Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/17/ Three Men


"AYOS ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Ruri sa akin.

Napailing ako sa kanya at pilit na ngumiti, "Oo, okay lang ako," sgot ko. "Mabuti pa siguro kung umuwi na tayo sa dorm." Suhestiyon ko sa kanila.

"Sige." Sumang-ayon naman sila at lumabas kami ng diners. Naglalakad kami sa gilid ng kalsada at napansin ko na nawala na 'yong sasakyan na nakita ko kanina. Tahimik kaming lahat at walang nagsasalita, malamig ang simoy ng hangin tuwing madaling araw kung kaya't nakayakap ako sa sarili. Ilang metro na rin ang nalakad namin at malayu-layo pa ang sakayanng papunta sa Atlas University, wala ng masyadong dumadaan na sasakyan at mga tao dahil madaling araw na.

Maya-maya'y muntikan ng matumba si Isagani at tinawanan siya ni Rare na sumalo rito.

"Oy? Anong nangyari?" nag-alalang tanong ni Rare.

"Isagani?"

"Okay ka lang?"

"O-oo," kumabog bigla ang dibdib ko sa di malaman na dahilan. Napahinto kami sa gilid ng isang patay-sinding ilaw ng poste. Sinubukan ni Isagani na tumayo ng diretso pero muntikan na naman siyang matumba, inalalayan siya ni Kero at Rare.

"Anong nangyayari sa'yo?" tanong ni Ruri, bakas ang takot sa boses.

Sapo na ni Isagani ang ulo na para bang kumikirot.

"D-damn it." Usal nito, paulit-ulit. Lahat kami ay walang ideya kung anong nangyayari sa kanya at nagsimula kaming mabahala. Agad akong lumapit kay Isagani at sinubukan kong hawakan ang mukha niya pero pinalis niya ang kamay ko.

"Isagani! Huwag kang magbiro ng ganyan!" si Annie na hindi na rin maganda ang kutob sa nangyayari.

I tried to look into his mind but... everything's messed up. Pati ako biglang sumakit ang ulo sa nakita ko sa isip niya.

"S-sigrid?!" si Ruri na nagulat sa naging reaksyon ko, inalalayan niya ko. Napatingin sa'kin sila Annie, Kero at Rare.

Sinubukan ko ulit tingnan kung anong nasa isip ni Isagani, ngunit ganon pa rin. Parang naghahalu-halo 'yung visions niya, hindi ko alam kung bakit.

"This... is... what Memo warned me," narinig ko yung boses sa isip niya. "That's why we cannot easily change...the future."

"I-isagani," nag-aalalang tawag ko sa kanya. Subalit bigla akong may naramdaman. "G-guys. Tumakbo... na kayo."

"Hah?" si Rare. "Ano bang pinagsasabi mo, Sigrid?"

Sa isang iglap ay may mga itim na sasakyan ang pumalibot sa aming anim at lumabas ang ilang kalalakihan. Pamilyar silang lahat dahil nakita ko sila kanina! Mabilis ang mga pangyayari, bago pa makaatake si Annie ay na-spray-an siya ng kung ano at biglang nawalan ng malay. May tumakip sa aking mukha at bigla akong nahilo...

Tila bumagal ang buong paligid kada pagkurap ng aking mga mata, nakita ko sila na nawalan din ng mga malay.

*****

"SIGRID, gising."

"Umm..." dinilat ko ang aking mga mata at bumungad sa'kin ang mukha ni Ruri. "R-ruri? Anong nangyari?" sunud-sunod siyang umiling, napagtanto ko na nakahiga ako sa sahig at tinulungan niya 'kong tumayo. Medyo nasilaw pa ako dahil sa liwanag ng paligid. Nasaan kami? Ang huling natatandaan ko ay na-ambush kami kanina.

Kagaya ko ay kakabangon lang din nila Rare, Isagani, Annie, at Kero. Maging sila ay walang ideya kung anong nangyayari, tuliro at nangangamba. Walang ibang makikita kundi puting mga pader at puting kisame. Maya-maya'y biglang bumukas ang pinto at niluwa mula roon ang dalawang nilalang na nakasuot ng white coat at lab mask.

"Come with us," kalmado nilang utos. Nagkatinginan lang kami at walang nagawa kundi sumunod sa kanila. Paglabas ay nilakad namin ang hallway na tila walang katapusan, puti rin ang kulay ng pader at kisame. Sinubukan kong basahin yung isip ng dalawang sumundo sa'min.

"So, they are peculiars," Peculiars? Ganiyan din ang narinig ko kanina.

"Dr. Morie is waiting for us," nang marinig ko 'yon ay napahinto ako at nagtaka silang lahat.

"Sigrid?" nakatingin silang lahat sa'kin at hindi maitago sa itsura ko ang pagkagulat. Umiling ako at naglakad muli.

Hindi ako nagkamali ng narinig. Pero bakit ako kinakabahan? Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko na namalayan na nandito kami sa harapan ng isang silid. Pagpasok naming lahat ay bumungad sa'min ang isang opisina, hindi na kulay puti ang disenyo, kundi isang lumang istilo ng Western design.

Nakatalikod ang swivel chair, at nang lumabas ang dalawang sumundo sa amin ay unti-unti itong umikot paharap sa amin.

"Welcome to Research Center for Paranormal Abilities," nakangiting bati ng nilalang. Itinago kong magulat sapagkat siya ang lalaki kanina sa labas ng diners, tama nga ang hinala ko. Isang lalaki na naka-formal suit, may maliit na bilog na salamin at balbas sarado, bakas ang puti nitong buhok ang katandaan. "Ipagpatawad niyo kung sapilitan namin kayong dinala rito. I am Dr. Richmond Morie, ang founder ng RCPA."

M-morie? Anong relasyon niya kay Richard?

"Anong kailangan niyo sa'min?" seryosong tanong ni Rare habang nakapamulsa. "We can sue you for this."

Natawa lamang ito at naglakad palapit sa kinaroroonan namin, "I've been investigating about you, and I am one hundred percent sure that you are Peculiar."

"Peculiar?" si Annie. "Wala kaming alam sa mga sinasabi mo."

"Melchor taught you well," sa pagkakataong ito ay natigilan kaming lahat sa sinabi niya. "Matagal-tagal niya rin kayong itinago from society, and Vittorio also spoiled you for a long time," bumaling si Dr. Richmond kay Annie. "Natalo mo kanina ang tauhan ko Annie. I guess, artificial strength is really no match against your natural gift."

"Quit this shit already," nagsalita na si Isagani at galit siya. "Nagkamali kayo ng mga taong kinuha, we don't know what you're talking about."

Ngunit napangisi lamang si Dr.Richmond Morie, "Isagani, the boy who can see the future," napaatras si Isagani nang marinig 'yon. Paano nalaman nito?

"Kerubin, the boy who can move things. Analeah, the girl with super strength. Raymond, the boy who can make fire. Rufina, the girl who can disappear," At huling humarap sa akin si Dr.Richmond Morie. "And the newcomer, Maria Sigrid Ibarra, the girl who can read minds... just like Melchor."

Namayani ang katahimikan sa buong silid, senyales na hindi namin alam kung paano makakalusot. Alam ni Dr.Richmond ang sikreto naming lahat at wala kaming magawa laban sa kanya kahit pa na may mga kapangyarihan kami.

"Matagal-tagal ko ring sinubaybayan ang grupo niyo. At ngayon lang ako nakakuha ng pagkakataon para makausap kayo ng ganito, Melchor is very particular in imprisoning you," Imprisoning? "But be rest assured, I am not your enemy. As a matter of fac, Vittorio and I are good friends." Nagpalakad-lakad siya habang nakalagay ang mga kamay sa likuran.

"Good friends?" si Kero.

"It's almost fifty years ago when J.B.Rhine, the father of Parapsychology, discovered Extra Sensory Perception. I based my research on his studies, pinag-aaralan ko ang mga katulad niyo, and I call your kind, Peculiar, a person with unique ability or characteristics. As of the moment, kakaunti pa lamang ang nahahanap kong mga bata na kinakitaan ng kakaibang abilidad. Pero ngayon pa lang ako naka-encounter ng fully grown up na katulad niyo na may hinog na abilities. Kaya naman I'm willing to help you to grow—"

"Wala kaming pake!" Galit na sabi ni Kero at nagsilutangan ang mga gamit sa loob ng opisnina ni Richmond Morie. Ngunit imbis na matakot ay tila namangha pa ito.

"Impressive." Naramdaman kong may humawak ng kamay ko at humila, lumabas kaming lahat ng silid at tumatakbo kami ngayon sa hallway para makatakas.

"Guys, let's hold hands para maging invisible rin kayo!" sinunod namin si Ruri at nagsimula kaming maglaho dahil sa kapangyarihan niya. Ngunit para kaming nasa isang maze dahil sa tila walang katapusang hallway na tinatakbo namin. Lumipas ang sampung minuto ngunit nagpabalik-balik kami sa iisang lugar.

Hingal na hingal si Ruri, nauubos ang enerhiya niya sa ginagawa niya sa'min. Maya-maya'y bumitaw siya at natanggal ang invisibility naming anim.

"Tama na,Ruri, hindi mo na kaya." Sabi ko habang inaalalayan siyang tumayo.

"Ruri, ipapasan kita," saad ni Isagani at ipinasan si Ruri.

"Ayun!" napalingon kami at nakita kami ng security. Wala kaming ibang nagawa kundi ang tumakbo na naman.

Naglabas ng apoy si Rare sa dalawang kamay at inihagis ang nilikhang bola sa mga humahabol sa likuran namin. May mga sasalubong sa amin mula sa harapan pero kaagad itong pinalipad ni Kero sa ere hanggang sa makadaan kami.

"Hindi tayo makakaalis dito hangga't hindi natin nalalaman yung tamang daan." Sabi ko sa kanila.

"Paano?!" tanong ni Annie.

"Kailangan kong basahin ang isip ng isa sa kanila." Sagot ko. May mga humahabol pa rin sa likuran namin at si Rare ang umaasikaso laban sa mga 'to. Habang nasa harapan sila Annie at Kero. Nasa gitna kami ni Isagani na pasan si Ruri.

"Ganito," si Kero. "Tiyak kong may aatake maya-maya sa harapan, magtitira ako ng isa, susunggaban ni Annie tapos ikaw ng bahala Sigrid!" tumango ako. Maya-maya nga'y may mga lulusob na security mula sa harapan namin, at katulad ng sinabi ni Kero ay ginamit niya ang kapangyarihan niya ngunit may tinira siyang isa, bago pa ito makabaril ay napigilan ito ni Annie. Kaagad kong hinawakan yung sentido nito atnakita ang tamang pattern ng lugar na 'to.

"Okay na ba, Sigrid?!" sigaw na tanong ni Annie, tumango lang ako atsaka niya binalibag sa gilid yung lalaki at tumakbo kaming muli. Gamit ang nakita kong mapa sa isip ng lalaki kanina ay tinuro ko ang mga tamang liko na dapat naming likuan.

Ayon pa sa nakita ko ay may dalawang elevator na pwede naming gamitin para makapunta kami sa ground level, but the elevator won't do, maraming bantay sa area na 'yon kung kaya't wala kaming pagpipilian kundi dumaan sa fire exit stairs.

Matagumpay naming narating ang ground level at tumambad sa amin ang isang malaking bodega, natanaw namin yung malaking gate na nakabukas. Mas lalo naming binilisan ang pagtakbo.

Malapit na malapit na kami nang sabay-sabay kaming huminto sa nakita namin sa entrada.

"M-memo!" sigaw ni Rare na may bakas na kasiyahan. Nakatayo sa entrada si Memo naglakad siya papunta sa kinaroroonan namin, nang medyo makalapit ay muli siyang huminto habang nakapamulsa. Hindi mababasa kung anong nasa itsura niya, hindi galit, hindi rin masaya, tanging blangko lamang, at lalong hindi ko rin mabasa kung anong nasa isip niya.

"Memo! Nandito ka ba para iligtas kami?!" si Kero na tila mangiyak-ngiyak.

Iyon ang iniisip nilang lahat, pero iba ang kutob ko. Napatingin ako kay Isagani alam niya siguro na mangyayari 'to pero ayaw niyang ipaalam sa akin o sa kanila.

"Mabuti dumating ka na, Melchor." Napatingin kami sa likuran kung saan kakasunod lang sa amin ni Dr.Richmond Morie. Muli kaming napatingin kay Memo na wala pa ring bakas ng kahit anong emosyon. "Why don't you tell them the pact?"

The pact?

"Oo nga pala, to correct the misunderstanding, si Melchor ang pwersang nagdala sa inyo rito." Ano? Si Memo ang nagpakidnap samin dito?

"Gusto kong malaman niyo," sawakas ay nagsalita si Memo, "na si Don Vittorio ang nagmamay-ari ng malaking facility na 'to. He asked Dr. Morie to move his research facility here."

"Teka lang, Memo, hindi ka namin maintindihan." Nagsalita na rin si Isagani.

"What Memo is trying to say," may isa pang dumating, at mula sa likuran ni Memo ay nakita namin si Don Vittorio, tumabi sa kanila si Dr. Richmond.

Naguguluhan kaming habang silang tatlo ay kampante lang na nakatingin sa amin.

"We are going to build an organization." Wika ni Don Vittorio na sinundan ni Memo.

"An organization called, MEMOIRE."

And then I remembered Andrea's vision, there are a three men's shadow and a black diamond. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro