/18/ The Zealot's Lure
"ANONG sabi mo? Nalulugi na ang Atlas?!" hindi mapigilang mapatayo sa kinauupuan at mapabulalas ni Annie nang sabihin ni Rare ang balita sa aming lahat.
Nakita ko sa bintana na palubog na ang araw at kasalukuyan kaming nasa training room. Nakasandal si Isagani sa pader malapit sa bintana, nakaupo ako sa upuan katabi ni Ruri, sa kabila ko si Kero na katabi si Annie at nakatayo naman sa gitna si Rare habang nakahalukipkip.
"Huwag ka ngang sumigaw," hinilot ni Rare ang sentido gamit ang hintuturo, pumunta siya sa may bintana para sumilip at muli siyang nagsalita. "Narinig niyo naman siguro ang sinabi ko, hindi ba? Kumakalat ang balita sa buong campus dahil may isang senior sa college namin ang nakarinig nito mula sa meeting ng faculty."
"A-ano namang ibig sabihin kung nalulugi na ang Atlas?" nababahalang tanong ni Ruri.
"Edi ano pa ba, magsasara ang eskwelahan na 'to." Sagot ni Annie kay Ruri at muling umupo.
"Base sa narinig ko, kumukonti ang estudyante kaya hindi rin siguro malabo na malugi nga at magsara ang Atlas," sabi ni Rare at nagpalakad-lakad. "Hindi na rin nasusuportahan ng maayos ang facilities at kumukonti ang financial budget ayon sa board."
Saglit na walang kumibo.
"Sa palagay ko," biglang nagsalita si Isagani at lumapit sa kinaroroonan namin. "May ibang pinaglalaanan si Tito Oryo ng pera, hindi para sa Atlas kundi para sa—"
"Memoire." Ako ang nagtuloy sa sasabihin niya. Nagkatinginan kami saglit at ako ang naunang umiwas.
Muli na namang namayani ang katahimikan sa silid. Isang linggo na ang nakalilipas magmula nang mangyari ang insidente kung saan ipinadakip kami mismo ni Memo at inanunsyo sa amin na nagtayo sila ng organisasyong tinatawag na 'Memoire', ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw ang lahat para sa aming anim. Kung bakit at para saan ito ay walang nakakaalam—sa ngayon.
"Kung inilalaan ni Tiyo Oryo ang pera sa Memoire, bakit?" tanong ni Isagani sa'min. "Para saan ba talaga ang Memoire?"
Umiling sila Annie.
"Naalala niyo pa ba si Dr.Morie?" ako naman ang nagtanong sa kanila at tumango sila. "Hindi ba't sinabi niya sa atin noon na interesado siyang pag-aralan ang mga katulad natin, katulad nating may mga espesyal na kapangyarihan."
Nakatingin lang sila sa akin habang hinihintay ang susunod kong sasabihin.
"Hindi kaya't ang dahilan ng pagkakabuo ng Memoire ay para sa katulad natin?"
"Anong ibig mong sabihin, Sigrid?" tanong ni Kero.
"Hindi kaya't ang pakay nila ay makahanap pa ng mas maraming katulad natin para mapag-aralan at—"
"Magamit." Pinutol ni Annie ang sasabihin ko. Napatingin kaming lahat sa kanya habang siya naman ay nakatingin lang sa kawalan.
"A-Annie." Si Ruri.
"Bakit? Nagsasabi lang ako ng totoo. Hindi ba't iyon naman talaga ang papel natin dito?" humalukipkip si Annie at dumekwatro. "Binibigyan tayo ng marangyang pamumuhay ngunit mayroong kapalit. Kailangan nating pagsilbihan ang taong nagbibigay sa'tin ng luho."
"Na walang iba kundi si Tiyo Oryo," sinundan iyon ni Kero. "Pero hindi ko pa rin maintindihan, bakit kailangan pa nilang gumawa ng Memoire kung iyon lang din naman ang dahilan? Nagrerecruit si Memo ng members tapos palagi tayong may misyon, anong kaibahan bukod sa nadagdag sa eksena ang Dr. Morie na yon?"
"Tama si Kero," pag sang-ayon ni Rare. "Kaya sa tingin ko ay mayroon talagang mas malawak na dahilan kung bakit nila nilikha ang Memoire." Iyon din ang sa tingin ko.
"Katulad ng ano?" tanong ni Ruri ngunit tiningnan lamang siya ni Rare.
"To conquer." Napapitlag kaming anim at sabay-sabay na napatingin sa pinanggalingan ng boses.
"M-Memo." Napaatras si Rare.
Humakbang papasok sa loob ng silid si Memo habang nakapamulsa. Itim na pormal ang kanyang kasuotan, mukhang nanggaling siya sa isang mahalagang pagtitipon. Tumahimik kaming anim at tila nailang sa biglaan niyang pagdating. Dumilim na sa labas ng bintana hudyat ng paglubog ng araw.
"Lahat ng mga sinabi ninyo kanina ay tama," seryosong pahayag nito. "Soon, this university will close but do not worry because your futures are in good hands."
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya.
"Pack your things, we're moving out," napamaang sila Kero pero nanatiling seryoso si Memo. "Now."
Wala nang umangal at walang nagtanong, kaagad tumayo sila Ruri, wala rin akong nagawa kundi sumunod sa kanila at bumalik kaming lahat sa dorm.
Iniligay ko sa maleta lahat ng aking mga gamit, pagbaba ko ng sala ay nandoon na rin sila. Sabay-sabay kaming bumaba at sa labas pa lang ng College of Chemistry ay nag-aabang na ang sasakyan.
Nang makasakay kami sa loob ay kaagad na umandar ang sasakyan, nasa unahan si Memo. Magsasalita pa lang ako ngunit naunahan ako ni Ruri.
"M-Memo," tawag niya. Tumingin si Memo sa rearview mirror. "P-pwedeng ipaliwanag mo sa'min kung anong nangyayari?" tila nanginginig pa ang kanyang boses.
"Ipapaliwanag ko kapag nakarating na tayo roon." malamig na sagot ni Memo at wala nang nagsalita pa.
"Sigrid."
Minulat ko ang aking mga mata nang maramdaman ko ang marahang pagtapik sa aking balikat, bumungad ang mukha ni Ruri.Tumingin ako sa paligid.
"Nasaan na tayo?" tanong ko sa kanya ngunit hindi siya sumagot. Narinig ko ang paghikab ni Kero, mukhang kakagising lang din nila. Sa tagal ng byahe kanina ay hindi ko na namalayan na nakatulog ako, hindi ko rin alam kung ilang oras ang lumipas magmula nang nilisan namin ang Atlas University.
"We're here," nagsalita si Memo. "The staff will carry your things. Follow me." Pagkatapos ay lumabas na siya ng sasakyan at para kaming mga tuta na sumunod sa kanya.
Pagbaba namin ay tsaka namin napagtanto na narito kami ngayon sa lugar kung saan kami ipinadakip ni Memo, ang lugar kung saan namin nalaman na nagtayo sila ng organisasyong tinatawag na Memoire. Naunang naglakad si Memo habang naiwan kaming anim at nagkatinginan.
Habang naglalakad sa isang pasilyo ay biglang kumapit sa akin si Ruri, dama ko ang kanyang kaba. Naramdaman ko na hindi rin mapalagay sila Annie, Kero, at Rare. Kaming dalawa lang ni Isagani ang nananatiling kalmado.
Gusto kong malaman...kung anong iniisip mo. Isagani.
*****
"SERYOSO ka ba?!" halos dumagundong sa silid ang tinig ni Rare matapos ang anunsyo ni Memo. Nandito kami ngayon sa bagong common room. Memo said earlier that we will live here starting today at kung ikukumpara ito sa dati naming 'secret dorm' ay 'di hamak na mas makabago ang disenyo nito at mas malaki.
"Are you kidding me?" halatang nagtitimpi na si Rare pero pinagmasdan ko siya, parang may pumipigil sa kanya sa loob, dahil siguro mataas ang respeto niya kay Memo at ayaw niya itong magalit. "You already dropped us in college?"
"Yes." Walang kaamor-amor na sagot ni Memo.
"Teka, Memo," nagsalita na rin si Annie na katulad ni Rare ay lubhang nagulat. "Anong dahilan? Bakit kailangan naming magdrop ng college? Dahil ba magsasara na ang Atlas University? O dahil dito sa Memoire?"
"Both reasons are correct." Prenteng prente lang na nakaupo sa sofa si Memo habang hawak ang wine glass.
"Pero Memo... Paano... Paano kami? Paano yung pag-aaral namin?" si Ruri.
"Can't you see the big picture already? We are going to dedicate our lives here. I can tell that all of you are bothered because of your studies," kalmado pa ring sabi ni Memo at huminto siya saglit. "Education is not everything. There is more beyond than that for us. In the first place hindi ba't hindi naman talaga iyon ang dahilan kung bakit ko kayo kinuha sa Night Class?"
"How could you easily say that education is not everything?" naiinis na sabi ni Rare, "Hindi mo man lang ba inisip na malapit na kaming magtapos?"
"Rare, my goodness," natatawa si Memo. "We are beyond humans, and we are here in Memoire to use our gifts properly than memorizing the periodic table. Besides, Memoire has something to offer."
"Tama si Memo." Nagulat kami sa pag sang-ayon ni Kero. Tumayo pa siya at huminga muna ng malalim. "Guys, hindi niyo ba nakikita yung punto? Hindi naman porke hindi tayo nakapag-tapos ng pag-aaral hindi na tayo magkakaroon ng magandang kinabukasan. Alam kong baka iniisip niyo ngayon na madali sa'king sabihin 'to kasi tamad akong mag-aral, pero sa mga sinabi ni Memo naiintindihan ko na ngayon. Ipinanganak tayong may kakaibang talento at sabihin na nating hindi tayo maiintindihan ng mga normal na tao kaya naman mas nabigyan ako ng pag-asa ngayon na mamuhay kung saan magagamit ko ang kakayahang 'to."
Nagkatinginan kami nila Annie, Ruri, Rare, at Isagani. Si Kero naman ay pinagmasdan ang kanyang mga palad habang nagpatuloy sa pagsasalita.
"Noong nasa Atlas University tayo ay palagi kong itinatago sa labas kung ano talaga ko," tumingin siya muli sa'min at may ngiti sa kanyang mukha. "Hindi ba't mas maganda kung mamumuhay na tayo na walang itinatago? Mamumuhay na hindi natatakot na baka mahuli tayo at mahusgahan. Kung maibibigay ng Memoire ang tunay na kalayaan para sa katulad natin... sang-ayon ako kay Memo."
"Iyon din ang sa tingin ko," nagsalita na rin si Isagani. "We have to choose what's the best for us and I think ito ang pinakamabuti para sa ating lahat."
"That's good to hear," tumayo si Memo. "Makinig kayong mabuti sa sasabihin ko, ang mga katulad natin ay hindi basta-basta nahahanap sa mundong ito. I want you to think of this, we are the chosen ones and we are destined for a greater purpose. I want you to just go with it. You deserve more than a college education, that's I why I told you to be rest assured, hindi kayo pababayaan ng Memoire. Don't think of anything, don't worry about the future," tumingin siya kay Isagani. "You just got to trust and follow me. I need your help to attain our purpose." ngumiti siya at pagkatapos ay umalis na si Memo.
"Sandali," hinabol ko siya sa labas. "Memo." Lumingon naman siya nang tawagin ko ang kanyang pangalan, naglakad ako papalapit sa kinatatayuan niya.
"Yes?" he smiled at me.
"I'm worried about my family—"
"You still worry about your family who betrayed you?" may bakas ng pang-uuyam ang kanyang tinig at hindi ko 'yon nagustuhan.
"Pamilya ko pa rin sila at may karapatan silang malaman 'to."
"Gusto mo ba talagang maging manggagamot, Sigrid?" hindi ko napaghandaan ang tanong na 'yon.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko pero alam ng puso ko kung ano ba talagang gusto ko. Sila Papa lang naman talaga ang may gusto na kumuha ako ng medisina dahil matalino raw ako, pero sa totoo lang hindi naman talaga iyon ang gusto ko, hindi naman talaga iyon ang pangarap ko.
"I want to pursue music and art," matapat kong sagot. "Pero alam kong hindi ako papayagan ng magulang ko." noon pa man palagi na nilang sinasabi sa akin na libangan lang ang sining at musika kaya ipinilit nila sa akin na kailangan kong magkaroon ng titulo upang hindi raw masayang ang talino na mayroon ako.
"I see..."
"Alam ko ang gusto mong ipunto sa tinanong mo, Memo. Pero gusto kong sabihin na...gusto ko silang makita, gusto kong ipaalam sa kanila ang kasalukuyan kong kalagayan."
"Gusto mo silang makita?" tanong niya muli at napaisip ako.
Sariwa pa rin sa aking alaala kung anong ginawa nila sa akin, kung paano nila ako itinaboy at ipinasok sa loob ng mental institution. Napahinga ako ng malalim, hindi ko sigurado kung makakatulong ba ang presensya ko sa kanila kapag umuwi ako.
"K-kalimutan mo na lang ang sinabi ko."
Napangisi na lang si Memo at ako naman ay bumalik ako sa loob ng silid.
*****
"ALAM niyo ba kung bakit diyamante ang simbolo ng Memoire?" tanong sa amin ni Don Vittorio.
Narito kami ngayon sa isang conference room, nasa harapan naming anim ang kanya-kanyang sobre na may itim na selyo at panulat, mayroong logo ng Memoire sa ibabaw ng nito—isang itim na diamond na may puting letrang 'M' sa gitna nito.
"Diamond is unbreakable, it symbolizes wealth and power." Sagot ni Don Vittorio sa sarili niyang tanong.
Tahimik lang kaming anim, may espesyal daw na okasyon ngayong araw kung kaya't nakapormal kaming damit. Katabi ni Don Vittorio sa kanyang kanan si Memo, at si Dr. Richmond Morie ang nasa kanyang kaliwa, the three founders of Memoire.
"Nasa loob ng envelope na 'yan ang kontrata, maaari niyo nang buksan at basahin." Nakangiting saad ni Don Vittorio sa amin.
Binuksan namin ang sobre at binasa ang nakapaloob sa papel. Habang binabasa namin 'yon ay narinig naming nagsalita muli si Don Vittorio.
"Magkakaroon pa rin kayo ng mga 'special assignment' paminsan-minsan, pero sa pagkakataong ito ay kasama na rin sa magiging tungkulin niyo na tulungan si Dr. Morie sa kanyang pananaliksik, pag-aaralan niya kayo upang mas mahasa pa ang inyong mga kapangyarihan. At higit sa lahat ay tungkulin ninyong makahanap ng mga katulad ninyo na kung tawagin ay Peculiar." Akala namin ay tapos na siyang magsalita ngunit mayroon pa siyang hinabol.
"At bilang kapalit sa lahat ng iyon, maaari niyong isulat sa kontrata ang inyong mga kahilingan o kundisyon." Nagkatinginan kaming anim.
"Kahit ano?" si Annie na sinisiguro ang kanyang mga narinig. Tumango si Don Vittorio bilang pagsagot.
Nang mga sandaling ito'y hindi ko napigilan ang aking sarili. Nagsimula silang magsulat ng kanilang mga kundisyon. Napapikit ako saglit at hindi ko napigilang silipin sa kanilang mga isip kung anong kanilang nais.
Annie badly wants money, she has reasons, baon sa utang ang pamilya niya at nakaratay sa ospital ang kanyang ama. Rare want knowledge, gusto niyang magkaroon ng mataas na edukasyon. Kero wants luxurious things. While Ruri wants to be recognized, like her worth. And lastly, Isagani... he just wants to learn to control his power.
Tinitigan ko ang papel, nag-iisip ako ng isusulat.
I want to pursue music and art.
*****
"I."
"I." we repeated.
"State your name."
"Maria Sigrid Ibarra." Inusal namin ang sari sarili naming pangalan.
Mabilis ang mga pangyayari at heto nanunumpa na kami ng katapatan sa Memoire. Nakaharap kami sa kanilang tatlo, ang founders ng bagong organisasyong ito.
"In the presence of the Creator of the Universe and the three founders of this organization, Memoire, do solemnly swear that I shall give my utmost loyalty, that I shall serve with my best until the end, for lifetime I shall faithfully follow the rules of this order, and I shall never reveal its secrets even at the hazard of life. Together with my comrades, I shall cooperate in serving so that we can pursue our ultimate goal, to conquer the universe."
We are now officially part of Memoire. And as a sign of our treaty, we're tattooed in our wrists by Dr.Morie's staff—a small black diamond tattoo.
xxx
Zealot
"a person who has very strong opinions about something, and tries to make other people have them too:
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro