Chapter 41
Chapter 41
"Get down!" sigaw ni Savannah sa akin.
Hindi ko na nagawang igalaw ang aking buong katawan habang nakatulala sa magandang mga mata ng lalaking pinakamamahal ko.
My eyes were full of questions, the answers were right there. Abot kamay ko na Tristan, why?
Saan na kumuha ng lakas si Tristan para barilin ang sarili niyang kaibigan? Now that memories are back, wala akong maalalang nagkaroon ng pagkakataong sineryoso ni Tristan ang galit at pagpatay dito.
Yes, he's always at his peak to kill Gray. Pero madalas ay puro salita lamang ito, he valued more their friendship kahit matagal na itong lumipas.
May sasabihin pa si Gray, he was about to answer my questions.
"Baby.."
I saw how his mouth opened.
"What the hell? Get down!" nawala ang paninitig ko nang bigla na lamang bumagsak ang katawan ko sa lupa.
Savannah pushed me on the ground to save me from the bullets coming from different directions.
Nabalot nang palitan ng putok ng baril ang buong tunnel.
"Savannah..si G-Gray.." halos hindi ko na magawang sulyapan ang katawan nito.
Everything was so fast, a few minutes ago we were chasing the syndicates, my memories came back, Dr. Vicente revealed his point of view, Gray's reason was about to be revealed, but.. what the hell really happened?
"There is no time to mourn right now Lina. There is no time to mourn." Habang inaalalayan ako ni Savannah na magtago sa likuran ng sasakyan ay patuloy ang pagtulo ng kanyang luha.
Hindi ko akalaing makikita ko siyang lumuha, simula nang makilala ko siya ni minsan ay hindi inisip na luluha ito sa harapan ko.
Nangangatal ang kamay nito habang nakikipagpalitan ng putok ng baril.
"Damn him, damn him." Paulit-ulit nitong sabi.
"I-I just saw Tristan..he just--"
Nakarating kami sa likuran ng sasakyan.
"It was not Theo! The bullet wasn't from him! There's a sniper! Napapalibutan tayo, this damn tunnel is a trap." Dumagundong ang tibok ng puso ko sa sinabi ni Savannah.
"It was not Theo, sa malayo pa lang ay nakikita ko nang nakatutok sa kanya si Theo but that shot wasn't from him. Theo tried to shoot Gray's leg for him to be out of balance and the sniper might miss his shot, pero hindi inabot. Nauna ang sniper kay Gray."
"H-How did you--" papaano niya nalaman na may sniper na palang nakaaabang sa amin?
"This isn't the right time to explain everything but having your confusion state? I need to answer you. Dahil mamamatay ka nang wala sa oras dahil sa kalituhan mo."
Bago siya sumagot sa akin ay muli siyang nagpaulan ng putok ng baril sa kalaban.
"I was an ex-agent! I know how this damn world circulates. Kababa pa lamang ng doctor at ni Gray sa sasakyan, I saw laser on Gray's head. Pero agad rin itong nawala, right at that moment I knew that there's a sniper. Hindi ako nagpahalata dahil alam kong ako ang unang mapapatay. But I felt relieved when I saw Cap Theo and his group from different directions."
Gumalaw muli si Savannah at nakipagbarilan.
"But there was a problem, puro sniper ang nasa loob ng tunnel. Walang ideya ang grupo ni Theo kung nasaan sila dahil kadarating lamang ng mga ito. Another thing was their location from us, they were too near, kumpara sa mga sniper na malalayo. As they aimed for Gray's head, Tristan and his group have nowhere to locate the target. That's why Cap Theo used the timing, look at Gray's body. May daplis ng bala ang hita niya, sinadya ito ni Theo but the sniper isn't just one. Nagmintis ang isa ngunit may natitira pang iba."
Muling humarap sa akin ang luhaang si Savannah habang hindi na niya maikasa nang maayos ang kanyang baril.
"They killed my Gray, they killed him."
Bago muling ikasa ni Savannah ang kanyang baril ay pinahid nito ang kanyang luha. Kahit ako ay ramdam ko ang patuloy na pagtulo ng aking mga luha.
Kumikirot, walang tigil sa pagkirot ang dibdib ko.
Gusto kong tangkaing muling sulyapan ang katawan ni Gray ngunit nahihirapan akong huminga, nakakapanghina at nakakaubos ng lakas.
"Dr. Vicente.." tuluyan akong natauhan nang banggitin ko ang pangalan ng doctor.
"I need Dr. Vicente alive," ibinalik ko ang paningin ko sa pinanggalingan namin.
He's not there anymore, nang iginala ko ang mga mata ko ay nagtatago rin ito sa likuran ng isa pang sasakyan.
And he's shot on one of his legs.
"Cover me Savannah, I need to protect the doctor. I-I need to know everything about Gray."
"How can I cover you? Hindi ko alam kung nasaan ang mga kalaban." Matabang na sagot sa akin ni Savannah.
"The back-ups are here! Tang ina nyong mga sniper kayo!" isang malakas na ngitngit ng sasakyan ang narinig namin.
It was a big armoured car with a gatling gun on its head. Walang tigil nitong pinaulanan ng bala ang bawat sulok ng tunnel maliban sa posisyon namin ni Savannah.
"Armando and his big mouth." Hindi ko na nagawang sumang-ayon sa sinabi ni Savannah.
I ran towards Dr. Vicente.
"Lina!" narinig kong sigaw ni Tristan. I didn't look back, ang doktor na lang na ito ang pag-asa ko.
I need to answer my question, Gray's death deserves justice.
"Dr. Vicente!" dinaluhan ko siya at tiningnan ko ang tama niya.
"They killed Gray.."
"Kailangan mong mabuhay Dr. Vicente, you need to answer my questions. You'll be with your family again, just cooperate with me."
"Isakay mo na siya dito. This damn car is still working." Nag-angat ako ng tingin.
I saw Enna inside the car. Nang akma ko nang itatayo si Dr. Vicente ay may biglang humarang sa amin para protektahan kami.
It was Hazelle.
"You're too fast, you located me so easily."
"Ang laki ng takot namin kay Cap Theo. Hindi lang ibon ang lumilipad, minsan sasakyan rin ng mga taga Sous L'eau." Sagot nito.
Armando and his car covered us. Unti-unti na rin nalalaman ni Tristan at kuya kung nasaan nakapwesto ang mga sniper.
Nang maipasok ko ang doktor sa sasakyan ay agad rin akong lumabas dito.
"What the fuck?! Get inside!" sabay na sigaw ni Hazelle at Enna.
"I'll go back to Gray's body." Nang lumingon ako sa kanyang katawan ay nakalapit na rito si Savannah.
He's on her lap while Savannah's embracing his body. My whole system melted with sorrow and pain.
"Maraming kalaban, it was Cap Theo's order. Mapapatay kami Isabella." Umiling ako sa kanila.
"Please? Ayokong iwan ang mga taong ito, gusto ko silang samahang lumaban. Just go and keep Dr. Vicente alive, please." Halos magmakaawa ang aking mga mata sa kanilang dalawa.
Sa huli ay buntong hininga ang kanilang nagawa. Enna and Hazelle gave me another loaded guns.
Bago pa sila tuluyang makaalis ay nakakita ako ng isa hanggang tatlong mga kalaban na patungo sa pwesto nila sa Savannah.
With both of my hands, I showered continuous shot giving them a full head shots. Sa paglapit ko kay Savannah at Gray ay sa panghihina ng tuhod ko.
Bakit kailangang humantong sa ganitong sitwasyon?
Walang tigil sa putukan ang mga baril habang patuloy lamang ako sa paglalakad. Siguro ay tama nang sabihin na nasisiraan na ako ng bait dahil sa paraan ng pagkilos ko na parang wala man lang bala na posibleng tumama sa akin.
Pakiramdam ko ay lutang na ang utak ko sa mga nangyayari at ang tangi ko na lamang kayang gawin ay pumatay ng kalaban habang papalapit kay Savannah at Gray.
Ilang hakbang pa patungo sa kanila nang makaramdam ako ng yakap mula sa aking likuran.
"I'm sorry, I'm really sorry. I failed to save him."
Sa kabila nang putukan ay namayani ang init ng yakap sa akin ni Tristan. As he embraces me tightly Armando's big car went in front of us protecting us from possible the bullets that might kill us.
Sa paghigpit ng yakap niya ay sa paghina ng mga putukan hanggang sa tuluyan nang balutin ng katahimikan ang buong tunnel.
Armando and my brother successfully killed our enemies.
Bumaba na sa kanyang sasakyan si Armando, lumabas na rin si kuya na nag-aalalang nakatitig sa akin.
Walang kahit sino pa ang makagawa ng hakbang patungo kay Savannah at Gray. At halos mangatal ang mga tuhod ko nang marinig ko ang mahihinang salita ni Savannah para sa lalaking hindi ko nagawang suklian ng pagmamahal.
"I told you, I can love you. You don't need to ask, m-mas mamahalin kita kay Theo, I can seduce you more than the hummingbird's can. You asshole, why did you left us hanging?" Ramdam ko ang pagkalas ni Tristan sa akin nang yakap.
At dahan-dahan itong naglakad patungo sa dati niyang kasamahan.
Nanatili sa tabi ko si kuya na siya namang yumakap sa akin, hindi na rin makagalaw si Armando.
"Asshole, damn asshole." Narinig kong sabi ni Tristan.
Nanlaki ang mga mata ko nang dalawang pulang laser ang tumapat sa ulo ni Savannah at Tristan.
Halos sabay-sabay kaming napasigaw dahil dito.
They're still alive!
Mabilis itinaas ni kuya at Armando ang kanilang mga baril para hanapin ang mga kalaban.
But it's too late! Tatamaan si Savannah at Tristan!
Buong lakas akong tumakbo patungo sa kanilang posisyon pero huli na ang lahat, nakarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril.
"Tristan!"
Napaluhod na ako sa panghihina nang sabay na lumingon sa akin si Tristan na hindi ko na mabasa ang ekspresyon at Savannah na punong-puno ng luha.
"S-Someone was aiming to kill you both," tipid na sabi ni kuya.
"Saan galing ang putok ng baril? Walang tinamaan sa inyo." Nagtatakang sabi ni Armando.
Kahit ako ay nagtataka, someone killed those snipers. Enna and Hazelle.
Tuluyan nang naagaw ang atensyon naming lahat ng isang malakas na pagbagsak ng baril ang narinig namin.
The signature sniper gun landed on the ground. At nang nag-angat ako ng paningin ay sumalubong sa akin ang naluluhang mga mata ni Rashido.
"Rashido.." Savannah cried his name when she saw her ex-comrade.
"W-What happened? Nawala lang ako, nalagasan na tayo."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro