/33/ It's All Determined
INUTOS ko sa driver na dalhin ako sa Sta. Helena Orphanage at wala pang isang oras nang makarating kami roon. Bumungad sa'kin ang isang simple at maliit na compound pagbaba ko ng sasakyan.
Naglakad ako palapit sa gate at natanaw ko sa play-ground ang mga batang naglalaro roon. Una kong napansin sila Beatrice at Jinnie, napangiti ako nang makita sila dahil parang kailan lang ay mga paslit pa sila at ngayon ay nasa edad na siyam o sampu na silang dalawa. Like their parents, they also inherited special powers, nakikita ko ang aura na bumabalot sa kanilang mga katawan.
Subalit hindi lang sila ang mga batang Peculiar na nakikita ko ngayon, apat na bata ang kalaro nila, isang babae at tatlong lalaki na ang dalawa'y kambal, na tiyak kong mga Peculiar din dahil sa kanilang aura at base sa aking obserbasyon ay malaya nilang naipapamalas sa ampunang 'to ang kanilang mga abilidad kapag walang ibang matatandang nakakakita.
"Tingnan niyo 'to!" bulalas ng batang si Jinnie at itinaas niya ang kanyang kamay, sunod na lumutang ang mga bato sa lupa at namangha ang mga batang kasama niya.
"Jinnie, sabi sa'yo pagagalitan ka ng mama mo kapag ginamit mo 'yang powers mo!" saway ng isang batang lalaki.
"Secret lang naman eh!" depensa ng batang si Jinnie at pumanewang.
"Mag-aaway na naman kayo, Jinnie, Rommel, pagagalitan tayong lahat nito eh!" sabi ng isang batang babae.
"Sylvia, ito kasing si Rommel ang ingay!" sagot ni Jinnie.
"Bakit ako? Ikaw 'tong nagyayabang diyan, eh!"
"Tama na 'yan, Jinnie, huwag na kayong mag-away." Sumabat na ang isa sa kambal.
"Hay nako, Pacifico, palibhasa kasi hindi mo kaya ipakita powers mo."
Natutuwa akong makita na malaya nilang napag-uusapan ang tungkol sa mga kapangyarihan nila kapag walang ibang nakakakita, pero hindi ko pa ring maiwasang mag-alala. Napansin ko si Beatrice na malayo sa kanila habang katabi ang isang batang lalaki na kakambal ni Pacifico, nakaupo siya habang may ginuguhit sa lupa gamit ang isang maliit na tangkay.
"Beatrice?" tawag ni Jinnie at lumapit siya rito. "Ano 'yang dino-drawing mo?"
"Babae," sagot ni Beatrice.
"Sino?"
"Siya." Hindi ko napaghandaan na itinuro ako bigla ni Beatrice at napatingin ang mga bata sa'kin.
"Jinnie, ano na namang ingay ang naririnig ko?" lumabas mula sa loob ng gusali si Annie. "Sinabi ko na sa'yo na—" napatingin siya sa tinitingnan ng mga bata at nakita ako.
"S-Sigrid?!"
*****
"UGALI mo na talagang sumulpot na parang multo, ano?" sabi ni Annie matapos ilapag sa mesa ang isang tasa ng tsaa. Pinatuloy nila ko rito ngayon sa isang bakanteng silid matapos nila akong ipakilala sa madreng namamahala ng ampunan at malugod naman ako nitong tinanggap.
Tumingin ako kay Ruri na katabi ko, parehas kaming nakaupo sa gilid ng kama at si Annie naman ay nakatayo habang nakasandal sa pader.
"Ruri?" tawag ko sa kanya dahil kanina pa siya walang imik. Maya-maya'y bigla itong humikbi, narinig ko ang pagbuntong hininga ni Annie.
"Walang araw na hindi ka namin inisip, Sigrid," sabi ni Annie. "Matapos mong sumuko kay Memo ay ginawa namin kung anong iniatas mo sa'min, namuhay kami ng normal. Umalis kami sa rest house ni Richard Morie dahil ayaw naming magkaroon ng koneksyon sa Memoire. Kaya mabuti na nahanap mo kami rito."
"A-ang akala namin ay may nangyaring masama sa'yo," nagsalita na rin si Ruri at tumingin sa'kin. "Sigrid, hindi ko alam kung paano mo nakaya—"
"Ruri," putol ko sa sasabihin niya. "I endured everything and what matter is I'm here."
Niyakap niya ako at hinimas ko ang kanyang likuran. Nang tumahan siya'y bumitiw kami sa pagkakayakap. Nagkwento sila tungkol sa kanilang naging pamumuhay sa ampunang ito, kinupkop sila ni Sister Emilia, ang madreng namamahala sa Sta. Helena Orphanage, kahit na alam nito ang kanilang mga abilidad sapagkat mayroon na itong mga batang kinupkop na katulad nila—ang mga batang nakita ko kanina.
Nakahinga ako ng maluwag nang marinig na naging payak naman ang buhay nila at hindi sila ginambala pa ni Memo. Pagkatapos nilang magkwento ay ako naman ang kanilang tinanong.
"I-ikaw, Sigrid? Kamusta?" nag-aalangang tanong ni Ruri dahil alam niya na nagdusa ako sa kamay ni Memo sa mahabang panahon. Alam kong gusto lang din nilang malaman kung paano ako nakatakas.
"Nagdadalang tao ako."
"A-ano?!" halos sabay silang napabulalas, hindi makapaniwala.
"H-huwag mong sabihing, si Memo—"
"Hindi, nagkakamali ka ng iniisip, Annie," putol ko sa kanya at nilahad ko ang mga nangyari. Natahimik sila parehas matapos marinig kung ano ang nangyari, alam nila ang tungkol sa frozen embryos na kinuha mula sa kanila ng Memoire noon.
"Kung gano'n ay anak ni Isagani at Zia ang batang dinadala mo?" si Ruri. "At ang singsing na suot mo... ang tanging paraan para mapigilan mo si Memo?"
"Tama ka, Ruri."
"Anong maitutulong namin sa'yo, Sigrid?" tanong ni Annie at nakita ko naman sa kanyang itsura ang sinseridad. Napabuntong hininga ako at umiling sa kanilang dalawa.
"Wala kayong dapat gawin, at isa lang ang mahihiling ko sa inyo."
"A-ano 'yon?"
"Protektahan ninyo ang mga bata, kahit anong mangyari."
Nagkatinginan si Annie at Ruri bago pumayag sa aking kagustuhan. Maya-maya'y iniwan nila akong mag-isa sa silid para bigyan ako ng oras para magpahinga. Habang nakaupo ako't nakatanaw sa labas ng bintana'y naramdaman ko na may nakatingin sa'kin.
Napatingin ako sa pintuan at nakita roon ang batang si Beatrice na nakasilip sa'kin.
"Halika," tawag ko sa kanya at nilahad ko ang kamay ko.
Dahan-dahan siyang pumasok sa silid at lumapit sa'kin. Nang makalapit siya'y tsaka ko napagtanto na kamukha niya ang kanyang ina na si Zia, subalit ang mga mata niya'y mas may pagkakahawig sa kanyang ama na si Isagani.
"Beatrice," tawag ko sa kanya at halatang nagulat siya dahil alam ko ang kanyang pangalan. "Ang laki mo na." hinaplos ko ang kanyang buhok at napayuko siya.
"N-nakita kita."
Natigilan ako nang magsalita siya.
"Nakita kita na darating."
"Beatrice... Nakikita mo ang hinaharap?" katulad ng kanyang ama ay nakuha niya ang kapangyarihang makakita ng mga pangyayari sa hinaharap.
Tumango siya at nagsalubong ang aming tingin, nakita ko ang takot sa kanyang mga mata. Biglang lumiwanag ang suot kong singsing, marahil nararamdaman nito ang presensya ng isang Rosencruz, mas naramdaman ko ang paglakas nito dahil kay Beatrice. Kaagad akong bumitaw sa kanya at nawala ang liwanag.
"Gusto ko silang iligtas, pero wala kang ginawa," tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata at nagulat ako nang sabihin niya 'yon. May kumurot sa'king dibdib dahil tama siya. Alam ko ang mga mangyayari pero wala akong magagawa.
"P-patawarin mo ako, Beatrice," napayuko ako. "Pero iyon ang binilin sa'kin ng iyong mga magulang."
"N-nila mama at papa?" nanlaki ang kanyang mga mata.
"Pinrotektahan nila ang mga mangyayari sa hinaharap at sa akin nila 'yon binilin," tumingin ako sa kanya. "Balang araw ay maiintindihan mo rin na minsan kailangan mong sumuko para protektahan ang mga taong mahal mo."
Alam kong hindi niya pa naiintindihan ang mga sinasabi ko kaya hinayaan ko siyang tumakbo paalis. Mamayang gabi ay kailangan ko silang harapin.
*****
SUMAPIT ang gabi at hindi ako lumabas ng aking silid para sumabay sa hapunan, dinalhan na lang ako ni Ruri ng pagkain. Nakatayo ako ngayon sa may bintana at nakatingin sa labas, kanina ko pa sila hinihintay.
Sumulyap ako sa orasan at nakitang pasado alas nuebe na ng gabi, tahimik na ang paligid at pinatulog na ang mga bata sa kanilang mga silid. Maya-maya pa'y nakita ko sa labas na may humintong dalawang sasakyan sa gilid ng kalsada, mula roon ay lumabas ang mga kahina-hinalang tao, kinutuban ako ng masama dahil nakita ko ang mga itim nilang aura. Kaagad akong umabas ng silid.
"Annie? Ruri?" nagulat ako ng makita ko silang dalawa.
"Sshhh..." si Annie at lumapit siya sa'kin. "Bumalik ka sa kwarto mo." Mahina niyang sabi.
"May mga tao sa labas."
"Matagal na silang umaaligid sa lugar na 'to," bulong ni Ruri. "Kaya nang mapansin namin 'yon ay palagi kaming nagbabantay sa gabi."
"Kailan pa sila umaaligid?" tanong ko.
"Noong nakaraang linggo pa. Ruri, bumalik ka sa kwarto ng mga bata at alam mo na kung anong dapat mong gawin," sagot ni Annie at kaagad na umalis si Ruri. "Malakas ang hinala ko na may pakay ang mga taong 'yon. Sigrid, bumalik ka sa silid mo dahil baka mapahamak ka." Nag-aalala siya dahil sa kundisyon ko.
"Annie," niyakap ko siya na kinabigla niya. "Salamat."
"Huh? Ano bang pinagsasasabi mo?" bumitiw sa'kin si Annie. "Ako ang dapat magpasalamat sa'yo, Sigrid."
"Ang mga taong 'yon—"
"Alam ko. Matagal na 'kong handa sa pagdating ng araw na muli silang bumalik," putol ni Annie sa'kin. "Masyado ka ng maraming sinakripisyo, Sigrid, sa pagkakataong 'to hayaan mo ako na protektahan ang mga bata."
"Annie..."
"May huli sana akong hiling sa'yo, Sigrid. Sa oras na mawala ako, ayokong masaktan at mahirapan si Jinnie kaya pakiusap... Burahin mo na lang ako sa kanyang mga alaala."
Tinapik niya ako sa balikat at lumabas siya na alam kung ano ang magiging kapalaran niya. Natuod ako sa kinatatayuan ko at nang matauhan ako'y lumapit ako sa bintana para panuorin ang mga mangyayari.
Nakapasok na sa premihiso ng ampunan ang mga kahina-hinalang mga nilalang at buong tapang silang hinarap ni Annie.
"Ano'ng kailangan n'yo?"
Lumapit ang isang babae at nanalaki ang mga mata ko sa aking nakita, si Morga! Isa siya sa mga kasapi ng Lunar Brotherhood. Gustuhin ko mang lumabas at harapin siya'y pinigilan ko ang aking sarili.
"We believe you know it already," sagot ni Morga kay Annie.
"Sasama ako sa inyo pero huwag ninyo nang idamay ang mga bata!" sabi ni Annie.
"Annie, kailangan ni Memo ng maraming Peculiar, I believe hindi siya papayag sa kagustuhan mo. You already lived here for six years and that's enough, don't you think? Let us end your suffering."
"At ano naman ang gagawin ni Memo sa amin? Bubulukin sa institusyong 'yon?!"
"No, you'll be more useful, like your friend, Rare."
"A-anong ginawa ninyo kay Rare?!"
"Get out of our way and we'll take the children with us."
"Sumagot ka! Ano'ng binabalak ninyong gawin?!"
"Beatrice, bumalik ka rito!" narinig ko ang boses ni Ruri kung kaya't napalingon ako at nakita si Beatrice na tumatakbo papuntang pinto. Mabuti na lang ay kaagad ko siyang nahawakan.
"Beatrice, hindi ka pwedeng lumabas!" pigil ko sa kanya.
"P-pero—"
"Ah!" narinig ko ang sigaw ni Annie sa labas, hindi ko binitawan si Beatrice at muli akong sumilip sa bintana. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita, si Morga at ang mga alagad niya'y may orasyon na inuusal, hindi ko 'yon maintindihan pero tila isang dasal. Nakita ko si Annie na nakasalampak sa lupa at nahihirapan, nakita ko ang aura niya na unti-unting hinihigop ng isang maliit na sisidlan na hawak ni Morga.
"A-Annie..." Tumulo ang luha ko nang makita na unti-unting nawala ang aura niya at tuluyan siyang bumulagta.
"Sigrid?" tanong ni Ruri at nakita niya kami ni Beatrice.
"Ruri, dalhin mo sa loob si Beatrice," utos ko. "Nandito sila para kuhanin kayo."
"A-anong gagawin mo?" umiiyak na tanong ni Ruri at binigay ko sa kanya si Beatrice.
"Kailangan kong kumuha ng impormasyon." Sagot ko sa kanya at lumabas ako para harapin sila.
Malamig ang simoy ng hangin nang makalabas ako. Nakita ko ang pagkagulat ni Morga nang makita akong naglalakad palapit sa kanila, ang alam niya'y nakakulong pa rin ako sa Bastille at ngayon ay maaaring sabihin niya kay Memo pero hindi ko sila paaalisin dito ng buhay.
"S-Sigrid?!"
"It's been a while, Morga. How's your cult doing?" walang emosyon kong tanong. Nakita ko si Annie at nagkuyom ang dalawa kong palad bago ako muling tumingin kay Morga.
"How did you get out?!"
"Ako lang ang karapatang magtanong, Morga. Anong ginawa ninyo kay Annie at Rare? Anong binabalak ninyo ni Memo?"
"Wala kang makukuhang impormasyon sa'kin—"
Natigilan siya nang makita ang pag-liwanag ng aking singsing, ang Chintamani. Naramdaman niya ang enerhiyang bumabalot dito at nadama ko ang kanyang takot.
"S-saan mo nakuha 'yan?"
"Sinabi kong ako lang ang may karapatang magtanong."
"Tch! Memo's gathering all the Peculiars in order to get their life-force."
"Life-force?" iyon 'yung aura na nakita kong nahigop mula kay Annie?
"For the past six years since your imprisonment, Memo gathered all the Peculiars he can get and their life-force gave him what he need—godly power!" parang nababaliw na sabi ni Morga at pinakita niya sa'kin ang hawak na sisidlan. "Our order holds the secret magic of obtaining the life-force of an Aeon, you got nothing against him, Sigrid Ibarra. Kaya tumabi ka kung ayaw mong matulad sa mga kaibigan mo!"
"Unforgivable." Bulong ko habang nakakuyom ang aking mga palad.
Memo used to say that he wanted to build a place for Peculiars; at least that thing is an act of his concern for his fellow kind. Pero ngayon nakita ko na kung gaano siya kasakim. Wala na siyang sinasanto, tao man o Peculiar ay wala ng halaga sa kanya. Wala na siyang ibang pakialam kundi ang sarili niya.
For the past six years, he's been hunting Peculiars for his own gain. Kaya pala wala na ring silbi ang mga facility na pinatayo niya sa Mnemosyne Institute. He wanted to be a god that badly, he's insane.
"Get out of our way!" sigaw ni Morga.
Nang itaas ko ang aking kamay at gamit ang kapangyarihan ng Chintamani ay sumabog ang kanilang mga katawan na parang abo. They're gone for good. Napatingin ako sa aking kamay at napagtanto kung gaano kamakapapangyarihan ang Chintamani.
Nagkaroon ako bigla ng ideya, dali-dali akong lumapit kay Annie. If this ring holds a limitless power then I can bring Annie back.
"No, you can't do that." Napapitlag ako sa boses ng bagong dating at nakita ko si Timoteus na nakatayo 'di kalayuan. Bigla na lang ulit siyang sumulpot.
"Why? She's my friend!"
"Mababago mo ang mga pangyayari sa hinaharap. If you're familiar with the 'Butterfly Effect', one tiny change can affect the final outcome of a future. This is all set, Sigrid. You can't change what's going to happen. And if you still do that, life-force mo naman ang mababawasan dahil sa paggamit ng Chintamani."
"Annie..." nagkukumuyos pa rin ang kalooban ko dahil inakala ko na pwede ko siyang buhayin. Pero may punto si Timoteus, mababago ang mga mangyayari, at baka makaapekto 'yon sa hinaharap.
Lumapit si Timoteus sa kinaroroonan ko at nagsalita siya, "Rama's getting stronger as days passed by. He will commence his 'Project: Utopia" sooner than expected."
"Project Utopia?"
"I've been monitoring his movements, and his mission is to gain godly powers in order to control humanity. Sinabi ko na sa'yo, Ravi, sa oras na magtagumpay siya'y magiging katulad ng planetang 'to ang nangyari noon sa Privum." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay yumukod siya at hinawakan si Annie, sabay silang naglaho sa aking paningin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro