Chapter 43
Chapter 43
The whole chapel went in silence. Niyakap ni Rashid si Savannah habang ganito rin ang ginawa sa akin ni Tristan.
My Dad's cries made me weak even more. Bakit wala siyang sinabi? Bakit hindi niya nilinis ang pangalan niya? Why didn't he tell us the truth?
Buong magdamag kaming nanatili sa loob ng chapel. Hindi na rin makausap si Daddy habang yakap ang litrato ni Gray, hindi rin umalis si Rashid sa tabi ni Savannah.
Samantalang ilang oras lamang ang inilagi ni Bryce at Alexis. Siguro kung sa ibang pagkakataon ay ipinahuli sila ni Daddy pero wala na itong ibang nagawa kundi matulala.
I want to comfort him, gusto ko siyang damayan pero pinigilan ako ni Tristan. Sinabi nitong mas gugustuhin ni Daddy na mag-isa.
"Hindi ka ba naghahanap ng kasugatan, Tristan? May rason si Gray kung bakit nagawa niya ang bagay na ikinagalit nating lahat."
"Matagal na akong naghahanap ng kasugatan, Lina."
Lumapit sa amin si Enna at Hazelle, sila ang gumagala para bigyan ng kape at mga pagkain ang lahat ng agents na nakikiramay.
"Nasaan si Dr. Vicente?" tanong ko sa kanilang dalawa.
"Binabatayan siya ni Armando." Sagot ni Enna.
"Enna, Hazelle. Hey, how are you girls?" mahinang tanong ni Rashid.
"Still an agent, still alive." Sagot ni Hazelle.
"I'm glad," tipid na sabi ni Rashid.
Halos isang linggo rin kaming halos tumira sa loob ng chapel para samahan si Daddy at Savannah, kahit si Tristan at Rashid ay hindi rin gustong iwan nang matagal si Gray.
At ngayon ay nagpapaalam na si Rashid. He got his priorities now, at hindi na ang ahensiyang ito.
Kasalukuyang magkausap si Tristan at Daddy, kaya naiwan kaming dalawa ni Rashid.
"Ang daming nangyari nang wala ako, this place is so nostalgic. Akala ko ay hindi na ako marunong humawak ng baril." He faked his laughter.
"You're still the number one sniper of Sous L'eau, Rashid. Walang papalit sa pwesto mo."
Hindi na ako nagtataka na hindi siya nagugulat na buhay ako, sinabi sa akin ni Tristan na umalis si Rashid sa Sous L'eau ng mga panahong alam ng lahat na wala na ako.
Siguro ay bago pa man siya sumunod at tumulong sa amin ay mabilis niyang inalam ang sitwasyon. Typical agent skills.
"Maybe? Pero hindi ko pinagsisihan na minsan akong naging parte ng ahensiyang ito."
"Thank you for that, Rashid. I know that you're happy now."
"Yes, beyond happy Miss Lina. Buong akala ko ay hindi na ako makakaahon sa galit mula sa mga taong pumatay sa magulang ko. But Aurelia came into my life, giving me a mission worth fighting for."
Ngumiti ako sa kanya. Mabuti pa si Rashid, masaya na siya sa mga oras na ito.
"But I need to tell you something, kailangan ko itong aminin Miss Lina dahil hindi gagaan ang pakiramdam ko hanggang hindi ko ito nasasabi sa'yo. I was like Savannah before, maging ako nagkaroon ng galit sa'yo. I know that it wasn't your fault that both Cap and Gray fell for you. Pero nagsimula ang lahat nang mahulog ang dalawa sa'yo, Savannah got tired of their fights that's why she left Sous L'eau, Gray betrayed us hanggang kami na lang ni Cap ang matira. I cursed the word love, Miss Lina. Dahil sinira niya ang pamilyang kumupkop sa akin. Their love for you shattered us four apart, I hated you. Sa tuwing magkakasama tayong tatlo ni Cap, I am silently cursing your name. I was blaming you for everything. Hindi sana kami dalawa lang, dapat apat pa rin kaming magkakasama. You ruined us." Natulala lamang ako habang nagsasalita si Rashid.
"At isinumpa kong hindi ako mababaliw katulad ni Cap at Gray sa babae, pero lahat 'yon kinain ko when I met Aurelia. Naintindihan ko na ang nararamdaman ni Cap at Gray, katulad nila parang mababaliw ako kapag may nagtangkang manakit sa kanya. And I am always willing to use my whole body to shelter her from bullets. Gagawin ko ang lahat hanggang kamatayan para sa kanya. I'm really sorry for hating you. I really do Miss Lina. Now I realized how powerful love is, nakamamatay."
Tipid akong ngumiti sa kanya.
"No, you don't die for love. Live for love, 00043."
Dumating na si Tristan at Daddy, tumuwid nang tayo si Rashid at humarap sa kanilang dalawa.
"I'll go now Commander, thank you for letting me inside this place again. Kahit wala na ako sa lugar, kahit wala na akong karapatan. Thank you so much Cap! Sir!"
Tumango lamang si Dad at Tristan.
"Take care," mahinang sabi ko. Ngumiti sa akin si Rashid.
Nagpaalam na si Dad na babalik sa opisina at naiwan kami ni Tristan.
"How's Savannah?"
"Still inside the chapel, aalis na rin siya ngayong araw."
Nakarating kami sa kwarto ni Dr. Vicente, ngayon ko lamang siya dadalawin simula nang bumalik kami sa headquarters.
"A-Are you sure you want to see him?" My eyebrows furrowed.
"Why?"
"He's not in good state,"
"W-What? Sa binti lang siya nabaril Tristan. What happened to him?" kinakabahang tanong ko.
Kumalas ako sa hawak ni Tristan at halos takbuhin ko kwarto ng doktor. And my last hope sank when I saw two nurses struggling against him.
Kasalukuyan nila itong iginagapos sa paraan ng mga pasyenteng nawawalan sa kanilang katinuan.
"W-What the hell?" nanghihina akong lumingon kay Tristan.
Siya na lamang ang makakasagot sa lahat, anong nangyari? Hindi ba at nasa maayos pa siyang katinuan nang isakay ko siya sa kotse?
"I'm sorry baby.." mahinang sabi ni Tristan.
"W-What? Dr. Vicente!" malalaki ang hakbang ko patungo sa kama niya.
Nanlaki ang mga mata nito at lalong nagwala nang makita ako.
"D-Don't kill me! Don't kill my whole family! Nagmamakaawa ako, huwag ang pamilya ko! Bitawan nyo ako! I need to operate their eyes! Bitawan nyo ako kailangan ko na silang operahan, papasok na ang tubig. I need to save her for Commander Satchel." Humarap sa akin ang dalawang nurse at ilang beses silang umiiling sa akin.
"He's traumatized, Lina.."
Suminghap ako sa sinabi ni Tristan. I was part of his trauma, from my threats to Gray until to Tristan.
Poor doctor, he was the victim.
"Pero magagamot naman siya hindi ba? Hindi ba Tristan?"
"Bitawan nyo ako! My patients are waiting! The water will ruin the whole submarine, Stone will kill me! Oh god, not my family. Nagmamakaawa ako, susunod na ako sa lahat ng gusto nyong mangyari. The water will drown us."
"Let's go, Lina. He needs rest. Everything will be alright." Saglit kong muling sinulyapan si Dr. Vicente bago namin tuluyang iniwan ang kwarto.
Hindi ko na napigilan ang luha ko. I cried and cried again.
"Tristan, ang daming nadadamay sa pagmamahalan natin. Those innocent people, they don't deserve this and even our baby, hanggang ngayon hindi pa rin natin nababawi si Theon."
Yumakap sa akin nang mahigpit si Tristan.
"I'm really sorry, Lina. Once that everything is fine, I promise we'll leave this world. Lalayo na tayo at mamumuhay na tayo ng normal, katulad ng mga pinsan ko. We'll have our proper dinner, mild conflicts and noise not coming from guns but from our kids. Kaunting panahon na lang, pangako. Babawiin natin si Theon."
"Cap, you need to see this. It's urgent." Nagkalas kami ng yakap ni Tristan nang dumating si Armando.
"Go, I need to talk with Savannah bago siya umalis." Tristan kissed my lips before leaving me.
Nagtungo ako sa chapel, hindi na nakaupo si Savannah. Kasalukuyan na itong nakatayo habang nakatitig sa litrato ni Gray.
Not like her usual elegant outfit, she now wearing a simple white shirt and a jeans.
"Have you seen the doctor?" tanong niya sa akin.
"Yes,"
"Ano na ang plano mo ngayon? You have nowhere for an answer."
"Hindi ko alam,"
Natahimik kaming dalawa habang kapwa kami nakatitig sa berdeng mga mata ni Gray.
"He was really kind, he's a lesser savage than Rashido and Theo. When he asked me to be his call girl during that night, hindi ako nagdalawang isip. A part of me wanted to play, dahil doon naman ako magaling pero may parte na gusto ko ulit siyang makasama. I was hoping that once again, we'll go in one mission with Rashid and Theo, pero hindi na mangyayari 'yon."
"Wala na siya Lina. My green eyed agent signed off, tragically." Huminga siya nang malalim.
"Sana nagpakasal na lang siya katulad ni Rashid. I might be the happiest by now."
"I-I'm really sorry Savannah, I'm really sorry for everything. Sa inyong apat, sa inyong dalawa ni Rashid." Lumingon siya sa akin.
"So Rashid confessed?"
"Yes, sinabi niya sa akin na katulad mo na nagalit rin siya sa akin. Nagulat ako, hindi ko akalain. Sous L'eau agents are also good artists. But I really don't blame you for hating me, your group was your world. Halos walang makatibag sa inyo noon."
"Akala ko rin hummingbird, pero mahirap kalabanin ang isang Sous L'eau na natutong magmahal. Wala kaming balang sasantuhin." Tumango ako sa sinabi niya.
Sa ilang beses kong pagsama sa mga misyon, kahit minsan ay hindi ko nakitaan ng pagkataon ang lahat ng agent ng Sous L'eau.
Isinuot na ni Savannah ang kanyang itim na cap.
"But I've realized something hummingbird," she looked into my eyes. "Tough men always fall for damsel in distress."
Muling humarap si Savannah sa litrato ni Gray.
"This is Commander Savannah Zoella Ferell," she whispered her real family name. Iba ang gamit nito sa Sous L'eau. "The third unit division Commander, 00038. I'll go now, I'll now leave our once home. Your journey with us will always be my once paradise." Her tears fell.
"Till we meet again, my green eyed Commander. Hasta La Vista."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro