Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/12/ Fiasco


"FATHER, this is Maria Sigrid Ibarra. I already mentioned her before and she's our new member." Don Vittorio Hermoso III took my hand and kissed it.

"Nasabi nga sa akin ni Melchor na maganda ka pero hindi ko inaasahan na ganito ka ka-ganda sa personal, hija." Nakangiting sabi niya sa'kin at ngumiti rin ako sa kanya pabalik. Nang sumapit ang gabi ay dumiretso kami rito sa Diamond Tower sa Sentral City, ito ang unang 'special assignment' na kasama ako. Ibinili ako ni Memo ng itim na black gown kanina at iyon ang isinuot ko sa okasyon na ito.

"It's nice to meet you, sir―"

"You can call me father, hija." at marahan silang natawa ni Memo. "Kidding. Just call me 'Tiyo Oryo', katulad ng tawag nila sa akin. Alam mo naman na anak ko si Melchor at ang mga iba pang members ng Night Class ay parang mga anak ko na rin." Actually, I didn't expect him to be like this, I mean, ang inaasahan kong chairman ay 'yung seryoso at nakakatakot pero I found him gullible and jolly, though that's still strange for me. He's a big fat man with rounded glasses, malakas kung tumawa kung kaya't lalong naniningkit ang mga mata nito.

We stayed for a bit and talked for a while. Maya-maya'y dumating ang isa pang lalaki at nakisali sa aming tatlo.

"Nandito na pala ang birthday celebrant," masiglang pahayag ni Don Vittorio. "This is my son, Sigrid, he's Vittorio IV but you can call him Vit." Pagpapakilala nito sa'kin sa anak niya.

"Happy Birthday." I smiled at him, hindi ko alam kung tatawagin ko ba siya sa first name niya kaya naman isang matipid na pagbati lang ang binigay ko. He's tall, halos magkasingtangkad lang sila ni Memo, unlike his father, Vit is quiet and serious. Para sa kanya ang party na dinaluhan namin gabi ngayon, isang magarbong selebrasyon sa isang hotel na pag-aari rin daw ng angkan nila ayon kay Memo.

"Thank you," hindi ngumingiting sabi niya. 'She's gorgeous, like what Memo said.' I almost rolled my eyes because of his thought. Well, that's almost everybody thought, especially boys, when they met me at this party and some of the ladies are insecure.

Nakita kong masama ang tingin ni Memo sa kapatid niya at bigla niya 'kong hinila papalapit sa kanya.

"I think Sigrid and I need to enjoy the party," umakbay siya sa'kin na ikinailang ko. "We'll go. See you later." Hindi na sila nakaangal dahil mabilis akong nahila ni Memo palayo roon.

"That's rude." Sabi ko.

"I don't like what that guy is thinking," seryosong pahayag niya habang diretsong nakatingin. Alright, he's jealous? "And every man here thinks the same."

"That I am gorgeous?" nang-uuyam kong sabi. "You better take me back to Atlas kung ayaw mo ng ganon. Hindi ko na siguro kasalanan kung ganito ako pinanganak—"

"Na kaganda? I must blame your parents." Ngayon nakangiti na siya.

"Melchor." Saway ko sa kanya.

"Don't call me that." Nakalayo na kami ng tuluyan doon at pumunta kami sa bar area at kinuha ako ni Memo ng maiinom. Hinanap ng mga mata ko ang iba pa naming mga kasama pero nabigo ako sa dami ng mga tao.

"Nasaan sila Annie?" tanong ko sa kanya habang tumitingin ako sa paligid.

"Oh, they're probably enjoying out there," sagot nito at humigop ng wine. "By the way, you need a screen name."

"Screen name? Para saan?"

"For protection purposes and it is part of our rules. Kapag nagpakilala ka rin sa mga tao during special assignment iyon ang gagamitin mo. At lahat kami meron nito, hindi mo ba napansin?" Oh I see, ang mga nicknames nila ang tinutukoy niya, like Memo, Kero, Annie, Rare, Ruri, and...Isagani? How about him? Itatanong ko pa lang sa kanya pero...

"Hnmm... How about Iris?"

"Not bad," ani ko. "Sa totoo lang hindi ako fan ng pet names."

"Ayaw mo ba?"

"Memo!" sabay kaming napalingon mula sa pinanggalingan ng boses at nakita naming papalapit ang dalawang may edad na babae, sa pananamit pa lang ay halata ng mga donya ito. "Finally nakita ka na rin namin, dear!" Ipinakilala niya 'ko sa dalawa and then he excused himself to talk to them. Naiwan tuloy akong mag-isa, sa tingin ko mas mag-eenjoy ako sa party ng mag-isa.

"Hey," napapitlag ako nang biglang may tumabi sa akin. Laking gulat ko nang makita si Isagani. Tumango lang ako sa kanya at muling uminom. "Gusto ko lang sana mag-sorry sa ginawa ko."

"Sorry saan?" imbis na sumagot siya sa tanong ko ay tumitig lang siya sa akin. Alam ko na kung anong tinutukoy niya kaya nag-iwas ako ng tingin. "May itatanong sana ako sa'yo."

"What is it?"

Humarap ulit ako sa kanya habang inaalala ang mga pangyayari. "Ikaw ang nagligtas sa akin noon sa house party sa Zeta Phi. You carried me back in my dorm. I'm still confused kung... kung paano mo nalaman na nandoon ako."

Siya naman ang tumingin sa malayo sabay sabing, "A girl told me."

"A girl?"

Nagulat ako sa sinabi niya, si Andrea ba ang nagsabi sa kanya? Magsasalita pa lang ulit ako nang unahan niya ako. "To be honest I don't know her but she seems so worried kaya naman sinunod ko ang gusto niya na sundan kita sa lugar na 'yon.Bigla na lang siyang lumapit sa akin at sinabi ang tungkol sa'yo."

"Kung ganon bakit ka naniwala 'agad sa kanya?"

"Because I can see the future. To be exact, I saw your future in your eyes."

Parang tumigil ang mundo ko nang marinig 'yon. Kung ganon... Totoo nga kayang si Andrea ang nakakita ng mga mangyayari sa hinaharap gamit ang kanyang paniginip!? At si Isagani naman ay may kakayanan ding makakita ng hinaharap. I'm honestly surprised.

"P-paano—"

"Sigrid?" may biglang tumawag sa akin at sabay kaming napatingin doon ni Isagani. "Sigrid, is that you?"

"Richard! Bakit nandito ka?" tanong ko sa kanya at si Isagani naman ay walang paalam na umalis. Hindi ko na siya nahabol pa dahil kay Richard.

"Same question, what are you doing here?" gulat na gulat din siya subalit nangingibabaw ang kanyang kasiyahan. 'It's good to see you here, Sig.' naka-tuxedo si Richard at nakapomada ang kanyang buhok.

"It's good to see you too." Nagtaka siya sa sinabi ko pero marahan lang akong natawa sa kanya. Ngumiti siya pabalik sa'kin, pumunta kami sa isang tabi kung saan walang masyadong tao at doon ay nagkamustahan kami. I'm glad that he's really happy to see me, well, it's been days since na iniiwasan niya 'ko kaya naman natutuwa ako ngayon na magaan na ulit ang loob namin sa isa't isa, parang walang nangyari.

"Bisita rin kasi rito ang father ko kaya sinama niya 'ko para raw makipag-socialize," paliwanag niya sa'kin. "Kailangan ko raw lawakan ang network ko."

"I see. Where is he?"

"Oh, he's mingling to find interesting people. He's always busy, masyado siyang obsess sa mga bagay na imposible." Napatango lang ako sa sinabi niyaat tila bigla siyang nahiya. "Sorry, I don't mean to drop something personal. Lagi niya lang binibilin sa'kin na someday I will take over his position, kaya ako sumasama sa kanya sa mga ganitong engrandeng party para magkaroon ng maraming koneksyon. Ikaw, bakit ka nandito? Sinong kasama mo?"

"I'm with..." am I supposed to tell him about Memo and the others? Alam kong hindi, kaya hindi ko tuloy alam ngayon kung anong sasabihin ko sa kanya.

Maya-maya'y bigla ulit sumulpot si Isagani mula sa kung saan at kaagad akong hinila sa braso. Nagulat kami pareho ni Richard pero wala siyang nagawa dahil mabilis akong nailayo sa kanya ni Isagani. Habang nilalayo niya ko ay pinilit kong bumitaw pero mahigpit ang hawak niya sa'kin.

"Let go of me, nakikipag-usap pa ako kay Richard." Hindi ako natuwa sa ginawa niya.

"Nasaan si Memo?" tanong niya ng hindi lumilingon at hawak-hawak pa rin ako.

"I don't know. Bitawan mo na 'ko." sumunod siya sa'kin at hinaharap niya ko. Bigla niya 'kong hinawakan sa magkabilang balikat.

"Makinig ka, kailangan mong hanapin si Memo, ikaw lang ang makakagawa nito dahil sa kapangyarihan mo," he looked serious and worried, anong nangyayari? "Kailangan mong sabihin sa kanya—" biglang namatay ang kuryente at nawala ang mga ilaw.

"What happened? May nakita ka ba—"

"Hanapin mo na siya, Sigrid, ngayon na! Dahil dudukutin ang anak ni tiyo—" kasunod ay ang malakas na tunog ng fire alarm na yumanig sa paligid dahil nagkagulo ang lahat nang kumalat ang amoy ng sunog.

Nagpanic lahat ng tao, may nagsigawan at nagtakbuhan, nagkahiwalay kami ni Isagani at naririnig ko ang mga sigaw niya subalit nagkakagulo ang lahat. Kailangan kong hanapin si Memo!

'Memo, nasaan ka?' tawag ko sa kanya gamit ang aking Telepathy.

Walang sumasagot. Ang daming tao na hindi magkandaugaga kaya nang sinubukan ko siyang hanapin sa isip ay tila nabingi ako sa dami ng narinig kong mga ibang isip ng tao. Hindi ko siya mahagilap, nanghihina ako sa maraming tao. Muling bumukas ang ilaw ngunit hindi pa rin kumakalma ang mga tao dahil sa kumakapal na usok, amoy sunog ngunit walang apoy. Hindi ko na nakita si Isagani. Sinubukan ko ulit hanapin si Memo pero nabigo ako, hindi siya sumasagot.

'Nasaan na kayo?' May narinig akong nangingibabaw na tinig. Pumikit ako, pinakalma ko ang sarili ko. Hinanap ko ang tinig, gamit ang remote viewing na itinuro sa akin ni Memo.

'Nasaan na kayo Memo? Sigrid?' at nakita ko ang isang babaeng nakatayo sa likuran ng malaking paso habang pinagmamasdan niya kung paanong kinakaladkad ng tatlong lalaki si Vit na nakatali ang dalawang kamay at may busal ang bibig papunta sa isang sasakyan.

Si Ruri!

Dali-dali kong pinuntahan ang kinaroroonan niya sa kabila ng kaguluhan. Habang tumatakbo ay pinilit ko pa ring hanapin si Memo ngunit hindi ko talaga siya mahanap, pati na rin ang iba pa naming mga kasama. Hindi pa ako ganon kalakas para makontrol lahat, sa dami ng tao, na-ooverwhelm ako sa presensya nilang lahat.

Hanggang sa matagpuan ko ang aking sarili sa likurang banda ng hotel, sa parking lot kung saan nahanap ko si Ruri gamit ang remote viewing. Ngunit hindi ko na siya natagpuan ngayon, wala siya sa likuran ng paso. Naalala ko si Vit at nakita ko siyang pilit na isinasakay dahil nagpupumilit siyang manlaban.

Napansin niya ang presensya ko 'di kalayuan, nakita niya 'ko at nagpupumiglas siya, humihingi siya ng saklolo. Napaatras ako at huli na para makahingi ako ng tulong dahil may sumulpot ding mga lalaki sa likuran ko at binusalan ako sa bibig, itinali ang dalawang kamay ko at kinaladkad din papunta sa kinaroroonan nila Vit. Isinakay kaming dalawa sa loob ng van.

Magkatabi kami ni Vit sa sasakyan at sa magkabilang tabi namin ang dalawang armadong lalaki. Wala ng malay si Vit dahil sinikmuraan siya sa pagpupumiglas niya. Hindi na 'ko gumalaw pa ngunit naririnig ko ang malakas na tibok ng aking dibdib.

Ito ba ang sinasabi ni Memo na special assignment ng Night Class? Ang protektahan ang pamilya ng Hermoso dahil nasa panganib lagi ang buhay nila sa dahilang makapangyarihan at mayaman sila. Napapikit ako. Hindi ko inaasahan ang mga pangyayari lalo pa't sumablay ang unang sabak ko sa misyon—

'Sigrid,' napadilat ako. 'N-nandito rin ako'

Si Ruri! Bigla kong narinig ang tinig niya, nararamdaman ko rin ang presensya niya, nasa loob din siya ng van! Pero dahil sa kapangyarihan niya, hindi namin siya nakikita.

*****


"LIMAMPUNG Milyon ang halaga na kailangan ko kapalit ang anak mo, Don Vittorio. Madali lang akong kausap, dalhin niyo rito ngayon ang pera at magkaayos tayo."

'Iyon lang ba ang kailangan mo?'

"Oo. Limampung Milyon. At huwag na huwag mo na ring tangkain pang isangkot ang mga pulis dito kung ayaw mong malintekan ang anak mo."

'Dinukot niyo rin ang isa sa mga estudyante ng eskwelahan ko. I believe she's also part of this trade.'

"Ah, oo, pero may dagdag na sampung milyon para sa kanya." Sumulyap sa akin ang mastermind ng kidnapping na ito at muling tumalikod.

'I see.'

"Nagkakaintindihan ba tayo, Don Vittorio?"

'Yes.'

"Mabuti kung ganon. Isang oras ang hihintayin ko," sumulyap ang lalaki sa orasan bago niya ibinaba ang malaking telepono pati na rin ang antenna nito.

The mastermind faced us, pumanewang siya at ngumiti dahilan para lumitaw ang ngipin niyang nababalutan ng ginto. He has long curly hair and beard, nakasuot siya ng round glasses at formal attire, parang natatandaan ko kanina na um-attend siya ng party, so it means na isa siya sa associates ni Don Vittorio so why he would do such thing like this?

Narinig ko nga kanina sa negosasyon nila sa telepono ang usapan nila, animnapung milyon ang hinihingi niyang kapalit na halaga. Pero may kutob ako na higit pa sa pera ang pakay nila ngayong gabi kahit na hindi ko pa binabasa kung anong nasa isip nila.

Nasa isang abandonadong warehouse kami ngayon at perahas kaming nakagapos ni Vit sa upuan, nakabusal din yung mga bibig namin kaya hindi kami makapagsalita. Wala naman silang ginawa sa'ming anumang masama magmula nang dalhin nila kami rito.

"Dadating din sila rito maya-maya, maghanda-handa na kayo," utos ng mastermind, I heard his name is Santi, sumunod 'agad ang mga tauhan niya na may mga dala-dalang baril at pumunta sa kani-kanilang pwesto. Dumating ang iba pang mga tao at kapansin-pansin na may mga dala silang mga camcorder at cameras.

"Mabuti naman at dumating na kayo," bati ni Santi sa mga dumating, nasa anim ang bagong dating, pumunta sila sa malayo pero sa pamamagitan ng aking kapangyarihan ay my naririnig ko kung anong pinag-uusapan nila.

"Seriously, talagang na-kidnap mo ang anak ni Don Hermoso. You are so dead, Santi." Wika ng isang lalaki.

"Come on old friend, alam ko namang gusto mo ring malaman kung anong lihim na itinatago ng matandang 'yon." Sagot ni Santi rito.

"Right, napakailap ng Don Vittorio na 'yon sa media, sinabi mo sa'kin na this is a worth-risk mission, may tiwala ako sa'yo kaya pumayag ako na dalhin ang mga tao ko rito."

"Listen," sinadyang hininaan nito ang boses. "Hindi lang ito tungkol kay Don Hermoso, it's more than that, we need proof to expose them."

Proof? Expose?

"At sa oras na matagumpay nating maisagawa ang misyong ito, your newspaper company will surely boom and so my media business."

I see. They're from the media industry. So, it's not all about the money? Anong dahilan nila sa kidnapping na ito?

Hindi kaya...

Ilang oras na ang nakalipas ngunit hindi ko pa rin mahanap si Ruri, well... I'm trying to find her through my mind but I can't reach her. There's no sign of her since na dumating kami rito. I don't know if she ran away... Tiningnan ko si Vit na nasa gilid ko, he's not moving, kalmado lang siyang nakatingin sa kawalan at kampante siya na matatapos din ang lahat ng 'to.

Bigla akong napaisip... He also knew about the Night Class, kung ganon alam niya 'yung tungkol sa mga kapangyarihan naming pito. Kaya ba napaka-kalmado lang niya ngayon dahil alam niyang darating sila Memo. Wait—darating sila Memo. That's it. Nakuha ko na kung ano talaga ang pinaplano ng mga dumukot sa'min. Those guys are suspicious about Don Vittorio's secret at sila Memo 'yon. They are planning to expose the powers of Night Class.

"Boss, may mga sasakyan sa labas, nandito na sila."

"Great. Okay everyone be ready, at your positions now!" tila isang direktor na minanduhan ni Santi ang mga tao niya, nagtago ang mga may hawak ng mga cameras, binuksan nila ang napakaraming ilaw at iisipin mo na isa itong shooting ng isang pelikula. Si Santi naman ay nagsuot ng itim na maskara para ikubli ang kanyang pagkatao.

"Papasukin na sila."

Bumukas ang malaki at kalawanging pinto ng warehouse, umuusok usok pa dahil sa lupa. Naunang naglalakad si Memo, sa magkabila niya ay si Isagani at Rare, nasa likuran sila Kero at Annie na may dalang mga briefcase, suot-suot pa rin nila ang mga damit nila kanina sa party. At katulad ng napag-usapan walang ibang otoridad ang dumating.

"Melchor Morales, the adopted son of Don Vittorio," bati ni Santi sa kanilang mga bagong dating. His disguise is useless because Memo can see through his mind. "And you're with the elite students of Atlas University. Uh-huh. Isagani Miguel Morales, Rafael Reyes, Analeah Batumbakal, Jireh Kerubin and where is...Rufina Rivas?" inisa-isa niya ang pangalan ng mga miyembro, paano niya nalaman? Mukhang matagal na niyang tinitiktikan ang sikreto ni Don Vittorio para makakuha ng ganong impormasyon.

"We brought the sixty million," ngumiti si Memo at alam ko sa kabila ng ngiti na 'yon ay may itinatago. "You will release them kagaya ng napag-usapan."

Pumitik sa ere si Santi at biglang sinnara ng mga tauhan niya ang warehouse gate at kinadena iyon tsaka ni-lock.

'Memo.' Tawag ko sa kanya sa isip.

'Yes, my goddess of memory?'

'They're planning to expose the Night Class' secret, your powers.'

'I know.'

He knows already, mukhang may nakahanda na siyang plano.

Biglang naglabas ng baril si Rare kung kaya't naalarma ang mga tao ni Santi at lahat sila ay naglabasan ng mga baril, pati tuloy sila Isagani, Kero at Annie, maliban kay Memo. Lagpas sa dalawampung tao ang nandito ngayon at lahat sila ay tinututukan sila ng baril.

"What are you trying to do, Melchor?"

"Ako ang dapat magtanong sa'yo niyan, Mr. Santi."

"A-anong?!" halatang nagulat si Santi dahil nakilala siya ni Memo. Pumitik ulit sa ere si Santi at may dalawang tauhan ito na humigit sa amin patayo at tinutukan kami ng baril sa ulo.

"We're going to hand over the sixty million; you had my father's word." Kalmado at walang ekspresyong sabi ni Memo sa kanya, pretending that he knew nothing about his plans.

Marahang tumawa si Santi. "Pero hindi naman talaga sixty million ang habol ko sa inyo, Melchor," lumingon siya sa amin at sinenyasan ang mga tauhan. "Bring them forward." Sumunod ang mga ito, hawak pa rin kami ng mahigpit at nakatutok ang baril sa aming ulo.

"I want you to show me the secret of your organization," gigil na pahayag ni Santi. "Huwag na tayong magmaang-maangan pa rito, Melchor. I've done my research about your members, each and every detail kung saan sila nanggaling, kaya naman gusto ko ng pruweba kung ano ba talaga ang sikreto ng mga ultimate weapons ni Don Vittorio."

Nakita kong ngumisi si Memo, hindi man lang natakot o nabahala sa mga pinagsasasabi ni Santi.

"Now, I want you to show me your secrets or else tataniman ko ng mga bala ang ulo ng dalawang 'to."

'He has no idea...' narinig ko yung boses ni Memo,

"Fine."

'...how strong we are.'

"Tama ka, Mr.Santi, the members of our organization, Night Class, is indeed beyond normal. We are neglected children, shamed, and oppressed because of our difference. We are weak and abandoned. If you are dying to know what our secrets are then we'll show you." Memo faced his comrades, seryoso siya sa mga sinabi niya. Tumango siya sa kanila at maya-maya'y unang nakita na nag-iba ang kulay ng mga mata ni Isagani.

Rare's hand glowed into red.

Kero lifted up some shattered glasses from the floors.

While Annie did nothing. She just smirked and murmured sarcasm.

Dinig na dinig sa buong warehouse ang pagclick at tunog ng mga camera, pati na rin ang pagkamangha na may halong takot ng mga tao na nakasaksi ng mga pinakita nila.

"I-imposible." Nauutal na sabi ni Santi, hindi makapaniwala sa mga nakita, hindi niya mawari kung mamangha o matatakot.

'Naiintindihan mo na ba, Mr.Santi?'

"H-huh."

'Masaya ka na bang makita kung ano ba talaga kami?'

"P-paanong—" Napapaatas si Santi dahil dahan-dahang lumalapit si Memo sa kanya, "Huwag kang lalapit!" Naramdaman ko na mas humigpit ang pagkakahawak sa'kin at mas lalong tinutok ang baril sa ulo ko.

'Release them.' Lumapit pa rin si Memo at tuluyan na 'atang nawindang si Santi kaya kaagad niyang dinukot ang baril, pero bago pa niya iyon matutok kay Memo ay kaagad iyong nakuha ni Kero gamit ang kanyang Telekinetic ability. Naalarma lahat ng mga tauhan ni Santi at nagkasahan sila ng mga bala, ngunit sa isang iglap ay nawala sa kanilang mga kamay ang baril, lumutang iyon sa ere na si Kero rin ang may kagagawan.

Nagpanic ang mga tauhan ni Santi, hindi mawari ang gagawin kaya nagkanya-kanya ang ilan ng takbuhan. Pero kaagad naglabas ng apoy si Rare at pinalibutan ng apoy ang buong warehouse, walang makakatakas kahit isa.

"Mga duwag! Sugurin niyo sila!" galit na utos ni Santi at kaagad sumunod ang mga tao nito. Rare and Kero fight them through their powers, habang si Annie naman ay binuhat ang isang sirang sasakyan atsaka ibinato sa mga tao. Namalayan ko na lang na napatumba ni Isagani yung dalawang tao na may hawak sa'min ni Vit, tinaggal niya yung pagkakagapos naming dalawa.

"Okay ka lang ba, Sigrid?" tanong niya sa'kin at isang tango lang aking sinagot. Inalalayan niya kong tumayo. Nakita namin na napatumba nila Rare ang mga tao ni Santi.

"Masaya ka na ba?" tanong ni Memo sa kay Santi na wala ng maaatrasan at matatakbuhan. "Ibinigay ko lang kung anong gusto mo, Mr.Santi." nakalapit na ng tuluyan si Memo sa kanya. Biglang lumuhod si Santi sa harapan ni Memo at nagmamakaawa sa kanya. Narinig din namin na nagmamakaawa ang kaibigan ni Santi kila Kero dahil dinurog ni Annie sa lupa ang mga camcorder at cameras ng mga tauhan nito.

Tumingin bigla sa'min si Memo at bigla akong binitawan ni Isagani. Si Vit naman ay dirediretsong naglakad at nang madaanan niya si Memo ay nagpasalamat siya rito, sumunod ako sa kanila at umunta kami sa kinaroroonan nila Kero, wala ng mga mala yang mga tauhan ni Santi.

"We're not finish yet," sabi ni Memo, hindi ko nakuha kaagad kung anong ibig niyang sabihin. "Nasira mo ba lahat ng camera nila?" tanong niya kay Annie.

"Oo, dinurog ko kamo."

"Good—"

"Hindi pa rin ako tapos sa inyo!" sabay-sabay kaming napatingin kay Santi, may hawak siyang malaking armas na mula sa isang case na dala nila, at bigla siyang nagpaulan ng bala, armalite pala ang hawak niya. "Raaaaaaa!" tila nawala na siya sa sarili. Mabilis si Kero dahil nasalag niya lahat ng mga bala. Kung saan-saan ipinaulan ni Santi ang mga bala hanggang sa maubusuan iyon ng bala.

Ngunit...biglang nagkalasan ang mga scaffolding sa gilid namin at lahat iyon ay babagsak. Maagap si Kero at 'sinalo' niya ang mga iyon ngunit nahihirapan siya.

"A-annie, tulong!" sigaw niya rito. Lahat kami ay natulala sa mga babagsak na bakal, tila bumagal ang galaw ng oras at nakarinig kami ng isang malakas na pagputok, isang bala ang bubulusok sa kinaroroonan ko, narinig ko ang sigaw ni Isagani. Wala akong ibang nagawa kundi pumikit.

Hinihintay ko ang bala ngunit walang tumama sa akin. Napadilat ako dahil nakaramdam ako...At mula sa hangin bigla siyang lumitaw.

"Ruri!" sigaw ko at nagkalat ang dugo, bumagsak kami pareho ni Ruri sa lupa.

Nasulyapan ko si Memo, binaril niya si Santi.

*****

KUMATOK muna ako ng tatlong beses bago ako pumasok sa loob ng kwarto. Kaagad sumilay ang ngiti sa kanyang bibig nang makita ako.

"Sigrid..."

"Kamusta Ruri?" bati ko sa kanya at inilagay ko ang mga prutas na dala ko sa side table. "Pasensya ka na at ngayon lang ako nakapunta rito sa ospital." Dalawang araw na ang nakalilipas magmula nang mangyari ang insidente.

"M-mabuti naman." Nahihiyang sabi niya. Umupo ako sa upuan na nasa gilid ng kama niya. Kaagad namang naka-recover si Ruri matapos niyang masalo ang bala.

"Salamat sa pagligtas mo sa'kin," sabi ko sa kanya. Hindi siya sumagot at nangilid lang ang luha niya. "Bakit?" bigla akong nag-alala dahil iiyak na siya.

"W-wala naman. Ngayon lang kasi may nagsabi sa'kin niyan pagkatapos ng misyon," pinahid niya ang luha. "N-nahihiya ako kila Memo dahil wala na naman akong silbi—"

"Hindi totoo 'yan," sabi ko, hinawakan ko ang kamay niya. "Hindi totoo na wala kang silbi." Ngumiti ako sa kanya.

"Sigrid..."

"Ruri... Huwag mong isipin na wala kang kwenta. Alam mo 'ba kung bakit tayo ipinangak sa mundo?" umiling siya. "Because we have a purpose. We are born differently to fulfill those purposes. You can't be like them, you can't be like Annie, or Kero, or Rare; you were born to be you. You're not the only one who's scared because of being different. I am scared too by the time na nalaman ko kung ano ba talaga ako. But... we must live. And to live means is to be alive at the moment."

"Thank you... Sigrid." Teary-eyed, Ruri smiled at me, and I smiled back at her.

Maya-maya'y nagpaalam na rin ako sa kanya dahil kailangan ko pang bumalik ng school. Paglabas ko ng silid ay nagulat ako nang makita ko sila Annie, Kero, Rare at Isagani. Mukang nandito rin sila para dumalaw kay Ruri.

"Mauna na 'ko sa Atlas, I still have things to do," paalam ko sa kanila at tumango lang naman sila. Pero bago ako umalis may bigla akong naalala.

"Uhm guys," papasok pa lang sila sa loob ng silid pero napahinto sila sa aking pagtawag. "What happened to them?"

Nagkatinginan sila, at mukang nakuha naman kaagad nila ang punto ko. Tinanong ko kung anong nangyari sa grupo nila Santi matapos namin silang iwanan, nasaksihan ng mga mata nila kung ano ang lihim ng Night Class, paano na kung ikakalat nila 'yon sa ibang tao?

Si Kero lang ang sumagot at sinabing, "Don't worry. Memo erased their memories." Ngumiti lang si Kero at pumasok na silang tatlo sa silid habang ako nama'y naiwang nakatulala.

Memo...can do that?

"Sigrid." Nagulat at napatingin sa kung sinong tumawag.

"Isagani—"Bigla niya akong sinalubong ng yakap.

'This is wrong but... I'm so worried about you.'

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro