/27/ Order of the Black Sun
ANG huli kong natatandaan ay ang nakaririnding ingay mula sa tao at sa tunog ng pagsabog sa loob ng eroplanong aking lulan. Namalayan ko na lang aking sarili na bumagsak sa ilalim ng dagat hanggang sa unti-unti akong nawalan ng ulirat. Sumunod na nahiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan at dinala ako ng hiwaga sa isang paglalakbay kung paano nagsimula ang lahat—ang kasaysayang itinago.
Matapos ang mahabang paglalakbay ay naramdaman ko ang aking sarili na nakahiga sa malambot na kama. Iminulat ko ang aking mga mata at tumambad ang batong kisame, dahan-dahan akong bumangon at napagtantong iba na ang suot kong damit, isang itim na bestida. Nakita ko sa gilid ng higaan ang isang pumpon ng mga bulaklak.
Sa isang tabi'y may isang tokador na may salamin. Kaagad akong lumapit doon upang tingnan ang sarili ko. I'm still me, I'm still Sigrid Ibarra.
Pinagmasdan ko ang paligid, yari sa bato at laryo ang buong silid, yari naman sa kahoy ang malaking arkong pinto, at arko rin ang hugis ng bintana. Bakit pamilyar ang lugar na 'to sa'kin kahit ngayon lang ako napunta rito?
May kumatok sa pintuan at bumukas 'yon. May babaeng pumasok sa loob ng pinto at base sa kanyang pisikal na anyo ay oriental din siya katulad ko at mas matanda siya sa akin ng ilang taon. Matangkad siya, maputla ang balat at naka-tali ang buhok, kapansin-pansin din ang singkit niyang mga mata.
"Shàngwǔ hǎo! Chī le ma?"
Kumunot ang aking noo nang marinig ang kanyang boses. She spoke in Chinese but I can clearly understand her, as if may automatic translation ang tenga ko kaya naiintindihan ko siya. She said, 'Good morning! Have you eaten yet?'
Nang itanong niya 'yon ay saktong kumalam ang aking sikmura. Nilapag niya ang tray sa mesa 'di kalayuan at sinenyasan niya akong umupo para kumain. Nang makaupo ako'y hindi ako kaagad kumain at nakatitig lang sa kanya.
"My name is Chyou. I know you're confused," sagot niya sa Ingles na may oriental accent. "But please eat for now and we will tell you what you need to know later."
Tumango ako at sinunod ang kanyang payo. Tahimik akong kumain atsaka ko lang din napansin na nababalutan siya ng lila na aura, she's a Peculiar or Aeon like me. Pagkatapos kong kumain ay saktong bumukas ang pinto at niluwa mula roon ang isang matangkad na lalaki, mukha siyang cowboy sa kanyang suot, mahaba rin ang kanyang kulay gintong buhok. Tantiya ko'y nasa mid-20s ang kanyang edad.
"Es bueno verte, mi señorita." Bati ng lalaki nang tanggalin ang kanyang sombrero, bahagya pa siyang yumuko. Sinabi niya na nagagalak siyang makita ako. "I'm Paladio and I'm here to accompany you, they're waiting." At katulad ni Chyou ay may aura din akong nakita sa kanya.
Tumingin ako kay Chyou at tinanguan lang niya ako. Sumunod ako sa kanilang dalawa at lumabas kami ng silid. Naglakad kami sa isang mahabang pasilyo na may mga sulong nagbibigay ng ilaw. Sa dulo'y umakyat kami patungo sa itaas at nang makaakyat kami'y napagtanto ko na galing kami sa isang sikretong daan at nasa library kami ngayon. Tinakpan ni Chyou ng carpet 'yung secret door, pagkatapos ay nauna ulit silang naglakad at sumunod ako.
Pagkalabas namin ng library ay muli namin tinahak ang isang pasilyo. Sa bawat poste'y mayroong nakasabit na kulay lila na bandila at may simbolo ng itim na araw.
"Dios mio!" nakita namin ang isang pari na papalapit sa aming kinaroroonan. Nilagpasan nito si Chyou at Paladio, nang makalapit sa akin ang matandang pari'y halos mangiyak-ngiyak ito. "You're finally here!"
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya, kinuha niya ang kamay ko at hinalikan 'yon. Tumingin ako kila Chyou at Paladio at nakitang nakangiti sila. Binitawan ako ng pari, umatras ito at bigla namang yumuko sa aking harapan.
"W-who are you people?" halos pabulong kong tanong sa kanila.
Nang mag-angat ng tingin ang pari'y sumulyap siya kila Chyou at Paladio. Imbis na sagutin ako'y naglakad sila papunta sa pintuan sa dulo ng pasilyo. Sumunod na lang ako muli sa kanila at nang buksan nila ang pinto ay tumingin sa akin ang pari.
"We've waited for so long."
"This way, please." Marahan akong hinila ni Chyou.
Nasa isang chapel kami at medieval ang disenyo nito. Alam ko na kung bakit ito pamilyar, nakapunta na ako rito—noong mga nakaraang buhay ko'y minsan na akong pumasok sa chapel na 'to—ang La Capilla.
Umakyat ako sa altar at pinagmasdan ang kabuuan ng kapilya, wala pa rin itong pagbabago. Nakita ko na sarado ang pinto at mga bintana, may mga nakasinding kandila, at tanging liwanag mula sa stained glass ang nagbibigay liwanag sa loob.
Nakita ko ang mga tao na nakaupo, wala pa sila sa sampung bilang, tumayo sila nang makita ako at tiningnan ko silang lahat. Iba-iba ang kanilang mga estado ayon sa kanilang pananamit. At lahat sila'y nagliliwanag, nababalutan sila ng lila na aura, isang patunay na sila'y mga Aeon.
"Our Ravi has returned!" sigaw ng pari kanina at nagulat ako nang sunud-sunod silang lumuhod at yumuko.
Napatulala lang ako sa kanilang lahat at anong dapat kong gawin? N-nandito ako kung nasaan sila... Ang Order of the Black Sun.
*****
THEY disguised themselves as a member of this church, but they're actually the Order of the Black Sun. A cult founded thousand years ago to find Ravi's incarnation every generation. Ipinakita ng kanilang konseho sa akin ang kanilang Oracle Book kung saan tinuturo nito ang paraan kung paano mahahanap si Ravi kada panahon.
At sa panahong ito, sa panahon na nabuhay ako bilang si Sigrid Ibarra, natagpuan nila ako sa dalampasigan malapit sa chapel na 'to.
"I'm at El Salvador?" bulong ko sa aking sarili matapos nilang ipakita sa akin ang libro. Narito kami ngayon sa isang silid upang magtipon, kasama kanilang pinuno na si Padre Perez, ang pari kanina, at ang ibang nakatataas na opisyal na sila Chyou at Paladio.
"We are the protectors of the lost history, and every generation they passed down the secrets to succeeding members to preserve the truth and the ways of finding Ravi over and over again." Paliwanag ni Padre Perez.
Napayuko ako nang maalala ang mga naiwan kong kaibigan, at si Isagani. I told them about what happened to me and about Memo who is Rama and the one who plotted my murder.
"You didn't die and it's written in our oracle," sabi ni Paladio, "because it's been decided that the ocean will take you to us."
"Rama may try to kill you but it's the Creator's will that brought you here." Sabi ni Chyou.
"I am still alive because I have a mission, I need to stop Rama. I need to go back." Nagulat sila nang sabihin ko 'yon at nagkatinginan silang tatlo.
"Then why did you intend to go here?" tanong ni Padre Perez.
Hindi ako nakasagot kaagad at sinikap kong isipin ang sagot, "Because... Because I..."
Napaisip ako bigla kung bakit nga ba pinilit kong pumunta rito sa El Salvador. Ang alam ko lang noo'y naghahanap ako ng paraan para pigilan si Memo, at wala akong ibang lugar na mapupuntahan kundi ito. I accepted defeat that's why I decided to run here.
"We need you, Ravi."
Tumingin ako sa kanila at nakita ang mga nangungusap nilang mga mata.
"I'm not... a god. I can't help you." Halos pabulong kong sagot sa kanila.
"Yes, you're not a god," sabi ni Paladio at lumapit sa akin. "We do not worship you either. We're just doing the mission that has been passed to us by our ancestors, and now that the universe made a way to take you here. We need you to lead us."
Napakunot ako dahil hindi ko maintindihan ang huli niyang sinabi. Lead them to what?
"Lead us to war, Sigrid."
"W-war? What war?"
"A war between good and evil." Sagot ni Chyou.
Bigla kong naalala ang sinabi ng aking Salagimsim, "Hinihintay ka ng Ordo Sol Nigrum, o ng Order of the Black Sun dahil kailangan ka nila." Ito ba ang sinasabi niyang dahilan kung bakit nila ako kailangan?
"Take her outside for a walk," utos ni Padre Perez kila Chyou. "She needs to see it."
*****
"WHERE are the people?" hindi ko na napigilan ang sarili ko at naitanong ko sa kanila 'yon.
Lumabas kami ng chapel kanina at naglakad ng halos dalawang kilometro papunta sa plaza subalit kapansin-pansin na walang mga tao roon. Ang mga tindahan at mga kabahayan ay sarado, wala kang maririnig na ingay at parang walang ibang tao na nakatira. Marami ring mga nagkalat na sirang gamit, basura, at mga kahoy sa daan.
Hindi nila ako sinagot at nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Tinitingnan ko ang paligid at nagbabaka sakaling makakita ng ibang tao, nakakita ako ng isang ale na nakadungaw sa bintana subalit nang makita niya ko'y kaagad niyang sinarado iyon.
Napahinto ako nang makakita ako ng isang maduming manika sa sahig. Nang pulutin ko 'yon ay biglang pumasok sa aking isip ang alaala ng may-ari nito, I saw horror in my vision, the girl is being dragged by armed men away from her mother.
Binitiwan ko ang manika at bumagsak 'yon sa sahig, nawala ang mga nakikita ko. Paladio and Chyou are staring me and they saw disturbance in my face. Lumapit sila sa'kin at mukhang alam na nila kung anong nakita ko.
"W-what happened here?" tanong ko sa kanila at nakita ko ang kalungkutan sa kanilang mga mata.
"This country's been hell for five years," sagot ni Chyou. "Not only El Salvador, but the other provinces are suffering because of the civil war."
Nagpatuloy kami sa paglalakad habang nilalahad nila ang mga pangyayari noong nakalipas na mga taon. Nang atakihin ng rebelde ang gobyerno'y nasailalim ang buong bansa sa diktadurya ng military government. Since then, people are forced to work for the government so they can corner the rebels from their hideout. Natigil ang mga bata sa pagpasok sa eskwelahan at sila'y sapilitang kinuha para dalhin sa military camps para i-train bilang sundalo.
The people are helpless and they're forbidden to contact other people outside their borders, tinanggalan sila ng kuryente, at ng kalayaan na mamahayag ng kanilang opinyon. Lahat ay kontrolado ng gobyerno, at ang mga nagtangkang lumaban ay walang awang pinapatay.
Huminto kami sa paglalakad nang marating namin ang isang sira-sirang gusali. Bakas sa itsura nito na nagdaan ang isang malalang digmaan sa lugar na 'to.
"This used to be the city hall of this town," sabi ni Chyou. "But it was bombed because of the suspicions that the rebels are here."
"The rebels are hiding somewhere, they're fighting tirelessly." Sinundan 'yon ni Paladio.
"Tell me... How am I supposed to help you? I do not even know how to fight," naguguluhang sabi ko sa kanila. "And I also had an important mission, I need to stop Rama." Nasa kamay na niya ang mga kaibigan at taong mahal ko, kailangan kong umaksyon sa lalong madaling panahon.
Ang buong akala ko'y kapag pumunta ako rito sa El Salvador ay ako ang makakahingi ng tulong sa kanila subalit dinatnan ko na nasa gera ang kanilang lugar. They're asking me to help them, how can I even do that?
"We need you to end this war." Sabi ni Paladio.
"I-I'm sorry. I can't."
Hindi na sila kumibo pa at nagpasya kami na bumalik sa chapel. Habang naglalakad ay tila kinakain ako ng aking kunsensya. Naalala ko ang mga Aeon kanina sa chapel, kung gaano sila kagalak na makita akong muli, ang kanilang pagluhod at pagpugay sa aking harapan, na para bang nagkaroon sila ng katiting na pag-asa na magwakas ang digmaan.
"Your people need you," a voice inside me insisted. "You don't need to fight, what you only need is a purpose. And that purpose will drive you to fulfill your destiny."
My purpose? What is exactly my purpose?
"To help your people and they will give you the strength you need. You are not ready to fight Rama."
"I am not ready to fight Rama," mahinang sabi ko at huminto sila para tingnan ako. "I changed my mind."
There's a reason why I wasn't killed in that plane crash. The ocean took me to where I'm supposed to go, and nature helped me to fulfill my destiny. And that destiny is to prepare me to fight Rama at the right time.
I need to end this war first.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro