Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/25/ Facing Death


"MEMO!"

I spouted his name with disgust when I saw him. Tinanggal niya ang pagkakasuklab sa kanya ng puting balabal at nakita ko ang kanyang mala-demonyong ngisi. I can see his dark aura, mas lumaki 'yon dahil sa mga kasama niya—ang kanyang kulto, Lunar Brotherhood.

"Oh, Sigrid, I'm so happy for you," sarkastiko niyang sabi at humakbang siya ng tatlong beses papunta sa direksyon ko. "You finally realized and accepted who you are."

Tumingin ako sa mga kasama ko at laking gulat ko nang makitang nakahinto sila sa paggalaw. Napagtanto ko na biglang tumahimik ng sobra dahil ang lahat ng taong narito sa airport ay hindi gumagalaw, they looked like mannequins.

"Stop this, Rama!" sigaw ko sa kanya. "Ibalik mo sila sa normal!"

"Are you scared?" parang bata niyang sabi sa akin. "Is it because I'm too powerful and you're not? And oh, thanks for calling me that wonderful name."

Humakbang pa siya palapit sa akin hanggang sa halos tatlong metro na lang ang layo namin sa isa't isa. Ramdam na ramdam ko ang kanyang presensyang nababalot ng kasakiman sa kapangyarihan at kadiliman. Tama siya, masyado siyang malakas kung ikukumpara sa kung anong kaya kong gawin. Kontrolado niya ang lahat ng tao na nandito ngayon, maliban sa kulto niya, upang ipamukha sa akin na wala akong laban sa kanya.

Pero hindi ka pwedeng matakot, Sigrid.

"I got a little surprise for you," sabi niya at lumingon siya sa kanyang mga kasama. "Reveal yourselves."

Sumunod ang kanyang kulto at isa-isa nilang tinanggal ang balabal na nakasuklab sa kanilang ulo. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko kung sino ang mga kasapi ng kanyang kulto. H-hindi maaari! P-paano 'to nangyari?!

"Sabi ko na nga ba at magugulat ka." Narinig ko ang boses ni Memo subalit nakatuon ang aking paningin sa kanilang anim.

Ang kulto ni Memo, ang mga kasapi ng Lunar Brotherhood ay walang iba kundi sila Professor Paciano, ang dati kong propesor sa Atlas Univesity, si Dr.Joselito, ang psychiatrist ko, si Ophelia, ang nagturo sa akin noon sa mental hospital kung paano kontrolin ang aking kapangyarihan, si Morga, ang minsang nag-recruit sa akin noon sa isang sorority, isang pamilyar na lalaki na alam ko'y ka-frat ni Hugo, at si Natalia! Ang dati kong roommate sa dorm.

"Matagal ka na naming sinusubaybayan, Sigrid," napatingin ako kay Memo at wala akong ibang nagawa kundi magkuyom. "Siniguro kong mapupunta ka sa Atlas University upang magtagpo ang ating landas. Sinubukan kong paikutin sa aking palad ang iyong kapalaran at nag baka sakaling pumayag ka na magkaisa tayong dalawa."

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang tumulo ang luha sa aking mga mata. Biglang nagbalik sa aking alaala ang mga nakaraan, at nakita ko sa aking memorya ang mga bagay na hindi ko nakita noon.

Matagal na nila akong sinusubaybayan, palagi lamang silang nagtatago sa kadiliman. Si Memo ang palaging nagbibigay sa akin ng Mirasol sa simbahan, sila rin ang may pakana kung bakit ako nagkaroon ng scholarship sa Atlas University. At ang klase ko kay Professor Paciano, ang mga lihim niyang titig. Si Morga at ang kapatid niyang lalaki na si Franco na nag-aanyong lobo na naging hudyat ng pagbagsak ko sa Talon. At si Natalia, si Natalia ang siyang mismong pumatay kay Andrea upang patahimikin ito.

Ginawa ni Memo lahat 'yon upang makontrol ako, dahil parehas kaming diyos ay hindi niya ako makokontrol gamit ang kanyang kapangyarihan. Still, he failed in his different attempt.

B-bakit? B-bakit ko nakita ang madilim na katotohanan?

"Because I allowed you to read my mind for a while," sagot ni Memo sa tanong sa aking isipan.

Mas lalong sumikip ang aking dibdib nang muli kong makita sila Isagani, Annie, Kero, Ruri, at Rare sa aking likuran na parang estatwa. Naalala ko ang mga ilang masasayang alaala namin sa Atlas University.

"Kahit pala kontrolin ko ang kapalaran mo'y hindi ko pa rin mapipigilan ang nakatakdang misyon mo. I guess that's what your soul's purpose is, to stop me, over and over again." Sabi ni Memo at may mga alaala na hindi pamilyar ang pumasok sa aking isip.

Mga alaala ng iba't ibang tao sa bawat panahon, kaming dalawa ni Memo. Paulit-ulit kaming ipinapanganak sa daigdig at palagi ko siyang napipigilan sa kanyang hangarin.

"Pero hindi na sa pagkakataong ito, Ravi!" galit niyang sabi sa akin. "This time, I'll make sure that the last victory is mine!" umalingawngaw ang tinig niya sa paligid.

"What do you want from me?" sawakas ay nakapagsalita na rin ako.

"Alam kong may balak kang pumunta sa lugar kung saan naghihintay ang mga alagad mo," sagot niya sa akin. "Hindi kita pipigilan. Subalit hindi ko hahayaang isama mo sila."

"Gagamitin mo lang din sila!" sigaw ko sa kanya. "Hindi ko sila pwedeng iwan sa puder mo at ng Memoire!"

"They're mine to use," walang pusong sagot niya sa akin. "Dalawa lang naman ang maaari mong pagpilian, Sigrid. Una, aalis ka ng hindi sila kasama o ipipilit mo ang gusto mo pero kailangan mo munang dumaan sa amin."

Napatingin akong muli sa kanyang mga kasama, ang mga taong inakala kong normal na minsang naging bahagi ng aking buhay. Mas lumakas at naging madilim ang kanilang aura, pahiwatig na sila'y malakas. Humalukipkip si Memo at hinihintay ang aking tugon.

Tila napagpasyahan na ang desisyon. Wala akong laban sa kanila. At kung pipilitin ko man ang aking kagustuhan na isama sila sa aking pupuntahan ay kailangan ko silang kalabanin na tiyak ay magiging resulta ng aking kamatayan.

Hindi ka pwedeng mamatay sa oras na 'to, ang bulong aking kalooban. May mga dapat ka pang gawin at naghihintay sila sa'yo, Ravi.

Napayuko ako at sunud-sunod na pumatak ang luha. Kung malakas lang sana ako, kung sanang alam ko rin kung paano kontrolin ng mas mayabong ang kapangyarihan na 'to. Pero hindi. Kailangan kong tanggapin na ako ang talo ngayon at hindi ito ang tamang oras para wakasan ang digmaan sa pagitan naming dalawa ni Memo.

"You'll let me escape if I'll let them go." Sabi ko nang mag-angat ako ng tingin.

Narinig ko ang kanyang pagtawa, ninanamnam ang kanyang tinuturing na tagumpay. Tumigil siya at muling tumingin sa akin.

"Yes, Sigrid."

Mautak si Memo kaya alam kong pag umalis ako'y buburahin niya ang ilang alaala nila tungkol sa mga nalaman nilang mangyayari sa hinaharap. Ngayon pa lang ay nasasaktan na 'ko sa kanilang kahihinatnan mula sa mga kamay ni Memo.

Wala akong ibang mapupuntahan kundi ang El Salvador kung saan sila naghihintay sa akin. Sila lamang ang aking natitirang pag-asa upang magkaroon ako ng lakas kung paano ko mapipigilan ang kasakiman ni Memo.

"Just let me say goodbye to him." Nanghihinang sabi ko.

"Go, ahead."

Lumapit ako kay Isagani at tinitigan ang kanyang maamong mukha. Mabilis kong dinampian ng halik ang kanyang labi. Mahal kita, Isagani. Pero may mahalaga akong misyon.

Naglakad ako palayo sa kanila. At muling bumalik ang mga tao sa normal nilang paggalaw.

*****

BIGLA akong nagising mula sa isang mahabang panaginip. Pagkatapos ay nagulantang ang lahat ng tao sa eroplanong aking lulan nang makarinig kami ng isang malakas na pagsabog.

Yumanig ang eroplano at nakabibingi ang sigawan. Wala akong ibang nagawa kundi pumikit at muling tawagin ang aking Salagimsim.

"Alam kong hindi rin ako hahayaan ni Memo na makarating ng El Salvador ng buhay. Ito na ba ang aking katapusan?"

Lumitaw ang batang babae na nagliliwanag.

"Hindi ba't sinabi ko sa'yo na hindi ito ang oras."

"Pero—"

"Ang lahat ng bagay ay may dahilan. Kailangan mong mamatay upang muling mabuhay."

Bumubulusok ang eroplano. Wala akong ibang marinig kundi ang tibok ng aking puso. Tinanggap ko ang mga salita ng aking Salagimsim.

Kamatayan para sa muling pagkabuhay.

Para sa pagkabuhay n Ravi.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro