/20/ Despite Uncertainty
"KAMUSTA naman po ang mga bata?" tanong ko sa punong-guro, kasalukuyan kaming naglalakad sa hallway habang tinatanaw ang mga munting estudyante na naglilisawan dahil oras ng recess. Narito ako ngayon sa ikatlong eskwelahan na nakatakda naming puntahan upang siyasatin.
"Mabuti naman, lahat sila'y masisigla at masayahin, mga mabubuting mag-aaral." Inilibot ako ng punong-guro sa paaralan habang nagkukwento. Taimtim akong nakikinig ngunit wala ang hinahanap ng Memoire. Naitanong ko na ang lahat pero walang kakaibang mag-aaral na nabanggit ang punong-guro.
Matapos akong ilibot ay nagpasalamat ako at nagpaalam, sinabi ko na babalik na lamang ako sa susunod. Sa labas ng eskwelahan ay naghihintay ang isang sasakyan at kaagad akong sumakay sa loob nito.
"Ano? Meron ba?" tanong ni Annie na nasa passenger's seat.
Umiling ako at inilabas ang notebook at inekisan ang pangalan ng eskwelahan na nilibot ko kanina.
"Negative."
Napahinga ng malalim si Annie at sumandal muli sa kinauupuan. Binuhay ni Isagani ang makina ng sasakyan at pinaandar ito paalis doon.
"Mukhang kailangan talaga nating libutin ang buong bansa para makahanap ng mga katulad natin." Komento ni Rare.
Magkakasama kami ngayong anim at ginagampanan ang isa sa mga sinumpaang tungkulin namin sa Memoire: ang makahanap ng mga Peculiar o katulad naming may espesyal at kakaibang kapangyarihan.
"Mukha nga," dagdag ni Kero. "Mabuti na lang at nag-eenjoy ako sa pamamasyal natin kahit na kung minsan nakakainip na. Para tayong naghahanap sa wala."
"Guys," sumabat si Ruri. "Kung nahanap nga tayo ni Memo tiyak kong mayroon pang ibang katulad natin hindi ba?" as usual she's trying to cheer us up.
"Tama, Ruri," sabi ni Isagani habang nagmamaneho. "Naniniwala ako na hindi lang tayo ang ganito kaya hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa."
"Wow, Isagani." Parang nang-aasar na reaksyon ni Annie.
"Anong nakain mo?" si Kero. "Inspired ka ano?"
Hindi ito kumibo pero nakita ko sa rearview mirror na sumulyap siya sa'kin at ngumiti, hindi ko namalayang nakangiti rin pala ako kahit na wala namang nakakatuwa sa sinabi niya.
"How can we even find a Peculiar if walang specific instruction kung paano natin ito mahahanap?" wika ni Rare at sang-ayon ako sa sinabi niya.
Memo's order is just, 'Go here and inspect these places.' Wala kaming ibang paraan kundi magtanung-tanong sa mga lokal kung may kakaiba bang pangyayari o tao sa lugar nila.
"Let's eat. Gutom na 'ko." Pag-iiba ni Annie sa usapan.
Malayu-layo rin ang byahe kung kaya't napagpasyahan naming huminto para mananghalian sa isang gas station kung saan may restaurant. Liblib kasi 'yong paaralan na pinuntahan namin kung kaya't matagal din ang byahe bago makarating sa pinaka sentro ng bayan.
"Hindi naman siguro tayo pagagalitan ni Memo dahil wala na naman tayong nahanap, ano?" tanong ni Kero na tila nangangamba. Hinihintay na lang namin 'yong in-order naming pagkain at hindi pa rin siya mapakali.
"What happened to the easy going Kero?" nakangiting sabi ko. "Sa tingin ko hindi naman magagalit si Memo sa atin. We're doing our best." Kinumpas ko pa ang kamay ko at hindi ko mapigilang magpakawala ng buntong hininga. Sa totoo lang matagal na kaming naghahanap subalit palagi kaming bigo.
"I agree," si Rare. "Ilang lugar ba ang pinupuntahan natin sa isang araw? Memoire have to patiently wait, hindi pa ba tayo sapat sa kanila?" ibig sabihin siguro ni Rare ay 'yong pag-eeksperimento sa amin mismo ng team ni Dr. Richmond Morie.
"And we have to patiently wait for our order too," sabat ni Annie na nakapangalumbaba, nabasa ko sa isip niya na kanina pa niya minumura yung mga waiter na dumadaan. "Gutom na ko! Ang tagal naman!" sa lakas ng boses niya'y napatingin sa'min 'yung ibang kumakain.
"Wala rin palang silbi ang mga kapangyarihan natin kapag napapaligiran tayo ng mga normal na tao." Mahinhin na natatawang sabi ni Ruri.
"Yeah right." Biglang na-bored na sabi ni Kero, natawa ko dahil siya ang akala mo'y pinaka nalugi sa aming anim.
"Isagani tingnan mo nga ang future, tingnan mo kung anong oras darating ang mga pagkain natin," utos ni Annie na nagbibiro lang. Nagtawanan ang mga kasama ko at alanganin akong ngumiti dahil nakita kong hindi natawa si Isagani. Nang makita rin nila na seryoso ito ay natameme sila.
"Kung ganon lang sana kadali gawin 'yon, bakit hindi?" hindi ngumingiting sabi ni Isagani.
"Teka, teka," natatawang sabi ni Annie, kaagad ding napalitan ng inis ang kanyang itsura. "Bakit parang ang big deal naman ng sinabi ko?"
"Paano kung sinabi ko sa'yo na dalawang oras pa bago dumating yung order natin?"
"Wow dalawang oras ang OA naman—"
"Anong gagawin mo?" putol ni Isagani kay Annie. "Anong gagawin mo?" ulit niya sa tanong.
"M-magrereklamo."
"At?"
"Pupuntahan 'yong waiter para bilisan."
"Kapag ginawa mo 'yon anong mangyayari?" umirap na si Annie dahil hindi na siya natutuwa sa mga tinatanong ni Isagani kaya sumingit ako sa usapan nila.
"Hindi na tayo maghihintay ng dalawang oras pa." tumingin siya sa'kin nang ako ang sumagot sa tanong niya.
"Exactly."
"And so?" si Rare, naningkit ang mata hindi dahil sa naiinis din siya kundi ay napupuno ng kuryosidad ang isipan.
"Mababago ang nakatakdang pangyayari." Seryosong sabi ni Isagani.
Biglang nabuga ni Kero 'yung tubig na iniinom. Muntik na kaming mapasigaw sa gulat at sinundan ng malakas na pagtawa ni Kero.
"Alam niyo," hindi niya matuluy-tuloy 'yung sasabihin niya dahil mamamatay na siya sa kakatawa. "Gutom lang 'yan!" binato ni Isagani ng nakalukot na tissue si Kero na mabilis nitong nahawi at bumelat pa rito. Maluha-luha sa tawa si Kero.
"Kung mababago ang nakatakdang pangyayari? Ano naman?" Rare is so interested over the topic, ano pa bang aasahan sa taong 'to na walang ibang hobby kundi mangkalap ng knowledge.
"Chaos." Natigilan kami sa sinagot ni Isagani.
"Chaos?"
"It's hard to explain," nag-aalinlangan siyang magsalita. "Let's just say that there's a law called law of cause and effect. I possess a power that can see what lies ahead of time, it's like a flow pattern, and every single action to destroy the flow just like a single drop of water in the ocean, there will be always a wave—a wave of effect and it's dangerous." Nakatulala lang siya sa kawalan habang nagsalita.
"O—kay," basag ni Kero sa tension. "I think kailangan na nating i-follow up yung order natin."
"Mabuti pa nga," sabi ni Annie at hinilot ang noo. "Sumasakit na rin ang ulo ko sa mga pinagsasabi nitong lalaking 'to."
Napatingin ako kay Isagani at nakita kong napailing siya ng bahagya.
'Alam ko namang hindi niyo maiintindihan, pero mahirap maging katulad ko.' sabi niya sa isip.
"Guys! Thirty minutes pa raw." Nakabalik agad si Kero matapos kausapin ang waiter.
"Thirty minutes?!" bulalas ni Annie. "Mag-iisang oras na tayo rito! Tapos thirty minutes pa!" This woman needs an anger management.
"Annie, calm down—" awat ni Ruri.
"Calm down!? Mamamatay na 'ko sa gutom!" tumayo si Annie at mabilis siyang pumunta sa counter 'di kalayuan at ginera ang waiter na nagse-serve ng tubig.
"Kero, puntahan mo si Annie." Utos ko.
"Sigrid naman, gusto mo bang ako ang bugbugin niyan?" takot nitong sagot sa'kin.
"Ugh, Kero, akala ko ba mahal mo si Annie?" parehas kaming nagulat nang makarinig kami ng tunog ng nabasag.
"Annie!" narinig kong napabulalas si Ruri at nakita naming lahat na may hindi sinasadyang makabunggo si Annie nang pabalik siya sa table namin. Napatayo si Kero sa kinauupuan.
"Hoy miss!" isang barakong mama ang nakabangga ni Annie at natapon sa damit nito ang tubig, narinig namin na hinagis ng mama ang baso sa sahig sa galit. "Hindi mo ba kilala 'yung binabangga mo?!" bumwelo si Annie at hindi nagpasindak, knowing her she'll definitely pick a fight.
Napatayo na kaming lahat sa pagkakataon na 'to dahil seryoso na ang sitwasyon.
"Annie, don't do crazy things, we're in public." Sabi ni Rare kahit na hindi naman siya naririnig nito.
"Anong gagawin natin?" tanong ni Ruri.
"We cannot use our powers here, naiintindihan niyo—" pero huli na si Isagani
"Kero!" sigaw ko nang makita ko siya na nakatitig sa kisame, he's using his Telekinetic powers to cut off the chandelier above the man!
At nangyari na nga ang dapat na mangyari, bumagsak sa mama ang chandelier na nasa ibabaw nito, napasigaw 'yung mga tao nang bumagsak sa sahig 'yung mama at biglang'kumaripas ng takbo si Kero papunta kay Annie at hinila ito. Wala kaming ibang nagawa kundi tumakbo rin palabas habang naiwang tuliro ang mga tao. Hinabol kami ng security guard ngunit kaagad kaming nakasakay sa sasakyan at mabilis na nakaalis.
Walang nagsasalita sa amin nang biglang ihinto ni Isagani sa gilid ang sasakyan. Lahat kami nagulat sa bilis ng pangyayari, we didn't see that coming—mali, Isagani knew that this will happen.
"So, ito ba ang nakatakdang mangyari?" habol pa rin ni Annie ang hininga. Pare-parehas kaming naguguluhan. Hindi sumagot si Isagani. "Ha? Pinagmumuka mo ba kaming tanga?"
"Hindi," kalmadong sagot ni Isagani. "We will miss the fun if I spoil the future," at natawa ito ng bahagya. "That's the problem with you people, you are so impatient. It's no fun to see what lies ahead. You tend to oversee everything to the point that you're missing the now."
Maya-maya narinig ko si Kero na natatawa, "Oo nga no, nakakatawa 'yung nangyari kanina, bakit tayo tumakbo?" nahawa na kami sa kanya sa pagtawa at napagtanto na nagmukha pala kaming mga ewan kanina.
Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko sa mga sinabi ni Isagani.
*****
MALALIM na ang gabi nang makabalik kami ng Research Center for Paranormal Abilities nang bigla kaming pinatawag ni Memo sa conference room para mag-report sa kung anong nangyari sa araw na 'to. Nagkasundo kaming anim na walang magsasalita tungkol sa nangyari kanina sa restaurant kahit na alam kong mababasa pa rin ni Memo ang mga isip nila.
Pagdating namin doon ay nagulat kami nang makita si Memo na kasama si Don Vittorio. Magsasalita pa lang si Isagani pero inunahan siya ni Memo.
"Negative lahat ng locations, right?" sabi ni Memo. Ngayon na lang ulit namin siya nakita at napansin kong may nagbago sa kanya, hindi man sa pisikal na anyo subalit nararamdaman ko ang kakaiba niyang aura. Tumango kaming anim na parang mga bata. Memo let out a disappointing sigh.
Pare-parehas kaming nagulat nang ibagsak ng malakas ni Don Vittorio ang hawak na kopita sa mesa. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga at seryosong tumingin sa aming lahat.
"Halos isang taon na ang nagdaan," panimula nito. Pakiwari ko'y para kaming mga bata na nakabasag ng pigurin na pinapagalitan ngayon. "I've seen all your development, at lubos akong nagagalak doon. Pero baka nakakalimutan niyong lahat kung ano ba ang tungkuling sinumpaan niyo sa organisasyong ito."
Hindi katulad noon na masayahin ay malaki ang pinagbago ni Don Vittorio simula nang atakihin siya sa puso noong nakaraang buwan. Nakaupo siya sa wheelchair habang nasa tabi niya ang kanyang anak na si Vit.
"Malapit na kaming hindi magkasundo ni Richmond," tinutukoy niya ang tatay ni Richard na siya mismong head ng experiments at training sa amin. "He's demanding more of your kind and your only job for this organization is to find them and take them here. Mahirap ba 'yon?"
"We've been searching for—" magsasalita si Memo pero sumenyas si Don Vittorio na huwag siyang sumabat at muling ibinaling ang atensyon sa aming anim.
"You're living here in this headquarters lavishly for almost one year—"
"Hindi ho biro ang paghahanap ng mga Peculiar, Tito Oryo," nagulat kami dahil hindi na napigilan ni Annie magsalita, magalang ngunit may diin ang kanyang himig.
"Alam kong hindi madali, Annie. Pero patawarin niyo ako kung kailangan ko kayong pagmadaliin dahil hindi na kaya pang maghintay ni Helen." Napamaang kaming lahat dahil sa huling sinabi ni Don Vittorio.
Nagkatinginan kaming anim. Ako naman ay napatingin kay Memo, alam niya ang tinutukoy ni Don Vittorio subalit hindi niya ito sinabi sa amin?
"S-sino si Helen?" halos pabulong na tanong ni Ruri.
"Si Helen, ang bunso kong anak," naramdaman kong kailangan na talagang sabihin sa amin ni Don Vittorio iyon at nakita ko sa mga mata niya ang lungkot at pighati na matagal na niyang kinikimkim. "She has an unknown and incurable disease. Richmond promised me that he has a way to cure my daughter but in return I must give him what he need."
"Listen, everyone," nakuha ng atensyon namin ang boses ni Memo. "Memoire is founded due to different reasons. Don Vittorio has the resources to fund Dr.Morie's research and experiment, just because he wanted to find a cure for his daughter Helen."
Nakuha ko na ang pinupunto ni Memo. Pero isang tanong ang pumasok sa isip ko, kung may kanya-kayang dahilan si Don Vittorio at Dr.Morie para itayo ang Memoire, ano ang dahilan ni Memo? Ano ang layunin niya kung bakit isa siya sa bumuo ng Memoire?
"Rest for now and comply to Richmond's experiment. Next week ay magkakaroon ulit kayo ng mission." Muling nagsalita si Don Vittorio at nauna na itong umalis, tulak-tulak ni Vit ang wheelchair na kinauupuan niya.
The meeting concluded that we do not have a choice, na kailangan naming makahanap ng Peculiars kahit anong mangyari. Ang problema, hindi namin alam kung saan kami muling magsisimula. Lahat ng lugar na nasa listahan na binigay sa amin noon ni Memo ay napuntahan na namin.
Isa-isa silang lumabas ng silid subalit naiwan ako at si Memo. Sinadya kong magpaiwan dahil gusto ko siyang makausap.
"Memo," tawag ko sa kanya. "Can we talk?"
Saglit niya muna akong tinitigan bago siya sumagot, "Sure."
Nang natira lang kaming dalawa sa conference room ay umupo kaming dalawa magkaharapan. Napansin ko ang pisikal niyang itsura, mas humaba ang kanyang buhok na lagpas balikat na ngayon at mas naging putla ang kanyang balat, halos kasingkulay na ng bond paper.
"Tungkol saan ang pag-uusapan natin, Sigrid?" seryosong tanong ni Memo.
"Where have you been?" iyon ang unang tanong na pumasok sa isip ko.
"I'm busy."
"Busy?" hindi ako nakuntento sa sinagot niya. Bigla ko tuloy naisip na habang 'busy' siya sa kung anong pinagkakaabalahan niya ay ang walang kapagurang paghahanap namin sa wala.
"Oh, don't be so disappointed, Sigrid," sabi niya at napamaang ako. "I can feel your disappointment with me. Are you tired doing your duty for Memoire?"
"No," umiling ako. "It's just that it didn't feel right. Something's going on."
"As expected to our child prodigy," he gave me a grin and I can't almost recognize him because it feels like he is a different person now. "I know that you'll notice sooner or later, kung bakit tila walang direksyon ang paghahanap ninyo. Memoire is not yet ready to handle many Aeons."
Ngayon ko na lang ulit narinig na binanggit niya ang salitang 'yon dahil Peculiar ang tawag ng Memoire sa mga uri namin.
"Memo, anong layunin mo sa Memoire? And what do you mean na hindi pa handa ang Memoire?" diretso kong tanong sa kanya at halatang hindi niya napaghandaan ang tanong na 'yon.
"My agenda?" nilagay niya ang hintuturo sa baba at tumingin saglit sa itaas para mag-isip. "I believe you already know it."
'To conquer.' I heard his voice inside my head.
"To conquer?"
"Yes, Sigrid. Memoire is not yet ready to conquer the universe using Aeons," tumayo siya at naglakad-lakad habang sinusundan ko siya ng tingin. "Our kind is special and yet we are neglected and oppressed by society. My goal is to give a peaceful world for our kind. We will dominate those ordinary human beings."
Dahan-dahang lumapit sa'kin si Memo at inilahad ang kanyang kamay.
"Will you join me to conquer the universe?" napatitig ako sa kanyang mga mata. There's something in his eyes that I never have seen before. "You and I are both born powerful, Sigrid, hindi mo pa nare-realize ang bagay na 'yon—hindi mo pa rin naalala ang past life mo but I will help you remember who you are."
Naguluhan ako sa mga huling sinabi niya. Rumehistro na naman ang tanong na 'yon sa sarili ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasagot.
'Who am I?'
Naalala ko rin bigla ang batang babae na palaging nagpapakita sa akin noon.
'Nosce te ipsum, know thyself.'
Tumayo ako nang hindi tinatanggal ang titig kay Memo, nagsusukatan kami ng tingin. Hindi ko man nakikilala pa ang sarili ko pero naniniwala ako na sarili ko lamang ang pwedeng sumagot ng bagay na 'yon, hindi ibang tao.
"All men are created equal." Mariin kong sabi ni Memo at binawi niya ang kanyang kamay.
Sumunod kong narinig ang kanyang halakhak na namayani sa buong silid.
"You're still naïve, Sigrid," sabi niya matapos tumawa. Akma siyang aalis pero nagsalita ako.
"You're keeping the Peculiars from Memoire."
"Believe what you want to believe, Sigrid."
*****
MEMO's words became indelible in my mind, iisa lang ang sigurado ako—nagbago siya simula nang mabuo ang Memoire. Hindi katulad noong may Night Class pa sa Atlas University at palagi niya kaming kinakamusta. He changed and he built a high wall around him. At hindi ako makapaniwala sa naging paanyaya niya sa'kin.
Nanlulugo akong bumalik sa aming silid. Pagpasok ko sa common room ay nagulat akong naroon pa silang lahat, lagpas alas nuebe na pero hindi pa rin sila natutulog.
"Bakit hindi pa kayo natutulog?" tanong ko sa kanila.
"Hinihintay ka namin," sagot ni Isagani. "Kinausap mo si Memo, hindi ba?"
Napaupo ako sa sofa katabi ni Ruri.
"Ayos ka lang ba, Sigrid? Namumutla ka." Si Ruri.
"O-oo."
"Anong napag-usapan ninyo ni Memo?" pang-uusisa ni Rare. Mukhang inintay talaga nila ako rito para lang malaman 'yon. Hindi ko sila masisi dahil napapansin na rin kasi nila ang kakaibang kinikilos ni Memo at ang malaki nitong pagbabago.
Naalala ko 'yung pinag-usapan namin kanina at mukhang kailangan ko munang sarilinin 'yon. Makakaapekto rin sa kanila ang mga salitang binitiwan sa akin ni Memo at ayokong maabala rin sila.
"Kinamusta ko lang siya at tinanong kung bakit hindi siya sumasama sa atin." Sagot k okay Rare.
"Oh, ano namang sagot niya? Si Kero.
He asked me to join him to conquer the universe. He's keeping the Peculiars away from Memoire. Gusto ko sanang sabihin sa kanila pero hindi ko gustong maging komplikado ang mga bagay-bagay, gusto kong maging normal pa rin ang pakikitungo nila sa Memoire.
"Busy lang siya."
"Busy? 'Yon lang?" dismayadong saad ni Annie at tumango ako.
Namayani ang katahimikan sa silid, marahil ay nag-iisip din sila tungkol sa maraming bagay. Maaaring gusto rin nilang sabihin na nagdududa sila kay Memo pero hindi lang nila magawa. Narinig ko ang paghinga ng malalim ni Rare na siyang unang bumasag sa katahimikan.
"Sa ngayon ay mas mahalaga siguro na sumunod na lang tayo sa Memoire."
"P-paano kung," napatingin kami kay Ruri na biglang nagsalita. "P-paano kung... may pinagawa ang Memoire sa atin na hindi natin gustong gawin?"
Nagkatinginan kami sa sinabi ni Ruri, ngayon lang nabuksan ang ganitong usapan sa loob ng halos isang taong paninilbihan namin sa organisasyong ito.
"Ang pessimist mo talaga kahit kailan, Ruri," nasaktan si Ruri sa sinabi ni Annie at base sa boses nito ay mukang nasindak din siya sa narinig. Tumayo si Ruri at dali-daling umalis, tinawag ko siya pero hindi niya 'ko binigyan ng pansin.
"Annie hindi mo naman kailangang sabihan si Ruri ng ganon," nagulat ako kay Rare dahil iyon din sana ang sasabihin ko.
"Huwag mong sabihing natatakot ka rin, Rare?" sarkastikong pahayag ni Annie pabalik. Biglang may namuong tensyon sa paligid.
"Bakit may 'rin'? So inaamin mo na natatakot ka," hindi na maganda ang tono ng pananalita ni Rare. "Para sa kaalaman mo hindi ako natatakot at handa akong paglingkuran ang Memoire kahit anong mangyari. Hindi ako kasing hina katulad ng iniisip mo, at kung naduduwag man kayo sa mga mangyayari sa hinaharap, ngayon pa lang pag-isipan niyo ng mabuti kung bakit kayo pumirma sa kasunduan sa Memoire."
"Rare!" biglang tumayo si Annie at kinuwelyuhan ito, naglabas ng apoy si Rare sa kanang kamay.
"Tama na yan!" saway ko sa kanila. "Huwag kayong mag-away dahil walang magandang maidudulot yan sa grupo natin." Bumitaw si Annie, tumayo si Rare at umakyat na sa kanyang silid.
Matagal na namayani ang katahimikan. Mayamaya pa'y umalis na rin si Annie para matulog at sumunod si Kero. Naiwan kaming dalawa ni Isagani sa common room.
"Natatakot ka rin ba?" biglang tanong niya at hindi ako nakasagot kaagad. "Natatakot ka ba sa walang kasiguraduhang hinaharap?"
"Hindi sigurado. Ayokong isipin," umiling ako. Tumayo siya at umupo sa aking tabi. "Sa totoo lang..."
"Ano?" tumingin muna ako ng direkta sa kanyang mga mata bago ako sumagot.
"Memo asked me to join him to conquer the universe."
Napatingin si Isagani sa kawalan at ilang segundong hindi sumagot.
"Sounds like a marriage proposal to me," Sabi niya at hindi ko mapigilang matawa. Iyon talaga ang nasa isip niya? Dahil hindi naman talaga ganoon ang kahulugan ni Memo sa akin kanina. "Anong nakakatawa?"
Huminto ako sa pagtawa.
"Iyon talaga ang naisip mo?" hindi makapaniwalang sabi ko.
"Ano'ng sinagot mo sa kanya?"
Umiling ako.
"Bakit?"
"Bakit? Dahil ayaw ko lang."
"Talaga," biglang kumabog yung dibdib ko nang mas dumikit siya sa'kin. "Sino bang gusto mo?" tinulak ko siya dahil ang lapit ng mukha niya sa'kin at tinawanan niya ko.
"Isagani, pinaglalaruan mo ba ko?" mataray kong sabi sa kanya.
Tumigil siya sa pagtawa at tumingin ng diretso sa'kin.
"I'm going to be honest with you," he leaned closer again. "Handa akong magparaya kay Memo dahil alam kong gusto ka niya, pero ngayong alam ko na tinanggihan mo siya hindi ko na palalagpasin ang pagkakataong ito."
"Ano bang pinagsasasabi mo?" natatawa kong sabi dahil may malisya talaga ang iniisip niya tungkol sa'min ni Memo. Subalit napawi ang ngiti ko nang makita kung gaano siya kaseryoso. Hinawakan niya ang aking kaliwang kamay at buong puso na nagsalita.
"Hindi ko alam kung kailan nagsimula, pero mahal kita, Sigrid Ibarra."
Tumitig lang ako sa kanyang mga mata habang hinihintay niya ang aking pagsagot.
"Isagani, nakikita mo ang hinaharap," sabi ko sa kanya. "Alam mo ba kung ano'ng mga mangyayari?"
Umiling siya at sinabing, "Ayokong sirain ang mga nakakdang pangyayari kaya hindi ko tinitingnan ang hinaharap."
Hindi ko mapigilang hawakan ang kanyang pisngi. Kung talagang nakatadhana ang lahat ng bagay, kung ito na ba talaga ang oras para sumugal kahit walang kasiguraduhan, hindi ko na mapipigilan ang damdamin ko.
"Sa tuwing nakikita kita, bumibilis ang pintig ng puso ko. Hindi ko rin alam kung bakit at kailan, bakit ikaw pa ang pinili ng puso ko. Mahal din kita, Isagani."
Hinilig ko ang aking ulo ako sa kanyang balikat habang magkahawak ang aming kamay. Walang kasiguraduhan ang hinaharap pero sinasabi ng puso ko na tama ang naging desisyon ko na mahalin siya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro