/11/ Lessons
"COME in." kakatok pa lang sana ako sa pintuan nang marinig ko ang boses ni Memo, alam niya na 'agad na nandito ako.
Bumungad sa'kin ang malawak at magarang silid. Pumasok ako sa loob at natagpuan ang sarili ko sa lounge area, mayroong opisina at may sarili ring library. Gothic Green ang color theme ng silid, hindi ko maiwasang ilibot ang paningin ko sa buong silid. Hinanap ng mga mata ko si Memo ngunit wala siya
"Is there anything you want?" muntik na 'kong mapatalon sa gulat dahil bigla siyang sumulpot sa likuran ko. Ngumiti siya sa'kin at itinuro ang sofa. "Have a seat." Sinarado niya muna ang pinto at umupo siya katapat ko. Napansin kong naka-casual wear lang siya ngayon, white long sleeve and jeans. Wala kasi kaming klase sa university tuwing Sabado at nandito lang kami sa dorm. Mag-aalas otso pa lang naman ng umaga.
"I...uh..." then suddenly I can't find my words.
"You actually wanted to ask kung ano ba talagang meron sa Night Class?" napatingin ako sa kanya, well, binasa niya na naman kung anong nasa isip ko. "I'm sorry, Sigrid, I promised to you that I'll explain more kapag sumama ka sa'kin and yet you're still confused. I just thought you already figure things out." Sumandal siya sa sofa at dumekwatro. Napahinga ako ng malalim, mukhang alam niya nga kung anong tumatakbo sa isip ko noong isa pang araw.
"I think na mas maiintindihan ko pa ang Night Class kung tatagal ako rito," kitang kita ko na tila lumiwanag ang mukha niya, hindi literal, pero nakita ko ang bakas ng kagalakan. "Naiintindihan ko na hindi naman lahat ng bagay maaari niyong maipaliwanag sa'kin kaya naman gusto ko lang malaman mo na I will stay here to learn more." Napa-arko ang isang kilay ni Memo. "Ang ibig kong sabihin gusto ko sanang mas matutunan pa kung paano gamitin 'tong kapangyarihan ko. We're the same like what you've told me, and maybe you can teach me how to do some...tricks." He chuckled on what I said.
"Sure thing, that's the reason why you're here, dear," he leaned forward. "Para turuan ka kung paano gamitin ang kapangyarihan mo and to be one of us. We're family, like what Ruri told you."
"And...I have a favor, Memo."
"What, dear?"
"Pwede bang huwag mong basahin basta-basta ang nasa isip ko?" tumitig lang siya sa akin. "I'm not just really comfortable, and to be fair with me since hindi ko kayang basahin ang nasa isip mo." And then he smiled and nodded.
"No problem," para akong nakahinga sa sinabi niya. I'm glad na naintindihan kaagad ni Memo and he didn't bother to ask why. Good. I can now think freely whenever he's around. I trust his words. "Actually matutunan mo rin kung paano ka ma-iimmune, you can block anyone who tries to read your mind, and that's soon."
"Thank you." Ngumiti ako sa kanya at gayon din siya sa'kin.
"Gusto kong maghanda ka para mamaya, mayroon tayong mahalagang pupuntahan."
"Pupuntahan? Saan?"
"Malalaman mo rin mamaya," tumayo siya at gayon din ako. "And later sasabihin ko na sa'yo kung ano ba talaga ang Night Class." Then he winked at me. Pagkatapos ay sabay kaming pumunta sa pintuan, binuksan niya ang pinto.
"Memo." si Isagani ang bumungad sa labas, may sigarilyong nakasapak sa kanyang bibig.
"Oh, brother, what's up?" Brother?
"Gusto lang sana kitang makausap, Memo."
"Sure."
"Mauna na ako."
"See you later at the lobby, Sigrid." Tumango ako at iniwan ko silang dalawa.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakausap si Isagani tungkol sa mga nangyari noon, at palagi akong kinakabahan kapag nagkakalapit kaming dalawa.
*****
NAGLALAKAD-LAKAD ako sa lobby ng College of Chemistry habang hinihintay si Memo dahil may pinag-uusapan sila ni Isagani na mukhang mahalaga kaya nauna na akong pumunta rito. Wala namang masyadong tao sa lobby kundi ako lang.
"Psst, Sigird," pero mukhang hindi 'ata. Napalingon ako ngunit wala naman akong nakitang ibang tao. "Psst." Napahinga 'ko ng malalim at medyo napailing.
"Ruri, alam kong nandyan ka," sabi ko atsaka bigla siyang lumitaw malapit sa isang poste, nakayuko. "What are you doing here? Sinundan mo ba 'ko?" hindi naman ako galit o naiinis, nagtataka lang ako sa kanya kasi noong isang araw pa niya 'ko kinukulit.
"Sorry, Sigrid. Nakita lang kasi kitang galing sa office ni Memo, ayoko kasing mag-stay sa training room." Kasama 'yon sa routine ng Night Class, training every afternoon mismo sa room 634. Pero hindi muna 'ko makakasama sa training ngayong araw dahil may mahalaga raw kaming lakad ni Memo
"Bakit? May problema ba?" nagsimula kaming maglakad-lakad, pumunta kami sa isang bench na nasa garden ng atrium at umupo roon.
"Well, nakakabagot lang kasi."
"Alam mo naman siguro na isa 'yon sa rules ni Memo, hindi ba?"
"I'm just girl who can vanish. Para lang akong ilaw na on and off, lulubog lilitaw, ano pa bang klaseng training ang kailanan ko 'diba?" marahan siyang natawa pagkatapos.
"I see." Sabi ko at napatingin ako sa kanya at binasa kung anong nasa isip niya.
'Hindi naman ako katulad nila Annie.' Sa isip ni Ruri.
Tumingin ako sa malayo at sinabing, "That's because you're not like them."
"Huh?" nakita ko sa gilid ng aking mga mata na tumingin siya sa'kin. Walang nagsalita sa amin pagkatapos, nanatili lang kaming nakatingin sa kawalan.
"Ruri," tawag ko sa kanya at tumingin naman siya sa akin. "You said you can see spirits."
"Y-yeah."
"And you mentioned last night na nakita mong may pumasok sa kwarto ko na batang babae," tumango lang siya ulit. "Can you talk to her?"
"Huh? Why?"
"That little girl..." paano ko ba maipapaliwanag sa kanya? "Parang may gusto siyang sabihin sa akin."
"I'm sorry, Sigrid. Oo nakikita ko sila pero hindi ko pa nagagawang makausap sila eh."
"Ganon ba?"
"Pero... masasabi ko... That spirit... palagi ka niyang binabantayan."
Magsasalita pa lamang ako nang maramdaman ko ang presensya ni Memo.
'Sigrid.'
Boses 'yon ni Memo.
"Memo?"
'Nandito na ako sa lobby.' Hinarap ko ulit si Ruri.
"Go back, Ruri. Pupunta si Memo rito at baka makita ka." Pinilit ko siyang tumayo kahit na napipilitan siya. Baka hindi na matuwa sa kanya si Memo dahil noong isang gabi nahuli niya si Ruri na pumasok sa kwarto ko. Sa huli'y wala rin siyang nagawa. Ilang saglit pa ang nakalipas, kakaalis lang halos ni Ruri nang saktong dumating si Memo.
"Ready?" napansin kong itinali niya yung buhok niya, nakasuot din siya ng shades. Tumango ako, pumunta kami sa parking area. Pinagbuksan niya 'ko ng pinto at pumasok ako sa loob, sa may passenger's seat. Si Memo naman ay sumakay sa driver's seat.
"So... saan nga pala ulit tayo pupunta?" tanong ko.
"To my father's house." Sagot niya at napatingin ako sa kanya.
"Why?" nakakunot noo kong tanong.
"I'm going to introduce you to him." Mas lalong napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"What? Sorry pero hindi ko maintindihan, bakit mo naman ako ipapakilala sa father mo?"
"He's the founder and chairman of Atlas University, at siya ang sponsor ng Night Class," saglit siyang tumingin sa'kin at ngumiti, binalik ulit niya ang mata sa kalsada. Napanganga ako ng bahagya, ngayon ko lang nalaman na tatay niya ang may-ari ng buong Atlas University, magsasalita pa sana ko ngunit naunahan niya 'ko. "But he's not actually my father. At dito ko sisimulan ang kwento tungkol sa Night Class. Are you ready to listen?"
"Yes." Wala naman akong ibang nagawa kundi pumayag na lang dahil tutal iyon naman talaga ang gusto kong malaman.
"I lost my parents when I was three years old, bumagsak ang eroplanong sinasakyan namin and it was a miracle that I am a sole survivor. Simula noong aksidente na 'yon nabuksan ang kapangyarihan na mayroon ako, just like you Sigrid. Bigla akong nakakarinig ng boses ng mga tao sa isip. May umampon sa'kin na pamilya ngunit kaagad din nila akong ibinalik dahil nga sa kakayahan na mayroon ako, they even called me monster, pati na rin yung mga tao sa ampunan naging ilag sa'kin," Nakatingin lang ako kay Memo habang nagsasalita siya at tila napapanood ko sa'king isip ang kwento niya. "One day, nakarating ang balita tungkol sa kung anong mayroon ako sa isang sponsor ng orphanage na tinutuluyan ko. The owner of Atlas University, Don Vittorio Hermoso III, siya ang unang-una tao na nakatuklas sa totoong kapangyarihang mayroon ako, he's the one who treated me not like a monster."
"Paano nabuo ang Night Class?" tanong ko.
"Because of my gratitude, gusto kong maglingkod sa kanya kaya naman naisip ko na kailangan ko ring makahanap ng mga katulad ko. And so, maybe because of fate nahanap ko sila Isagani, Kerubin, Rufina, Analeah, at Raymond. It's been three years simula noong mabuo kaming anim. I was the one who found them out there para mas magamit at mapaunlad ang mga kapangyarihan nila at katulad ko they also suffered oppressions because of being different," somehow I'm the same, I suffered oppression too. "I created the Night Class for our kind, but our primary mission is to serve the chairman, Don Vittorio."
"What do you mean by 'to serve the chairman'?" tanong ko ulit.
"To repay him―para bayaran ang kanyang kabutihan sa mga katulad natin na minsan nang itinakwil ng sosyedad. Kaya naman every Saturday evening ay mayroon tayong special assignment."
"Special assignment?" napakunot akong muli. "Ibig mong sabihin mamayang―"
"Yes dear, sorry for not telling you earlier."
"What kind of special assignment?"
"There are different kinds of special assignment, pero isa na ro'n ay ang protektahan ang chairman at ang kanyang pamilya. You know, marami rin kasing kalaban sa pulitika ang Hermoso clan. Aside from that, special assignment also includes attending parties, mag-out of town, mag-golf, maglaro sa casino, at marami pang iba." medyo nawirdohan lang ako sa bandang huli na mga sinabi niya pero ang mahalaga nasagot na rin kung ano ba talaga ang mayroon sa Night Class.
"Pwede ko bang malaman kung ano ang special assignment para mamayang gabi?" mukha namang natutuwa si Memo dahil marami akong tinatanong, it implies that I'm interested enough in this.
"Oh, we're just going to attend the party."
"Party―"
"We're here," hindi ko namalayan yung oras na tumakbo, papasok ang kotse na lulan namin sa isang magarbong village. Maya-maya'y huminto ang sasakyan sa harapan ng isang malaking bahay. Bumaba kami pareho ni Memo mula sa sasakyan at isang matandang lalaki ang sumalubong sa'min. Silang dalawa ni Memo ang nag-usap at narinig ko na kaaalis lang daw ni Don Vittorio.
"Well that's too bad," natagpuan namin ulit ni Memo ang sarili namin sa loob ng sasakyan. "Maipapakilala naman kita mamayang gabi." Tumango lang ako sa sinabi niya. "Since magkasama tayong dalawa ngayon bakit hindi tayo mag-date?" napatingin ako sa kanya.
"Date?" nakakunot noo kong sabi, naguguluhan ako kay Memo, may kakaiba akong nararamdaman sa kanya pero...
"Yeah."
"What about the training?" hindi ko alam kung bakit ko 'yon sinabi. Tumingin saglit sa'kin si Memo at kinindatan niya lang ako.
*****
"AS you already know, Telepathy ang tawag sa kapangyarihan natin. Well, Telepathy is not just about mind reading or hearing voices," sabi niya habang hinihiwa yung steak. "It is also about communicating mind to mind, katulad nang ginawa natin kanina sa campus." At inilagay niya sa plato ko yung steak na nahiwa niya.
Nandito kami ngayon ni Memo sa isang mamahaling restaurant para magtanghalian. This guy called this our date at the same time ay tinuturuan niya na 'ko tungkol sa kapangyarihan naming dalawa.
"Aside from that, we can get someone to feel or think or hear something from far away, without the use of sounds or symbols or anything but a bare thought. We can also see the point of views of other people. Amazing isn't it?" sabi niya at kasunod ay sumubo siya, samantalang ako ay tahimik lang na kumakain at nakikinig sa kanya. "There are actually three basic uses of Telepathy; mind reading, mental communication, telepathic impression, the latter means planting a message, image or word into someone's mind."
"That's the basic?" Sabi ko pagkatapos kong humigop ng wine.
"Yes, dear," tumango si Memo at kinuha rin niya ang kopita. "We can also see the point of views of other people simply because we can also intrude their thought. Amazing isn't it? Pero kapag hindi mo makontrol, katulad nang naranasan mo noon, you will be easily overwhelmed by thoughts because you're too open. Imagine your brain is like an antenna wherein you receives brainwaves from different transmitters, you have to learn to control it and so you can also protect yourself from other Telepaths," 'Like me.' He smiled
"I see. So, anong kailangan kong gawin?"
"You can practice by yourself." 'Or we can do it together.'
"Okay." Medyo nawiwirdohan lang ako sa ngiti niya pero hindi ko pinakita. Maya-maya'y biglang sumeryoso si Memo.
"By the way, our power is very complex, dear."
"Anong ibig mong sabihin?"
"As time goes by, kapag palagi mong hinahasa ang kapangyarihan mo, it is just natural to grow, to evolve."
"What?"
"Our gift will eventually will show its hidden potentials. We can grow more powerful," Itinaas niya ang kopita. "Cheers, my goddess of memory."
*****
"PERFECT," finally may nagustuhan na rin siya. "We will buy that." Sabi niya sa saleslady. Napahinga ako ng malalim at ngumiti ako sa kanya. Pumasok ako ulit sa loob ng fitting room para magpalit ng damit. Pagkatapos naming kumain ni Memo ay dumaan kami rito sa boutique dahil kinailangan niya raw akong ibili ng evening gown para sa party mamaya.
Pagkatapos sa boutique ay bumalik na kami muli sa College of Chemistry sa Atlas University. Napansin ko sa malaking orasan sa tower ng main campus na lagpas alas tres na ng hapon.
"May kailangan lang akong asikasuhin sa department namin sandali, mauna ka na sa itaas," sabi sa'kin ni Memo. Bigla niya 'kong hinalikan sa pisngi na hindi ko napaghandaan. "See you later." Ngumiti lang siya at umalis na siya. Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa ginawa niya. That guy―
"Welcome back," nagulat naman ako sa nagsalita dahil pamilyar ang tinig. Pagtingin ko'y nakatayo siya sa may second floor habang nakatanaw sa'kin sa ibaba. Si Isagani.
Bahagya lang akong ngumiti sa kanya, nakita niya siguro na hinalikan ako ni Memo. Hindi ko maiwasang isipin kung anong naisip niya sa bagay na 'yon, hindi naman kaya...Pwede mo namang basahin ang nasa utak niya Sigrid. Hindi pwede.
Sabay kaming umakyat papuntang room 634 at walang nagtangkang bumasag ng katahimikan sa'ming dalawa. Mukhang tama nga ang hinala ko sa iniisip niya.
"Ilayo mo sa'kin yang babaeng 'yan!" parehas kaming nagulat ni Isagani sa narinig naming ingay na nangagaling sa loob ng training room. Boses 'yon ni Annie. Dali-dali kaming tumakbo papunta roon.
"Annie, tama na!" nasa gitna si Kero at si Rare na nakaharang kay Ruri ang naabutan naming eksena sa loob.
"Anong nangyayari rito?" tanong ni Isagani, napatingin sila sa'ming dalawa. Pero walang sumagot at nagpaliwanag sa kasalukuyang nangyayari.
"Alam mo,Ruri, 'wag mo 'kong pinipikon ha!" muli silang nagbalik sa eksena na naputol kanina at hindi pinansin ang tinanong ni Isagani. "Sa totoo lang, ikaw ang pinakawalang kwenta rito eh!"
"Annie!" saway ni Isagani pero hindi siya pinansin, nakita ko si Ruri na nakayuko lang, alam kong umiiyak siya, nasaktan sa tinuran ni Annie.
"Ikaw ang pinakawalang silbi sa grupo na 'to, alam mo ba 'yon?! Ha! Hindi ko nga alam kung bakit hanggang ngayon sinasama ka pa rin dito ni Memo eh. Eh ano lang bang kaya mong gawin para magsilbi? Wala!"
Sumusobra na siya kaya hindi ko napigilan ang sarili ko, lumapit ako sa kanya.
"Annie, hindi na tama―"
"Huwag kang mangingialam dito dahil wala kang alam at bago ka palang!" duro niya sa'kin. Hinawakan ko ang kamay niya pero pinilipit niya 'yung braso ko at tinulak ako. Mabuti na lang ay nasalo ako ni Isagani, namula 'yung braso na ko na nahawakan ni Annie.
"Salamat," pabulong kong sabi kay Isagani at inalalayan niya 'kong tumayo ng maayos.
"Come on, Annie, will you stop this bullshit already?" si Rare.
"Bakit, totoo naman lahat ng mga sinabi ko 'diba Rare? Sa trabaho natin hindi ba't palaging tayong apat ang gumagawa? Eh 'yang babaeng 'yan?" dinuro niya ulit si Ruri. "Wala naman 'yang ibang ginawa sa misyon kundi magtago ng magtago!"
"Annie!" nakita kong galit na si Kero. Si Ruri ay tuluyan nang umiiyak ng malakas na parang bata.
"Dapat patalsikin ka na sa grupong 'to dahil wala ka namang kwenta!"
"Anong kaguluhan ito?" sabay-sabay kaming napatingin sa pintuan at nakita roon ang seryosong si Memo.
"M-memo. A-ano." Biglang napalitan ng takot ang itsura ni Kero. Napaatras si Annie. Si Ruri na lalong nagtago sa likod ni Rare.
"Memo, meron lang hindi pagkakauwanawaan―"
"Back off, brother," umatras si Isagani nang itaas ni Memo ang kanang kamay. "Kahit na hindi niyo na ipaliwanag ang nangyari, alam ko na kung ano." By just reading their thoughts I guess. "Malapit nang sumapit ang gabi at alam niyong meron tayong special assignment, hindi ba?" tumango silang lahat na parang mga bata. Napahinga ng malalim si Memo, at tumingin siya sa'kin―sa braso ko.
"Lumabas kayong lahat. Maliban kay Annie at Ruri. Ngayon na." Sumunod kaagad sila Kero at Rare, at ako naman ay hinila ni Isagani palabas.
"Anong gagawin ni Memo sa kanila?" tanong ko.
Nagkatinginan silang tatlo at umiling si Kero sa'kin at sinabing. "Hindi ko alam. Tara bumalik na tayo sa dorm." Naglakad na sila ni Rare paalis pero naiwan kami ni Isagani sa hallway.
"Let's go." Yaya ni Isagani.
"Sandali lang," sabi 'ko. "Gusto 'kong malaman kung anong gagawin ni Memo sa kanila."
"Katulad ng sinabi ni Kero, hindi ko rin alam, Sigrid." Parang nauubusan na ng pasensya si Isagani pero wala akong pakialam.
'...We can also see the point of views of other people simply because we can also intrude their thought. Amazing isn't it?'
Ngayon ko pa lang susubukan yung sinabi ni Memo kaya hindi ako sigurado. I'm dying to know kung anong nangyayari sa loob sa hindi maipaliwanag na dahilan. I began to focus.
"Anong ginagawa mo?" narinig ko si Isagani pero unti-unting nag-iiba ang nakikita ko. It worked!
Nakita ko si Memo, si Annie sa tabi ko. This is Ruri's thought.
"Kailangan niyong madisiplina."
"Bakit kasama ako?" si Annie.
"Dahil sinaktan mo si Sigrid."
"P-pero―"
"I want you to slap yourself until you realized your mistakes."
What? M-memo can also control other people's will? Is this how powerful a Telepath is? Kaya ba parang hindi ko matanggihan ang mga suggestions ni Memo? Ginamitan niya rin ba ako ng kapangyarihan niya? If he can do it... Then... I can do it too.
"Our gift will eventually show its hidden potentials. We can grow more powerful."
xxx
Rare
Annie
Kero
Ruri
Isagani
Author's Note:
In case you don't know what a Walkman is:
(Pangalawang beses ko na siyang namention sa story) Ganito yung portable mp3 nung araw. You see I'm trying to depict an old setting here by putting some old gadgets na hindi na ginagamit ngayon. Samakatuwid, ang setting po ng Mnemosyne's tale ay around 80s,okay :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro