Chapter 46
Chapter 46
"Calm down, Commander." Dahan-dahang itinataas ni Tristan ang kanyang kamay.
"Dad, please.." hindi man lang nito nagawang lumingon sa akin.
He looked so serious. At alam kong hindi siya nagbibiro, minsan na niyang binaril si Tristan sa harapan ko at alam kong hindi siya mag-aalinlangan sa sandaling makilala niya ang traydor.
Nagsisimula nang humakbang si Tristan papalapit kay Daddy. Samantalang nabitin sa ere ang mga baril ng apat na pinaghihinalaan namin.
"Commader, self defense! Self defense lang ang baril ko. Bakit lagi na lang ako nadadamay?" Armando looked frustrated.
Ganitong-ganito rin ang hitsura niya nang tutukan ng baril ni Daddy si Tristan.
"Shut the fuck up, Armando!" sigaw sa kanya ni Enna at Hazelle.
"Commander, please stay calm. It's a shot gun." Paalala ni Tristan.
Isang putok lang nito, buhay na agad ang kapalit.
"Stay right there, Theo." Asik na sabi ni Daddy.
Hindi na muling nakahakbang si Tristan patungo rito nang sa kanya itapat ang baril.
"Daddy!"
Patakbo na akong pumunta kay Tristan pero agad iniharang ni Tristan ang kanyang braso sa akin.
Muling humarap si Daddy sa apat na siyang pinaghihinalaan naming.
"I had enough of betrayals. Itinuring ko kayong sarili kong mga anak, saan pa kayo kumukuha ng lakas at dahilan na pagtaksilan ako? Hindi nyo ba alam na kailangan natin si Vicente sa kanyang matinong pag-iisip?"
"Commander—" magsasalita pa sana si Enna nang malakas na sumigaw si Daddy.
"Ibaba nyo ang mga baril nyo! Mga bastos at walang galang! Bakit ang tatapang nyo?!" dumagundong ang mas malakas na boses ni Daddy.
Halos mapayuko ang apat nang ikasa na ni Daddy ang kanyang baril. At sabay-sabay nalaglag ang kanilang mga baril.
"Nagtutukan pa kayo ng baril sa mismong harapan ko! Hindi na kayo marunong rumespeto?!"
"Daddy.." hindi niya pa rin ako pinapansin.
"Commander, ikaw na ang aking ikalawang ama. Halos dito na kami ni Hazelle lumaki sa ahensiyang ito. Walang rason para gumawa kami ng hakbang na malayo sa inyong kagustuhan." Paliwanag ni Enna.
"Hindi dahil bago ako ay may dahilan na kayong husgahan ako. Yes, I can be a traitor kung gugustuhin ko, pero kahit kailan ay hindi ko magagawang traydurin ang sarili kong kapatid." Madiing sagot ni kuya.
Lahat kami ay nakatitig na ngayon kay Armando.
"I don't know what to say anymore, but I was really expecting this scenario. My plan is to act like I didn't have any idea about this, bahala na kayong magkagulo. But what the hell? Can't you get it people? Sinasadya tayo, someone is manipulating us. Gusto nilang magkagulo tayo dito sa loob."
Nagulat ako nang marinig ito mula kay Armando, kahit si Tristan ay bahagyang napatitig sa kanya. We're not expecting that we'll receive good explanation from him.
"Coming from you, Armando? You let your guard down! Hindi ba at sa'yo ipinabantay si Dr. Vicente? Palibhasa ay nahumaling ka na naman sa dibdib ng bagong doktor! Pinabayaan mo na ang trabaho mo! Tang ina mo!" gigil na sabi ni Enna.
"What the—I was actually serious here Enna. Huwag mo akong murahin, hahalikan kita."
Sabay kaming napamura ni Tristan sa pagtatalo nila ni Enna. Bakit ang lalakas ng loob nila? Mas ginagalit nila si Daddy. Mapapatay sila nang maaga.
"She's right Armando, why are acting so calm? You are not even bothered. Baka ikaw ang lumason sa doktor?" sabat ni Hazelle.
"Why would I do that, Enna? Hazelle? Can't you stop? Hindi nyo ba narinig ang mga sinabi ko? There's a high possibility that there is someone manipulating us."
"Bakit mo kailagang ipasa ang sisi sa iba, Armando? Sigurado akong isa sa inyong tatlo. Kayong tatlo, may matitindi kayong dahilan para patayin ang doktor." Matigas na sagot ni kuya.
"Hindi pa ba kayo titigil?" muling naalarma ang lahat.
"Sir!"
Inutusan ni Daddy ang ibang agent na kapain ang mga kasuotan ng apat. Pinatatanggal ni Daddy ang posibleng gamitin ng mga ito sa sandaling magkaroon ng aberya.
Hindi pa man tapos ang lahat sa pagkain ay pinalinis na ito ni Daddy lahat. Pinaupo niya muli kaming lahat sa mahabang lamesa pero hindi pa rin nito binibitawan ang kanyang baril.
"I will give you time to explain."
Sa kabila ng baril at bagsik ng boses ni Daddy, ramdam ko ang paghihirap niya. Parang muling ipinaranas ng mga ito ang naramdaman ni Daddy nang unang iwan siya ni Gray at sumama sa kanyang tunay na ama.
"Wala na akong dapat ipaliwanag Commander, nasabi ko na ang lahat ng dapat kong sabihin." Sagot nang kuya ko.
Hindi na nagsasalita si Enna at Hazelle. Habang kami ni Tristan ay wala nang ibang nagawa kundi manuod na lamang.
"Papaano kung totoo ang sinasabi ni Armando? Maybe someone is trying to play with us." Tanong ko.
"Then who? Sino na naman? I am damn tired this." Umiiling na sabi ni Enna.
"Maybe the new doctor, sino ba ang bago rito bukod kay Ace?" sagot ni Hazelle.
"Being new isn't a good reason. Nagsisimula na akong panghinalaan ang hindi kahina-hinala. It could be Armando, magkasabwat sila ng doktor." Diretsong sabi ni kuya.
"What the—anong gusto niyong gawin ko? Sumabay sa pakikipagturuan sa inyo? Hindi ko ikagagandang lalaki."
Hindi na matigil ang sisihan nilang apat. Sa kabila ng mga nalaman namin Tristan, patuloy pa rin akong umaasang wala sa kanila ang traydor.
Magsisimula na sanang muli si Daddy sa kanyang mga sasabihin nang halos mapayuko kaming lahat nang makarinig kami ng isang malakas na pagsabog.
Agad akong niyakap ni Tristan para maprotektahan ako. Marahas nabuksan ang pintuan at humahangos ang mga agent dala ang kanilang iba't ibang klase ng mga baril.
"Napasok tayo, Commander!"
"W-What?"
"Damn it!" iritadong tumayo si Tristan.
"I don't care about the traitor right now. But fuck this night, we need to move. They just entered the very wrong place."
Nagulat ako nang may kung anong pinindot si Tristan mula sa ilalim ng mahabang lamesa at sa isang iglap ay nabaliktad ito. Kung ganoon ay dito nanggaling ang baril ni Daddy.
Walang salitang tumayo ang apat na agent na nagtatalo lamang kanina at nag kanya-kanya na silang kuha ng mga baril.
"Commander, you need to stay inside." Sabin i Tristan.
"No, I'll go with Ace. We'll cover you. Come on," nauna nang naglakad si Daddy.
"Dad.." tawag ko rito nang tinalikuran na niya kami.
"Everything will be alright, Isabella. Theo, ingatan mo ang anak ko." Kumirot ang dibdib ko sa tono ng boses ni Daddy.
Hindi ko ito nagugustuhan.
"Stay alive sir, that's what your daughter wants. You'll still play with Theon." Sagot ni Tristan.
"I'll take care of him," tinapik ni kuya ang balikat ko bago ito sumunod kay Daddy. Nagawa pa niyang sagiin ang balikat ni Tristan.
Tahimik na nag-aayos si Enna at Hazelle.
"Enna, Hazelle.." nahihirapang tawag ko sa kanila.
"Nakakainis, Isabella. Naiinis ako," ito lang ang sinabi ni Enna bago siya tumakbo papalabas.
"I hate this day," tamad na sabi ni Hazelle.
Huling nagpaalam sa amin si Armando.
"I missed our light missions, not this. I hate the gap, I really do." Sumaludo lamang sa amin si Armando bago ito umalis.
Naiwan kami ni Tristan.
"Sana wala sa kanila Tristan, sana wala." Hinihintay kong may sabihin si Tristan pero tahimik na itong nagpupunas ng kanyang baril.
"Meron, baby. Kilala ko na siya." Suminghap ako sa sinabi niya.
"W-Who?" kinakabahang tanong ko.
"One wrong move, ako mismo ang papatay sa kanya."
Lumabas na rin kami ni Tristan, kasalukuyan nang nagpapalitan ng putok ng baril ang dalawang grupo.
"Anong sindikato ang sumusugod sa atin?"
"I don't know,"
"Papaano kung sila ang mga kumuha kay Theon? Bakit sila sumusugod?"
"I don't know baby, hindi ko na alam ang nangyayari." Pansin ko na balisa na rin si Tristan.
Nagsisimula nang maglabasan ang mga rally truck ng Sous L'eau. Tatlong ang lumabas at sa paraan ng kanilang pagmamaneho ay agad kong nakilala ang mga ito.
It's Hazelle, Enna and Armando.
Halos hindi na kami pumutok ni Tristan dahil masyadong mabilis ang bawat pagkilos ng mga ito.
Lahat sila ay maiinit ang ulo, sino nga ba ang hindi? Kahit ako ay hindi matutuwa sa sandaling paghinalaan ako sa isang bagay na hindi ko naman ginawa.
Hindi tumagal ang labanan, napulbos lahat ng kalaban at tanging natira ang malalaking rally car ng Sous L'eau sa field. Kasalukuyan nang nililigpit ang mga katawan ng mga patay ng mga taga Sous L'eau.
Nagmadali kaming sumilip ni Tristan sa mga bangkay at halos magdilim ang paningin ko nang makilala ko kung anong lahi ang mga sumugod sa amin.
Mostly from them are arabs.
Hindi sila marunong sumunod sa pinag-usapan!
"They are probably after the jewels, Tristan." Pansin ko na halos maglabasan na ang ugat sa noo ni Tristan dahil sa matinding galit.
"Fuck those syndicates, Theo, ihanda ang apat na dibisyon. Tayo naman ang aatake." Umawang ang bibig ko sa sinabi ni Daddy na siyang nasa tabi ko na pala.
Katulad ni Tristan ay galit na galit rin ang mga mata nito.
Yayain ko na sana si Daddy at Tristan pumasok sa loob, para kumalma at magpahinga nang muli kaming mapayuko dahil sa malakas na pagsabog.
And there I saw Hazelle and Enna's car throwing bombs to my brother's sniping position a while ago.
"What the—" kahit ang mga sasakyan ng dalawa ay nakakatanggap rin ng putok ng baril mula sa kapatid ko.
"No! Please stop them Tristan, nagpapatayan sila."
Dahil sa pagpapaulan ng mga granada ni Enna at Hazelle ay halos masunog na ang buong field. Lalong nagkagulo ang buong Sous L'eau dahil walang paraan ang mga ito para pigilan ang banggaan nang pinaka-magagaling na agent ng ahensiya.
Nanlaki ang mga mata ko nang humawak sa dibdib si Daddy.
"Naninikip ang dibdib ko, Isabella.."
"Daddy!" sabay namin siyang inalalayan ni Tristan.
"W-Where is that damn Armando! Awatin niya ang tatlo!" hindi pa man kami nakakahakbang papasok ng headquarters nang umalingawngaw sa buong Sous L'eau ang boses ni Armando.
"This is 00069 speaking, communicating to my comrades. Enna, Hazelle, Ace, Cap and Miss Lina. I'm off from my games. Stop this mess." Nanlambot na ako sa naririnig ko.
"It's me, the traitor. The illegitimate Prince of Morocco." Nabalot ng katahimikan ang buong Sous L'eau.
Those tattoos, na-nakita ko sa batok ni Armando.
"I am Prince Armando George Al-Farri Ortega, those jewels are mine."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro