/21/ Searching For Answers
"NOSCE te Ipsum."
Muling naglalakbay ang aking diwa sa isang malalim na panaginip. Muli akong napadpad sa isang pamilyar na lugar, isang walang katapusang kadiliman at mistulang lumulutang lamang ako sa ere na walang patutunguhan.
"Nosce te ipsum."
Mula sa kadiliman ay lumitaw ang liwanag, mula sa liwanag ay nag-anyo ito bilang isang batang babae—ang matagal na misteryo sa aking buhay.
"S-sino ka ba talaga?" Sabi ko subalit hindi sumagot ang batang babae habang nagliliwanag lang ang kanyang balat.
"Malapit mo nang makilala ang iyong sarili, Ravi."
Nagmulat ako at nagising sa realidad. Halos nakalimutan ko na ang tungkol sa bagay na 'yon pero makalipas ang halos isang taon ay muli akong dinalaw ng batang babae sa aking panaginip. Matagal ko na 'yong binabalewala ng paulit-ulit dahil akala ko'y bunga lamang ito ng aking imahinasyon pero sa tingin ko oras na para kumilos ako.
Napasulyap ako sa orasan at nakitang pasado ala sais na ng umaga. Bumangon ako at nagsuot ng jacket, dahan-dahan akong lumabas ng aming silid. Naglalakad ako sa hallway ng RCPA at hindi ko maiwasang mapayakap sa aking sarili dahil sa lamig ng temperatura. Mabuti't kabisado ko ang institusyong ito kung kaya't alam ko kung saan ang aking pupuntahan.
Napapagod na ako sa mga palaisipan at kinakailangan kong maghanap ng mga kasagutan.
Nosce te Ipsum is a Latin phrase that I encountered in an old book before. It was found inscribed on temple entrances in Kemet, ancient Egypt, and temples of Luxor in ancient Greece. This is also the most known Delphic maxims which were carved into the Temple of Apollo in Delphi.
I also remembered Socrates used to say, 'The unexamined life is not worth living.'
Hindi lamang iyon ang bumabagabag sa aking isip. Pinipilit ako ng misteryosang bata na kilalanin ang tunay na aking sarili at matagal na niya akong tinatawag sa isang pangalang hindi ako pamilyar.
Sino si Ravi?
Pumasok ako sa loob ng library ng RCPA at nagtungo ako sa isang computer at tinipa sa keyboard ang salitang 'yon.
R A V I
Lumabas ang resulta nang pindutin ko ang search button at iisang libro lamang ang lumabas. Kaagad kong hinanap ang librong 'yon base sa code na lumbas sa computer. Umakyat ako sa ikalawang palapag ng library, marami kasing research material ang nakalagay dito at kahit na restricted area ay pinasok ko pa rin.
Luma na ang libro nang makuha ko sa shelf. Umupo ako sa study area at sinimulang maghanap ng clue.
Secretum Societas
Nakasulat sa ibang lenggwahe ang libro subalit maging ako'y nagulat na naiintindihan ko ang nakasulat dito. Isinawalangbahala ko muna ang bagay na 'yon at itinuon ko ang atensyon sa paghahanap ng kasagutan. Tungkol ang libro sa mga secret societies sa mundo at nakita ko rin sawakas ang aking hinahanap.
Ang Ordo Sol Nigrum o Order of the Black Sun ay may sinasambang diyos na tinatawag na si Ravi. Si Ravi ang diyos ng itim na araw na ipinapanganak bilang mortal upang gampanan ang kanyang tungkulin: ang pigilan mula sa kasakiman ang katapat na si Rama, ang diyos ng buwan na sinasamba ng De Fractrum Lunam o Lunar Brotherhood.
Sinarado ko ang libro dahil tila sasabog ang aking utak kahit na kakaunting impormasyon lang ang aking nasagap. Si Ravi ay isang diyos? Tinatawag ako ng batang babae na 'Ravi' at nangangahulugan ba ito na ako si Ravi at hindi ko lang maalala ito?
"You and I are both born powerful, Sigrid, hindi mo pa nare-realize ang bagay na 'yon—hindi mo pa rin naalala ang past life mo but I will help you remember who you are."
Naalala ko ang mga salita ni Memo noong nagdaang gabi. Si Memo? Alam niya kung sino ako? May alam niya tungkol sa mga nabasa ko?
"Sigrid?"
Halos mapatalon ako sa aking kinauupuan nang marinig ko na may tumawag sa aking pangalan. Kaagad ko siyang nakita na palapit sa akin.
"Richard?" gulat kong tawag sa kanya at kita ko ang pagtataka sa kanyang mukha.
"What are you doing here?" tanong niya.
Kaagad tinakpan ng kamay ko ang pamagat ng librong nasa mesa. Umupo si Richard kaharap ko.
"Uhm... I just... want to read." Napangiti si Richard sa aking sinagot.
"Kahit kailan talaga ay mahal mo ang mga libro at pagbabasa, just like the old times." May himig ng kalungkutan ang kanyang boses habang napatingin sa kawalan.
Hindi ko rin tuloy maiwasang maalala ang nakaraan. Parang kailan lang ay namumuhay ako ng normal bilang isang estudyante sa Atlas University, palagi kaming magkasama noon ni Richard sa library para mag-aral. Pero ang lahat ng iyon ay nasa nakaraan na at hindi na maibabalik pa, hindi na normal ang buhay ko ngayon.
"Richard, ikaw ano naman ang ginagawa mo rito?" ako naman ang nagtanong sa kanya.
"Naisipan ko lang dumaan dito para mapag-isa," kita ko pa rin ang kakaibang lungkot sa kanyang mga mata. "My friend, Alfred, just passed away."
"I'm sorry to hear that, Richard," naalala ko ang taong tinutukoy niya, minsan niya itong ipinakilala sa akin noon. Si Alfred, ang loyal butler ng kanilang pamilya.
"He's too old and he served our family enough for many years. His son quickly replaced him, his name is Albert, and I'm not quite used to him," pinilit niyang ngumiti kahit nalulungkot. "Para ko na rin kasing tatay si Alfred."
"Cheer up, Richard. Alfred is with Our Father now." Sabi ko sa kanya at bigla siyang napatingin sa'kin.
"Kailan ka pa naniwala sa Diyos, Sigrid?" biglang nag-iba ang direksyon ng usapan, bakas sa kanyang tinig ang pagtataka at pagkamangha.
I crossed my arms and raised my brow.
"Are you making fun of me?" biglang nag-iba ang mood ng silid, he apologetically smiled at me.
"No, no, no. I didn't intend that. All along I thought you do not believe in any deities." Napakamot siya sa ulo at parang napahiya sa sinabi.
"Why do you say so?"
"Naalala mo pa 'yung sagot mo noon sa tanong ni Professor Paciano sa Biology class natin?" at mabilis na nagbalik sa memorya ko ang eksenang tinanong ng propesor namin ang 'What is Life?'. Napatango ako sa kanya.
Bigla akong napatingin sa librong binabasa ko kanina. God? Dieties? Naisip ko bigla, kung ako si Ravi... Ibig ba nitong sabihin ay isa akong... diyos?
Imposible.
"Sigrid?" tawag niya sa akin.
"Richard, I need to go."
*****
"ANG akala ko ba'y nagmamadali ang Memoire na maghanap tayo ng mga Peculiar?" nakapamewang na sabi ni Annie, nakasuot siya ng isang dilaw na bestida at isang sombrero. "Ano 'tong pa-bakasyon na binigay sa'tin?"
"Ayaw mo ba? Eh di sana nagpaiwan ka sa HQ." sagot sa kanya ni Rare na kampanteng nakasandal sa railings.
Narito kami ngayong anim sa boatdeck ng barko at tinatanaw ang walang katapusang dagat. Makulimlim at hindi ganoon kasakit ang init ng araw kaya pinili naming magpalipas ng oras dito ngayong hapon.
Nagulat na lang kasi kami nang biglang sabihin sa amin ni Don Vittorio na magbakasyon muna kami sa isang isla kung kaya't binigyan niya kami ng ticket sa isang ferry papunta roon. At dahil isa itong order mula sa nakatataas na pinuno ng Memoire ay walang angal kaming pumayag. Si Memo? Hindi na namin siya muli nakita pagkatapos ng meeting sa conference room noong isang araw.
"Nagtataka lang kasi ako, parang noong isang araw lang ay pinagalitan niya tayo at inaapura dahil nga may sakit ang anak niyang si Helen." Sabi ni Annie at hinawakan ang sombrero dahil baka matangay 'yon ng malakas na hangin.
"Isipin na lang natin na para kay Helen ang gagawin natin." Sabi naman ni Ruri.
"Helen? Ni hindi pa nga natin siya nakikita o nakikilala tapos lahat ng pala to eh para sa kanya?" may halong pagrereklamo na sabi ni Kero na katabi ni Annie.
"Helen is terminally ill," biglang nagsalita ang katabi kong si Isagani.
"Kilala mo si Helen?" tanong ni Ruri.
"Isang beses ko pa lang siya nakikita nang minsang pumunta ako sa bahay nila Don Vittorio, she is really sick."
"Alam niyo, guys, nahihiwagaan na rin ako," sabi ni Kero. "Iniisip ko kung tayo na lang ba ang ganito sa mundo dahil wala pa rin tayong nahahanap na kauri natin."
"Naiisip ko rin yan." Sang-ayon ni Ruri.
"Si Memo ang makakapagsabi," mahinang sabi ko pero napatingin sila sa akin nang marinig 'yon.
"Ano'ng ibig mong sabihin, Sigrid? Are you saying that it's some kind of power to find someone like us?" tanong ni Rare.
Pero nanatili lang akong pipi at nakatingin sa kawalan. Hindi ko pa rin nasasabi sa kanila ang tungkol sa napag-usapan namin ni Memo noon, na sinabi nito na hindi pa handa ang Memoire at may alam ito sa totoo kung nasaan ang mga hinahanap namin.
"Sigrid?" narinig ko ang nag-aalalang boses ni Isagani. "Ayos ka lang ba?"
"N-nahihilo lang ako." Pagdadahilan ko.
"Alam mo, Sigrid, gutom lang 'yan!" bulalas ni Kero at kaagad siyang binatukan ni Annie.
"Mukha kang pagkain, timawa ka!"
"Gusto ko lang magpahinga," sabi ko at nauna na akong umalis.
"Sandali," narinig ko ang boses ni Isagani. Hinawakan niya ako sa braso at pinigilan nang makarating ako sa loob. "May problema na hindi sinasabi sa'kin."
Hindi ko magawang makatingin ng diretso sa kanya, alam niya na may nililihim ako.
"Isagani, do you believe in Memo?"
Napalitan ng pagtataka ang ekspresyon ng kanyang mukha.
"I trust him because he treats me like a brother." Walang pag-aalinlangang sagot niya sa'kin.
"Nagbago si Memo simula nang mabuo ang Memoire, hindi mo ba napansin?" nakita ko na saglit siyang napaisip.
"Sigrid, ano bang gusto mong iparating?"
"Naguguluhan ako sa maraming bagay," tila anumang oras ay masisiraan ako ng bait. "Gusto ko ng mga kasagutan."
"Kasagutan saan?" nakakunot niyang tanong. "I'll try to help you."
"Isagani, pakiusap, gusto ko lang magpahinga." Nang bitawan niya ang braso ko'y dali-dali akong umalis at nagtungo sa aking silid.
*****
KAHIT anong pilit kong pikit ay hindi ako magawang dalawin ng antok. May naramdaman akong malamig sa noo kung kaya't napadilat ako at nagimbal ang batang babae mula sa aking panaginip. Nasa ibabaw ko siya at nakatihayang lumulutang ng ilang pulgada. Gusto kong sumigaw subalit hindi ko nagawa.
Nagliliwanag ang kanyang balat at ilang sandali pa'y dinikit niya ang kanyang hintuturo sa aking noo. Tila libu-libong boltahe ang naramdaman ng aking buong katawan, bigla akong nasilaw sa isang liwanag.
"Ravi."
Sa isang kisapmata'y nawala ang bigla ang bata at kaagad akong bumangon. Nakita ko ang batang babae sa may pintuan at walang anu-ano'y tumagos ito sa pader palabas.
"S-sandali!" lumabas ako at nakita ang bata na tumatakbo sa hallway. Hindi ko alam kung isa lamang bang itong panaginip subalit malakas ang udyok sa aking loob na sundan ang bata.
Bumaba ang batang babae sa lower-deck ng barko. Walang ibang tao kung kaya't ako lamang ang nakakakita sa kanya ngayon. Subalit pagbaba ko'y wala na siya. Guni-guni ko lang ba ang lahat? Pero damang-dama ko ang pagdikit ng kanyang daliri sa aking noo, hindi ako nililinlang ng aking isip.
Pabalik na ako sa itaas nang makarinig ako ng yabag palapit sa aking kinaroroonan. Nagtago ako sa ilalim ng bakal na hagdanan dahil naramdaman ko ang hindi magandang aura.
"B-bitawan niyo ako!" mula sa isang silid ay lumabas ang dalawang malaking lalaki na may hila-hilang isang kaawa-awang babae. "T-tulong—" tinakpan ang kanyang bibig ng isa pang lalaki.
"Ang tigas talaga ng ulo mo! Sa tingin mo saan ka pupunta? Hindi ka na makakatakas sa amin," Nakangising sabi ng isa.
"Malapit na tayo sa destinasyon natin at naghihintay ang mga kliyente, kaya kinakailangan ka naming ikadena sa kwarto namin para hindi ka na makatakas. At huwag kang maingay!"
Base sa mga nasasaksihan ko ngayo'y isa lang ang nabuo sa aking isip, isa 'tong human trafficking. Mukhang hindi lang ang babaeng 'yon ang taong hawak nila. Nagpupumiglas ang babae kaya bigla siyang sinikmuraan ng lalaking nasa kanan.
Kumirot ang puso ko sa nasasaksihan at hindi ako pwedeng magbulag-bulagan. Lumabas ako mula sa aking pinagtataguan at buong lakas ng loob na hinarap sila.
"Bitiwan niyo siya." Matapang kong utos.
Natigilan sila nang makita ako. Nagkatinginan ang dalawang lalaki at sumilay ang mala-demonyong ngisi sa kanilang labi, bumaling sila ulit sa akin at lumapit ang isa.
"Miss, bawal ka sa area na 'to." Sabi ng lalaking palapit.
"Pakawalan n'yo siya kung ayaw n'yong masaktan." Banta ko sa kanila subalit walang epekto iyon sa kanila at tinawanan lamang ako. Ang tanging nakikita lang nila ngayon ay isang mahina at walang kalaban-laban na bababe na maaari nilang mabiktima.
"Pwede rin natin siyang isama sa ibebenta natin," nakangising sabi ng lalaki at akma niya akong hahawakan sa braso nang hindi niya maigalaw ang kanyang kanang kamay. "A-anong!"
"Hoy, napaano ka?!" sigaw ng kanyang kasama.
Tinitigan ko sa mga mata ang lalaki, kita ko ang takot sa kanyang mga mata sapagkat biglang nanigas ang kanyang katawan.
"A-anong ginagawa mo sa'kin?!" sigaw ng lalaki subalit hindi ako kumibo.
Gamit ang aking kapangyarihan sa pamamagitan ng isip ay hindi niya magawang magalaw ang kanyang katawan. Ilang sandali pa'y binitawan ko siya at bumagsak sa sahig. Takut na takot itong tumakbo. Naiwan ang isa pang lalaki at dahan-dahan akong lumapit sa kanya.
"Bitawan mo siya," utos ko at walang malay na sumunod ang lalaki sa akin. At sa pamamagitan ulit ng aking mind-power ay binura ko ang ilang bahagi ng kanyang alaala, pagkatapos ay nawalan siya ng malay. Ngayon ko lang naipamalas sa ibang tao ang aking kakayanan, halos nakalimutan ko na ang babae na nakatanghod sa'kin.
Humarap ako sa kanya at nakita ko ang takot sa kanyang itsura.
"Huwag kang matakot," sabi ko sa kanya at akma kong hahawakan ang kanyang sentido upang burahin ang sa kanyang isipan ang mga nasaksihan subalit natigilan ako nang makita na may bumabalot na kulay lila na aura sa kanyang katawan.
A-ano 'to?
Napaatras ang babae habang ako'y hindi pa rin makabawi sa aking nakikita. Hindi ko mawari kung bakit siya nababalutan ng aura pero bigla akong kinutuban, ang babaeng 'to ay isang Peculiar.
xxx
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro