Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/34/ End



TODAY it will end.

Iyon ang tumatakbo sa isip ko habang naglalakad sa siyudad kung saan kapansin-pansin na maraming tao ang nagkalat sa paligid. Something's going on because I can feel their excitement. Nang may madaanan akong appliances shop kung saan may mga TV sa labas ay doon ko nalaman ang kasalukuyang balita.

Noong nakaraang linggo pa kumakalat na magkakaroon ngayon ng total solar eclipse sa Sentral City. The astronomers noticed the sudden changes and movements of the planets and it bothered them. Kaya naman pala maraming tao ngayon ang nagkalat sa Sentral City, may mga turista pa na galing sa ibang bansa, they're all looking forward to this big event.

Timoteus is right, Memo is commencing his plan sooner than expected. Now I get it, the Project Utopia he's planning to do. Hindi pa siya nakuntento na kuhanin ang life-force ng mga Peculiar at ngayon ay gagamitin niya na ang mga planeta para gawin ang mga plano niya.

When the moon eclipsed the sun, a shadow will be cast on this planet. Memo will use that darkness for his own gain.

Kanina pa 'kong tanghali naglalakad-lakad sa Sentral City, napansin ko rin na malaki ang pinagbago ng lugar na 'to sa loob ng ilang taon, mas naging makabago ang ilang disenyo at mas dumami ang mga gusali. May mga ilang tumitingin sa'kin dahil nawi-wirdohan sila dahil nakasuot ako ng itim na balabal kahit na tirik na tirik ang araw.

Ruri insisted to come with me but I told her to stay at the orphanage to protect the children, I will finish this fight alone.

"Are you ready?" may nagsalita sa gilid ko at nakita ko si Timoteus, he's wearing his usual cloak and medallion but no one seems to notice him except me.

"I've been preparing myself for almost twelve years, Timoteus."

"Kung tutuusin ay mabilis lang kung tumakbo ang oras sa planetang 'to, Ravi. Twelve years kang naghintay sa pagkakataong 'to."

"I guess that's the will of God."

"You already met the Creator?"

"It was a long time ago."

"Then that explains why I can't see any fear in you." Puri niya sa'kin at napatingin ako sa kanya. 'Di kalayuan ay nakita namin na may mga media na nagkalat na nag-uulat ng balita.

"Bakit ako matatakot kung alam kong nakatakda na ang mga pangyayari?"

"You're not afraid of dying?"

I already died several times, gusto ko sanang isagot pero hindi na lang ako kumibo. Tumingin ulit ako kay Timoteus subalit naglaho na naman siya na parang bula.

Maya-maya'y tila tumigil ang mundo ng mga tao sa'king paligid nang makita nila sa langit ang hindi pangkaraniwang pangyayari. Lahat sila'y nakatingala, ang ilan ay mga nakasuot pa ng shades bilang proteksyon sa kanilang mga mata, ang ilan naman ay kumukuha ng larawan, at ang iba'y namamangha lang na nanunuod.

Tumingala ako nang marinig ko ang kanilang pagsinghap at pagkamangha, nakita ko sa langit kung paano unti-unting tinatakpan ng buwan ang araw. It is indeed breath-taking, a beautiful manifestation of the divine beings, a beyond human mind concept. But this isn't the time to admire it. They didn't know what's about to happen.

Nang tuluyang matakpan ng buwan na tila isang black hole at tanging corona lang ng araw ang makikita, dumilim ang paligid. Narinig ko ang paghiyawan ng mga tao dahil sa tuwa, marahil ay ngayon lamang nila nasaksihan ang ganitong himala.

Subalit hindi katagalan ay tumahimik ang paligid, pinagmasdan ko sila at nanlaki ang aking mga mata nang makitang nahihipnotismo sila ng buwan, nawala sila sa kanilang mga sarili at natulala sa langit. Sinasabi ko na nga ba at hindi ako nagkamali ng hinala na gagamitin ni Memo ang pagkontrol sa mga planeta para kontrolin ang mga tao.

Nabigla ako sa mga sumunod na pangyayari, nang tuluyan silang mawala sa sarili'y naglakad sila patungo kung saan. Ang mga tao sa loob ng iba't ibang gusali at mga sasakyan ay naglabasan at napuno ang malawak na kalsada ng mga taong wala sa katinuan. Wala akong nagawa at natangay ako ng tila alon ng mga tao.

Huminto sila sa paglalakad nang marating ang tapat ng Diamond Tower, tumingala sila roon at sabay-sabay na nagsalita.

"Long live, Rama!" halos mabingi ako sa lakas nito. Pagkatapos ay lumuhod sila at ako lang ang natirang nakatayo.

Ito ba ang sinasabing Project Utopia ni Memo? Nagkuyom ang dalawa kong palad at naramdaman ko ang enerhiyang dumadaloy sa singsing na suot ko, ang Chintamani. Sa isang iglap ay sinunod nito ang aking hiling na dalhin ako sa kinaroroonan ni Memo.

Napunta ako sa roof top ng Diamond Tower at nakita ko si Memo, katulad ko'y nakasuot din siya ng kulay puti na balabal. Nakita ko ang malaking pagbabago sa kanyang itim na aura, sobrang laki nito at halos umabot na hanggang langit. Napapalibutan siya ng kanyang natitirang limang kulto, ang Lunar Brotherhood. Hindi kaagad nila napansin ang aking presensya dahil nakatanaw sila sa mga tao sa ibaba.

"Stop this madness, Memo."

Nakuha ko ang kanilang atensyon. Dahan-dahang lumingon si Memo at 'di ko mawari kung ano'ng ekspresyon niya nang makita ako. Ang mga mata niya'y nanlilisik at napupuno ng kadiliman. Hindi ko na siya makilala dahil nag-iba na lalo ang kanyang itsura, puting puti ang kanyang balat at hanggang bewang na ang kanyang buhok, mas lumaki lalo ang bulto ng kanyang katawan at tila naging higante ang kanyang anyo.

"Ah, look who's here," humakbang siya ng tatlong beses palapit sa'kin. Maging ang boses niya'y nag-iba, naging malalim at parang galing sa lupa. His human form changed because of too much life-force he stole from the Peculiars that made him so powerful to the point he can control the movements of the planet. "Sigrid Ibarra, my goddess of memory."

"Those are the good old days, Memo. But look at you now, you're barely a human anymore." Hindi ako nagpakita ng kahit anong takot sa kanya dahil wala naman talaga akong dapat ikabahala. This day is already determined.

"I'm not a human, I'm a god!" dumagundong ang boses niya sa galit. "Don't you see those peasants?! The mindless and foolish humans who are now mine to control."

Napahinga ako ng malalim dahil wala na talaga siyang pag-asa. He was totally corrupted and nothing can convince him anymore, I need to finish him off.

"Hindi mo na ako mapipigilan, Sigrid. Ang kapangyarihang mayroon ako ay walang mas nakahihigit—"

"Unfortunately, there is." Itinaas ko ang aking kamay at nakita niya ang suot kong Chintamani, sigurado akong nararamdaman niya rin ang dumadaloy nitong kapangyarihan na higit sa mayroon siya.

"A pathetic ring can't stop me," siya naman ngayon ang nagtaas ng kamay at mula roon ay bumuo siya ng itim na pwersa hanggang sa lumaki 'yon. "Taste the vengeful power of mine!"

Ibinato niya sa'kin ang itim na pwersang nilikha niya subalit imbis na matamaan ako'y naglikha ang Chintamani ng shield na bumabalot sa'king katawan. The ring won't let me be harmed because I'm carrying a Rosencruz blood.

"Impossible!" sigaw ni Memo at inulit niya ang ginawa niya. His cult even chanted an oration to support him but it's still not working against me. "That ring! Give me that ring!" sigaw ni Memo at tumakbo siya papunta sa kinaroroonan ko.

The ring told me to raise my hand and I did. Nang mahawakan ni Memo ang kamay ko para kuhanin ang singsing ay tumalsik siya paitaas.

"Let's not make this any longer, Memo."

Bago pa tuluyang bumagsak si Memo ay naglikha ng portal ang Chintamani, I've seen it before, it's the Cycle of Infinity, o ang Siklo ng Walang Hanggan. Hinigop ng portal ang mga alagad ni Memo at si Memo'y pilit na kumapit sa sahig para hindi mahigop nito.

"S-Sigrid!" sigaw niya sa pangalan ko. "Help me!"

"No," malamig kong sagot sa kanya. "This is your destiny. Good bye, Rama."

I can hear his scream as he went down inside the portal. He's gone at last.

Unti-unting bumalik ang liwanag at itinaas kong muli ang aking kamay, lumiwanag ang Chintamani at kumalat ito sa buong paligid. Ibinalik ko sa normal ang kanilang mga isip at tinanggal ang memorya ng solar eclipse. Nang magpatuloy ang oras ay bumalik sila sa normal nilang ginagawa, wala silang mga kamuwang-muwang sa mga pangyayari.

"You finally did it," narinig ko si Timoteus at nakita siyang palapit sa'kin. "You saved the balance of this planet."

Hindi ako nakasagot sa kanya dahil naramdaman ko ang panghihina ng aking katawan, the Chintamani consumed too much of my own life-force. Hindi ko na napigilan at napasalampak ako sa sahig habang habol ang aking hininga.

"Am I going to die now?" tanong ko sa kanya habang hawak ko ang aking dibdib at pilit na humihinga ng maayos.

"It's not your time yet," sagot niya at tumingala ako sa kanya. Tumango ako dahil alam kong kailangan ko pang ipanganak ang batang nasa sinapupunan ko.

Pinilit kong tumayo at tinanaw ang buong siyudad. Tapos na ang misyon ko na pigilan si Memo sa paghahasik ng kadiliman sa planetang 'to subalit marami pang mga mangyayari sa hinaharap. Pero hindi ko kailangang mabahala, hinawakan ko ang aking sinapupunan at naramdaman ang buhay na nasa loob nito, dahil alam kong isisilang ko ang nilalang na pipigil sa muling paghahasik ng kasamaan sa hinaharap.


*****


Year 1997

"CONGRATULATIONS, Sigrid, it's a healthy baby girl."

Narinig ko ang malakas na pag-iyak ng isang sanggol at kanilang pagkagalak. Matapos ang siyam na buwang pagdadalang tao ay iniluwal ko rito sa ampunan ang batang nasa aking sinapupunan. Itinabi sa akin ni Ruri na mangiyak-ngiyak ang sanggol at umaapaw sa tuwa ang aking puso.

"Kay gandang bata," wika ni Sister Emilia na katabi ng kumadrona. "Anong ipapangalan mo sa kanya?"

Kahit na nanghihina ay pinilit kong ngumiti at sumagot, "Atria. Kapatid siya ni Beatrice."

Nagkatinginan sila nang sabihin ko 'yon at natanaw ko sa pintuan na nakasilip ang batang si Beatrice. Muli kong tiningnan ang sanggol sa aking bisig at hinaplos ang pisngi nito.

Nararamdaman ko ang unti-unting paghina ng aking katawan matapos ko siyang iluwal, siguro nga ito ang kapalit ng paggamit ko ng kapangyarihan ng Chintamani, at ngayong wala na sa akin ang bata, ito na siguro ang aking oras.

"P-pwede ko bang makausap si Ruri?" sabi ko at tumango lang si sister at ang kumadrona. Nang umalis sila'y mas lumapit sa'kin si Ruri.

"Ano 'yon, Sigrid?" nag-aalala niyang tanong.

"May huli akong pabor sa'yo. Pumunta ka ng El Salvador, hanapin mo ang La Capilla at sabihin kila Padre Perez kung ano'ng nangyari sa'kin." Anumang sandali'y pipikit na ang aking mga mata.

"Pero paano ang mga bata, Sigrid?"

"Huwag kang mag-alala dahil hindi sila pababayaan ni Richard."

"Ni Richard?" takang taka na sabi ni Ruri. Nakita ko sa hinaharap na darating si Richard sa lugar na 'to para kuhanin ang mga bata, alam ko rin na kukupkupin nilang mag-asawa si Atria at papangalanang 'Jillianne' kaya hindi ako nababahala.

"Pakiusap, Ruri. Sa oras na wala na 'ko ay ikaw na ang bahala." Ibinigay ko sa kanya si Atria.

"H-huwag ka namang magsalita ng ganyan, Sigrid."

"K-kailangan ko ng magpahinga."

Tumango na lamang siya at pinahid ang luha na pumatak sa kanyang pisngi. Napangiti ako at sumenyas ako sa kanya na gusto kong mapag-isa. Nang makalabas siya ng silid ay napahinga ako ng malalim.

"Your time is up, Sigrid," nakita ko si Timoteus sa aking gilid at nakalahad ang kanyang palad, binabawi na niya kung ano'ng binigay niya sa'kin.

"Alam ko." ngumiti ako sa kanya at tinanggal ko ang singsing—ang Chintamani at inabot 'yon sa kanya.

Tila bumagal ang ikot ng mundo, at mukhang totoo nga ang sinasabi nila na kapag na sa oras ng 'yong katapusan ay parang babalik lahat sa isip mo sa isang iglap ang mga nangyari sa iyong buhay. Kasing bilis na para bang sa pelikula. Wala akong pinagsisisihan at malugod kong tatanggapin ang kamatayan.







xxx


https://youtu.be/HQuWaegFz-w

(The ending theme song of this chapter)







Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro