/5/ Consequences
"SIGRID?" napaangat ako ng tingin at nakita ang nag-aalalang si Richard. "Bakit hindi ka pumasok ng Biology?" hinila nito ang upuan katapat ko atsaka umupo. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at ibinaling ang atensyon sa aking binabasa. Dito niya ako natagpuan sa library, sa palagi naming pinupwestuhan sa tuwing may research kami sa subject namin kay Professor Paciano.
"Na-late ako ng gising." Pagdadahilan ko sa kanya at muli kong itinuon ang tingin sa aking ginagawa.
"Ah, ganoon ba?" halatang hindi kumbinsido na medyo nag-aalala ang kanyang tinig. "Okay ka lang ba?" muli akong nag-angat ng tingin at nakitang nakatitig siya sa'kin, halos magsalubong ang kilay niya sa pag-aalala, ang mga mata niya naman ay nangungusap. "N-namumutla ka kasi. May...nangyari ba?" dahan-dahan nitong tanong na tila nag-iingat at baka may mali siyang masabi.
Tumingin lang ako sa kanya ngunit wala akong inusal, gusto kong ikwento sa kanya ang mga pangyayari kagabi, gusto kong humingi ng tulong sa kanya kung anong dapat kong gawin, pero sa ngayon wala muna akong gana na makipag-usap sa kahit na sino, nagsinungaling ako sa sagot ko kanina dahil ang totoo'y kanina pa kong umaga narito, sinadya kong hindi pumasok sa Biology class. "I'm fine, Richard." Binalik ko ulit yung tingin ko sa binabasa ko at narinig kong tumayo siya mula sa kinauupan.
"Pasensiya na at naabala kita. See you tomorrow." Mukhang nakaramdam naman siya na gusto ko munang mapag-isa ngayon, nang umalis siya ay napatingin ako sa kawalan at nagpakawala ng isang buntong hininga.
Maaaring hindi ko kontrolado ang sarili ko noong nagdaang gabi magmula nang may ihalo sa inumin ko si Hugo, ngunit kasing linaw pa rin ng buwan sa aking alaala kung ano ang nangyari. Ang house party, ang masamang intensyon ni Hugo―napatigil ako nang maalala ko ang pangyayari, bago 'yon ay nakita ko muna ang batang babae na palaging nagpapakita sa akin, umusal ako ng tulong at nang itulak ko si Hugo ay malakas siyang humampas sa dingding ng silid at nawalan ng malay. Maging ang nangyaring pagliligtas sa akin ni Isagani nang matumba ako sa kalsada. Ang paghaplos ni Andrea sa aking buhok at ang mga salitang kanyang binitiwan,
Anong nangyayari? Bakit ganito? Magmula nang mag-aral ako sa unibersidad na 'to ay kung anu-ano ng nangyaring misteryo sa buhay ko.
'Umalis ka na sana ng mas maaga rito, Sigrid. Pero huli na ang lahat.' Umalingawngaw ang mga sinabi ni Andrea habang kalahati ng aking diwa ang aking gising.
Pumikit ako saglit atsaka muling dumilat, hindi pwedeng maabala ang kasalukuyan ko dahil lang sa mga ganitong pangyayari. Nandito ako sa Universidad de Atlas para mag-aral, para magign manggagamot balang araw, para kila papa at sa aking pamilya. Mayroon akong sariling misyon dito na kailangang tapusin. Inayos ko yung mga gamit ko bago ako tumayo at umalis sa Library.
*****
MARAMI-RAMI rin ang tao rito ngayon sa cafeteria kung kaya't medyo magulo at maingay, patingin-tingin ako sa paligid para maghanap ng bakanteng pwesto pero sabi dami ng estudyante wala akong makita.
"Sigrid!" napatingin ako kay Talia 'di kalayuan na kumakaway sa'kin. "Dito! Halika!" tawag niya sa'kin at kaagad akong lumapit sa kanya.
"Thank you, Talia."
"No problem, sis! Ikaw pa ba!" umusog siya palapit sa akin. "So, kamusta ang house party?" walang pakundangan niyang tanong.
"Huh? P-paano mo nalaman?"
"Ako pa ba, sis? Pagdating sa mga tsismis hindi ako nagpapahuli!" pagmamalaki niya pa. "Ano? Kamusta?"
Sa totoo lang ayokong pag-usapan ang nangyari dahil una sa lahat, hindi maganda ang mga nangyari. Pangalawa, may mga bagay na mahirap ipaliwanag.
"Oo nga pala, may gusto akong itanong," lumayo siya ng kaunti nang sabihin ko 'yon, para na rin maiba ang usapan. "Tutal sabi mo magaling ka sa tsismis, may kilala kabang Isagani ang pangalan sa campus?"
Napatingin sa itaas si Talia, nag-iisip. Mukhang matagumpay naman akong mabaling ang atensyon niya sa ibang paksa. Baka sakali ring alam niya ang misteryosong taong nagnakaw ng halik sa akin at nagligtas sa akin kagabi, kung bibigyan ng pagkakataon na makita ko siyang muli ay marami akong gustong itanong.
"Hmm... Isagani? Sorry, sis, kung sino man 'yang papa mo hindi ko kilala."
"Ganon ba?"
"So, kamusta na nga 'yung house party?" pagbabalik ni Talia sa usapan kanina.
Maya-maya'y parang biglang tumahimik yung grupo na kasalo namin sa mesa, napatigil ako sa pagkain at nakitang nakatayo si Morgaine sa gilid namin. Walang anu-ano'y umalis 'yung grupo ng senior dala-dala ang tray ng pagakain nila, naiwan ako at si Talia na papasubo pa lang ng pasta.
Tumikhim si Morga at tumingin siya kay Talia.
"Ah, sorry." Alanganing ngiti ni Talia at katulad ng mga senior kanina ay umalis din siya. Naiwan ako at umupo si Morgaine sa tabi ko.
Alam ko na kung anong pakay niya kung bakit siya nandito.
"Sigrid,dear," hinawakan niya yung kamay ko na nakapatong sa mesa. "Nandito ako para magpaliwanag." Napakunot ako sa sinabi niya. Nag-iba ang tensyon ng paligid dahil naramdaman ko na halos lahat ay nakatingin sa kinaroroonan namin, nanonood at nakikinig.
"I'm sorry, okay? Kung pinilit kitang mag-stay kagabi, hindi na tuloy kita naasikaso, nabalitaan ko na lang na umalis ka na lang bigla." Ibig sabihin hindi alam ni Morgaine ang ginawa sa'kin ni Hugo? "We really do want you to became part of Zeta Phi, Sigrid. My eyes are not deceiving me yesterday noong nagkukwentuhan tayo with the sisters about the arts, literature, org activities, you are interested, you have the passion." Hindi ko maitatanggi na tama siya bagay na 'yon. Pero sa nangyari kagabi nagkaroon ako ng takot na ma-involve sa kanila lalo pa't magkalapit ang org nila at org ni Hugo, ang nangyari kagabi ay maaaring maulit pa.
"I want your answer now, Sigrid, are you joining us or not?" Titig na titig si Morgaine sa mga mata ko. She's clearly putting me under pressure, hindi lang halata pero maraming nag-uusisa sa paligid, maraming mga mata at tainga ang nakaantabay sa pag-uusap namin ngayon.
"I'm sorry, Morgaine. I can't join you, please don't ask me why. It's... personal." Sagot ko sa kanya habang diretsong nakatitig sa kanyang mga mata. Sinabi ko lamang kung ano ang nasa isip ko at sa tingin ko naman walang masama roon. Napasandal si Morgaine sa kinauupuan niya at pilit na ngumiti.
"Oh well, I have to respect your decision," sabi niya. "Sana lang hindi mo pagsisihan kung ano ang naging desisyon mo." Iyon ang huling sinabi ni Morgaine atsaka siya umalis.
Yes, I know I won't regret this.
*****
"WELCOME back!" masigla at matinis na bati ni Talia pagpasok ko ng loob, nag-aayos siya sa harapan ng salamin ng tokador, mukhang may lakad na naman ngayong gabi si Talia. Pumunta ako sa desk ko at umupo sa upuan. I "Sis!" bigla siyang humila ng upuan palapit sa'kin atsaka umupo.
"Bakit?" tanong ko sa kanya dahil halatang naiintriga siya sa itsura niya.
"Anong bakit?! Huwag ka na maang-maangan effect, Sig, alam mo naman na may utang ka pa sa'king kwento," sabi niya ng hindi man lang kumukurap. Gusto ko siyang busalan sa bibig dahil sa tinis ng kanyang boses. "Ano na?! Sumali ka na ba kila Morgaine? Isa sila sa mga bigatin dito sa university!" gusto kong magtakip ng tainga sa lakas ng boses ni Talia, wala siyang preno sa pagsasalita. "Isa sa mga nangungunang org dito sa school ang Zeta Phi pati na rin yung counter part nila na frat na Omega! Ang balita ko, sobrang exclusive ng dalawang 'yan at talagang malalakas 'yung mga koneksyon na meron sila! Kaya hindi mo maiimagine kung anong klaseng benefits ang makukuha mo kapag member ka. Iyon nga lang dadaan ka muna sa initiation, pero sus! Kayang kaya mo 'yon!"
"Benefits?" tumaas yung isa kong kilay sa sinabi niya dahil may kakaiba siyang pinupunto.
"Sa totoo lang," hininaan ni Talia yung boses niya na tila ba may ibubulgar na lihim. "Ayon sa mga nakalap kong impormasyon galing sa org namin, kaya maraming gustong sumali sa kanila, dahil kapag exclusive member ka, gagawin nila ang lahat para matulungan ka sa kung anong gusto mo." Nagpatuloy si Talia na tila nangungumbinsi. "Kahit ano, may kinalaman man sa pinansyal, posisyon, basta kahit ano."
"Hindi ako interasado. I said no to Morgaine earlier," sabi ko sa kanya at sinimulan kong ayusin yung mga papel sa desk ko.
"What?!" napapikit ako dahil halos mabingi ako sa lakas ng boses niya. "Sigrid, ano ka ba, kung ako sa'yo hindi ko dapat pinalalagpas 'yung mga ganitong pagkakataon!" pilit ni Talia. "Sumali ka na sa kanila at tiyak kong mapapadali ang buhay mo." Tumawa siya dahil napagtanto niya na may ibang kahulugan ang tinuran niya. "Ang ibig kong sabihin, magiging masaya at magarbo ang buhay kolehiyo mo."
"Hindi ko kailangan ng tulong nila." Kung alam lang ni Talia kung anong nangyari sa'kin kagabi sa kamay ni Hugo. "Nasaan nga pala si Andrea?" tanong ko para maiba ang usapan naming dalawa dahil sa totoo lang ayoko ng pag-usapan pa ang tungkol sa mga org na 'yan.
"Sinong Andrea?" napailing ako dahil ni hindi man lang siya nag-effort na alamin ang pangalan ng isa pa naming ka-roommate. Tinuro ko na lang 'yung kama ni Andrea bilang sagot sa tanong niya. "So, Andrea pala ang name ng weirdo na 'yon? Hay nako, hindi ko alam sa babaeng 'yon, ang weird weird niya talaga, ever!" tumayo siya at muling bumalik harapan ng salamin para mag-ayos, hindi ko alam kung bakit ayaw niya kay Andrea dahil una sa lahat wala namang ginawang masama ito sa kanya.
Pero hindi ko pa rin makalimutan ang mga sinabi ni Andrea kagabi. May kinalaman kaya siya sa misteryosong liham na natanggap ko noon? Napatingin ako sa desk ni Andrea at may nag-udyok sa'kin na hawiin ang telang nakataklob sa desk niya.
Tumambad sa'kin ang sketchpad niya, bukas iyon at...
"I-imposible," bulong ko nang makita ko ang naka-guhit...
Iyon ang eksaktong senaryo na nangyari sa amin ni Hugo, nakaguhit sa sketchpad na tinulak ko si Hugo at humapas ito sa pader. At ang huli... Buhat-buhat ako ng isang lalaki.
Kailangan kong makausap si Andrea bago ako tuluyang masiraan ng bait.
*****
HAPON na at nagbabakasakali pa rin ako na mahanap ko si Andrea rito sa college building nila , ang College of Architecture and Fine Arts. Mangilan-ngilan na lang ang mga estudyante ngunit nabigo akong matagpuan ang aking hinahanap.
Nagtugma ang mga sinabi ni Andrea noong isang gabi at ang nakita ko sa kanyang sketchpad kanina lang. Hinding hindi ko makakalimutan ang aming pag-uusap tungkol sa panaginip.
"Iginuguhit ko ang mga napapanaginipan ko."
"P-panaginip? "K-kung ganon ay parehas pala tayo, minsan ipinipinta ko ang mga napapanaginipan ko."
"Nagkakatotoo rin ba ang mga panaginip mo?"
Nangangahulugan ba na nakikita ni Andrea ang mga pangyayari sa hinaharap sa kanyang mga panaginip? At iginiguhit niya ang mga pangyayari sa kanyang sketchpad? Kung ganon... Maaaring nakita niya ang mga mangyayari sa akin!
Maaari! Dahil... Sinabi niya rin noon...
"Umalis ka na sana ng mas maaga rito, Sigrid.Pero huli na ang lahat."
Kung ganon... Si Andrea ang nagbigay ng liham na naglalaman ng babala sa akin noong unang araw ko rito sa Atlas?
UMALIS KA NA HANGGA'T MAAGA PA, SIGRID IBARRA.
Makukumpirma ko ang lahat kapag kinausap ko si Andrea tungkol dito. Sa kanya ko lang din maaaring malaman ang tungkol sa pagkatao ni Isagani kung nakikita nga niya talaga ang hinaharap sa kanyang panaginip, pati na rin ang misteryosong batang babae na hindi na nagpakita sa akin magmula nang mangyari ang insidente kay Hugo.
Ang lakas ng kabog ng aking dibdib, hindi ko mawari kung isa ba itong takot na may halong pagkasabik dahil buong buhay ko ay ngayon lang nangyari sa akin ang ganito.
"Sigrid Ibarra?" boses ng isang lalaki. Lilingunin ko pa lamang ang tumawag nang may kamay na nagtakip sa aking bibig.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro