Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 47


Chapter 47


It wasn't the bomb but Armando's confession made the whole Sous L'eau explode from revelation.

The continuous gun shots from my brother as well as bombs coming from Enna and Hazelle stopped.

Walang kahit sino ang mag-aakalang siya ang nag-traydor. Why? Why Armando? We didn't even doubt you.

A-And he's a Prince? A literal royal blooded Prince.

Wala sa sarili akong napalingon kay Daddy, papaano nakapasok si Armando sa loob ng Sous L'eau? Did they use torrid background check? Papaanong nakalusot ito?

Kahit si Daddy ay natigilan, samatalang si Tristan ay kasalukuyan nang nakakunot ang noo.

"A-Armando, why?" nanghihinang sabi ko.

Tinapik ni Daddy ang balikat ko at ni Tristan para ipahiwatig nitong magagawa nitong muling tumayo sa sarili niya.

Nangangatal ang mga kamay nito habang unti-unting itinataas ang kanyang woki-toki.

"This is your Commander speaking, ordering all agents inside the area. Identify the ex-agent, 00069. Order. Shoot to kill." Nanlaki ang mga mata ko.

"NO!" sigaw ko.

Huli na bago ko naagaw ang woki-toki kay Daddy at nakarinig na ako ng putukan sa loob ng headquarters.

"D-Daddy! We need him alive!" nagsimula nang tumulo ang luha ko.

Iniwan kami ni Tristan dala ang isang baril at mabilis itong tumakbo patungo sa loob ng headquarters.

"Tristan! No!" I shouted but he never looked back.

"Deny your order Daddy, this is another Gray case. The history will repeat, h-hayaan natin siyang magpaliwanag. P-Paano kung naiipit lang siya? He did give us hint! At siguradong napilitan na siyang umamin dahil nakikita na niyang nagpapatayan ang mga kasamahan niya. Deny your order Commander." Hawak ko na ang magkabilang braso niya.

My father can't look at my eyes. Alam kong nasasaktan siya, the wound made by Gray were still fresh. Itinuri niyang sariling anak si Armando, malapit ito sa aming lahat at ang kaalamang nagtaksil ito, hindi ko masisisi si Daddy kung maging sarado na ang isipan niya.

Hindi rin nagtagal ay nakita ko na rin si Enna at Hazelle dala ang kanilang mga baril papasok sa headquarters. Kahit si kuya ay ganito rin, nagsisimula na akong mataranta sa nangyayari sa loob.

They will stop if my father will give them words.

"W-Why are you so kind hija? You are like your mother."

"Please? Please Dad? Let him explain, I know his every actions are genuine."

"Hawak niya ang anak mo, they made you the burglar hummingbird. They made your life worst, h-how can you still save him? He fooled us."

"J-Just let him explain and allow me to kill him with my own hands Commander if he doesn't deserve the second life. So, please Dad? Please?" nagmamakaawang sabi ko habang inaangat ang kamay niyang may hawak na woki-toki.

He pressed the button.

"This is Commander Satchel, order denied."

Nang sabihin niya ito ay natigil ang putukan.

"Thank you, Dad!"

Hindi ko na ito hinintay pa dahil tumakbo na ako sa loob ng headquarters. Panay ang dasal ko na hindi nila napatay si Armando, sana ay hindi pa huli ang lahat.

Marahas kong binuksan ang pinto ng control room kung saan posibleng nandito si Armando at ang grupo pero wala ito. Ang sunod kong pinuntahan ay ang kwarto ni Armando.

Hindi ako nagkamali, I heard Enna and Hazelle's scream.

"Cap! Cap please, the order was denied!"

Nagmadali na akong pumasok at tumambad sa akin si Enna at Hazelle na pilit pinipigilan si Tristan na akma nang susugod kay Armando.

Nakaupo na sa isang upuan si Armando habang nakaposas na ang mga kamay nito. May bahid na ng dugo ang labi at kilay niya, bahagya na rin namamaga ang pisngi niya.

Bahagyang nakaharang si Kuya sa harapan ni Armando para protektahan ito laban kay Tristan.

"Don't think that I want to protect you, I want you dead. But my sister needs you." Seryosong sabi ni kuya.

"Theo!" matigas na sigaw ni Daddy na nakapagpatigil sa pagwawala ni Tristan.

"Tristan.." hinawakan ko ang braso niya.

"Fuck!" mura niya at napatalikod na lamang siya.

"Kuya, move. I want to talk to him." Tumango si kuya at nagsimula na akong maglakad patungo kay Armando.

Nag-iwas ito nang tingin sa akin.

"W-Why?" nangangatal na tanong ko sa kanya.

"Do you think, he'll tell us the truth?! All this time he's creating lies. Bullshit!" sigaw ni Tristan.

"Tristan!" pagbabanta ko rito.

"We should torture him! We cut his—" bumunot ng pocket knife si Tristan.

"Fuck! Daliri ko na lang Cap, shit! Yung daliri ko ang putulin mo!" nataranta si Armando at halos maggagalaw sa kanyang upuan.

Kung hindi niya inamin sa akin na siya ang traydor malamang ay tumatawa ako ngayon. But I can't.

Suminghap ako nang sabay humakbang papalapit kay Armando si Enna at Hazelle. Halinhinan tumama ang mga sampal ng mga ito kay Armando.

"Cut the acts! You are not our 00069 anymore, not the asshole sniper. Stop the act, syndicate!" sigaw ni Enna.

"Napasok kami ng ahas," seryosong sabi ni Hazelle.

My heart sank when Armando bowed his head as a resignation.

"Believe me or not, my actions and my words with you guys were all true." Mahinang sabi nito.

"Tang ina mo, nasaan si Theon?!" sigaw ni Tristan.

"Yes, I ordered to kidnap Theon. Ako, hindi ko itinatanggi." Sa pagkakataong ito ay mga kamay ko ang sumampal kay Armando.

"W-Why?!" lumuluhang sigaw ko sa kanya.

"Just kill me," isa muling sampal ang tumama sa kanya.

"Answer me! W-Why?!" muling sigaw ko.

"I told you, it was because of the jewels."

"For that?! Dahil lang sa mga bato? Ano ba ang m-meron sa mga bato, pera?! We can give you! Hindi ba at sinabi namin na kaya naming magbigay ng pera?!"

Kaya pala sa tuwing may misyon kami, mabilis nakukuha ni Armando kung saan matatagpuan ang mga alahas.

He got the most reliable information!

"It wasn't about the money, it's all about the value."

"Value? Mas mahalaga pa sa kasiyahan ng mag-ina?! How could you!" sigaw ni Enna.

"I'm sorry," mahinang sabi nito. "Those jewels were so important, those were the only memories I got from my mother."

"Oh, oo nga pala! You're a Moroccan Prince! Akalain natin, he's a literal Prince! It's not Rashido." Sarkastikong sabi ni Hazelle.

"P-paanong naging prinsipe? H-How is that possible? Papaano siya nakalusot Daddy?" kahit si Daddy ay naguguluhan.

Lahat kami ay nakatitig sa kanya at mukhang wala na itong balak pa na magsalita.

"Armando!" muling tawag ko.

Bumuntong-hininga ito ay tipid na sinalubong ang mga mata ko.

"Yes, I am really a Moroccan Prince. Pero hindi ako kilala sa buong bansa, kilala lamang ako ng nasa loob ng palasyo. O tamang sabihin na alam nilang patay na ako? And just like me, my mother was an illegitimate princess. Anak siya sa labas ng hari sa isang Filipina, pero ipinaglaban siya at binigyan ng posisyon. But the history repeats itself, while my mother was engaged with another Prince she fell in love with my father, a Filipino professor who loves to travel. She got pregnant." Natahimik kaming lahat habang nagsasalita si Armando.

"Pero para iligtas sa kahihiyan ang prinsipe, they still got married. Ipinalabas nilang anak ako ng dalawang dugong bughaw. Pero nais ng prinsipe, matapos akong isilang ay ianunsyo sa buong bansa na nalaglag ako. My mother declined but no one supported her, kahit ang hari ay hindi siya matulungan dahil pangalawang beses na itong nangyari. That's why he decided to kick me out from the castle without my mother's approval, mamuhay ng normal at malayo sa palasyo. A simple kid. Ipinamigay ako sa mag-asawang tagasunod. Walang nagawa si ina at tanging ibinigay lang sa akin ay ang kanyang koleksyon ng mga bato na regalo sa kanya ng hari noong bata pa siya. That jewels were the symbol of my royalty."

Halos hindi ako makahinga sa mga sinasabi ni Armando.

"Gabi nang dadalhin ako ng mag-asawa sa kanilang tahanan, bigla na lamang sumabog ang sasakyan na siyang dapat gagamitin namin. Someone from the castle wants me dead. Pero hindi sila nagtagumpay, lingid sa kanilang kaalaman ang mag-asawang pinagbigyan nila sa akin ay matagal nang espiya mula sa mga aktibistang binabatikos ang maling pamamalakad ng mga dugong bughaw. At ngayong nagkaisip ako, ipinaliwanag nila ang lahat ng pinagdaanan ko nang sanggol pa ako."

"They announced that I died during the explosion, para protektahan ang buhay ko. Taon na ang lumipas at tumatak sa isipan ko ang lahat, hanggang sa mabalitaan kong namatay na ang aking ina. It was an unknown illness, but she was actually poisoned. Days after her death, sumugod sila sa unang kuta ng grupong kalaban ng palasyo, kami. At ninakaw nila ang mga bato ni ina. They auctioned it around the world and they shattered my mother's precious memories."

Nanlalambot akong napaupo habang pinagmamasdan si Armando, bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya. Behind his silly smiles, his jokes and his laugher is his bleeding heart.

"Armando.."

"Muntik ko nang makalimutan, hindi lang ako. Kaming dalawa ng kambal ko ang ipinatapon at muntik nang patayin. I have a twin. Amadour George Al-Farri Ortega, he's flirting you. Right Hazelle?" napamura si Hazelle.

Kung ganoon, ang gwapong lalaki na nag-aalaga kay Theon ngayon ay kapatid ni Armando.

"Though we're not identical, he's in relationship with the real hummingbird. Gisela." Umawang na ang bibig ko sa sinasabi ni Armando.

"I thought—" Dhaywill and Gisela?

"Kaya pursigido si Gisela na kumpletuhin ang mga bato noon, for her boyfriend, for the man she loves." Hindi ko na alam kung pumapasok pa ba sa isipan ko ang lahat.

"H-hindi, si Dhaywill—"

"Dhaywill is a damn traitor, Miss Lina. He ordered to kill Gisela, nang malaman niyang may relasyon ito ng kapatid ko. Naghanap siya ng tao para ipapatay si hummingbird. Kaya ako ang pinakamasaya at ang kapatid ko nang namatay ang gago. Gisela's death made my brother unproductive, at ako na lamang ang gumagalaw."

"Then why did you pushed Lina to do the acts?! Lina isn't involved with your family problem!"

"I was not informed, bago pa lamang ako sa Sous L'eau noon. I heard the name Lina, but I don't know her with her face. I was desperate and ordered to force her to act as the hummingbird when Gisela died."

"K-Kung ganoon ang mga sumusugod sa amin noon—"

"Yes, Miss Lina. Hindi ang grupo ko ang sumusugod sa inyo, those people were from the palace. Sila ang pumipigil kay hummingbird. I entered Sous L'eau nang buhay pa si Gisela, para matulungan siya. I was diverting Sous L'eau against the palace illegal acts than hummingbird. Pero hindi ko alam na may sarili rin misyon si Gisela na kuhanin ang atensyon mo Cap Theo." Alam ko ang ilang parte rito.

"When Gisela died, I heard the news that the palace group spotted your place. Kaya nagpadala ako ng tao para tulungan sila Gray, pero ikaw lang pala at si Theon ang tao. Sa pagtatago mo hindi mo siguro napansin na may nagpapalitan na ng putok, it was my group against the palace group. Kung nauna silang mahanap ka, matagal na kayong patay ni Theon. Wala silang mga awa."

"But your group sexualized me!" sigaw ko. Muntik na akong ma-rape!

Muling susugod dapat si Tristan nang yakapin ko ito.

"I didn't know that," sagot ni Armando, pero muli itong nagpatuloy. "I was not informed that you're with Theon and I was desperate that time, pinag-utos ko na pilitin nilang ikaw ang pumalit kay Gisela. Then someone told me that there's a child involved, I was hesitant at first but when I realized that the child wasn't safe anymore, I decided to have him. We just used the word kidnap, it was double purpose, I admit."

"Hindi ako nag-alinlangang ipadukot siya, not because of my own motives but to protect the kid. Mainit ang mata ng palasyo kay hummingbird at siguradong mapapahamak ang bata. I ordered to kidnap the Theon for his safety and yes, for my own reason. I'll ask you, saan siya ligtas? Gray's group? Lahat nagbabanggaan habang tahimik at nagmamalinis ang aking grupo."

"Duwag! Why don't you use your own group?!" sabat ni kuya.

"We're still lack of power, that's why I entered Sous L'eau. Pero hindi ko ipinasa lahat sa Sous L'eau, halos igugol ko ang buong oras ko sa misyong konektado sa akin. Hanggang sa mahalin ko na ang ginagawa ko. Sous L'eau is my home." Wala nang makasagot sa kanya habang nakatitig lang kami sa kanya.

"Isa pa pala, magkakilala kami ni Gray. We're not friends but merely affiliates. Alam niyang nasa akin si Theon. Sa kanya ko na nalaman na anak si Theon ni Cap Theo at inako niya ang pagiging ama ng bata. With two reasons, para pagtakpan na hindi anak si Theon ng taong naging banta sa itinatagong sindikato ng palasyo. Some part of Moroccan palace cover up syndicates were people from those who captured you before Cap, ang na-ambush ng Sous L'eau na halos lagpas kalahati ng kabuuan ng sindikato ang bumagsak. He's protecting your son, because most of them might think that Theon might inherit your intelligence and ability. He's a future threat and ofcourse there's a part of Gray that he wanted Miss Lina's heart." Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng malay sa mga sinasabi ni Armando.

"Gray allowed me to have the kid for protection, he's smart. Alam niya ang tama at mali. I won't explain Gray's reason for giving you the idea that he's your husband Miss Lina. It was foolish love and until now it is still my mystery. I know, you thought that Gray killed his own sister. It's a no, Miss Lina. Mahal na mahal ni Gray si Gisela and he even tried to kill my brother to confirm if he's serious with his sister. And if you're going to ask me about Dr. Vicente's case? It wasn't me who poisoned him, it's Dr. Padua. She's an aylip, kabit si doktor Vicente ng kanyang ina. Dr. Padua's father killed himself because of jealousy. Savannah manipulated her record as well as mine! Damn it, huwag nyo sa aking isisi ang lahat. I don't intend to kill innocent people!"

"What the hell?" tulalang sabi ko.

"C-Can we rewind everything?" nalilitong sabi ni Enna.

"Sinarili mo itong lahat, Armando?" tanong ni Hazelle.

"Fuck," mura ni Kuya.

Samantalang nakatitig lamang si Daddy at Tristan.

Huminga nang malalim si Armando at pilit nitong salubungin ang mga mata naming lahat.

"But to sum everything up, I don't want to be a prince. I always want to be a Sous Leu's agent."


--

VentreCanard 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro