng wala ako. I need to focus on my studies." Napahinto ako ng maghalukipkip siya sa harapan ko at tinitigan ako ng hindi kumbinsidong tingin.

"Masanay ng wala ka? Bakit? Dahil magpapalit ka na ng kurso sa susunod na taon-"

"Hermes!"

Kinakabahan kong binuwal at kinuha ang isang kamay niya sa kan'yang harapan pagkatapos ay hinila siya palabas ng classroom. Mas binilisan ko ang mga hakbang na makita ko ang paghinto ni Leonne sa pakikipaglandian sa babaeng katabi.

Binitiwan ko lang ang kamay ni Hermes ng makaladkad ko na siya palayo.

"P-Paano mo nalaman?!"

Hindi ako makapaniwala na alam niya ang desisyon kong 'yon! Hindi naman sa gusto kong itago pero kasi ayaw ko munang malaman nila sa ngayon dahil baka pag nalaman ni Marcus ay isipin niyang dahil sa nangyari noong nakaraang dinner namin kaya ako nagdesisyong mag shift.

Kumunot ang noo niya at matalim akong tinitigan.

"I told you Mirthene. Wala kang maitatago sa akin." Bumaba ang mga mata niya sa aking dibdib.

"Kahit 'yan hindi mo maitatago sa akin." He added.

Ramdam ko ang pag init ng magkabilang pisngi ko dahil sa napagtanto. Agaran kong ipinag krus ang mga kamay ko sa aking harapan.

"Bastos!" Singhal ko sa kan'ya.

Imbes na matakot sa naging reaksiyon ko ay lalo lang nalukot ang kan'yang mukha.

"Hermes how could you say that! Are you hitting-"

Natigil ako sa pagsasalita ng marinig ang paghagalpak ng tawa ng damuho!

"Why are you laughing Hermes! You pervert!"

Mas lalo pa siyang natawa dahil sa sinabi ko. Tinanggal ko ang kamay ko sa aking harapan at isinapak ang isa sa kan'yang braso.

"Ano kayang nakakatawa sa kababuyan mo!"

Sa muling pagsapak ko ay hinuli na niya ang kamay ko.

"Nakakatawa ka talaga! Tumigil ka nga. I'm not referring to your..." Sinundan ko ang mga mata niya kung saan ang tinutukoy pero imbes na tignan ulit 'yon ay nag iwas lang siya ng tingin.

"Ang ibig kong sabihin ay kung ano talaga ang nararamdaman mo. Alam kong mahal mo si Marcus. Hindi ba?"

Natigilan ako sa sinabi ni Hermes. Ni walang salita ang gustong lumabas sa bibig ko. Napawi ang katuwaan sa mukha niya at tumango tango na tila may sinabi akong sagot sa mga katanungan niya.

"Alam ko. You can't hide what you really feel Mir."

Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso lalo pa ng makita ang lalaking pinag uusapan namin na papalapit na sa kinatatayuan naming dalawa.

Ilang beses akong napalunok.

"Tapos na 'yun Hermes... Huwag na nating pag usapan please? And about my plans... Huwag na muna sanang lumabas sa ngayon..."

Nang hindi pa siya sumagot ay muli kong hinawakan ang kamay niya. Bumuntong hinga si Hermes kasabay ng tuluyang paglapit ni Marcus sa aming dalawa.

"Bro! Mir! Ano tara?" Excited niyang hiyaw.

Nagpalipat lipat ang tingin niya sa amin ni Hermes partikular sa mga kamay naming magkahawak. Noong una ay nahinto siya sa pag ngiti pero ng walang magsalita sa aming tatlo ay lumabas na ang ngisi niya.

"Ano 'yan huh? Mukhang may seryoso kayong pinag uusapan?"

Mabilis kong binitiwan ang kamay ni Hermes.

"Wala!"

"Yeah." Si Hermes.

Bumaling ang huli sa akin gamit ang mga makahulugang titig pero agad din namang ibinalik kay Marcus.

"I was just telling Hermes that I can't go with you tonight. May pupuntahan kasi kami ni Ken ngayon." Ngumiti ako at tumuwid ng tayo sa kan'yang harapan kahit na kumakalabog na naman ang puso ko.

"Saan? Mall?" Hindi natigil ang pabalik balik na tingin niya sa aming dalawa ng lalaking nasa tabi ko.

"Oo! Doon... Mag enjoy kayo. Just send me pictures."

Ngumiti ulit ako para maging kumbinsido ang desisyon ko. Tumango si Marcus at tinapik ang balikat ni Hermes.

"Kasama si Blaire. Tara?"

Tumango tango naman ang huli. Nang balingan ako ni Marcus ay madali ko ng kinuha ang cellphone ko para magkunwaring may tumatawag.

"Oo nga! Papunta na ako. Ano?" Sumenyas ako sa dalawang lalaki bago tumalikod.

Ilang beses kong narinig ang masayang boses ni Marcus na nagkukwento tungkol kay Blaire habang ako ay nagkukunwaring kausap ang kapatid ko.

"Ang sakit...." Wala sa sariling sambit ko na dahilan ng pagbalik ko sa kasalukuyan.

Narinig ko ang tanong ni Hermes galing sa aking likuran kaya ipinagpatuloy ko ang pagkukunwari.

"Ano?! Masakit ang puson mo? O sige papunta na ako." Nagmamadali kong ibinalik sa bulsa ko ang aking cellphone bago sila muling balingan.

Parang sinaksak ang dibdib ko ng makita ang masayang mukha ni Marcus.

"Mauna na ako ha. Si Mackenzie kasi!"

"Mir-"

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni Marcus.

Nagmamadali na akong umalis. Sa sobrang bilis ng mga yapak ko ay hindi ko na alintana ang mga estudyanteng nababangga ko. Ang gusto ko lang ngayon ay kumawala sa lahat at dumistansiya muna sa sakit.

"Ikaw na." Napapitlag ako ng iangat ni Jen ang basong may lamang alak sa aking harapan.

Ngayon gabi, imbes na sumama siya sa party ay narito kami sa condo niya at umiinom ng alak. Tamad kong kinuha ang baso at diretsong nilagok 'yon.

"Hayaan mo na Mir. Some things are better left unsaid naman e. Siguro nga mas better na hindi niya nalang alam."

Napayuko ako sa hawak kong microphone. Ngayon lang yata ako kakanta sa ilang oras na umiinom kami.

"Oh. Naku naku! Hindi bagay ang malungkot sa'yo Mirthene! Mamamatay din 'yang pagmamahal mo. That pain is just temporary. Mawawala din 'yan. Parang birthday na lumilipas!"

Nagpatuloy ang mga litanya sa akin ni Jennifer pero kahit na alam kong tama naman ang lahat ng mga sinasabi niya ay hindi ko parin kayang gawin.

Hindi ko parin kayang pigilan ang sakit.

Gano'n pala talaga 'yon. Na kahit anong advice ang ibigay sa'yo ng mga taong gustong tumulong ay mahirap paring gawin.

Nakakatawang isipin na hindi ko naman naging boyfriend si Marcus pero bakit kailangan kong mag move on? Hindi niya naman ako minahal gaya ng pagmamahal ko pero bakit kailangan kong ibaon sa limot ang lahat ng nararamdaman kong pagkagusto sa kan'ya?

Siguro nga hindi naman lahat kailangan ng label para sa mga emosyon at nararamdaman para sa isang tao.

Nando'n na yun e. Kahit walang kayo. Kahit hindi kayo at hindi magiging kayo ay hindi madidiktahan ng mga payo ang totoong isinisigaw ng puso mo.

Marahan kong inangat ang mikropono at nagsimula ng kantahin ang kantang inilagay ni Jen para sa akin.

"I recall when you said that you would never leave me
You told me more, so much more like when the time you whispered in my ear
There was heaven in my heart
I remember when you said that you'd be here forever..."

Imbes na matulala sa TV ay sa akin natulala ang kaibigan ko.

"Then you left without even saying that you're leaving
I was hurt and it really won't be easy to forget yesterday
And I pray that you would stay
But then you're gone and, oh, so far away..."

Sa sakit ng nararamdaman ko ngayon ay daig ko pa ang iniwan ng boyfriend. Sa pagkanta ko ng chorus ay boluntaryo ng tumulo ang mga luha ko.

"I was afraid this time would come
I wasn't prepared to face this kind of hurtin' from within
I have learned to live my life beside you
Maybe I'll just dream of you tonight
And if into my dream you'll come and touch me once again
I'll just keep on dreaming till my heartaches end..."

It's just the song right? Hindi dahil sa naiisip ko kung gaano kasaya si Marcus ngayon habang kausap si Blaire. Hindi sa isiping sa pagtatapos ng gabi ay mas magkakaigihan sila. At hindi sa isiping sa paglipas ng mga araw ay magiging sila na talaga.

Dahil lang sa kanta 'di ba?

Napahagulgol na ako at hindi na naituloy ang ginagawa. Mabilis akong niyakap ni Jen dahilan para mas lalo lang kumawala ang mga hagulgol ko.

"Mir... Sige iiyak mo lang... Kaya mo 'yan Mir..." Aniya habang walang humpay ang paghaplos sa aking likod.

Hinawi ko ang mga luhang unang tumakas sa aking mga mata pero bigo akong tuluyang matanggal 'yon.

"Hindi ba ako dapat mahalin Jen? Hanggang kaibigan lang ba talaga dapat ang label ko?" Hindi ko na napigilang itanong.

I'm drunk. Siguro ang lahat ng nararamdaman kong kahinaan ngayon ay dala lang ng alak. Hindi ko naman gustong maglasing. Ang gusto ko lang ay makalimot kahit panandali. Dahil sa tuwing naririnig ko sa bibig ni Marcus ang pangalang 'yon ay nasasaktan talaga ako.

"No! It's not your fault. Hindi mo kasalanan na hindi ka ginusto ng taong gusto mo okay? Never think that way Mir. You are worthy of love. Siguro hindi ang pagmamahal ni Marcus pero sa iba sigurado akong oo. Marami ka pang makikilala Mirthene. Hindi lang si Marcus. Maraming marami pa."

Sarkastiko akong natawa sa kabila ng paglalim ng mga iyak ko.

Bakit kasi hindi tayo gusto ng mga gusto natin?

Bakit hindi tayo mahal ng mga taong itinitibok ng puso natin?

Bakit pa natin naramdaman 'yung pagmamahal kung masasaktan lang din pala tayo?

Marcus... Bakit hindi ako?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro