Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 49


Chapter 49


Buong akala ko ay hindi na mapapatawad ni Daddy si Armando pero nagkakamali ako.

My father might looked tough, strict and unbeatable but he's actually has a fragile heart. O tama bang sabihin ko na puso ng isang ama?

I can't blame him. Halos siya na rin ang nagpalaki sa mga ito, Enna and Hazelle are her favorite girls, legal niyang inampon si Gray, malapit rin daw ito kay Tristan kung hindi lamang ako nito nabuntis nang maaga, kahit ang kapatid ko ay mataas ang respeto sa sarili kong ama. Even the mysterious woman, named Savannah.

Nang humiwalay na si Daddy kay Armando, muli kaming nagulat nang sabay lumapit si Hazelle at Enna, nakatanggap ng magkasunod na sampal si Armando sa dalawang ito.

"Sampal 'yan para sa kapatid mo," matigas na sabi ni Hazelle.

Umawang ang bibig ni Armando at kita sa ekpresyon niya ang katanungang bakit ako ang sinampal mo?

"Sampal 'yan para sa'yo. Kayong magkapatid, balak nyo pa kaming tuhugin ni Hazelle." Iritadong sabi ni Enna.

I heard Tristan laugh. Pero agad itong tumigil.

"Tuhog pa," tipid na sabi ni kuya.

My father clapped his hand to interrupt us. Magsisimula na sana itong magsalitang muli nang magtanong si Hazelle.

"H-How about Savannah? She has a big part in this huge scandal."

"What will you expect from her? She knows everything, simula sa mga dahilan ko hanggang kay Gray. And don't get deceive with the flirt covers between us, she blackmailed me that she'll spill everything in no time if I didn't play with her antics." Suminghap kaming mga babae sa sinabi ni Armando.

That bitch is really something.

"I'm not surprised, she's Savannah afterall." Your auntie, Tristan. Gusto kong idagdag.

"Tell us, papaano ka namin paniniwalaan ang mga sinasabi mo? You don't expect us to fully believe with your explanations, Armando." My brother added.

Muling nag-angat ng kanyang mga mata si Armando.

"Hindi ko alam kung papaano ko patutunayan, j-just my words—"

"He's telling the truth," lahat kami ay lumingon sa pinanggalingan ng boses.

And there, I saw the woman with unpredictable actions and words. Kasalukuyang nakasandal sa hamba ng pinto si Savannah habang nakatitig sa aming lahat.

Wearing a high pony tail, bloody red lips and a tight fitting black suit embracing her perfect body. The heels of her shoes made an intimidating noise inside our room as she walks slowly towards us. She's now different from before, bumalik na sa dati ang nakasanayan kong awra niya. The Savannah who used to be tough and unbeatable.

Isa rin sa napapansin ko kay Daddy, hindi niya magawang ipagbawal si Savannah sa loob ng Sous L'eau kahit matagal na itong wala.

Savannah made a lot of mess inside the agency, is it really a mess? Hanggang ngayon ay wala pa rin nakakaalam ng pinaglalaban ng babaeng ito.

Kung saan-saan na lamang siya sumusulpot na parang alam niya ang lahat ng nangyayari. Savannah can easily come and go inside the place without having a threat from my father. Hindi ko masisisi ang aking ama, higit na malapit ang puso niya sa unang grupong kanyang minahal.

The toughest four of Sous L'eau,Tritan, Savannah, Rashid and Gray. The group that will now remain as memories.

The bitter sweet memory of Sous L'eau agency.

"How could you! Bakit hindi mo agad sinabi sa akin ang lahat?!" salubong ko rito.

"Dahil hindi ko dapat akuin ang problema, you should face the situation without hints. Hindi dapat laging isinusubo, baka hindi ka matuto? Baka hindi ka tumibay? And I am actually a side dish here, I am not the main course. Now that you'd reach your answers, we are now having our same goal."

Nagtungo ito sa tabi ni Armando na nasa unahan at ipinatong niya ang kanyang braso sa balikat nito.

"What happened to your face, Prince Al-Farri?" iritadong tinanggal ni Armando ang braso nitong nakadantay sa kanyang balikat.

"Give us the damn doctor, hindi ka ba naaawa kay Dr. Vicente?" tanong ni Enna.

"You mean, Dr. Padua?" tanong ni Savannah.

"Who else?" namilog ang mata ni Savannah nang marinig ang boses ni kuya. At pinasadahan nito ang kapatid ko ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Not bad, Nally." Sarkastikong tumawa si Kuya.

"Dalawa na pala sa Sous L'eau ang sakit sa mata ng Aylip, you're not belong here."

"Are you?" tanong ni kuya.

Hindi nakasagot si Savannah sa sagot sa kanya ni kuya. Umirap na lamang sa kanya si Savannah bago ito may kinuha sa kanyang likuran.

Inihagis niya ito kay Hazelle.

"It's an antidote for the doctor, his behavior is just for temporary. Pinigilan ko lang siyang magsalita para sa mahal na prinsipeng nasa harapan niyo. Like come on, lahat kayo mas gugustuhin nyong siya ang magsasalita ng katotohanan. I just made the flow of events smoothly."

"How could you Savannah? Papaano nyo nasikmurang wala akong alam dito? You, Gray and Armando." Nagsalita na si Tristan.

"She's not actually part of any of this from the very start, nagulat na lang ng isang araw na alam niya, na kasama na siya ni Gray." Sagot ni Armando.

"We should end this conversation. It's now a case closed. Let's proceed to more important things." Sabat ni Daddy.

Ayaw na nitong pag-usapan pa ang biglaang pagkamatay ni Gray. Natahimik kaming lahat at sumunod na lamang sa kagustuhan nito.

Lumabas si Enna at Hazelle para magpunta sa clinic at dalhin ang antidote para sa doctor.

Nagtungo kami sa mahabang meeting room, nandito pa rin si Savannah.

"Now let's end this," panimula ni Daddy.

"I'll return Theon," mabilis na sagot ni Armando.

"No!" sabay naming sabi ni Tristan. Nanlaki ang mga mata kong nakatitig sa kanya, hindi ko akalaing ganito rin ang isasagot niya.

"We'll finish the mission. Let's complete your mother's last memories and by that, let me have our son." Nanatili akong nakatitig kay Tristan.

Itong- ito rin ang sasabihin ko kay Armando.

"And lastly," lahat kami ay muling tumitig kay Daddy.

Dumating na rin si Enna at Hazelle na natigilan sa paglalakad nang marinig ang sinabi ni Daddy.

"Let's give my son's death a good justice, let's burn that Moroccan syndicate down."

"That's why I'm here and that is my goal." Mabilis na sagot ni Savannah.

"Copy?!"

"YES SIR!" sigaw naming lahat.

Tatlo na lamang ang mga batong hahanapin namin, madali kong nakuha ang isa dahil nasa loob lamang ito ng Pilipinas.

Pagkatapos namin makumpleto ang mga bato ay ito ang magiging hudyat ng aming pagsugod sa kampo ng mga kalaban. Sinabi rin sa amin ni Armando na tutulong ang kanyang grupo.

Dalawang linggo na ang nakakalipas at ngayon na ang panghuli naming misyon para hanapin ang mga bato.

The three jewels are owned by one person. He's in England. He's a billionaire old man who owned two-six old castles inside the country.

"Is he affiliated with illegal business? Sobrang yaman niya naman." Tanong ni Enna.

"He's just rich," sagot ni Armando.

"That means the security is weak," dagdag ko.

"Yes," sagot ni Armando.

Nasa England kami ngayon at kasalukuyang umuulan ng mga nyebe. Ako, si Armando, Enna at Hazelle ang magkakasama sa loob ng sasakyan patungo sa lumang kastilyo kung saan nagbabakasyon ang matanda.

Nasa Pilipinas si Tristan at kuya para maghanda sa gagawin naming pagsugod sa mga kalaban.

"I feel sorry for the old man, kailangan natin ng bato." Mahinang sabi ni Enna.

"Mas kailangan ito ni Armando, I'll gladly get it for you." Tipid na ngumiti sa akin si Armando habang nagmamaneho ito.

"Thank you Miss Lina,"

"It's hummingbird, Armando." Sabay tumawa si Hazelle at Enna sa sagot ko.

"Kinakausap ka na ba ni Cap?" tanong ni Enna na katabi ni Armando sa unahan.

"Hindi pa,"

"Oh," sabay na sabi naming tatlo.

"Pabebe si Cap Theo, suyuin mo Armando. Nami-miss ka rin non." Natatawang sabi ni Enna.

"Saka na kapag hindi na mainit ang ulo sa akin, baka barilin ako." Naiiling na sabi ni Armando.

Binuksan ko ang bintana ng kotse at inilabas ko ang kamay ko para sa mga nyebeng pumapatak.

"He's not mad at you Armando, siguro noong una. Pero hindi na ngayon, you are like a brother to him. Hindi niya susuportahan ang pagkumpleto sa mga bato kung wala na siyang pakialam sa'yo." Ngumiti ako sa labas.

I am so blessed to have Tristan Matteo Ferell in my life. Napakaganda ng ugali ng lalaking pinakamamahal ko, hindi ko masabing mabait pero talagang kahanga-hanga ang pagkatao ng ni Tristan.

Sa ibang tao baka isinumpa na si Armando, sa ibang tao baka hindi na inisip pa ang hustisya para sa kamatayan ng lalaking nagtago sa kanyang anak at sa babaeng mahal niya.

But Tristan did the opposite way and I admired him for that.

"You just met a Ferell and I'm glad he's the father of my child." Ngiting sabi ko.

Gusto kong lumaki si Theon na may malawak na pang-unawa katulad ng kanyang ama.

"Sabi sa tsismis maaga daw nakakabuntis ang mga Ferell." Natatawang sabi ni Enna hanggang sabay na rin akong tumawa sa kanila

"Actually, it's not a rumor."

Ilang minuto pa ang lumipas nang makarating kami.

"We're here," tipid na sabi ni Armando.

"I'll go get it alone, hintayin nyo na lang ako." Tumango silang tatlo sa akin.

Galing na rito si Enna at Hazelle, isang matandang katiwala lamang daw ang kasama ng matanda dito. Pero ang katiwala lamang daw ang nakita nila, posibleng ito rin daw ang tao lamang dito ngayon.

Madali akong nakapasok na hindi man lang nahihirapan. I used a wire to open the door from the back.

Enna and Hazelle gave me the possible room locations where the jewels are located.

Agad kumunot ang noo ko nang mapansin na bukas ang isang pintuan at natigilan ang mga susunod kong hakbang nang makarinig ako ng boses ng mga bata.

"That's Ninong Troy!"

"No, that's LG." Lumaglag ang mga balikat ko nang marinig ko ang boses ng matandang siyang naging dahilan kung bakit lubos kong hinahangaan ang lalaking pinakamamahal ko.

"No, Tovar is right. That is Ninong Troy! He's so handsome like us. But his hairstyle is strange in the painting."

"No Rance, that's LG when he was young."

"No! Tovar and Rance is right, he is Ninong Troy. Look! Black hair, you have white hairs LG."

"Vino, I was young in that picture. That is LG.."

"Ninong Troy!" sagot ng triplets.

"Anong pinakain sa inyo ni Troy? Come here, LG feels so cold. Yakapin nyo si great grandfather."

Wala sa sarili akong humakbang patungo sa kwarto at nangangatal ang mga kamay kong itinulak ang pinto para buksan ito nang mas malaki.

Sabay-sabay silang lumingon sa akin habang magkakayakap.

"Aunt Lina!" sigaw ng triplets sa akin. Bigla kong naalala si Theon at kusa na lang tumulo ang mga luha ko.

Nagtakbuhan sa akin ang triplets at kinuha nila ang kamay ko. At sunod-sunod silang nag-bless sa akin.

They are so cute wearing thick clothes. Bonet, scarfs, gloves and boots. Namumula ang mga pisngi at ilong ng mga ito dahil sa matinding lamig.

Nakapamulsang humarap sa akin nang maayos ang matanda.

"How are you hummingbird?" nagtataka lamang akong tumitig sa kanya.

"Tovar, Rance and Vino. Go get the jewels," mabilis sumunod ang mga bata at nagtakbuhan sila sa isang lamesa.

Nang makuha nila ang mga alahas ay muli silang tumakbo pabalik sa akin, nadapa pa ang isa sa kanila pero bumalik ang dalawa para tulungang tumayo ang isa.

"Good boys!" natutuwang sabi ni LG.

Hirap na nakarating ang mga bata sa akin at inabot nila sa akin ang mga alahas.

"Here Aunt Lina! We will wait for Theon!" nanlambot na ang tuhod ko at tuluyan na akong napaluhod at niyakap ko ang tatlong anak ni Florence.

"Thank you boys! Yes, you will play with Theon soon. He will play with you, my baby will play with you." Pilit akong ngumiti nang punasan nila ang mga luha ko.

Humiwalay ako sa mga bata at halos tumakbo ako para yakapin ang matanda.

"I want to ask, who are you? What are you? Oh god, thank you so much LG. Maraming-maraming salamat po sa lahat, sa lahat."

Naramdaman kong hinaplos ng matanda ang likuran ko dahil sa matinding pag-iyak ko.

"Who am I? I am just Tristan's grandfather."


--

VentreCanard 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro