/32/ The Future Arrives
Year 1996
ALAM ni Memo na kahit gustuhin niya akong patayin ay hindi niya iyon basta-basta magagawa. We both agreed in my condition, I'll surrender myself in return he won't harm Annie, Ruri, and the children.
He can't kill me that easily but he still wants to erase my existence in this world badly, kaya naman muli nila akong ikinulong sa underground prison cell, ang Bastille. Sa pagkakataong 'to ay inilagay nila ako sa pinakamalalim na level na mistulang purgatoryo.
Hindi pa nakuntento si Memo kaya siniguro niyang hindi ako basta-basta makakatakas ay kinadena niya ang aking leeg, mga kamay, at paa. They even made a peculiar helmet na gawa sa bakal kung saan ay nababalutan ang buo kong ulo na may isang katiting na guhit na butas kaya ako nakakahinga.
In order to shut my powers, may routine ng pagkukuryente sa buo kong katawan na dumadaloy sa kadenang nakagapos sa'kin, it's unbearable but that pain wasn't enough to kill me. My faith and purpose are stronger than these temporary adversities.
Days quickly passed by, and the suffering gets worse. The only strength left in me is the will that has been passed to me by Isagani and Zia, the future where the hope lies. Alam kong darating din ang araw na matatapos ang lahat ng 'to kaya lahat ng pagtrato nila sa'kin na parang daga sa laboratoryo ay nagawa kong tiisin.
At ngayon dumating na ang tamang oras, mabilis lang lumipas ang anim na taon at alam kong darating siya, isang nilalang na nakita ko mula sa visions na ipinasa ni Zia at Isagani sa akin.
Everything went smoothly according to plan and Memo thought he's the only one who's preparing for the past six years. He doesn't have any idea that I fooled him and in order to do that I made myself a fool first, sa loob ng anim na taon ay nagawa kong magpanggap na wala akong kalaban-laban, and just like that he fell in my trap because he was blinded by greed.
Akala ni Memo ay wala na akong magagawa laban sa kanya pero marami siyang hindi alam.
"The time has now come, eh?" nakarinig ako ng malalim na boses at namalayan ko na lang na bumagsak sa sahig ang mga kadena na nakagapos sa aking kamay, naramdaman ko rin ang pagkakatanggal ng kadena sa aking leeg at mga binti. Huling natanggal ang bakal na helmet.
Tumambad sa aking paningin ang isang lalaki na may kakaibang kasuotan, kumurap-kurap ako at nakita ang totoo niyang anyo, isang matandang lalaki na nakasuot ng gintong balabal. Kapansin-pansin ang kanyang suot na medalyon na kung tititigang mabuti ay isang orasan na may kakaibang disenyo, another peculiar.
"You already anticipated these six years ago because they kept it safe for you." the old-man said. Alam niya ang pangalan ko na nagpapatunay na siya ang nakita ko na magliligtas sa'kin dito mula sa visions ni Isagani.
"Kilala mo sila Isagani at Zia?" tanong ko dahil alam kong sila ang tinutukoy niya.
The old man stepped forward and I saw him clearly, "Yes. I'm the one who helped Isagani to conceal his real visions from Rama. I also convinced him to marry and conceive a child with Zia."
"Who are you?" I asked in a weak voice.
"I am Timoteus, member of the Order of the Khronos Aeon, it is an ancient order that monitors and protects the timeline of this planet. We are the time-wizards who's regulating the balance of the past, present, and future. And like you, we came from the same planet, Privum."
"I saw you in Isagani's vision, you came here to help me."
"Pinahanga mo ako sa pinakita mong kalakasan, Ravi. Alam kong hindi ka pangkaraniwang Aeon at halos tinuturing na diyos ng iyong mga tiga-sunod, subalit nasa katawan ka ng isang mortal at kinaya mo pa rin ang anim na taon na pagdurusa," walang bakas ng kahit anong emosyon sa kanyang mukha. "Pumayag ako sa kagustuhan ni Isagani na iligtas ka mula sa lugar na 'to upang tuparin ang nakatakdang propesiya."
"Propesiya?"
"Rama will destroy the balance of the world and we can't let this planet to suffer the same fate as Privum. We can't let the history repeat," sabi niya at may inabot siya sa'kin. "This will help you."
Nakita ko ang isang singsing na may itim na bato sa ibabaw nito. Noong una'y nag-alinlangan akong tanggapin sa kanya 'yon subalit nang dumapo sa'king palad ang singsing ay nakaramdam ako ng malakas na enerhiya mula rito. Hindi pangkaraniwan ang singsing na 'to. Tumingin ako sa kanya para humingi ng paliwanag.
"It's called 'Chintamani', it grants limitless power."
"Limitless power?" I can feel a sumptous energy coming from this ring, it is truly extraordinary. Hindi lang halata sa itsura nito'y dahil kung titingnan ay para lamang itong pangkaraniwang singsing.
"It is believed that when Privum was destroyed its pieces were scattered throughout the galaxy and during the ancient civilization a meteor fell in this planet and it was found in the East, that's why the Chintamani is called the 'philosopher stone of the East'. Pero walang nakakaalam sa katotohanan tungkol sa singsing na 'yan."
"Anong katotohanan?"
"Batzi Rosencruz, an alchemist from Privum discovered a miracle particle; it is so powerful that he shared this power to his people thus making them an Aeon. In other words, Batzi Rosencruz created the founding-power of all Aeons in planet Privum."
"R-Rosencruz?" nagulat ako nang marinig ang pangalang 'yon. "Ibig sabihin si Zia—"
"Only a Rosencruz can activate and use the magnificent power of the Chintamani and you're right about that, Zia is a direct descendant of Batzi Rosencruz and it flows in her blood the potential of Chintamani's power."
"Pero patay na si Zia," halos pabulong kong sabi. "Huwag mong sabihin na si Beatrice ang maaaring gumamit nito?"
Umiling si Timoteus at tinuro niya ako, "You will."
"I'm not a Rosencruz."
"But you will concieve one."
Kumunot ang noo ko subalit napagtanto ko rin kung ano'ng ibig niyang sabihin. It all made sense to me now. Ang propesiyang tinutukoy niya at ang inatas sa'kin ay iisa:
"Ang bagong tagalikom ng Aeons sa hinaharap, ikaw ang birhen na magpapanganak sa Aeon na magwawakas sa huling gera ng mga tiga-Privum."
"A Rosencruz inside your womb will help you to use the Chintamani. You will be powerful more than you imagine but there are repercussions."
"Repercussions?"
"It will suck out your own life-force as you use it several times because you're only acting as a host of the stone. In other words, you will eventually die."
Hindi ko maiwasang mapangiti nang marinig 'yon at nakita ko ang pagtataka sa kanyang mukha, "I don't mind if I die. As long as their deaths won't be in vain and I will be able to stop Memo."
"Very well, Ravi. Maglalagay ako ng time-loop sa institusyong 'to nang sa gayon ay hindi malaman ni Rama na nakalabas ka ng selda. Sa tingin ko alam mo na kung anong dapat mong gawin."
Isang tango ang sinagot ko sa kanya at huminga ako ng malalim bago isuot ang singsing. Hinawakan niya ang kanyang medalyon at nakita kong may isang gintong liwanag ang nagmula rito na unti-unting lumaki at kumalat sa paligid.
"You can go now. Good luck, Ravi."
At naglaho si Timoteus na parang bula.
*****
SI Richard ang una kong hinanap nang makarating ako sa Beehive, at dahil sa time-loop na ginawa ni Timoteus ay hindi nila ako napapansin at para lamang akong hangin na dumaan. They all believed in the illusion that I'm still imprisoned in the Bastile. Pero hindi ko nahanap si Richard, ni presensya niya ay hindi ko maramdaman. He's not in MIP anymore.
Para makumpirma ang pakiramdam ko'y pinuntahan ko ang department nila, ang Research Center for Paranormal Abilities. Subalit nang magtungo ako roon ay wala roon si Richard maging ang kanyang ama.
Kahit na hindi ko nahanap ang taong maaari kong pagkatiwalaan ay kailangan ko pa ring ituloy kung anong dapat kong gawin. Using my powers I manipulated three people in Beehive, inutusan ko sila na dalhin ako kung saan nakatago ang naka-preserbang frozen embryo.
Six years ago, as part of Memoire's experiment, they took the Peculiars' cells to produce an off-spring. However, they didn't use it and chose to store it away. Memo didn't give a damn because he thought it was just another failed project of Memoire and that was his biggest mistake.
Nang makarating kami sa storage room kung saan nakatago ang nag-iisang frozen embryo ay kaagad kong inutusan ang mga kasama ko kung anong dapat nilang gawin. Using the method of In Vitro Fertilization I will carry Isagani and Zia's child.
*****
HINDI kaagad ako umalis sa Mnemosyne Institute for Peculiars at nanatili ako rito sa loob ng isang linggo para makapagpahinga at magkaroon ng sapat na lakas. Isang linggo na rin akong nagdadalang tao at simula noon ay naging kakaiba ang pakiramdam ko dahil sa suot kong singsing, tama nga ang mga sinabi ni Timoteus sa'kin, the life in my wombs gave power to this ring. Malaking tulong din ang nilagay na time-loop ni Timoteus dahil hindi pa rin naalarma ang lahat na nakakawala na ako ng selda, wala ring kaalam-alam si Memo.
Sa loob ng isang linggo ay may na-obserbahan ako sa loob ng institusyong 'to, I remember Memo used to say that this will be the home for our kind pero ni isang Peculiar ay wala akong nakita. Tapos na rin ang construction ng mga facility subalit para itong abandonado dahil wala namang mga gumagamit. Sinubukan kong hanapin si Vit, anak ng namayapang Don Vittorio, pero hindi ko siya nakita rito.
What Memo's up to? I still don't have any idea.
Using my manipulation technique, inihatid ako ng isang Memoire staff papunta sa Sta. Helena kung saan naroon ang rest house na tinutuluyan nila Annie, Ruri at ng mga bata. It is located inside the forest and it took almost four hours to get here from the main road.
Nang huminto ang sasakyan sa harapan ng isang bahay na istilong gawa sa kahoy ay bumaba ako ng sasakyan at pumunta sa pintuan. Subalit nang makalapit ako roon ay hindi ko naramdaman ang presensiya nila, sa halip ay ibang tao.
Kumatok pa rin ako at ilang sandali pa'y bumukas ang pinto at nakita ko siya. Bakas sa itsura niya na tumanda siya, well it's been years. Dito ko lang pala siya mahahanap.
"Hello, Richard." bati ko sa kanya at nakita ko ang pagtataka sa kanyang mukha.
"Yes, miss?"
Nanlaki ang mga mata ko nang sumagot siya.
"Honey, who's there?" nakarinig kami ng boses na palapit at mas binuksan ni Richard ng malaki ang pinto at nakita ko ang isang babae. "Is she your colleague?"
"I don't know her."
Tumingin sa'kin ang babae at ngumiti ito sa'kin, "Miss? Anong maitutulong namin sa'yo?"
Richard can't remember me and this woman is her wife.
"Miss? Are you okay?" nagbalik ako sa kasalukuyan nang marinig ko ang boses ng asawa ni Richard. Pilit akong ngumiti sa kanilang dalawa at bahagyang tumango.
Kahit na hindi ko gamitin ang kapangyarihan ko para makita kung anong nangyari kay Richard, sigurado ako na si Memo ang may kagagawan nito dahil alam niya na handa akong tulungan ni Richard kahit anong mangyari. Memo erased me in Richard's memory after that incident six years ago.
It just made me astounded because I wasn't prepared, Richard is a friend of mine and I trust him more than anyone else. I'm still grateful because he's fine and Memo didn't hurt him.
"Pasensya na sa abala pero may hinahanap akong mga kaibigan," tatalikod na sana ako nang may maisip akong tanong. "Do you have a child?"
Lumungkot ang ekspresyon ng babae bago ito sumagot.
"We can't have a child."
"If you'll have one, what would be the name of your baby?"
Nagkatinginan ang mag-asawa at rumehistro ang pagtataka sa kanilang mga mukha. Muling tumingin sa'kin ang asawa ni Richard at sinagot pa rin ang aking tanong.
"I want a daughter and her name will be Jillianne."
Napangiti ako ng marinig 'yon, hindi ko inalintana kahit na nawiwirdohan sila sa'kin. Bago pa sila makapagtanong muli ay tumalikod ako at dali-daling bumalik sa naghihintay na sasakyan.
Isagani's vision is right again.
Gustuhin ko mang maging emosyonal pero wala ng oras para sa bagay na 'yon. At kahit na may abilidad akong ibalik ang mga nawala niyang alaala ay sa tingin kong mas mabuti na rin sigurong nakalimutan niya ako para hindi na siya madamay. Richard deserves a normal and peaceful life.
Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa mas importanteng bagay, kailangan kong mahanap sila Annie. Kung wala na sila rito sa rest house, saan sila napunta? Nananalangin ako na sana tinupad ni Memo ang usapan naming dalawa at wala siyang ginawang masama sa kanila.
The Chintamani suddenly glowed and it gave me a strange feeling, wirdo mang pakiramdam pero parang may sinabi sa'kin ito sa'king isipan kahit walang mga salita. It assured me that Annie, Ruri and the children are okay and they're currently staying at Sta. Helena Orphanage.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro