Chapter 33
Chapter 33
Nag-uusap kaming tatlo nila Enna at Hazelle nang marinig ko ang boses ni Tristan mula sa likuran.
Mukhang tapos na ang usapan ng mga ito.
"If you are planning to make your own move again, girls. Back off." Seryosong sabi nito.
Tumayo na ako, hinila ako ni Tristan at umakbay siya sa akin.
"Hey, bakit naman 'yon ang naisip mo Cap?" natatawang tanong ni Hazelle.
"Because I knew you too well, Hazelle. The lazy of plan B's na lagi namang palpak. Isa pa ikaw ang isa sa pinakamatigas ang ulo sa ahensiyang ito."
"Hey! Stop right there, minsan lang ako sumablay."
"And that was a large damage, Hazelle. Once is enough."
Pansin ko na tumango rin si Enna.
"Kukuhanin ko na si Lina, just rest."
"Yes Cap," sagot ng dalawang babae.
Una ay nalilito ako sa usapan nila pero nang ipaliwanag sa akin ni Tristan ang lahat ay nakuha ko na.
"Are you blaming Hazelle?"
"No, she was just trying to help. Isa pa tama naman ang naging plano niya, if the Sous L'eau moved that time I'm probably dead by now. But you was the consequence, ikaw naman ang inagaw sa akin."
"Let's just not talk about it," ito na lamang ang sinabi ko.
Nagtuloy na kami sa kwarto ni Tristan, my Dad and even my brother didn't complain anymore. Ano pa nga ba ang maaari nilang ibawal?
Nakaanak na nga ako.
Ilang linggo na at hindi pa rin ako nakakatanggap ng tawag sa mga sindikato. I tried to message them at nagpasalamat ako nang sabihin nila sa linggo at marami pa silang inaasikaso.
I asked Hazelle if my baby is safe, sinabi nito na nasa mabuti itong kalagayan.
Naliligo ngayon si Tristan habang magkausap kami ni Florence sa skype. Pilit nitong kinakalong ang malilikot niyang triplets habang nakikipag-usap sa akin.
Hindi ko mapigilang hindi mainggit sa kanya, she's now happily married. Walang gulo at kasama ang kanyang mga anak.
Sana ay dumating ang panahon na mabuhay rin ako, si Tristan at ang aming anak ng natural.
"Say hi to Tita Lina.."
"Hi aunt!" sabay-sabay ang triplets habang may pagkaway sa akin.
Kamukhang-kamukha ng mga bata si Nero, parang kutis lang ni Florence ang nakuha ng mga ito.
"So, how are you? Fine now?"
"Siguro?"
Bigla kong naalala ang lalaking nakita ko sa hotel na may buhat na triplets. Hindi kaya si Nero ito? Nang una kong makita ang triplets nila ay medyo pamilyar ako sa mga ito.
"I'll go now, Florence.."
Nakita ko sa screen ang nakalong-sleeve na si Nero, mabilis itong humalik sa labi ni Florence at pinaggugulo nito ang buhok ng kanyang mga anak.
"Anong oras ka uuwi?"
"I have my meeting, I'll be late. Gigisingin na lang kita, kapag tulog ka na."
"No need, I'll just prepare your dinner. Eat and sleep after work."
"Can't agree with that."
Umiling lamang si Florence bago ito humarap sa screen.
"Nasaan si Tristan?"
"Naliligo," tumango lamang ito.
"Hindi kayo dadalaw dito? I'll invite Owen, Aldus and Troy. Para naman makapag-bonding tayo."
"Soon, Florence. Can't wait for that." Ngumiti ito sa akin.
Lumabas na sa banyo si Tristan, basta lamang nakatapis ang tuwalya nito sa kanyang bewang at anumang oras ay pwedeng malaglag.
"Lina, I have to go. Parang may binasag ang mga bata sa kwarto."
"Sure..sure.." ibinaba ko na ang laptop bago ako tumayo.
Inagaw ko ang tuwalyang hawak ni Tristan.
"I'll dry your hair Cap Theo." He grinned.
Pinaupo ko muna siya bago ko sinimulan punasan ang buhok niya.
"Where are you going today?"
"Escorting again,"
"Sino ang hawak mo ngayon?" again?
Bakit hindi nito sinabi sa akin na may hawak na pala siyang misyon?
"It is just temporarily, dalawang linggo lang. Anak na babae ng bise presidente."
"Babae?"
"Hyacinth Lou Lazaro," tumaas ang kilay ko.
Kilala ko ang babaeng ito, sikat siyang fitness instructor at marami itong fans sa youtube. Mas malaki ang dibdib nito sa akin, she's single and a boy magnet.
Nang nag-uumpisa pa lamang ako para lalong pagandahin ang katawan ko ay minsan nang dumaan sa aking mata ang mga videos nito.
Effective naman ang mga instruction niya at nakakatulong, pero masyado na akong nalaswaan dahil higit pa sa dapat ipakita ang ipinakikita nito sa bawat video.
She should wear proper gym attire! Sigurado akong hindi na tungkol sa pagpapaganda ng katawan ang may dahilan ng kalahati ng views ng bawat videos nito, karamihan siguro ay mga lalaking nagsasarili tuwing gabi.
Magaling rin itong mang-akit dahil marami itong inagawan sa showbiz.
"Who gave you this assignment?" he sighed.
"Lina, are you jealous? Trabaho lamang si Hyacinth."
"Hyacinth? First name basis, Ferell? Hindi pwedeng Ms. Lazaro?"
"That's why I didn't tell you about this mission. Alam mong ikaw ang mahal ko, kahit mas malaki ang dibdib niya sa'yo." Itulak ko ang ulo niya sa inis ko.
"Now you can measure! Alam mo agad kung kanino ang mas malaki! Hayop ka, umalis ka na dito!"
"Lina, are you pregnant?"
"Bakit naman ako mabubuntis? I am taking shots."
"Oh, okay.."
Tumayo na ito at basta niya na lang inihagis ang tuwalyang nasa bewang niya. He confidently walked to the cabinet looking for his uniform.
"Nasa kama na, inihanda ko na."
"Thanks baby.." inirapan ko lang siya.
Hindi ko na siya pinagmasdan habang nagbibihis siya. Pero alam kong nakatitig ito sa akin habang nakaupo siya sa kama.
"Can't you see me, baby? May pangalan na itong Lina, markado na ako. Do want me to have tattoes on it, literally? With your name?"
"Tigilan mo ako, Ferell. Hindi ka na nagbago, napaka manyakis mo pa rin. Sino naman ang magtatatto sa'yo dyan?! Si Armando?!"
Napamura siya sa sinabi ko. Basag siya.
Nagmadali na itong magbihis, hindi ako nakaiwas nang humalik ito sa akin.
"Uuwi ako bukas,"
"Overnight ka?!"
"Yes baby, I need to. I'll call you tonight, so don't miss me. Okay?"
"Umuwi ka," matigas na sabi ko.
"Hindi pwede, Lina. Trabaho 'yon, mapapagalitan ako ni Commander. Bad shot na ako sa kanya."
"Kanino mo gusto mabad shot sa kanya o sa akin?"
"Baby, my shot for you can't be bad.." tinampal ko na ang dibdib nito.
"Magpatattoo ka na talaga kay Armando ng pangalan ko! Gusto ko doon!" kumunot lamang ang noo nito.
"Just kidding, I don't like tattoes." Humalik na ito sa aking noo.
"I'll call you, promise."
Hindi na ako sumagot sa kanya hanggang sa makalabas na ito ng kwarto. Nito ko lang nalaman na tattoo artist si Armando, pero wala daw itong tattoo sa katawan dahil masakit daw sa balat.
Nasa harap ako ng vendo machine nang mapansin ko na bihis rin si Armando at mukhang may mission.
"Saan ang lakad?"
"Baka saan ang kambyo?" pagtatama nito.
Gumamit rin ito ng vendo machine at kumuha ng energy drink.
"Balita ko si Hyacinth ang binabantayan ni Cap ngayon."
"Yes,"
"Triggered? She's—"
"Isa ka pa Armando, masasasampal na kita."
"Oh, scary Miss Lina."
"Saan ka nga pupunta?"
"Mag-aasawa na," he laughed.
"Hindi ka talaga matinong kausap." Tinapik lang nito ang balikat ko.
"I have to go, see yah!"
Naiwan ako sa headquarters, pumunta ako sa office ni Dad kung saan tanaw ang malaking field ng Sous L'eau, dito sila nagte-train ng mga bagong agent.
Sa ngayon ay may mga bagong recruit ang Sous L'eau na mahigit pa sa dalawampu, sampu babae at lalaki.
Nasa harapan ng mga nakahilerang nag-eensayo si Daddy at Ace. Mukhang ang mga ito ang nagpapaliwag ng tungkol sa kalakaran dito.
Bumaba ako sa emergency exit para mapadali ang paglabas ko sa office ni Daddy. I was about to use my dad's golf car when I my phone vibrated.
Nanlaki ang mata ko nang makitang ang message ng mga sindikato. Ngayon ko na makikita ang anak ko.
I immediately call Tristan.
"They called," ito lang ang sinabi ko.
"Alright, I'll be there."
Pinaharurot ko ang golf car ni Dad at nagmadali akong lumapit sa kanila ni Ace.
"They called,"
Sabay silang tumango sa akin.
"Dismiss!"
Everything is settled.
Nasa loob ako ng isang maliit na kwarto at mag-isa lamang ako. But the laptop is connected in a larger screen na para mapanuod nilang lahat.
Actually, Tristan, my Dad and Ace are just behind my back.
Ang malaking salamin sa likuran ang siyang kinalalagyan nila. This place is their interrogation room.
Nasa kabilang kwarto naman si Hazelle at Enna, they are alerted to capture the voice, the location and any other possible datas.
Nangangatal ako habang hinihintay mag-ring ang skype ko. Miss na miss ko na si Theon, I want to see his face, to hear his voice.
Nang mag-ring ito ay agad ko nang sinagot.
"Sweetheart," nakangiting bati ko.
Kalong ito ng isang babae na hindi ipinakikita ang mukha sa monitor.
"Mama!" halos maiyak ako nang pilit abutin ni Theon ang monitor na parang mahahawakan niya ako.
"Mama!" tumulo na ang mga luha ko nang umiyak na rin si Theon.
"I will get you soon, I miss you so much sweetheart. Mahal na mahal ka ni mama.."
"Enough with that, patayin mo na."
"Alright sir, sorry baby. Tita needs to turn this off."
"Wait! Hindi pa kami nag-uusap! No! Please.." marahas na nagalaw ang camera hanggang sa maalis ito sa harap ni Theon.
Revealing the woman carrying my son.
"Savannah,"
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro