Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/9/ Offer


"ANONG ginagawa natin dito?" nakakunot noo kong tanong sa kanya nang umibis ako ng kotse matapos niya akong pagbuksan ng pinto. Ang buong akala ko'y sa Atlas University kami pupunta ngunit nasa tapat kami ngayon ng isang malaking gusali sa siyudad, ilang oras din ang nilakbay namin mula sa mental institution. Diamond Tower ang pangalan ng gusali.

"Let's go." Hinawakan ni Memo ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa loob ng gusali, sumakay kami sa elevator. Nakatingin ako sa kamay naming dalawa at lubos akong naguguluhan sa bilis ng mga pangyayari. Parang kahapon lang ay halos mabulok ako sa institution at ngayon ay magkahawak kamay kami papunta sa kung saan. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit hinahayaan ko lang siya sa gusto niya.

Bumukas ang pinto at may sumalubong sa'min na lalaki na sa palagay ko'y isang waiter dahil sa suot nito, itinuro niya sa amin ang daan papuntang rooftop at doon naghihintay ang isang hapag.

"Ano 'to?" pilit akong bumitaw sa kanya. "I... I thought sa Atlas tayo pupunta." Para kong wala sa sarili dahil sa presensya niya, bago kami nakarating dito ay dinala niya ko sa isang boutique at doon binili niya 'ko ng isang itim na bestida na suot ko ngayon.

"Umupo muna tayo tsaka ako magpapaliwanag." Nakangiti niyang sabi at hinila niya 'ko papalapit sa mesa. Mula rito ay kitang-kita ang kabuuan ng Sentral City, wala ng araw kung kaya't nangingibabaw ang mga ilaw na nagmumula sa siyudad.

"Memo―"

"Alam kong marami kang gustong itanong, my dear Sigrid, pero gusto lang kitang dalhin dito para magcelebrate."

"Celebrate? Para saan?"

"For you," hinawakan niyang muli ang kamay ko na nakapatong sa mesa. Hindi napuputol ang titig ni Memo nang magsalita ulit siya. "This serves as the formal invitation to you―to join us."

"Join what?"

"Kay tagal kitang hinanap, Sigrid," nawala ang ngiti niya sa labi at napalitan ng seryosong ekspresyon ang kanyang mukha. "Kailangan namin ang mga katulad mo, katulad mong espesyal at natatangi."

Hindi ako nakaimik sa mga sinabi niya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong dapat kong isagot sa kanya dahil nabibilisan ako sa mga pangyayari, bukod pa roon ay naguguluhan ako. Napapikit ako saglit at muling tumingin sa kanya. Madami pang mga bagay ang gumugulo sa isip ko at hindi ko alam kung anong uunahin ko. Ang mga misteryosong liham, ang batang babae, ang totoong nangyari sa'kin na aksidente dahilan kung bakit nabuksan ang kapangyarihan ko at ang... aking pamilya.

"Anong sa tingin mo, Sigrid?"

Umiling, napayuko at napahawak na lang ako sa aking sentido. This is not me. This is not what I'm used to be. I do have plans and now it was all ruined. Ang simpleng plano ko na pagpasok sa university na 'yon para mag-aral ng medisina, hanggang sa umabot na ang sitwasyon sa ganito. Gulung gulo na ang utak ko lalo pa't sariwa pa rin sa'king puso ang sakit na dinulot ng katotohanan―katotohanan na tingin sa'kin ng mga kapatid ko.

"I know," naramdaman ko na marahan niyang pinisil ang kamay ko. "Your mind is not ready yet to be part of our order, pero I assure you that I am the only one who can help you." 'Ask me why.' Narinig ko yung boses niya sa isip ko.

Isa pa si Memo na dumagdag sa mga gumugulo sa isip ko, sino ba siya talaga? At kaya niya ring basahin ang nasa isip ko, magkatulad kami ng kapangyarihan? Anong pakay niya?

"W-why?" automatic kong sinabi pagkautos niya.

"Because we're the same, we're beyond normal. We are meant to meet this lifetime, Sigrid." He smiled at me. 'For years we've been fated to meet, my goddess of memory.'

Napakunot ako sa sinabi niya. "Ni hindi ko nga kita lubusang kilala."

"And yet you allow yourself to come with me," parang sumbat niya sa'kin. "Hindi ba't senyales na 'yon na may tiwala ka na sa'kin?"

"Sumama ako dahil―"inisip ko ang dahilan pero wala akong mahanap, it just happen that I wanted to come pero hindi talaga, magulo, dahil may nagdidikta sa'kin na hindi ko maipaliwanag. "You said you saved me, gusto kong malaman kung anong totoong nangyari sa'kin kung bakit ako nagising sa ospital na 'yon."

"Nahulog ka mula sa isang mataas na lugar, and then I found you, barely breathing," binitawan niya ang kamay ko at sumandal siya sa upuan, nag-iba bigla ang mood niya at tila nawalan ng gana. "Nagugutom na 'ko tagal ng pagkain." Pag-iiba niya ng usapan at hindi na ako kumibo pa.

Maya-maya'y dumating ang waiter dala-dala ang mga pagkain, matapos itong ihain ay kaagad na kumain si Memo samantalang ako'y nakatitig lang sa kawalan, winawari kung anong dapat gawin. Muli akong napapikit atsaka ako tumayo at akmang aalis.

"Sigrid," napahinto ako sa pagtawag niya. "Sit. Down." Kaagad ding sumunod ang katawan ko sa utos niya.

"I'm sorry for being rude," paghingi ko ng pasensya sa kabastusan na ginawa ko. "It's just that... Wala ako sa maayos na pag-iisip―"

"You know that you are not crazy."

"No, hindi iyon ang ibig kong sabihin. I want to think clearly, gusto ko lang mapag-isa."

Hindi kumibo saglit si Memo.

"I reserved a room for you," pinunasan niya gamit ang table cloth ang kanyang bibig. "Magpahinga ka na, bukas pupunta tayo ng Atlas and by that time I hope you already made up your mind."

"Thank you."

*****

ILANG beses ko nang ipinikit ang aking mga mata subalit hindi ko pa rin magawang makatulog. Sinulyapan ko ang orasan na nasa night table at nakita ko na malapit ng sumapit ang alas dos ng madaling araw. I can't sleep for some reasons. Starting tomorrow, I know that things would turn never be the same again. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at umupo ako sa sofa, kitang kita ko rito ang kabuuan ng siyudad at buhay na buhay pa rin ang mga liwanag.

Kamusta na kaya sila papa? I wonder kung iniisip din nila ko ngayon. Wala silang kaalam alam sa nangyayari sa'kin, sa pagbabagong kinahaharap ko, at sa kapangyarihang mayroon ako. Alam ko na hindi na ko muling babalik pa sa dati, ngunit hindi ko alam kung kailan ko mapapatawad sila Ate Sara at Kuya Samuel, hindi ko alam kung kailan dadating ang araw na magiging maayos ang lahat. Pero sa palagay ko'y hindi na.

Sinabi ni Memo na siya lamang ang maaaring makatulong sa isang katulad ko dahil magkapareho kaming dalawa. Seems true but I am not sure if I'm ready to join them.

There are still things that I have to disclose, katulad ng kung ano ang tunay na nangyari sa'kin na aksidente, hindi sapat ang impormasyon na binigay sa'kin ni Memo. Pati na rin ang misteryosong liham, ang room 634 ng College of Chemistry, si Isagani, si Andrea, ang batang babae, at ang kapangyarihan na mayroon ako.

Bakit? Bakit ako nagkaroon ng ganitong kapangyarihan? Telepathy. Ang makabasa ng isip ng ibang tao. Hindi ba't diyos lamang ang may kakayahan nito? Bakit niya ibinigay sa'kin ang ganong kakayahan? Sa anong dahilan kung bakit kinakailangang maging iba ako sa mga normal na tao.

May dahilan ang lahat ng nangyayari sa mundo. Alam ko. Alam ko na mayroon. At ito ang magiging pagganyak ko kung bakit magpapatuloy akong mabuhay. What is life. Bigla kong naalala ang tanong ni professor ko sa Biology sa naisip kong 'yon. Tila nawala lahat ng dati kong paniniwala, ang pundasyon na binuo mula sa tradisyon ay gumuho, naglaho.

If Memo is really the only one who can help me with this kind of situation, siguro maaaring sumama ako sa 'kanila'. But there's just something with this guy that I couldn't explain, yes, he's charismatic but I feel there's more than that. Mayroong kung ano sa kanya na hindi ko mawari, na hindi ko matanggihan ang mga gusto niya. Pero dahil utang ko sa kanya ang buhay ko at kung bakit ako nakalabas ng mental institution, kailangan kong sumama sa kanya.

But what does he mean? Base sa mga sinabi niya kanina ay parang matagal na kaming magkakakilala at matagal niya akong hinanap?

'For years we've been fated to meet, my goddess of memory.'

*****

WE'RE here in the front gate of Atlas University. I'm back.

Marami pa ring mga estudyante ang naglilisawan kung kaya't huminto kami sa mismong tapat ng entrada. Tiningnan ko si Memo na nasa tabi ko, nakasuot siya ng itim na salamin at Fedora hat.

"Are you ready?" tanong niya sa'kin at inalok ang kamay niya, nakasuot siya ng itim na leather gloves at walang pag-aalinlangang tinanggap ko kaagad iyon sa hindi maipaliwanag na dahilan, para siyang nanghihipnotismo na kahit anong sabihin niya'y walang pag-aalinlangan kong sinusunod. "Kanina pa sila naghihintay."

Sila?

"Shall we?" sabay kaming naglakad papasok sa loob habang magkahawak pa rin ng kamay. Nang makapasok kami'y bigla naming nakuha ang atensyon nila―mali―biglang nakuha ni Memo ang atensyon nila kung kaya't lahat ng makasalubong o madaanan namin ay natatahimik at napapatingin sa'ming dalawa.

'Si Sigrid Ibarra ba ang kasama ni Memo?' napakurap-kurap ako sabay hawak sa'king sentido sapagkat nagsisimula na namang manghimasok ang mga tinig sa isip ko.

'Bakit sila magkasama?'

'May tsismis sa dorm, nasa mental daw 'yang si Ibarra.'

"Don't let their thoughts enter your mind," narinig kong sabi ni Memo, "Concentrate. Naturo na sa'yo ito ni Ofelia, dapat kaya mo ng kontrolin ang kapangyarihan mo. Don't mind these sheeps." Sinunod ko siya at mabuti'y agad ko 'yong naagapan.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya at hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko. "At sino ang mga naghihintay sa'tin?"

"You're inquisitive like a kid. Malalaman mo." He just smiled and we walk faster.Maya-maya'y napatigil ako dahilan para mapatigil din si Memo dahil nga magkahawak ang kamay namin. Napatingin siya sa'kin.

Bakit kami nasa tapat ng College of Chemistry? Hindi kaya...

"Let's go Sigrid." Pilit sa'kin ni Memo at nagpatuloy kami. Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang maalala ang mga nangyari noong una akong pumunta sa lugar na 'to. Hindi kaya't may kinalaman si Memo sa sulat? Sa...

"Malalaman mo rin," biglang nagsalita si Memo, diretso lang siyang nakatingin. Tinatahak namin ang pamilyar na daan, ang pamilyar na hallway, ang hagdanang ekslusibo sa tinatawag nilang 'Night Class'. "Nandito na tayo." At sawakas ay huminto kami sa tapat ng isang silid. Hindi ako makapaniwala dahil nanggaling na ako rito noong isang araw.

ROOM 634

Nandito kami ngayon sa lugar kung saan dinala ako ng misteryosong liham na natanggap ko noon.

Binuksan ni Memo ang pinto at nauna siyang pumasok, pagkatapos ay inanyayaan niya 'ko na sumunod, pilit akong humakbang papasok sa loob. Bumungad ang limang tao sa loob ng silid na nakatingin sa akin ngayon, nagsalita si Memo.

Tiningnan ko silang lahat at biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko.

"Good day mates," masiglang bati ni Memo sa kanila, tinanggal ang salamin. "This is Sigrid Ibarra. Magpakilala kayo sa bago nating member."medyo lumapit kami ni Memo sa kinaroroonan nila.

"Ako nga pala si Rare," unang nagpakilala yung lalaking nakita ko noon na naglabas ng apoy sa kamay. 'Pamilyar ang babaeng 'to.' Hindi niya ko ganon ka naaalala.

"Kerubin," nakipagkamay ang sumunod, kasama siya ni Rare noon at isa sa mga humabol sa akin. "Kero na lang ang itawag mo sa'kin."

"Hi, ako si Ruri," sumunod ang isang babae, ngayon ko lang siya nakita.

"Annie." Matipid na sabi ng isa pang babae, siya 'yung kasama noon ni Rare at Kero, pero inirapan niya lang ako.

At ang huling nilalang na lumapit sa'kin, medyo napaatras ako ngunit pinigilan kong magpakita ng kahit anong emosyon, ang lalaking nagnakaw ng halik sa'kin at nagligtas sa akin pagkatapos ang mga kaganapan sa house party ng Zeta Phi.

"Isagani." Nilahad nito ang palad at nag-aalinlangan akong tanggapin iyon. He gazed at me with the same eyes I saw before.

Binawi ko ang aking kamay at bumaling ako kay Memo. "Can I talk to you outside?"

"Sure." Lumabas kaming dalawa ni Memo at humalukipkip siya.

"I'm sorry, Memo, I'm so confused."

"It seems so. Alam kong maraming bumabagabag sa isip mo."

"Ang pamilya ko, wala silang kaalam-alam na nakalabas na ako ng institusyon na 'yon—"

"Your siblings hated you."

Natigilan ako at kunot noong tinignan siya.

"I can read minds, remember? Dahil parehas tayo ng kakayanan. Sa dami ng iniisip mo, Sigrid, you can't come up with proper words, but let me tell these to you," humakbang siya palapit. "The thing that you wanted right now is clarity and security, you wanted to get away but you're also seeking for answers. What I can offer you is, if you join the Night Class, I can give you clarity and security. You can't force yourself to your family, you need to let them be."

"P-paano mo—"

"I told you I can also read minds, I'm a Telepath, better than you."

"Somebody warned me that I should go away from this place," umarko ang isang kilay niya. "And it's too late. Sigurado ang taong 'yon na hindi maganda ang mangyayari sa akin dito."

"That's absurd," tumawa si Memo. "We create our own fate, Sigrid."

"Gusto ko ring malaman mo na hindi na ito ang unang beses na nakapunta ako rito, weeks ago ay nakatanggap ako ng liham na nag-uutos sa akin na pumunta rito, I already saw the other members of Night Class."

"Ako ang nagpadala ng liham na 'yon."

Nagulat ako sa pag-amin niya.

"I-ikaw? Bakit?"

"What happened to your precious memory, Sigrid? Sinabi ko na rin sa'yo noon na kay tagal kitang hinanap, at nang makumpirma kong ikaw nga ang hinahanap ko hindi na kita hinayaang mawala sa aking paningin."

"Kung ganoon bakit hindi ka kaagad nagpakita sa akin at maayos akong kausapin? Kung kailan ako naaksidente?"

"Oh, that accident was the cause of the awakening of your power, Sigrid."

"Power?" umismid ako sa kanya at bigla akong natigilan nang maalala ko ang pangyayari sa house party, ang batang babae at ang nagawa kong pananakit kay Hugo. Pero kung sinabi ni Memo na bumukas lang ang kapangyarihan ko pagkatapos ng aksidente paano ko nagawa 'yon kay Hugo? Saan ako nakahugot ng lakas?

Ngumiti bigla si Memo.

"Don't worry about that Hugo, he's dead."

"A-ano?"

"Few days ago he was found in his dorm, according to reports, he killed himself," walang emosyong saad ni Memo habang ako nama'y hindi makabawi sa pagkagulat. "The world is dangerous specially for someone special like you, Sigrid. I know there are still tons of questions in your head, but the Night Class can help you. Are you going to accept my offer?"

Sa pagkakataong 'to ay may kakaibang nag-udyok sa akin.

"I-I accept your offer." Mas lumapad ang ngiti ni Memo.

"Welcome to Night Class, Sigrid."





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro