Chapter 40
Nawala kami ni Savannah sa aming posisyon at kapwa kami nagulat sa aming nakikita. We're actually cool and damn ready for another action, nilabanan ko ang pagkirot ng aking ulo sa mga alaalang bumabalik sa akin para lamang maging handa sa panibagong laban.
But everything turned out like this, it was a jaw dropping surprise seeing these two men at the same place and in this kind of situation. Having my memories back, it's damn easy to blame all the happenings with these two.
Pero sa sitwasyon ngayon ang tangi ko na lamang nagawa ay titigan sila.
Dr. Vicente lied about the chemical that was thrown to Tristan's eyes. Why did he lie? Bakit pinaabot niya pa sa puntong kailanganin ko siyang pagbantaan para lamang si Tristan ang iligtas niya.
And after the postponed operation, why did I end up with Gray having my lost memories?
What the actual fuck really happened? Lahat ng katanungan ko ay masasagot lamang ng dalawang lalaking nasa harapan ko. My initial reaction should run after Gray or to Dr. Vicente with guns on my hands for jeopardizing everything.
Hindi kami magkakahiwalay ni Tristan nang matagal kung hindi dahil sa nangyari sa nakaraan na tanging silang dalawa lamang ang nakakaalam.
"Dr. Vicente, what is happening?"
Namilog ang mata ni Gray at bahagyang nagulat ang doctor nang marinig nila ang tanong ko. They might be expecting that I won't be able to recognize the doctor.
"You have your memories back, Cleo?"
"Stop calling me Cleo, Gray. " Madiing sagot ko.
Nakababa na kami ni Savannah mula sa kotse, nagsimula na itong tumahimik at piniling hindi na magsalita. Nang hindi makuha ni Gray ang sagot mula sa akin ay bumaling naman ang atensyon nito sa babaeng katabi ko.
"What's with this Savannah? Why are you with her?"
"Making my own business, same same as always." She answered him without willingness.
"Hindi ka talaga mapagkakatiwalaan kahit kailan." Matabang na sagot nito.
"The question is, have you ever tried trusting me Gray?"
Pansin ko na bahagyang natigilan si Gray sa naging tanong ni Savannah, hindi na ako nagulat nang hindi na piliin ni Gray na sumagot kay Savannah.
Bahagya na itong lumingon sa doctor na nakatutok pa rin ang baril sa likuran niya.
"What now Dr. Vicente? We're all gathered here, ano pa ang gusto mo? Bakit hindi mo na lang iputok ang baril na 'yan nang matapos na?"
"Hindi nyo ako katulad, kung abala kayong lahat sa pagpatay ng buhay, ako naman ay iginugugol ko ang sarili ko sa pagligtas ng mga buhay."
"So that gun is just a prop? Dapat pa ba akong matakot na nakatutok sa akin ang baril mo? You good for nothing weak doctor."
Kung malapit lamang ako ni Gray ay nagawa ko na itong sampalin.
"Basta gawin mo ang sinabi ko!" hindi na inintindi ni Dr. Vicente ang mga sinabi ni Gray at marahas niya itong itinulak gamit ang nguso ng baril.
Hindi ko na rin maintindihan ang takbo ng utak ni Dr. Vicente, kung ako ang nasa sitwasyon ni Gray malaki ang posibilidad na mawala na ang takot at ang aking kaba kahit sa kaalamang may baril na nakatutok sa akin.
Dr. Vicente's words and actions are damn contradicting. Dala na rin siguro ito ng kanyang matinding kaba. Kahit sa malayo ay kitang-kita ko ang pangangatal ng kanyang mga kamay.
"Tell me Dr. Vicente, what is really happening? Anong nangyari nang gabing 'yon? Why did I end up with Gray? What is happening with you? You looked troubled and--" hindi na niya ako hinayaan pang makapagsalita.
Bigla na lamang itong bumulalas na hindi ko inaasahan.
"Naiipit ako sa gulo nyo! Why can't you tell her the truth Gray? Gusto ko nang tumahimik! I want to live my life peaceful, I want to live with my family again without running. Sous L'eau is hunting me, Cap Theo laid down an order to shoot me to kill, the remaining syndicates that I tried to infiltrate years ago are still after my head. Kahit saan ako lumingon ay lahat ay ulo ko ang hinihingi. Ito ang kasalukuyang sitwasyon ko Isabella."
Kapwa kami napasinghap ni Savannah sa aming narinig.
"That was really an order? Nababaliw na ba si Theo?" kahit ako ay hindi makapaniwala sa sinabi ng doctor.
"All I did was to follow commands, lahat nang naaayon sa ahensiya ay sinunod ko. I followed the every Satchel's order because I vowed for that, pero hindi ko akalain na ang simpleng pagsunod ko sa mga utos ang unti-unting maglulubog sa akin sa lupa."
Nanatili kaming tahimik habang pinakikinggan ang doktor.
"Sumunod ako sa utos ni Commander Satchel, that I should value his daugther's life more than anyone else. When Cap Theo was showered by that chemical, I saw him as a threat for your escape. Sa halip na makakaalis ka nang ligtas, mapapabagal ka nito na posibleng ikapahamak ng buhay mo. That's why I lied, I told you that he won't be able to regain his eyesight, binigyan kita ng dahilan para iwan siya. I want you to think that soon he'll be worthless, na hindi na siya ang lalaking kilala mo na makakaya ka pang protektahan. But everything backfired, you're too inlove with him that you were willing to give your own eyes. You threatened me and my whole family, kilala ko ang mga Satchel sa sandaling sinabi nila, gagawin nila. That's why I agreed, para itigil mo na ang pagbabanta mo. Pero sa sandaling tuluyan ka nang makatulog, gagawin ko pa rin ang siyang ipinangako ko sa'yong ama. I'll leave Theo and save you instead. And then, I'll ask for your father to help me protecting my family. I was about to carry you inside the submarine when another mouth of a gun threatened my life. This was when Gray snatched you away from me."
Halos hindi ako makapagsalita habang nagkukwento si Dr. Vicente. Kahit si Gray ay nanatiling tahimik at hinayaang magsalita si ang doktor.
"Anong magagawa ko? I was threatened one after another. From you Isabella to Gray until Cap Theo woke up, matapos ang gabing 'yon nabuhay na akong nagtatago sa banta ng buhay ko. What was my fault? All I did was to follow orders."
Habang naririnig ko ang mga sinasabi ni Dr. Vicente hindi ko maiwasang maawa sa kanya. He was right, anong malaking kasalanan niya? Bakit kailangan niyang maipit sa sitwasyong wala naman siyang ginawa kundi sumunod lamang sa utos.
"But w-why didn't you coordinate with Sous L'eau, you were loyal with our family. My father was attached with you, he appreciated your service and loyalty. Why didn't you cooperate with them?"
"How is that possible, Isabella? Cap Theo is always at its peak of pulling his trigger. Galit na galit ito nang magising ka na wala sa tabi niya. I was expecting that he'll blame me but his hatred was beyond death. Mapapatay niya ako at higit pa siyang nakakatakot sa mga sindikatong humahabol sa akin. Orders from Commander Satchel will never stop him from killing me."
"Agree, kung hindi ka siguro nagtago at nagpahara-hara ka sa harapan ni Theo habang mainit pa ang ulo nito malamang matagal ka nang patay. Having his orders right now?" Sabat ni Savannah.
"Nagtago ako sa kanya, sa buong Sous L'eau, maging sa'yong ama at sa lahat ng ugnayan ko hanggang sa aking pamilya. It was years of hiding from those people who are after my head. Pero nagpasya na akong lumabas sa mga oras na ito, running won't make my life any longer, kailangan nyong marinig ang panig ko. I was the victim of your conflicts, ayoko nang habangbuhay maipit sa inyong banggaan."
Dr. Vicente pushed Gray in front of us, tamad nang ibinaba ni Gray ang kanyang kamay at humakbang na ito papalapit sa akin.
"Now it's your turn Gray, Commander Satchel treated you as his real son. You tell them everything that they deserve to know. Try cleaning your name, katulad nang kung papaano ko nilinaw ang pangalan ko." Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Dr. Vicente.
Cleaning his name?
"Uhuh? I don't have any idea about this. Nalusutan ako?" natatawang sabi ni Savannah.
"Why not shooting me, Lina? I lied and I stole you away from Theo." Patuloy lang siya sa paglalakad patungo sa akin.
Tumaas ang aking kamay sa ere habang tinututukan siya ng baril. I tried myself to look tough and compose in front of his eyes, gusto kong ipakita sa kanya na kayang-kaya kong iputok ang baril sa kanya.
But I can't, kahit gaano kasakit ang ginawa niya sa akin hindi ko magawang isipin na ako mismo ang kikitil sa kanyang buhay. Kahit ito na rin mismo ang sinabi sa akin ng kapatid niya.
"Spill the beans, Gray." Matigas na sabi ko.
Bumalik sa pagkakaupo si Savannah sa harap ng sasakyang habang nanunod sa mga pangyayari. Buong akala ko ay magpapatuloy ito sa paglalakad pero tumigil ito sa mismong harapan ko.
Kung iisipin, wala naman itong masamang pakikitungo sa akin. He took care of me, he was so gentle and he was always respecting my decision during our time together. Hindi nito ipinipilit ang bagay na gusto niya kapag sinabi kong hindi ko gusto.
Ang tangi niya lamang malaking pagkakamali ay ang pagsisinungaling sa akin. But as a person, the way he treated me, I can't complain. I really can't.
I can't see his face too well because of the headlights. But I saw how he slowly gave me his warm smile with his saddest green eyes.
"I'm sorry Lina, I am just too inlove with you. I'm sorry and—"
Tuluyan nang bumagsak ang mga balikat ko, nabingi sa malakas na sigaw ni Savannah, nanikip ang dibdib hanggang sa bumuhos ang aking mga sariwang luha.
Someone shot him dead.
Head shot.
My eyes went to someone aiming his gun to Gray's previous position. And my heart sank when I saw a pair of beautiful brown eyes.
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro