/29/ Her Unexpected Return
MNEMOSYNE INSTITUTE FOR PECULIARS
It's the newest name of Memoire's new headquarters, naka-locate ito sa isang pribadong isla na hindi basta-basta matatagpuan. Nanggaling ako kanina sa dating Research Center of Paranormal Abilities sa Sentral City at nadatnan na isa na lamang 'yong abandonadong mansyon. Through my power, I scanned the RCPA's memory and found out that they moved three years ago.
Using a rental car, I drove from Sentral City, halos walong oras din ang inabot ko sa daan bago ako makarating dito. Bago ka makapunta sa mismong isla ay kinakailangan mo munang dumaan sa isang tulay na kasalukuyan pa ring ginagawa. Hinayaan lamang akong makadaan ng mga Sentinels na nagbabantay dito.
Pagbaba ko ng sasakyan ay bumungad sa'kin ang isang malaking gusali. May mga iba pang building sa tabi nito ang hindi pa rin tapos gawin at kasalukuyang under construction. Maya-maya'y lumapit sa'kin ang isang babae na naka pormal na unipormeng itim.
"Welcome to Mnemosyne Institute for Peculiars!" pagbati nito sa'kin at tila robot ang kanyang boses dahil wala 'yong damdamin. "This way, please."
Ibinigay ko sa chauffer ang susi ng kotse at sumunod ako sa babae papasok sa loob ng building. Hindi ko maiwasang ilibot ang aking paningin sa bagong HQ ng Memoire. Mataas ang ceiling at halos yari ang lahat sa glass. Sa lobby makikita ang malaking logo ng Memoire, isang itim na diyamante na may puting letrang 'M' sa gitna nito.
Mula lobby ay sumakay kami ng elevator papunta sa ikalawang na palapag. Pagkatapos ay dinala ako sa isang silid at doon pinaghintay, hinainan din nila ako ng tsaa bago nila ako iwanan doon.
Mga isang oras din akong naghintay sa loob ng silid na 'yon at maya-maya'y pumasok 'yung babae kanina.
"You are now free to roam inside the institution, Miss Sigrid Ibarra." Parang robot nitong sabi sa akin.
Paano niya nalaman ang pangalan ko? Iyon kaagad ang unang pumasok sa aking isip nang sabihin niya 'yon. Sigurado ako na hindi Peculiar ang staff na kaharap ko ngayon dahil wala akong nakikitang aura na bumabalot sa kanyang katawan.
Maliban na lang kung... Isa lang ang hinala ko, maaaring may kumokontrol sa kanya at hindi 'yon malabong mangyari.
Lumabas ako ng silid na 'yon at iniwanan na rin ako ng staff. Nang mapag-isa ako'y naglakad-lakad ako kahit na hindi ko alam kung saan ako pupunta. Huminto ako saglit upang basahin ang floor plan naka-paskil sa pader at nakita kung gaano kalawak ang institution na 'to.
Nagpasya akong bumaba muli ng ground floor para magtungo sa open field. Pagbukas ng pinto ng elevator ay laking gulat ko sa aking nakita. She didn't change at all, maliban sa paghaba ng kanyang buhok. It's Annie.
"S-Sigrid?!" tawag niya sa akin at napaatras siya, para siyang nakakita ng multo.
Ngumiti ako at bahagyang kumaway sa kanya, "Hello, Annie."
*****
KANINA pa walang umiimik sa'ming dalawa magmula nang umupo kami rito sa isang bench sa open field. Damang-dama ko ang pagkabigla ni Annie, hindi ko siya masisisi dahil anim na taon na rin ang lumipas at higit sa lahat ang akala nila'y matagal na akong patay.
"Annie—" tawag ko sa kanya subalit bigla niya rin akong pinutol.
"I-ikaw ba talaga 'yan?" sabi niya sawakas at humarap sa'kin. "Ikaw ba talaga si Sigrid?"
"Oo, Annie. Ako 'to, si Sigrid."
Muling natulala si Annie sa kawalan.
"We thought you're dead," halos pabulong niyang sabi. "Ang naalala ko noon ay bigla ka na lang naglaho at sinabi sa'min ni Memo na pumunta ka sa ibang bansa. Tapos... Tapos 'yung plane crash, nakita namin na kasama ka sa mga pasahero..."
Memo erased their memories six years ago, hindi nila alam na magkakasama kami noon sa airport na dapat pupunta sa El Salvador. Kapalit nito'y ang pagpapalaya sa'kin ni Memo pero sa kasamaang palad ay bumagsak ang eroplanong sakay ko.
Biglang naumid ang dila ko. Paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat, saan ako magsisimula? Huminga ako ng malalim at humarap ako sa kanya.
"Annie, nandito ako para tapusin ang isang mahalagang misyon." Determinado kong sabi sa kanya.
"Anong misyon?" tanong niya sa akin.
"S-Sigrid?" sasagot pa lang sana ako nang may narinig akong tumawag sa aking pangalan.
Sabay kaming napalingon ni Annie at nakita namin si Kero na hindi maipinta ang mukha sa sobrang pagkagulat. Dahan-dahan siyang lumapit sa amin habang karga niya ang isang bata na sa palagay ko'y nasa dalawang taon ang gulang, bigla akong napangiti.
"T-totoo nga ang narinig kong balita kanina, bumalik ka," nauutal na saad ni Kero.
"Kamusta, Kero?" tiningnan ko ang batang nahihimbing sa kanyang bisig. "At ano naman ang pangalan ng anghel na karga mo?"
Namula bigla si Kero nang tanungin ko 'yon.
"Ah... Eh... Siya nga pala si Jinnie, anak namin ni Annie." Sagot niya at tumingin ako kay Annie.
"Annie, you two had such a wonderful child." Sabi ko sa kanya at nakita kong napangiti rin si Annie. Akalain mo nga naman at sila ring dalawa ang nagkatuluyan.
"Sigrid," muling sumeryoso si Annie. "Naguguluhan pa rin kami, gusto naming malaman kung anong nangyari sa'yo."
"Sasabihin ko ang lahat, pero hindi ito ang tamang lugar. First, we must leave this place immediately. Nasaan na sila Rare, Ruri, Zia, at Isagani? I need to tell you something very important."
Nagkatinginan silang dalawa ni Kero at nabasa ko sa kanilang mga mukha ang kakaibang lungkot.
"Sigrid, hindi kami pwedeng lumabas ng MIP ng walang order mula sa nakatataas," sambit ni Kero. "Si Rare hindi na namin siya nakikita dahil isa siya sa loyal bodyguards ni Memo. Si Ruri ay hindi na rin namin nakikita simula nang sinubukan niyang tumakas noon. At si Isagani..."
Nakaramdam kami ng mga yabag palapit sa'min at sabay-sabay kaming napatingin doon.
Halos lumundag ang puso ko nang makita ko si Isagani, nakatingin siya sa akin at wala man lang gulat sa kanyang mga mata. Sa tabi niya'y nakatayo si Zia, at karga ang isang batang babae...
Biglang kumirot ang puso ko nang isipin ko ang bagay na 'yon. Wala mang makapagsasabi sa'kin ng direkta pero nakuha ko kaagad kung ano ang kasalukuyan nilang estado.
Isagani and Zia also had their own child.
*****
THEY told me everything that happened to them six years ago since I disappeared.
Narito kami ngayon sa isang conference room upang pag-usapan ng pribado ang mga dapat naming pag-usapan. Hindi ko na palalagpasin ang pagkakataong 'to na sabihin sa kanila ang plano ko na hindi natuloy six years ago.
Noong nalaman nila ang balita tungkol sa plane crash ay tinangka nilang hanapin ang aking katawan subalit nabigo sila. Sumunod na namayapa si Don Vittorio dahil sa karamdaman kung kaya't pumalit sa kanyang posisyon ang anak na si Vit. Ang akala nila noon ay titigil na ang operasyon dahil sa protesta ni Dr. Richmond Morie na walang mga Peculiar ang dinadala sa kanyang laboratoryo maliban sa kanila.
Subalit nagbago ang lahat nang dumating ang mga kasama ni Memo, isa ring mga Peculiar kung kaya't naengganyo muli si Dr.Richmond Morie. Kalauna'y naging kakaiba ang mga pangyayari, pumirma si Vit at Dr.Morie sa proposisyong gagawing board members ang mga Peculiar na dinala ni Memo.
Silang anim nama'y nagkaroon ng kanya-kanyang tungkulin sa Memoire. Hindi na sila naghanap ng mga Peculiar, naging sunud-sunuran sila sa mga misyon na binibigay sa kanila ni Memo. Sa loob ng anim na taon ay nakulong sila sa MIP at hindi basta-bastang hinahayaang makalabas.
Natapos ang kanilang pagsasalaysay at nanatili lang akong nakatingin sa kawalan.
Ibig sabihin sa loob ng anim na taon ay hindi pa rin kumikilos si Memo sa tinatawag niyang pagsakop ng sanlibutan? Anong hinihintay niya? Pero parang mas nakahinga ako ng maluwag nang malaman na wala pang nangyayaring masama, ibig sabihin hindi pa huli ang lahat, maaari ko pa siyang mapigilan.
"Sigrid?" kung hindi ko pa narinig ang pagtawag ni Annie ay hindi ako magbabalik sa kasalukuyan. "Ikaw? Anong nangyari sa'yo?" Ngayong tapos na silang magsalaysay ay ako naman ang dapat maglahad sa kanila, pero sa tingin ko hindi muna nila kailangang malaman kung anong nangyari sa akin sa El Salvador.
"Kailangan kong ipaalala sa inyo ang nangyari six years ago." hindi ko maiwasang masulyapan si Zia at Isagani pati ang kanilang anak. Hindi rin maiwasang manikip ang dibdib ko.
Sigrid, hindi ito ang oras para magpadala ka sa damdamin mo. Nandito ka para sa mas mahalagang misyon.
"Anong nangyari? Six years ago?" tanong ni Kero.
"Nakita na ni Isagani ang hinaharap," tumingin ako kay Isagani at nakita ang mga mata niyang walang buhay at kaagad ulit akong tumingin sa kanila. "Kasama ko kayo noon sa airport pero napigilan ni Memo ang plano ko noon."
"Ha? Kasama kami sa airport?" naguguluhang sabi ni Annie.
"Six years ago, pumayag kayong sumama sa akin dahil sa nalaman niyong mga mangyayari sa hinaharap. Memo is evil, he will conquer this world using Peculiars and there will be no left for humanity," hindi sila nakaimik nang sabihin ko 'yon at nagpatuloy ako. "I came back because I need to stop Memo. Kailangan ko ng tulong niyo, let's fight him... together."
Wala silang sinabi matapos ko 'yong sabihin, nagkatinginan lamang sila at napansin ko sa kanilang mga mata ang isang bagay—hopelessness. H-huwag nilang sabihin... Na tinanggap na nila ang lahat? Na wala na silang magagawa?
"Guys?" tawag ko sa kanila subalit wala pa ring umimik sa kanila.
"You're too late, Sigrid," kumabog ang dibdib ko nang sabihin 'yon ni Isagani. "We can't stop Memo anymore."
Hearing those words from him just broke my heart.
Biglang bumukas ang pinto at niluwa mula roon ang babaeng staff kanina, may kasama siyang dalawang Sentinel ngayon.
"Please come with us, Miss Sigrid Ibarra. The president wants to see you."
*****
PINAPASOK ako sa isang madilim na silid. Maya-maya'y bigla 'yong nagliwanag nang awtomatikong umangat ang mga kurtina sa bintana.
Tumambad sa'kin ang isang malawak na silid nang tuluyang lumiwanag, mayroong hugis oval na mesa at may mga nakapaligid doon. Sa pinakapuno nito'y nakaupo sa trono ang isang nilalang na siyang mismong pakay ko sa pagpunta rito—si Memo.
"Welcome to Mnemosyne Institute for Peculiars, Sigrid." Hearing his voice after all these years made me quiver.
Nakita ko si Memo na prenteng nakaupo sa kanyang trono habang napaliligiran siya ng kanyang kulto at ang kasalukuyang board members ng Memoire—ang Lunar Brotherhood. Tandang tanda ko pa rin ang pangyayari noon sa airport, at katulad ngayon ay kitang kita ko ang mga itim nilang aura.
"Please leave us alone," utos ni Memo sa kanyang mga alagad at sumunod ang mga 'to. "Have a seat, Sigrid."
Umupo ako sa upuang dulong katapat niya. Napansin ko ang ilang pagbabago sa pisikal niyang anyo, mas lumaki ang bulto ng kanyang katawan at lagpas balikat na ang haba ng kanyang buhok. Nakasuot siya ngayon ng all-white suit.
"Don't you like the name?" sabi niya nang tuluyan kaming naiwanan dito sa loob ng silid. "Mnemosyne is the Greek goddess of memory, ipinangalan ko 'yon para sa'yo."
"Dapat ba kitang pasalamatan sa bagay na 'yon? Thank you for your kindness," sarkastikong sabi ko sa kanya at narinig ko ang kanyang paghalakhak.
Tumayo siya at lumapit sa bar counter 'di kalayuan, kumuha siya ng dalawang goblet at isang wine. Lumapit siya sa'kin at nangilabot ako sa madilim niyang presensya. Sinalinan niya ng wine ang goblet at inabot sa'kin ang isa, pagkatapos ay bumalik siya sa pwesto niya.
"Mukhang sinabi naman na sa iyo nila Annie kung anong nangyari these past six years," sabi niya. "Don't worry dahil wala pa akong ginagawa dahil kasalukuyan akong naka-focus sa construction ng Mnemosyne's Institute for Peculiars."
"What are you trying to accomplish by building these lavishness?"
"This is not lavishness, Sigrid, this is part of my preparation. Ito ang magiging tahanan ng mga Peculiars katulad natin, I'm just giving them the best facility that they could ever have once we've collected them all."
I hate how he used the word 'collected', para sa kanya bagay lang mga tao para gamitin. Hindi ko mapigilang magkuyom.
"What do you mean by 'we'?" kunot-noong tanong ko.
"Well, since I'm the sole owner of Memoire. Vit and Dr.Morie is just a puppet of mine—"
"Everyone here is a puppet of yours." Giit ko sa kanya.
"Yeah, even your friends and your former lover," sumilay ang mala-demonyong ngisi sa kanyang mukha nang makita niya na nasaktan ako sa sinabi niya. "Alam kong hindi kita kayang gawing puppet katulad nila. That's why I'm giving you this one last chance, a generous offer from me."
"And what is that generous offer of yours?"
"Let's join our forces. Since this is our last incarnation in this life-time, let's conquer together, Ravi!"
"Do you think I'll accept your deal? Matapos mo akong traydurin six years ago," nakita ko sa mukha niya ang pagtataka na ikinainis ko. "Huwag ka nang magmaang-maangan, Memo. You planned that plane crash and yet I survived."
"Indeed it's a miracle. Kaya nga nandito tayo ngayon para pag-usapan ang kasalukuyan, hindi ang nakaraan."
Hindi ako natinag at walang pagkurap kong sinabi, "Lilinawin ko lang na ang pakay ko sa pagbabalik ko rito'y pigilan ko sa kung ano mang masamang binabalak mo."
"Come on, Sigrid, gamitin mo naman ang utak mo kahit kaunti," pang-iinsulto niya sa'kin. "I got everything I need, the technology and the power. What can you do to stop me? You got nothing!"
"Hindi ko kailangan ng materyal na bagay at kapangyarihan para pabagsakin ka. Hindi mo ako masisilaw sa mga gano'ng bagay."
Nakita ko na unti-unti na siyang nauubusan ng pasensya at anumang sandali ay maaari niyang sumabog. Memo's aware how stronger I became after my experience in war six years ago kaya dinadaan niya ako sa ganito.
"At ano naman ang magagawa mo para pigilan ako?!" halos dumagundong ang boses niya sa buong silid.
"Nothing."
We stared and I saw confusion on his face.
"In fact I don't need anything because it's been always my destiny to stop you." Kampante kong saad at nakita kong halos pumutok ang ugat sa kanyang noo sa galit.
He feels threatened to me now and that's evidence that I stand a chance against him. Hindi pa huli ang lahat katulad ng sinabi ni Isagani. May natitira pang pag-asa dahil nasa kapalaran ko ang misyon na 'yon.
"Wala na akong magagawa..." naging malumanay ang kanyang boses.
Bumukas ang malaking pinto at pumasok ang maraming Sentinels. Sumenyas si Memo at ang isa sa tatlo sa kanila'y lumapit sa akin at sapilitan akong tinayo. Hinawakan ako ng dalawa at ang isa'y pinosasan ang aking mga kamay.
"Take her to Bastille, the underground prison cell that I specially made for you," sabi ni Memo. "Pinaghandaan ko na rin ang sandaling 'to dahil alam ko naman na hindi ka basta-basta papayag sa gusto ko."
"Aren't you going to kill me?" malamig kong tanong sa kanya.
"I can't waste your powers. I'm still eager to control you." Hinila na ako ng mga Sentinels. Piniringan ako ng isa at dinala sa kung saan.
An underground prison cell for me? That's interesting.
*****
IT's cold and dark inside my cell. Naka-posas pa rin ang dalawang braso ko habang nangangatal ako sa lamig.
Don't fear, Sigrid. Kahit na sa tuwing maalala ko ang mukha ni Isagani ay 'di ko maiwasang masaktan ng kaunti. Pinilit kong pinangibabaw ang misyon na dapat kong gawin. Umupo ako sa sahig at nakarinig ako ng tunog ng kadena.
Someone's also here.
"H-help me..." boses iyon ng babae.
It's Ruri!
"Ruri?!" tawag ko sa kanya at mas narinig ko ang tunog ng kadena. Hinanap ko 'yon at kinapa ang dilim. May biglang yumakap sa'kin at kahit an hindi ko siya nakikita alam kong siya 'yon, alam kong si Ruri ang nakayakap sa'kin ngayon.
"Ruri..."
"Sigrid! B-buhay ka. A-alam kong buhay ka! Totoo ka, hindi ba?!" lumuluha niyang sabi.
"Oo, Ruri, ako 'to. Patawarin mo ako kung ngayon lang ako dumating."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro