Chapter 38
Chapter 38
Hindi ko na hinayaan magsalita pa ang kabilang linya. Ibinato ko na pabalik ang telepono kay Savannah.
I pushed something from my shoes making the nailed item got released from the car roof. As the car fly with its speed, I moved swiftly making myself completey inside the fast moving car again.
Marahas kong isinarado ang pintuan ng sasakyan. I opened the glove compartment and refilled my bullets.
We're still in the middle of our mission and running out of bullets is a sin. I glanced at the GPS monitor analyzing the distance between us and our enemies, in every second we're having a small distance difference with them.
What should I expect from Savannah? She's a reckless driver if I wasn't skilled enough to stay balanced on the roof I'd probably fly away with her car movements.
Hindi man lang ito nag-iisip na may kakampi siya sa itaas ng bubong or maybe she's really planning to kill me at the end.
Tulad nga ng sabi niya sa kanyang sarili, I can't just fully trust her. Since she considered herself as a pure evil.
"You probably threw something with their car, I didn't notice it." She just shrugged her shoulder.
We can't monitor the distance of our enemy's car if Savannah didn't successfully throw something on their car causing us to locate their every place easily.
It might be a bug device or something? Oh nevermind, this isn't the time to analyze her gadgets.
"Can you give me my bubble gum?" She pouted her lips towards the glove compartment.
Inside the glove compartment is a small pouch and when I opened the zipper I saw different flavors of bubble gum.
Wala sa sariling tinanggal ko ang balat ng bubble gum bago ko inihagis sa ere patungo sa kanya.
Easily the gum went inside her mouth and she started chewing it. Dahil nainggit ako sa kanya at kumuha rin ako at nagsimulang ngumuya.
Habang nagmamaneho siya ay dito ko lamang naisip na buhayin ang earpods ko. And when I hit the on button, I heard Tristan voice full of fury.
"LINA! LINA! Answers me! Where are you?"
"Cap, Cap calm down." Pakinig kong awat ni Armando.
"Where is she? oh my god. Nagwawala na." I heard Enna's voice.
"Baka nauna na, she's with Savannah a while ago. Maybe coffee?" muling sabi ni Armando.
Nakarinig ako nang sunod-sunod na putok ng baril. Nagsigawan si Enna at Hazelle sa kabilang linya.
"What the hell is happening?!" I heard my brother.
"Shit! Binaril na yata ni Cap si Armando." Mahinang sabi ni Enna.
"He's dead, Armando? Still alive?" nagpapanic na boses ni Hazelle.
"LINA!" halos mapapikit na ako sa galit na boses ni Tristan.
"Cap si Armando?" tanong ni Hazelle.
"Fuck off, he's dead! LINA! Baby, can you hear me? Answer me, where are you?" sunod-sunod na sabi ni Tristan.
Hindi ko alam kung papaano ako sisingit, nagkakagulo na sila dahil sa pagwawala na Tristan.
"Cap, si Armando. W-Where is he?" ramdam ko ang kaba sa boses ni Enna.
Kahit ako ay kinakabahan, did he just shoot Armando? Bakit hindi na nagsasalita si Armando?
"You killed your own comrades?" tanong ni kuya.
"Shut the fuck up, are you not worried about your own sister?! LINA! Baby, answer me! Where are you? Baby, please don't do this to me." Sinubukan kong ibuka ang bibig ko para sumagot sa kanya pero wala akong masabi.
Natatakot ako sa kasalanan ko. I forgot to message him, I forgot to inform him, my negligence triggered him about what happened to us from the past.
"Patay na Hazelle, hindi sumasagot si Armando." Nangangatal ang kamay ko.
Did Tristan really kill him?
"Armando, answer us. This isn't a good joke." Nagsalitang muli si Hazelle.
"Cap, what happened to Armando?" tanong ulit ni Enna.
"I KILLED HIM! Do something find LINA!" galit na galit na sagot ni Tristan.
Narinig ko ang mura ni kuya at maging ni Enna at Hazelle.
"Cap.."
"This is 00069 speaking, still alive and breathing. Don't worry, I'm fine. Hindi kami magkasama, kawawa 'yong binaril niya. Don't talk to him right now, nababaliw."
"Tang ina mo Armando!" malalakas na mura ni Hazelle at Enna ang narinig ko.
"I was just loving the audio scene. Buong akala ko ay mapapaamin ko na kayong dalawa na patay na patay kayo sa akin."
"Cap! Kill him!" sabay na sigaw ni Enna at Hazelle.
"This group is full of crazy people," tamad na sabi ni kuya.
"Oh, hummingbird is on. Isabella?" I heard Hazelle.
"Baby, come on answer me! Where are you?"
"I-I'm sorry Tristan, uuwi rin ako. I'm sorry that I didn't inform you."
"God! Where are you? Susunduin kita, don't move huwag ka nang aalis sa posisyon mo. I'll go there, where is your location baby?" sunod-sunod na tanong nito.
"Answer him, nababaliw na." Matabang na sabat ni Armando.
"I'll locate her, Cap." Sabat ni Enna.
For now, me and Savannah are having our mission together, nasa magandang sitwasyon na kami and it isn't necessary to ask for back ups. Lalo na at baka malaman na nasa panig namin si Savannah.
It is safer if it is just me that can truly understand her real position. Sa pag-dami ng nakakaalam ng ginagalawan ni Savannah, sa paglaki ng posibilidad na mapahamak siya.
Si Savannah lang ang makapagpapanatag ng kalooban ko na nasa mabuting kamay ang anak ko.
"I'm sorry Tristan, I'll be back. I promise baby." Pinatay ko ang earpods at inihagis sa labas ng kotse.
Ibinalik ko ang aking atensyon sa hinahabol namin habang hawak ang dalawang uri ng baril.
"We're getting nearer," tumango ako sa sinabi ni Savannah.
Nakarating na sa maayos na daan ang sasakyan namin. Until I saw the car that we're chasing. I let the half of my body out of the window as I aimed my guns on their car back.
Sinimulan kong paulan ng bala ang kanilang likuran pero magaling rin ang nagmamaneho dahil nakakagalaw ito nang mabilis. Hindi rin nagtagal ay may nakipagpalitan na rin sa amin ng putok.
Good thing that our car is bullet proof.
"Should I shoot? Ikaw na ang magdrive."
"No, this is my job Savannah."
"Alright,"
"Just faster the speed," muli kong inilabas ang kalahati ng katawan ko sa bintana at nakipagpalitan ng putok sa kalaban.
Nakita kong natamaan ko ang balikat nito. Should I aim my guns to the driver? Natatakot akong maaksidente ang kotse at bigla na lamang sumabog, mawawala ang bagay na siyang kailangan namin.
"Keep on driving Savannah, they are only three, the gunner, the driver and the woman."
"Alright," tipid na sagot nito.
Muli kong inilabas ang katawan ko sa kotse, sa pagkakataong ito hindi muna agad ako bumaril. I waited for the best timing and when the man was about to come out, I released two shots from my gun making his body hanged terribly on the window.
"Wala nang kalaban Savannah, full speed." Sumunod ito sa sinabi ko.
Binuksan kong muli ang sasakyan at umakyat ako sa taas ng bubong. I need to go to that car and negotiate with the woman.
Savannah tried to bump the car repeatedly, I can now see the fear of the woman's eyes as well as the panic registered with the driver's face.
Nang sandaling ibanggang muli ni Savannah ang sasakyan ay matagumpay akong nakatalon. I used my shoes again to make my position stable, ginitgit ni Savannah ang sasakyan sa gilid ng tunnel para hindi ito makagalaw.
I used this situation for me to successfully entered the enemy's car. I went straight at the front and broke the windshield with my killer shoes. The driver tried to struggle against me but I shot my gun to silence him. Savannah released the car when I'm already inside.
Dahil sira na ang pintuan ay madali ko na lamang itinapon ang katawan ng driver. Ipinapatuloy ko ang pagmamaneho at nang sandaling dapat ay ititigil ko na ito ay narinig kong nagsalita ang babae.
"No, no! You can't get any information from me!" nanlaki ang mga mata ko nang marahas buksan ng babae ang pintuan at walang pasabing tumalon.
I shouted.
"NO!"
Kitang-kita ko sa side mirror kung papaano nagpagulong-gulong ang katawan nito sa kalsada.
Agad akong nagpreno at tumakbo patungo sa kanya, kahit si Savannah ay mabilis lumabas at nagtungo sa babae. Napasinghap ako nang makitang agaw buhay na ang babae.
Blood is now spilling from her mouth and head, nagtungo ang mga mata ko sa kwintas na siyang hinahanap namin na nakasabit sa kanyang leeg.
Kumunot ang noo ko sa nangyayari. If I were her, I would just give the necklace to save my life. But why? Why is she willing to kill herself instead?
Nagtataka akong lumingon kay Savannah.
There is something happening, may iba pang nangyayari. This isn't just about my jewels, alam kong may ibang hinahanap si Savannah.
"Tell me, you have your own motives. Right Savannah?" hinablot ko ang kwintas sa leeg ng babae at tumayo akong nakaharap sa kanya.
"What are you talking about?"
"You are searching for more, right Savannah? You used me!"
"We are both using each other hummingbird." Tipid na sagot nito bago ako tinalikuran.
Galit akong humabol sa kanya at hinawakan ko ang balikat niya.
"I deserve an explanation, alam mong anak ko ang pinaglalaban ko. What about you?" tumaas ang kilay niya.
Tinabig nito ang kamay ko sa kanyang balikat.
"We need to go Lina, hindi magtatagal ay darating na ang mga kasamahan nila. Or you want to stay and die here?"
Eksaherada bumuntong hininga bago akong sumunod sa kanya at pumasok sa sasakyan. Buong akala ko ay makakalayo na kami nang kapwa kami napamura.
We ran out of gas!
"Shit!" sabay kaming muling napamura nang makakita kami ng sasakyang papasok sa tunnel.
"I know you're both inside! Show yourselves!" sigaw ng pamilyar na boses.
Dahil alam namin ni Savannah na wala na kaming matataguan ay kapwa kami tumango sa isa't-isa sa pangalawang pagkakataon at sabay kaming lumabas ng kotse dala ang aming mga baril.
The headlights coming from the opposite car revealed our bodies. Instead of making our state fragile and trapped, we the both ladies known for seductive antics made our best position.
Siguro may mga pagkakataon talagang pareho ang takbo ng utak namin ni Savannah.
With our seductive bodies we both sat on the car front, I used my right hand to support myself and another to point my gun facing directly to the headlights. Savannah turned her back on my side while leaning and revealed the perfect curve side of her body while pointing her gun in a side way.
We are both alerted as we saw shadows of two men walking slowly. The other one is raising both of his hands while the other is pointing his gun at the first guy.
Pero bago pa man namin makilala ni Savannah ang dalawang lalaki ay sabay kaming nagsalita nito at salubungin ang panibagong mga kalaban.
"Are you looking for us, boys?"
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro