/14/ He Can See the Future
I can't sleep.
Natatakot akong ipikit ang aking mga mata, hindi ko alam kung dahil pa rin ba kay Andrea o dahil sa mga nalaman ko kay Memo kanina. My father is not well, I want to see him and Memo promised me to take me home for a visit. I can't quit now, dahil ang Night class ang nagsisilbing life line ko sa Atlas University.
Kahit na medyo masama pa rin ang loob ko kay papa dahil sa hindi niya 'ko pinakinggan noon na hindi ako nasisiraan ng bait, gusto ko pa ring tuparin ang mga pangarap niya sa'kin, ang makapagtapos ng pag-aaral, iyon ang kabayaran ko sa pagkupkop nila sa akin. Ayoko munang bigyan pa sila ng aalalahanin, at alam kong marami silang isinakripsiyo para lang ipadala ako sa eskwelahang ito na ikinasasama ng loob ni Ate Sara.
Bumangon ako at dahan-dahang naglakad papunta sa pintuan. Binuksan ko ang pinto at sinigurong hindi iyon maglilikha ng ingay. Nang makalabas ako'y tahimik na tahimik na ang buong paligid. Pasado alas-onse pa lang ng gabi kaya hindi ko sigurado kung tulog na ba sila. Pinapagitnaan ngs silid nila Annie at Ruri ang aking kwarto, mukhang tulog naman na sila kaya bumaba ako sa common room. Madilim na madilim pero buti na lang may liwanag mula sa labas ng bintana ang tumatanglaw kahit papaano. Namalayan ko yung sarili ko sa pintuan palabas ng dorm.
What are you doing, Sigrid? Tanong ko sa sarili ko.
I don't know why I'm sneaking out. Nakalabas ako ng dorm at tumambad ang mahabang hallway. Creepy pero buti na lang hindi ako ganon ka-matatakutin sa mga multo. And then...
I sensed someone.
Sa may training room. Dali-dali akong pumunta roon at sumilip mula sa pintuang nakaawang. Patay ang mga ilaw pero may tao sa loob. Sa may mesa malapit sa malaking bintana ay may nakaupo, nakatalikod siya kaya hindi ko makita ang itsura niya, pero alam kong siya 'yon. Si Isagani.
What are you doing, Sigrid? Parang pinipitik ako ng kunsensya ko sa gagawin ko. But I got curious... I... peek into his mind but... I hear nothing.
What? How? Wala akong mabasa sa isip niya?
"Alam kong nandyan ka," nagulat ako nang bigla siyang tumingin sa kinaroroonan ko, kitang-kita niya 'kong nakasilip, nakaupo siya malapit sa may bintana. "Come in." too late. Wala na kong nagawa kundi pumasok.
"Sorry, hindi ko naman sinasadyang abalahin ka," nahihiya kong wika. "Sige—"
"Can't sleep?"
Napatango lang ako pero nakatayo lang ako sa kinaroroonan ko habang nakatingin sa kanya.
"Upo ka." sumunod naman ako sa kanya at umupo ako, may limang upuan ang namamagitan sa aming dalawa.
Namayani ang katahimikan at tila nagpapakiramdaman kaming dalawa kung sino ang magsasalita, una kong napansin na hindi 'ata siya naninigarilyo ngayon. Tumikhim bigla si Isagani.
"May bumabagabag ba sa'yo kaya ka lumabas ng kwarto mo?" tanong niya at napatango lang ako. "Tungkol ba sa babaeng nagpakamatay?"
Napatingin ako sa kanya.
"Paano mo nalaman?" mangha kong tanong dahil hindi naman niya abilidad makabasa ng isip pero alam niya kung anong bumabagabag sa'kin.
"She's the girl who told me about you, kaibigan mo ba siya?"
"O-oo, hindi lang ako mapalagay sa mga sinabi niya, na gusto niya akong umalis ng Atlas University, at tila alam niya na kung anong kahihinatnan niya."
"Kung ganon bakit hindi ka umalis?"
"It's complicated," sagot ko. "Hindi ko naman pwedeng aksayahin ang ginawa ng pamilya ko para sa'kin, para lang makapag-aral ako rito."
Muling namayani ang katahimikan sa aming dalawa, hanggang sa tumayo siya at umupo sa tabi ko.
"Iyon lang ba ang kinakabagabag mo?" tanong niya habang nakahalukipkip.
"Don't tell me...you're a telepath too?" marahan siyang natawa sa tinanong ko.
"No."
"Then... bakit wala 'kong mabasa sa isip mo?" wrong, Sigrid, bakit mo siya tinanong?
"That's rude." Mas natawa siya lalo.
Napapikit ako at napamulat, medyo naiinis, "Then why?"
"I'm...meditating."
"Meditating?" nakakunot kong sabi.
"Yes," sagot niya. "Your mind is still when you meditate, you think of nothing."
"How does that help you?"
"Nothing."
"Nothing?"
"Nothing but freedom. Freedom from everything," I somehow don't get what he means but that sounds good. Napatingin ako sa bintana at kitang kita ang bilog na buwan na nagbibigay tanglaw sa amin ngayon.
"I gotta go. Good—"
"Sandali lang," this time pinigilan niya na naman ako. Nakatayo na siya sa harapan ko habang hawak-hawak ang braso ko at papalapit siya ng papalapit.
"Isagani, what are you—" ilang dangkal na lang ang layo namin. "Teka—" may nararamdaman akong paparating. Hinila ko siya at nagtago kami sa likod ng cabinet.
"Bakit?" tanong niya.
"Someone's coming," Mahinang sabi ko. Tama nga ako dahil narinig namin na bumukas 'yung pinto. Paano kung si Memo 'yon? Malalaman niya na nandito si Isagani... Hindi ko alam kung bakit kami nagtatago at kung bakit tila natatakot ako na madiskubre kaming magkasama dalawa lalo pa't kung si Memo talaga yung tao.
Narinig naming sumara ang pinto atsaka kami lumabas mula sa pinagtataguan namin.
"I don't see the point," sabi niya. "Natatakot kang mahuli tayong magkasama ni Memo?" Are you his girl?"
"No, I'm not." Pumunta ako sa pintuan para lumabas pero ayaw bumukas ng pinto. "It's locked."
Narinig kong tumawa si Isagani at lumingon ako sa kanya, "What? Do you think this is funny?" tanong ko.
"Yes," sabi niya at para siyang mauubusan ng hangin. "I can see the future but I didn't see this coming."
*****
"GOOD morning!" Napatingin kaming lahat sa bagong dating na si Isagani, siya ang huling dumating sa kumedor, kasalukuyan kaming nag-aalmusal at kumpleto kami ngayong umaga. Nakita ko mula sa gilid ng aking mata na dumaan siya papunta sa pwesto niya. Hindi ko siya tinapunan ng tingin at bigla kong nahuling nakatingin sa'kin si Ruri.
Well, thanks to Ruri dahil siya ang nagligtas sa'min, humingi ako sa kanya ng tulong kagabi through Telepathy. And then... I altered her memory. I have no other choice and yes and I can already do it. I'm sorry, Ruri, mahirap na at baka mabasa pa ni Memo sa isip niya ang nangyari.
Nagsimula kaming kumain at tahimik lahat. Maya-maya'y narinig namin si Memo na tumikhim dahilan para mapatingin kami sa kanya.
"So, kamusta naman ang pag-aaral?" parang tatay niyang tanong sa'ming lahat. Isa-isa ang pagsagot. Napagtanto ko na ako nga lang pala ang nag-iisang freshman dito, lahat sila ay halos tatlo hanggang dalawang taon ang agwat sa'kin.
"How about you, Sigrid?" tanong sa'kin ni Memo, ako na lang pala ang hindi sumsagot.
"Mabuti naman," matipid kong sagot at pinagpapasalamat ko na hindi na siya nagtanong pa.
"I am glad to hear na lahat kayo ay walang problema sa academics. Ayoko lang makaapekto ang special assignments natin sa pag-aaral niyo. And speaking of special assignment, meron tayong lakad bukas." Muntik ko ng makalimutan na Sabado na naman nga pala bukas. Noong nakaraang linggo'y dumalo lang kami ulit ng party ng isang malapit na kaibigan ni Don Vittorio and thank goodness dahil wala ng aberya na nangyari. At ngayon ay wala kaming ideya kung ano ang bagong misyon para bukas.
"Later sa meeting pag-uusapan natin yung tungkol doon at meron din nga pala kong sasabihin sa inyo." Tumango lang kaming lahat at pagkatapos naming mag-agahan ay sabay-sabay kaming umalis para magsimula ng isang 'normal' na araw.
*****
LATER that day, I found myself again inside the training room. Nakikinig kaming lahat sa lecture ni Memo today, at pagkatapos ay inanunsyo niyang may pupuntahan lang kaming party kinabukasan katulad noong nakaraang linggo.
"By the way," akala namin tapos na siya magsalita pero hindi pa pala. "Next Monday aalis ako at buong week akong mawawala and that means wala ring special assignment sa Sabado. You may rest or do whatever you want."
Wala si Memo ng isang linggo? I wonder kung saan siya pupunta but no one dared to ask.
Bumalik kaming lahat ng dorm pagkatapos ng special class. Memo looks so busy these days at napansin ko na palagi siyang umaalis at may pinupuntahang lakad, wala namang nakakaalam kung ano ang pinagkakaabalahan. Kakatapos lang naming kumain ng dinner at may kanya-kanya muna kami ng mundo, hindi na namin nakasabay si Memo dahil may pinuntahan na naman ito.
Nakarinig kami ng yabag pababa at nakita naming lahat si Annie na naka-gayak. Napapansin ko na tuwing biyernes ng gabi ay umaalis si Annie. Nakasuot siya ng sweater, jogging pants at may dala siyang sack bag, mukha siyang varsity sa suot niya.
Lahat kami nakatingin sa kanya habang dirediretso siyang lumabas ng dorm. At alam ko lahat sila, lalung lalo na si Kero, nagtataka kung saan ba pumupunta si Annie tuwing ganitong oras.
Bumalik lahat ng atensyon nila sa ginagawa nila, ganito rin palagi, parang hindi nila pinakikielaman si Annie sa ginagawa niya, maliban sa isang tao. Si Kero. Alam ko na meron siyang lihim na pagtingin dito. And the sad thing is, he can't tell it to Annie.
"Saan na naman kaya pupunta 'yung babaeng 'yon?" nag-aalalang bulong ni Kero pero wala namang pumansin sa kanya.
Kahit hindi ko tingnan kung anong nasa isip ni Kero, the way he looks at her would tell that he likes her.
Tumayo ako at nagpaalam sa kanila na mauuna na ko sa kwarto ko sa taas. Nararamdaman kong sinusundan ako ng tingin ni Isagani, naalala ko yung insidente kahapon at sinubukan kong alisin yon sa isip ko. I need to find another outfit for tomorrow's party.
*****
ONE of the perks being part of Night class? You meet new people, almost every week. It's fun but it's also energy draining. I don't mean it in bad way but socializing is not really my thing but I am forced to talk to strangers. Well mostly men would approach me, they will talk and talk, and then, later on, they will ask to dance. Mabuti na lang at palaging nandito si Memo dahil kung hindi kung saan-saan na lang siguro ako basta nahihila.
"You need to stay closer to me,t men are horrible."" bulong niya sa'kin habang nakakawit ang braso ko sa kanya at natawa lang ako sa tinuran niya. "Kailangan kong sabihin sa kanila na fiancé kita para hindi sila lumapit sa'yo." This time nawala yung ngiti sa labi ko. I don't know if he meant doing it.
"Memo—" sasawayin ko sana siya kaso
"Melchor!" katulad dati may mga lumapit sa amin na mga babae. Walang nagawa si Memo nang humiwalay ako sa kanya at sumenyas ako na pupunta lang ako sa isang tabi, hahabulin niya sana 'ko pero napalibutan na siya ng mga babaeng 'yon. Good thing he's popular.
And now, I'm all alone. I need to find an escape from this place, a place where no one can bother me. Naglakad-lakad ako hanggang sa makita ko si Ruri, hindi niya ako nakita pero bigla akong may naisip.
Ruri can be invisible and so I can. Hindi literal na maglalaho but I can somehow do that, I can lower my vibration or presence so that people won't notice me. Thank god I have Telepathy.
Pumunta ako sa may balcony pero tanaw ko pa rin yung loob, finally, I found peace.
"Hi, Sigrid!" kumaway si Ruri at papunta siya sa kinaroroonan ko dahil nakita niya ako pero biglang may lalaking humarang sa kanya at nakipag-usap, natawa ko dahil kitang kita ko 'yung pagpanic sa itsura niya.
'Di kalayuan nakita ko si Rare na napapaligiran din ng maraming babae at nakikipagtawan, natawa rin ako dahil hindi mo sukat akalain na ang seryosong Rare ay may pagka-babaero rin pala.
"Yoh, Sigrid!" muntikan na kong mapatalon sa gulat nang may magsalita sa gilid ko. Si Kero.
"Kanina ka pa ba dyan?" tanong ko. Nakapangalumbaba siya habang nakatingin sa labas, malungkot at matamlay.
"Yeah." Sagot niya at nakita kong nilalaro niya yung mga halaman sa garden dahil pa-ugoy-ugoy 'yon.
"What's the problem?" tanong ko in a cheerful manner. "Anong nangyari sa hyper na Kero?"
"Wala naman."
"Really?" Sagot ko, hindi convinced at nang-aasar. I crossed my arms at sumandal ako sa batong rails ng balcony. "Someone's heart is aching."
"Come on Sigrid, alam ko namang alam mo dahil kayang kaya mong basahin ang isip ko in a snap." He said in a bored tone.
"I know you like Annie," hindi siya sumagot. "Ano namang dapat mong ikalungkot doon?"
"Hindi niya 'ko gusto."
"Sinabi mo ba sa kanya ang nararamdaman mo?" tanong ko at umiling siya. "Seriously, Kero. Hindi mo naman pala sinasabi pero you're acting as if she rejected you already." He turned around and faced me.
"She's always guarded, I mean, she don't really let anyone in, palagi siyang lumalayo o sa'kin sa tuwing lalapit ako sa kanya. Paano ko masasabi kung palagi siyang umiiwas?" hindi kaagad ako nakasagot sa kanya.
Annie is a lone-wolf girl; she likes to do her own thing, at napansin ko noon pa na palagi nga rin siyang lumalayo sa grupo. She doesn't' indulge herself mainly because she doesn't trust those people around her. Iyon yung personality na nabasa ko sa kanya kaya medyo naiintindihan ko si Kero.
Napahinga ako ng malalim at hinawakan siya sa balikat, "If you really like something you will surely find a way." Siya naman ang hindi nakasagot at napayuko siya.
"You're right," bigla siyang nag-angat ng tingin, nakangiti na siya at biglang sumigla. "I'm going to tell her now." Natawa ko dahil sa biglang pagpalit ng mood niya. I'm glad nakatulong ako kahit papano. Nagpasalamat siya at mabilis siyang umalis.
"You always want to find a way," maya-maya'y nakita ko siyang papalapit sa kinaroroonan ko. Narinig niya siguro ang pag-uusap namin ni Kero. "Hinahanap ka ni Memo."
"Pumunta ka ba rito para sabihin 'yan?" nakapamewang kong tanong.
"Alam ko namang hindi ka rin pupunta sa kanya," napataas yung kilay ko sa sinabi ni Isagani. "Do you like him?" Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na siya at ilang dangkal lang ang layo niya sa'kin.
"Does that matter to you?" mataray kong sagot at napaismid siya. Aalis na sana 'ko pero pinigilan niya 'ko sa braso.
"Something's going to happen."
"What?" naguguluhan ako sa sinabi niya.
"I don't know when but...it's about Annie." Binitawan niya na 'ko pero hindi na ako umalis. Hindi ko pa lubusang maintindihan kung anong ibig niyang sabihin.
Then I remembered, he can see the future.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro