/15/ Friday Night
"ANONG ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya. "Anong mangyayari kay Annie?" ulit ko ngunit hindi kaagad kumibo si Isagani, medyo napaatras siya at tumingin sa sahig, iniisip kung paano niya sasabihin.
I don't know why but my hands automatically raised, dahan-dahan iyong dumampi sa sentido ni Isagani. Nag-angat siya ng tingin at medyo gulat na napatingin sa akin.
"What are you—"
"Let me see." And then he lets me, hinawakan ko ang sentido niya. I saw his visions about the future, it's too fast, and I saw Annie being kidnapped by three men. And that's it. "Kailan 'to nakatakdang mangyari?" tanong ko sa kanya matapos ko siyang bitiwan.
"Hindi ko alam," napatingin na naman siya sahig. "Nang titigan ko saglit ang mga mata ni Annie kanina iyon lang ang nakita ko."
"Nakikita mo ang hinaharap sa mga mata ng tao?"
"I don't know, I'm not sure, sometimes may mga visions na lang akong nakikita na mangyayari sa hinaharap."
"We have no choice but to tell her—"
"No, wait, stop," pigil niya sa'kin at kumunot ang aking noo. "You can't tell anyone."
"Bakit?"
"That's the dangerous thing about seeing the future, Sigrid."
"What? Hindi kita maintindihan, may mangyayaring hindi maganda kay Annie." Nag-aalalang saad ko.
"You cannot change the future just like that," nakita ko ang kakaibang takot sa kanyang mga mata, ngayon ko lang nakita ng ganito si Isagani and it...scares me. "Sinabi sa akin ni Memo na kapag may iniba ako sa mga pangyayari sa hinaharap, something's gonna happen, we cannot alter the things that were supposed to be."
May naalala ako bigla, naalala ko na naman si Andrea.
"Naiintindihan mo ba 'ko, Sigrid?" sabi niya na tila nangingiusap, binitawan niya na ako ngunit hindi na ako umalis sa aking kinatatayuan.
"What are we supposed to do? Just let that happen?" I said with disbelief. Napahinga ng malalim si Isagani.
"Of course we're going to do something but... we just can't tell them," wika niya at napabuntong hininga na lang din ako kahit na hindi ko pa rin makuha ang pinakapinupunto niya. "Saan ka pupunta?"
Hindi ko na siya pinansin pa at nilisan ko ang lugar na 'yon. I'm looking for Kero, marami-rami yung tao sa party kaya nahihirapan ako. Maya-maya ay nakita ko siyang naglalakad, kaagad akong lumapit sa kanya.
"Kero—" pero parang hindi niya 'ko nakita, kanina lang ay masigla siya pero ngayon ay tila pinagsakluban siya ng langit at lupa. Paglingon ko ay nakita ko si Annie sa veranda.
She's kissing another guy.
*****
"HERE, inumin mo 'to." Pagkasabi'y inabot ko kay Rare ang gamot.
"Thanks," ani Rare nang kuhanin ang gamot mula sa aking kamay, umupo na ulit ako pagkatapos. "My head hurts like hell.
"Ang dami mo kasing ininom sa party kaya ayan." Sisi pa sa kanya ni Annie sabay inom.
"I don't like your logic, Lunes na ngayon." sagot naman ni Rare. Mabilis na umikot ang oras, Lunes na naman ngayon at sabay-sabay ulit kaming nag-aagahan sa kumedor. Maagang umalis si Memo atsaka ko naalala na isang linggo pala siyang mawawala magmula ngayong araw.
"Nasaan si Kero?" tanong ni Ruri.
"Alam mo namang nuknukan ng tamad 'yung tao na 'yon," si Annie ang sumagot kay Ruri. Speaking of Keri, mukhang hindi niya nagawang sabihin noong gabing 'yon ang gusto niyang sabihin kay Annie and she had no idea kung gaano nasaktan si Kero sa nakita niya.
"Masama 'ata pakiramdam," sabi naman ni Rare. "Kinatok ko siya kanina sa kwarto niya sabi niya hindi raw siya papasok ngayong araw."
"See?" si Annie. "Porque wala si Memo ang lakas ng loob niyang magcutting ng isang araw."
"Hindi naman siguro." Biglang sumabat si Ruri at sinamaan siya ng tingin ni Annie. Mukhang aware din si Ruri sa kung anong nararamdaman ni Kero dahil mas matagal na silang magkakasama rito.
"Mukha nga," mukhang si Rare ay aware din sa nararamdaman ni Kero. "Parang nasawi sa pag-ibig." Tama nga ang hinala ko na si Annie lang ang walang kamalay-malay.
"Pag-ibig?" muntik ng mabuga ni Annie yung iniinom niya. "Meron bang ganun?" natatawang wika niya. Tahimik kaming lahat na nakatingin sa kanya habang siya ay tumatawa pa rin, nang mapagtanto niya na siya lang ang tumatawa, tumigil siya, "Oh? Bakit ganyan kayo makatingin?" mataray niyang turan.
"You don't know how to love, aren't you?" Rare said with a boyish grin. Napatikhim si Isagani dahil sa katahimikan na namayani, dahil wala si Memo siya ang tila naging leader naming lahat ngayon. Pabagsak na nilapag ni Annie ang baso at medyo tumalsik 'yung gatas, napasandal siya sa upuan at humalukipkip. Nakaramdam kami ng tensyon sa pagitan nila ni Rare.
"Bakit? Ikaw ba marunong non?" pabalik na tanong ni Annie. Sumandal din si Rare at humalukipkip katulad ng kay Annie.
"Oo." mas lalong lumapad ang ngisi niya at mas nang-aasar,
"Guys tama na." sinubukan ni Ruri umawat pero walang nakinig.
"Ikaw lang naman ang hindi." Sa huling sinabi ni Rare napikon si Annie, tumayo siya at dumukwang para kuwelyuhan si Rare na naglabas agad ng apoy sa kamao.
"Itigil niyo na 'yan," Maotoridad na utos ni Isagani. "Annie, Rare, baka nakakalimutan niyo kung nasaan kayo ngayon."
Binitiwan ni Annie si Rare at mabilis itong umalis sa kumedor. Narinig namin ang malakas na pagbagsak ng pinto, lumabas na siya ng dorm.
Umupo si Rare at inayos ang damit, "Honestly, medyo natakot ako," wika ni Rare at tinawanan siya ni Isagani at Ruri, medyo natawa rin ako sa itsura niya. "Her fist will surely ruin my face." Kinapa niya pa yung pisngi niya at inimahe kung anong maaaring mangyari kung nasuntok siya ng kamao ni Annie.
"You owe me one." Si Isagani.
"Thanks. You saved my handsome face." Hindi ko na napigilan at nakitawa na rin ako sa kanila.
"So you had a girl huh, Rare." Tukso sa kanya ni Isagani.
"Wala ka na ron." Tumayo si Rare at nagpaalam sa'min, sumabay sa kanya si Ruri paalis papunta sa mga klase nila. Naiwan kami ni Isagani at muling namayani ang katahimikan. Niligpit ko yung mga pinagkainan namin at tinulungan niya 'ko.
"Sigrid." Napahinto ako nang tawagin niya 'ko.
"What?"
"Promise me you won't tell anyone." Tinutukoy niya ang mga pangyayari sa hinaharap na may kinalaman kay Annie. Hindi kaagad ako nakasagot. "Please—"
"Hindi ako nangangako Isagani dahil hindi ko pa rin maintindihan kung anong ipinupunto mo." Tinalikuran ko siya at pinagpatuloy ko yung ginagawa ko.
"Sigrid, naipaliwanag ko na sa'yo 'to noong Sabado. Alam mo kung anong—" hinarap ko siya at galit akong tumuran.
"May mangyayaring hindi maganda kay Annie, ni hindi ka man lang ba nababahala, Isagani?"
Napahilamos siya ng mukha, "God, Sigrid! You don't how hard—"
"May mangyayaring masama kay Annie?" sabay kaming napatingin ni Isagani sa pinanggalingan ng boses. Nakita na lang namin pareho na nakatayo si Kero sa entrada ng kumedor.
"K-kero?"
"Anong mangyayari sa kanya?" dahan-dahan siyang lumapit sa'min, pareho kaming natameme ni Isagani. "You better tell me, or else." Napapitlag kami ni Isagani dahil naglutangan ang mga plato at baso sa mesa, pinagbabantaan niya ba kami?
"Kero, stop it," saway ko. "We'll tell you."
Sumunod siya sa utos ko at nagkatinginan kami ni Isagani. Wala kaming nagawa pareho kundi sabihin kay Kero.
*****
ILANG araw na ring hindi nagpapansinan si Annie at Rare matapos mangyari ang insidente noong Lunes. Kapansin-pansin pa rin ang pagiging matamlay at tahimik ni Kero, tatlong araw din siyang hindi lumabas ng dorm. Matapos naming sabihin sa kanya ni Isagani ang mangyayari ay hindi siya kumibo, pero inutusan ako ni Isagani na bantayang maigi si Kero sa kung anong iniisip nito at sa kabutihang palad ay wala naman siyang binabalak na kakaiba sa ngayon.
Biyernes na ngayon, limang araw na ring wala si Memo at masasabi kong malaking bagay na wala ang presensya niya rito. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya kapag nalaman niya kung anong nangyari o... alam niya nga kaya kung anong nangyayari?
As usual pagkatapos naming kumain ng dinner ay nagkanya-kanya kami ng mundo sa common room. And then here's Annie, paalis na naman siya katulad ng lagi niyang ginagawa tuwing Biyernes. Nagkatinginan kami ni Isagani na nakasandal malapit sa bintana habang naninigarilyo at inginuso niya si Kero.
Nang sumapit ang alas nueve ay nagkanya-kanya na kaming akyat sa mga silid namin. Umupo lang ako sa gilid ng kama habang nakatitig sa wall clock. While waiting I closed my eyes and tried to relax my mind. We're going to sneak out later.
*****
I don't know how much time passed. I opened my eyes and I looked at the clock. Dalawang oras ang lumipas. It's time. Tumayo ako at pumunta sa dresser para mag-ayos.
Lumabas ako ng silid. Patay na ang mga ilaw at wala ka ng halos makikita. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdanan.
"Where do you think you're going?" sabi ko nang maramdaman ang presensya niya. "Kero?" pumunta ko sa bukasan ng ilaw at pinindot ko yung switch dahilan para magliwanag ang buong paligid. Nakita ko siya na nakatayo sa pintuan at akmang lalabas ng dorm. Lumingon siya sa'kin.
"I assumed that you knew already, Sigrid." sagot nito. "Hahanapin ko si Annie."
"At sa tingin mo hahayaan kitang mag-isa?"
"Ha?"
"Hindi ka aalis," biglang may nagsalita pa, si Isagani nasa itaas. "Hindi ka aalis ng wala kami." Sabi nito habang bumababa. Narinig naming may bumukas na pinto at nakita naming dumungaw sa taas sila Rare at Ruri.
"Anong nangyayari?" mukhang hindi pa rin sila nakatulog ng malalim kaya madali silang nagising.
"We're all going." Sabi ko kahit na hindi pa alam nila Rare at Ruri ang nangyayari.
*****
WE'RE walking in the middle of the night. Base sa nakita ko sa isip ni Annie noon kung saan siya pumupunta, sa isang gym sa distrito sa siyudad, pamilyar ako sa establishment kaya kaagad naming narating ang gusali, thanks to my photographic memory.
"Nandito na tayo," saad ko.
Nakatingala kami sa karatula sa itaas ng gusali, 'Go Gym' ang pangalan nito. Patay na ang mga ilaw at sarado n.
"What? Dito siya pumupunta?" sabi ni Rare. "Sarado na oh."
"Ano naman kaya ang ginagawa ni Annie sa ganitong lugar?" nag-aalalang tanong ni Ruri.
"Are you sure na rito siya pumupunta?" tanong sa'kin ni Isagani.
"Yes," hindi ako nagkakamali. I can remember things easily.
"May kailangan kayo?" nagulat kaming lahat nang sumulpot ang isang security guard, mataba ito at maitim. "Anong ginagawa niyo rito?" kaagad lumapit si Kero sa mama.
"May hinahanap ho kaming tao, baka pwede niyo kaming matulungan, may larawan ako," nagkatinginan kami at inilabas ni Kero yung wallet niya para ipinakita sa security guard 'yung picture ni Annie. "Nakikita niyo ho ba siya rito?"
Naningkit ang mata nung guard at inilapit pa ang larawan sa mukha. "Kamuka ni Batumbakal 'to ah." Pagkarinig namin ay lumapit din kaming apat sa kanila.
"Siya nga! Siya nga 'yon!" maligalig na saad ni Kero. "Nasaan siya?!"
"Pasensya na kayo mga iho at iha, gabi na, umuwi na kayo," ibinalik nito ang larawan kay Kero at akmang aalis pero humarang si Isagani. "A-aba, anong—" inakbayan ito ni Isagani ng mahigpit at sumenyas sa'kin. Pumapalag ito pero pumunta sa kabila si Rare para di makaalis yung mama.
"Sigrid, do it."
At binasa ko ang isipan ng mama.
*****
MADALING araw na.
Narating namin ang isang abandonadong gusali hindi kalayuan sa Go Gym. At base sa nakita ko sa isip ng security guard kanina, nandito si Annie. Pumasok kami sa loob at wala kaming nakita na kahit ano, pero alam namin kung saan dito 'yung entrance papunta sa basement.
Pagkababa namin ng basement ay may hagdanan ulit pababa papuntang underground tunnel. Dinig na dinig sa buong paligid yung mga yabag namin at sa dulo ay matatanaw ang isang liwanag.
"Guys, may bantay," babala ni Rare. "Are we going to start a ruckus here? Memo will kill us if we show off our powers."
"Don't worry," napatingin kami kay Ruri. "I have an idea."
"Ano 'yon Ruri?" tanong ni Isagani.
"Maghawak kamay tayong lahat."
"Seriously? Para saan" si Rare.
"Sumunod na lang kayo,please," pakiusap ni Ruri, I can see determination in her eyes, it's like she's saying na we should trust her this time.
"Guys," tumingin ako sa kanila at ako ang unang humawak sa kamay ni Ruri. "Let's trust her." Wala silang nagawa at naghawak kamay kaming lima.
"What now ha?" si Rare ulit.
"Utang na loob Rare," tila napipikon na sabi ni Kero. "Manahimik ka na lang muna!"
"Calm down," saway ko at bumaling ako kay Ruri. "And then what's next Ruri?" maayos kong tanong. Hindi siya sumagot at huminga lang siya ng malalim, pumikit siya pagkatapos. Maya-maya'y unti-unti siyang naglaho... at dahil magkakahawak kamay kami ay pati kami ay naglaho.
"W-woah."
"This is... amazing, Ruri!" hindi ko mapigilang matuwa.
"Thanks," si Ruri. "Huwag lang kayong bibitaw."
We walk while holding hands. Nang marating namin ang entrance ay hindi kami nakikita ng mga nagbabantay kaya diridiretso kaming nakapasok sa loob. Nang masiguro naming hindi na kami mapapansin ay nagbitiw kami sa isa't isa, nagbalik kami sa dati naming mga anyo at wala namang nakapansin sa amin.
Subalit bigla kaming natigilan nang mapagtanto namin kung nasaang lugar kami ngayon.
"A-anong lugar 'to?"
Maingay. Maraming taong naghihiyawan at nagsisigawan. Malakas ang tunog ng isang metal rock music at nangingibabaw ang boses ng host. Pagtingin namin sa gitna, mayroong isang entablado, at sa ibabaw nito ay may malaking cage, sa loob nito'y may dalawang indibidwal ang naglalaban. Pinatumba ng isa ang isa at pinagsusuntok hanggang sa mawalan ng malay. Tumunog ang bell at itinaas ng referee ang kamay ng nagwagi.
"Knock out! Natalo po ang challenger at mga kaibigan ang ating nanatiling champion sa gabing ito! Si Annie Batungbakal!" natulala kaming lima habang nakatingin sa kinaroroonan ni Annie. Malakas na naghihiyawan ang mga tao, nakakabingi.
"Kero?" paglingon namin ay wala na si Kero sa tabi namin at nakita namin siyang bumaba at papunta sa entablado. Mabilis na tumakbo sila Rare at Isagani para pigilan siya. Sumunod kami ni Ruri.
Nakita kong umuulan ng pera sa loob ng stage, ibinabato ng mga tao ang mga pusta nila kay Annie. Pinalibot ko ang aking tingin at di kalayua'y nakita ko ang isang grupo, mga grupo ng tila elitista na mga tao dahil sa suot nilang pormal, may iniinject sila na kung ano sa braso ng mga lalakeng tila berdugo ang anyo. Binalik ko ang aking tingin kila Kero at nakita kong halos yakapin na siya nila Isagani at Rare para awating pumunta ng stage.
"Meron pa bang hahamon sa ating defending champion?!" sigaw ng host at maririnig ang hiyaw ng mga tao. Nakita kong nagtaas ng kamay ang isang elitista at itinuro ang berdugong tinurukan niya ng kung ano. "Pumunta lang dito sa stage ang sino pang gustong magpatumba sa ating Batungbakal! Tumataas na ang premyo mga kaibigan!"
Umakyat sa entablado ang berdugong lalaban kay Annie.
"Bitawan niyo 'kong dalawa!"galit na galit na si Kero habang yakap siya nila Rare. Tumingin akong muli sa grupo ng elitista at nakita ko ang isang pamilyar na mukha. Imposible.
Kamukang kamuka niya si...Richard.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro