Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9


Chapter 9


"I fell in love with you, hulog na hulog. Hindi na makakaahon."

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya at nanatili lamang akong nakatitig sa kanyang magagandang mga mata.

At sa tuwing nagtatagal ang mga titig namin sa isa't isa, kusa na lamang pumapatak ang aking mga luha. Gaya nang una ko siyang nakita.

"Lina..what happened to you baby? Anong ginawa nila sa'yo?" mahinang sabi niya sa akin habang marahang pinupunasan ang mga luha sa aking mga mata.

"I can feel the gap between us baby, I can feel that you're afraid with me, I can feel that you're always going to run away from me."

Kahit ang ingay mula sa pagpatak ng mga ulan na hindi ko na nabibigyang pansin.

"What did Gray supply to you? Anong kasinungalingan ang mga sinabi niya sa'yo? What is the thing that keeps you from pushing me?"

Hindi ako nagsasalita sa halip ay nakatitig lang ako sa kanya, ang kagaya kong walang alam sa nakaraan ay walang karapatang magsalita dahil bawat salitang maaaring sabihin ko ay walang matibay na panghahawakan.

Isa lang ang bagay na pilit na nagpapabalik sa akin kay Gray, at kahit anong mangyari ay hindi ko ito ipagpapalit.

"I just--- I just can't trust someone who kidnapped me." Nangangatal na sabi ko.

"They kidnapped you! Tang ina, ako ang inagawan Lina! Inagaw ka sa akin nang ilang taon!"

"Then why? Why did they kidnap me?" umawang ang bibig nito na parang hindi makapaniwala sa tanong ko.

"Can't you see it? The fvck is obsessed with you."

Inalala ko ang mga panahong magkasama kami. Yes, I can feel his love for me. Pero kahit kailan ay hindi ako nito hinaras at sinapilitan sa bagay na ayaw ko.

He's still gentle with me, he respected me.

But this Tristan and his brown eyes? Ilang beses na niya akong hinubaran, hinalikan at minolestiya.

"You are the obsessed one!"

"Did I deny it? Yes, I am obsessed with you. And that obsession is mine alone." Ako naman ngayon ang napaawang ang bibig sa lalaki.

He's impossible!

Hindi na matatapos ang pagtatalo naming dalawa.

"Whether you like it or not, you are not coming back with those assholes. You are not the hummingbird anymore, and we'll cure that damn amnesia."

Hindi na siya muli nagsalita at sumandal na lang siyang muli sa puno. Tahimik lang kaming dalawa habang patuloy ang pagbuhos ng ulan.

"How many lives baby? How many lives as a hummingbird?"

"One hundred eighty six, head shots." Mabilis na sagot ko.

"For those jewels,"

"It is more than just jewels,"

"You used to hate killings Lina, what made you change your principle baby?"

"Lahat mag iiba ang pananaw kung mapupunta sa sitwasyon ko." Mahinang sagot ko.

Muli siyang tumitig sa akin at nasa mukha niyang may gusto pa siyang itanong sa akin pero pinili na lamang niyang hindi magsalita.

Ipinagpatuloy na lang niya ang pagtingin sa itim niyang bag at nakita kong may dala na naman siyang saging.

This agent is really a monkey.

"Nagugutom ka hindi ba?" tinatalupan na niya ang saging.

"Give it to me," sinubukan kong agawin ang saging sa kanya pero iniwas niya ito. Sa totoo lang ay kanina pa akong nagugutom.

I am damn starving to death.

"Isusubo ko sa'yo,"

"What the--? Are you an idiot? May kamay ako!" iginalaw ko ang kamay kong hindi nakaposas sa kanya.

"Hindi ka kakain kung ayaw mong magpasubo." Simpleng sagot nito habang ngumunguya ng saging.

Habang ngumunguya siya lalong sumasakit ang sikmura ko, lalo akong nagugutom na hindi ko maintindihan.

"What is wrong with you? Bakit natutuwa ka na paglaruan ako?" sa saging na ako nakatingin.

Damn, I have never been this hungry before.

"Magpapasubo ka o hindi ka kakain? Ikaw ang may desisyon." Nagkibit balikat pa sa akin ang gago.

"Stop this game agent, why can't you just give me that banana?" kitang kita ko ang pag guhit ng ngisi sa kanyang mga labi.

"Damn, I am enjoying this. What again baby?" alam kong iba ang ibig sabihin sa pandinig ng lalaking ito.

"I said, I need to eat. I need to eat that banana." Para akong may kausap na bata na hindi pa masyadong nakakaintindi.

Narinig kong tumawa ang gago.

"What my banana?"

"Tang ina mo." Iritadong sabi ko.

Nakailang mura na ba ako simula nang nakasama ko ang lalaking ito?

"Anong gagawin ko sa saging mo?!"

"You used to love my banana," ngising sabi niya habang nagtatalop na ulit ng saging.

"Ibigay mo sa akin, marunong akong kumain ng akin." Nakangising umiling sa akin ang walang hiyang lalaki.

"Are you going to eat or not?"

"Kakain ako! Ibigay mo sa akin."

"I want to feed you baby, please?" tinangka niyang hawiin ang buhok ko pero umilag ko.

"Ang tigas pa rin ng ulo mo Lina, just like before." Agad kong iniwas ang aking mata sa pagkakakagat niya sa kanyang pang ibabang labi.

"Last question, uubusin ko na ito Lina. Wala ka na makakakain, do you want to eat or not?"

"I want to eat," gutom na gutom na ako. Pinaglalaruan ako ng gago!

"Do you want my banana? Yes or no? Give me a good answer baby, you'll starve." Kanina pa siyang pangisi ngisi sa akin. Shit.

"Yes.. yes.."

"I don't like that answer, who owns this banana?"

"Ako ba niloloko mo?!"

Tumawa na siya ng malakas na halos umalingawngaw sa buong kagubatan.

"Damn, you have the same reaction with my banana stuff toys. That's why I love you." Saglit na hinaplos ang puso ko sa sinabi ng lalaking mahilig sa saging.

"Again, what do you want baby?" ginagamit niya ang pagkagutom ko. He's a jerk.

"I want your banana! Fvck you!" muli siyang tumawa sa sinabi ko.

"Open up, I'll feed you." Halos manlisik ang mga mata ko sa kanya. Pero wala na akong magawa.

Gusto ko nang kumain, nagugutom na ako. Wala sa loob na ibinuka ko ang bibig ko at isinubo niya sa akin ang saging.

Ngumiti ang walang hiyang lalaki sa akin habang nanlilisik ang mga mata kong ngumunguya sa harap niya.

"That's your favorite baby, pati bayabas ko. Oh I mean banana and guava." hindi ko na naiwas ang mukha ko nang may tanggalin siya sa gilid ng labi ko.

"You know in my bloodline, we just share our favorite fruits with the woman we love. Hindi ka magugutom sa akin Lina, bubusugin kita ng saging at bayabas ko." Inirapan ko lang siya habang ngumunguya.

He's weird. Bakit sa dami ng pwede saging at bayabas? Pwedeng ubas at mansanas.

Nang maubos na ang kinakain ko ay inilapit muli niya sa akin ang saging para kumagat ako dito.

"So I'll start all over again, I will let you do anything to me again for you to remember me." Nasamid ako sa kinakain ko dahil sa sinabi niya.

"Ako pa? Ako pa? Ako pa talaga? Huh?"

"Yes, girls are always taking advantage of our weakness. Sa lahi ko, kahit kailan hindi namin pinipilit ang babae, hanggang halik lang sa kamay ang kaya naming gawin. But you insisted, you even took my virginity."

"Oh my god!" hindi ko na alam ang iisipin ko sa sinasabi niya.

Mukhang hindi lang pala siya ang ganito, may mga kasamahan pa siyang magaling magpalinis.

"You know what? One of my cousins are now married, pinikot siya. Pinikot mo rin ako. And you know what baby? My cousin's wife is your bestfriend, sabay nyo kaming pinikot magpinsan." Iiling iling siya sa akin na parang hindi makapaniwala sa ginawa ko.

"You are lying,"

"No, kahit kailan hindi ako nagsinungaling. Hindi ako naging manyakis. Wala sa bokabularyo ko o ng mga pinsan ko ang salitang manyak. But you and your bestfriend corrupted our innocence." Napabuga na lamang ako ng hangin.

"Now you are blaming me for what you are now?"

"Sinong sisihin ko Lina? I was just a silent agent back then, wala akong pakialam sa lahat. But everything was changed after I met you."

"How?"

"Kayong mga babae ang sumira sa pagiging inosente naming mga Ferell." Ferell?

Saglit na sumakit ang paningin ko. At may mga imahe na namang lumalabas sa aking isipan.

Myself carrying a big stuff toy shaped like banana. Inis na inis din ako dito.

"I am just one of the innocent Ferells back then, untouched. Free from sins, hindi natutukso. Mga mabubuti kaming sakristan ng mga pinsan ko noon, mga simpleng magandang lahi." Napapangisi ako na naiinis sa kanya.

Hindi ko na alam kung maniniwala pa ako sa kanya o sumobra ang saging na nakain niya.

"But you and your bestfriend seduced us. Kaya naulol kami ni Nero, sorry for the word baby someone just slapped that word to us."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil natawa na ako sa pinagsasabi niya.

"Are you an idiot? Do you think I'll believe on you?"

"Why can't you believe me? Your memories are not coming back yet, but your desires are active. Kung hindi ako humiwalay sa'yo siguradong isinisigaw mo na ang pangalan ko ngayon." Natahimik ako sa pagtawa ko.

Sa kanya ko lamang ito nararamdaman, na sa tuwing magkakadikit kami ay parang gusto ko pang ikulong ang sarili ko sa kanya.

But I am hating the fact that I can't remember anything from him. Hindi pwedeng maniwala ako sa tawag ng aking katawan, mga kwento niyang hindi ko alam kung totoo ba o hindi at mga alaala kong malabo ang bawat pagbalik.

Muli pa sana akong magsasalita nang may baril na tumutok sa ulo ng lalaking kaharap ko.

Gray with his murderous look.

"Bring back my wife,"


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro