Chapter 48
Chapter 48
Hindi ko mapigilan ang mga luha ko nang marinig ang buong paliwanag ni Armando.
Gusto kong hanapin kung saan magmumula ang galit ko sa kanya. When he forced me to be the hummingbird? When he ordered to kidnap my son? When he deceived all of us?
Gusto kong ibato sa kanya na ginamit niya ang buong Sous L'eau sa pansarili niyang dahilan. But something from me didn't agree, dahil tama siya sa mga sinabi niya.
Nang mga panahong wala pa akong naaalala, kahit minsan ay hindi maaaring hindi ko siya makikitang kasama ni Tristan sa bawat misyon na may kinalaman sa mga bato. He never left Tristan and he's always doing his best to help.
But I should blame him, dapat magalit ako. Inilayo niya sa akin ang anak ko, pinangulila niya sa akin ang anak ko.
Ang paghihiwalay sa mag-ina ay isang matinding kasalanan na.
Nanghihina akong humakbang patungo kay Armando, nangangatal ang mga tuhod ko hanggang sa bumigay na ito. Kusang umangat ang mga kamay ko at sinimulan kong hampasin nang paulit-ulit ang dibdib niya.
"I want to hate you, I want to curse you. Gusto kong sumabog ang galit ko sa'yo, gusto kitang saktan dahil sa lahat ng paghihirap ko sa katauhang kailanman ay hindi ko pinangarap. You asshole Armando! Why I can't hate you right now!" I cried.
Wala akong tigil sa paghampas sa dibdib niya. Hinayaan nila akong lahat na ibuhos ang mga emosyon ko, halos hindi na ako makahinga sa nararamdaman ko.
Pilit kong inaalala ang mga panahon nilunok ko ang di ko masikmurang gawain, I made myself different, I embrace the identity of hummingbird, I trained myself to death and I even marketed my whole body.
Gusto kong ipagdildilan na kasalanan ni Armando ang lahat kung bakit ko naranasan ang paghihirap ko. But when I tried to think of the reasons, all I can see is my son's laughter. That he's alive and safe.
Armando and Gray protected my son without me being noticed.
"I'm sorry Miss Lina, I was really desperate to retrieve my mother's last memories. Alam kong mali ang paraan ko, pero handa akong tumanggap ng kahit anong kaparusahan. I'm really sorry, Miss Lina. Cap, Commander Satchel, everyone."
Sa pagkakataong ito ay ako ang nag-angat ng tingin sa kanya. While looking at his eyes, I can't see any pretence. All I can see are his eyes full of sincerity asking for forgiveness.
Papaano ako magagalit sa kanya kung tama ang katwiran niya? Theon's life will be risky if he stayed with me and Gray's group, kahit hindi pa ako ang hummingbird malaki ang posibilidad na mapahamak ang anak ko.
I bit my lower lip.
"B-but there is something bugging me, how was that possible that Dr. Vicente captured Gray? Bakit sila nakarating sa kuta ng isang sindikato?" tanong ni Hazelle.
Kahit ako ay nagtataka rin sa bagay na ito. Gray was skilled enough to change the situation, mahina ang doktor kumpara sa kanya.
How did the doctor capture him?
Masasagot ba ito ni Armando? Hindi ba at sila ang magkakasama noon nang matambanggan kami ng sindikato?
"I don't know, but m-maybe he was really planning to tell you the truth? Hindi lahat ng kilos ni Gray ay nalalaman ko. Ang doktor lamang ang makakasagot ng katanungang 'yan Hazelle. I was with you and the team."
Hindi ko na inaasahang may kasagutan dito si Armando.
"I want to talk with my son right now, I want to see the proof." Madiing sabi ni Tristan.
Tumango si Armando sa sinabi nito. Lumapit si Enna at Hazelle para kalagan ng posas si Armando pero nakatutok pa rin ang baril ni kuya sa kanya.
Sinusulyapan ko si Daddy pero nanatili lamang itong tahimik at piniling hindi magsalita.
He opened his own laptop, message a certain account and used his skype account. Hindi nagtagal ang pag-ring dahil sinagot na agad ito ng nasa kabilang linya.
Sumalubong sa amin si Theon na kalong ng isang lalaki, may hawak pang-tsupon ang anak ko. Ngayon ko lang napansin na mas tumaba ang pisngi ni Theon, mas lumulusog siya at hindi ko man lang napansin.
"You greet your Ninong Armando, wave at him. You tell him you like me better." Natutuwang sabi ng kapatid ni Armando.
"Nong!" bati ni Theon na parang kilalang-kilala si Armando.
Napahawak na lang ako sa bibig ko. My baby won't give them smiles if they've been bad to him.
"Kapatid, I have something to tell---" hindi na natapos ni Armando ang sasabihin niya nang humarang sa camera si Hazelle.
At halos mapatalon ito sa screen ang kapatid ni Armando.
"W-What the? Where are you?"
"Umamin na ako, alam nilang nasa atin si Theon. They discovered everything."
"W-What? Where are you? Anong ginawa nila sa'yo? Oh fuck, what happened to your face?"
"Armando.." tawag ko rito.
Tumayo siya at binigyan niya ako ng pagkakataon na makaharap sa screen. Kanina pang walang ginagawang kilos si Daddy at Tristan simula nang mabuksan ang laptop.
"Mom-my!"
"Theon baby, malapit na tayong magkita. Kukuhanin ka na ni mommy, you're a big boy na." Lumapad ang ngiti ni Theon sa akin.
Naggagalaw ang ulo nito sa paraang natutuwa sa sinabi ko.
"B-But I want you to meet the other boys of my life, they wanted to see you Theon. Your real daddy, grandfather and your uncle."
"D-Daddy Gray?" tumulo ang luha ko sa inosenteng tanong ng aking anak.
"N-No, your real Daddy." Lumingon na ako kay Tristan. Inilahad ko ang mga kamay ko sa kanya.
"Come here, Tristan. Talk to your son," nakatitig lamang sa akin si Tristan.
"Tristan, Theon is waiting." Lumapit na sa kanya ang kapatid ko at tinapik ang kanyang balikat.
Nagdaop ang aming mga palad, ramdam ko ang pangangatal ng kanyang mga palad. At hinigpitan ko ang paghawak sa kanya nang tuluyan na siyang humarap sa laptop.
"Theon meet your Daddy, he's your real Dad. Look at his eyes, you have same brown eyes baby. He loves you so much," magkatitigan lamang ang mag-ama.
Humawak sa screen si Theon na parang gusto niyang mas pagmasdan si Tristan sa malapitan.
"We ha-ve same eyes.." humahangang sabi ni Theon. At wala sa sariling hinawakan ni Theon ang kanyang mga mata.
Nang sulyapan ko si Tristan ay nakangiti na ito kay Theon.
"Yes, you both have the most beautiful eyes Theon. Love love ni mommy ang eyes nyo ni Daddy." Marahan akong bumulong kay Tristan na hindi na magawang makapagsalita.
"Baby, talk. Theon is waiting." Tulala pa rin ito.
"Tristan.."
"I can't say a word Lina, he's too adorable."
"Yes, he is." Lalong humigpit ang mga kamay niya sa akin.
"Thank you for giving me this little thing. Ang gandang lalaki ni Theon, anak ko nga. I am really his father, he's a Ferell." Gusto kong tumawa sa sinabi ni Tristan. But he looked too serious.
I smiled.
"Yes, he's a Ferell. Buhay na buhay ang dugo mo sa kanya." Nakikita na ni Tristan si Theon sa mga unang videocall pero mas malapitan ito at ramdam ko ang kanyang matinding kaba.
"I love you Theon, wait for me son. Daddy will fix everything."
Hindi na nakipag-usap pa nang matagal si Tristan sa anak namin, dahil puputok na daw ang dibdib nito sa pagtitig sa kanyang anak.
Daddy and Ace tried to talk with my son, pero hindi rin nagtagal ay nagpaalam na ang kapatid ni Armando at sinabing inaantok na ang bata.
Panatag na ang loob ko.
Muling bumalik ang atensyon namin kay Armando. Pero sa pagkakataong ito ay hindi na siya pinusasan, nakababa na rin ang baril ni kuya.
"That's all, wala na akong alam na hindi ko nasasabi. I am now willing to accept any kind of punishments. I'm really sorry." Katahimikan ang bumalot sa aming lahat.
Magsisimula na sana akong magsalita nang maglakad na si Daddy papalapit kay Armando at napasinghap ako nang isang malakas na sampal ang tumama sa mukha ni Armando.
Tatlong beses itong sinampal ng aking ama na halos magpadugo sa labi ni Armando.
Pero tuluyan nang nalusaw ang puso ko nang yumakap kay Armando ang aking ama habang walang tigil ito sa paggulo ng buhok ni Armando.
And for the first of my life, the jolliest and funniest guy I've ever known cried in front of me.
Sumubsob ito sa balikat ng aking ama habang wala itong tigil sa pagsasalita.
"I'm sorry Commander, I'm sorry Commander..humihingi ako ng tawad sa inyong lahat. I really want to come back, gusto kong manatili rito, I don't want to be kicked out. Dito ako masaya, dito hindi ako isang prinsipeng itinapon, hindi ako kahihiyan. Binigyan ako ng pangalan sa pamilyang ito, I want to stay. Ayokong muling itapon, ayokong muling itapon. I'm sorry Commander, I'm really sorry.."
"Armando.." hinawakan na ni Tristan ang mga balikat ko para alalayan ako.
Hindi na rin napigil ni Enna at Hazelle ang kanilang mga luha.
"Sino ba ang ITATAPON?! Oh you poor boy!" huminga ako nang maluwag sa sinabi ni Daddy.
Walang tigil si Daddy sa paggulo sa buhok ni Armando.
"I'm sorry, I'm sorry," paulit-ulit na sabi ni Armando.
"Walang ITATAPON Armando, I won't throw you. As long as I'm living in this world, Sous L'eu will never leave you alone. Tanging ako lang naman ang inyong iniiwanan."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro