Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28

Chapter 28


Kung tatanungin ako, ilang beses na akong nagising mula isang miserableng pagkakatulog? Kahit ako ay hindi ko na mabilang kung ilang beses. Pinilit kong bumangon sa kama, may swero at oxygen na nakakabit sa akin.

Sobrang sakit ng ulo ko.

Agad akong dinaluhan ni Gray na kausap sila Alexis, Bryce at Dhaywill.

"Babe.."

Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya.

"Where were you when I needed you most?!" sigaw ko.

"Nasaan si Theon? Nasaan ang anak ko? Where is my baby?!" marahas kong tinanggal ang nakakabit sa aking swero at isinubsob ko ang sarili ko sa aking mga palad.

"Nasaan ang anak ko? Nasaan ang anak ko? Ibalik nyo sa akin ang anak ko."

"Cleo.." pilit niya akong hinahawakan pero marahas ko itong sinasalag.

"Shut the fuck up! Mga wala kayong kwenta! Nasaan kayo?! Hindi nyo man lang natunugan na may nakapaligid na sa atin?! Hindi nyo man lang naisip na wala akong kalaban-laban? Yung anak ko! Yung anak ko ang naging kapalit ng kapalpakan nyo!" sigaw na ako nang sigaw.

"Cleo calm down.."

"Papaano ako kakalma Gray?! Dugo at laman ko ang ninakaw sa akin! Anak ko! Anak ko ang inagaw sa akin dahil sa illegal nyong trabaho! Yung anak ko!" paulit-ulit na sigaw ko.

"Bryce, please call the doctor."

Sinubukan akong muling hawakan ni Gray pero sinalubong ko lamang siya ng sunod-sunod na sampal dahil sa matindi kong galit.

"How could you act so calm? Hindi ba at anak mo rin si Theon?!" I tried to mock him. Ayokong isipin niya na alam ko na ang katotohanan.

"Sa tingin mo ay dapat ko rin gawin ang ginagawa mo Cleo, you can't burst out together dahil walang mangyayari sa atin. And for god's sake! Mahal ko si Theon, Cleo. I love him that way that I loved you. I just want you to calm down, dahil babawiin natin ang anak natin."

"How could you say that? Papaano? Hindi ko na alam ang gagawin ko Gray. Mababaliw na ako." Tuluyan ko na siyang hinayaang yumakap sa akin.

And I let myself breakdown. I cried and cried and cried.

"I missed him, I missed him so much. Ang anak ko Gray, his laughter, his smile, his small body on my arms. Ang baby ko..ang baby ko Gray. Ibalik mo sa akin ang anak ko. Help me..help me please.."

Dumating ang doktor at tinurukan ako nito ng pampatulog. Gray kissed my forehead before letting me sleep.

Sa ikalawang beses kung paggising ay kalmado na ako. Hindi na ako umiyak at nakakausap na ako ng maayos.

Pinakinggan ko ang lahat ng sinabi ng doctor at tinanong ko rito ang mainam kong gawin para lumakas ako.

I ate a lot of nutritious foods and do a regular exercise.

"Eight months ang palugit nila." Panimula ko.

Lahat kami ay nakahilera sa hindi kahabaang lamesa. Hindi ko muna ipinaliwanag sa kanila ang buong nangyari simula nang magising ako at ngayon lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob.

"Palugit?"

"Ibabalik nila sa akin si Theon kung maibabalik ni Gisela sa kanila ang mga ninakaw nitong alahas. Hindi lang pala ang mga alahas na nanggaling sa kanila, the whole set."

"The seven gems of wonders." Pagsabat ni Alexis. Tumango ako.

"Inakala nilang ako si Gisela at para makapaghiganti at magamit ang kakayahan ni Gisela na inaakala nilang ako, dinukot nila si Theon para hawakan ang leeg ko."

Lahat sila ay tahimik na nakikinig sa mga sinasabi ko.

"And I agreed, pagbibigyan ko sila. I'll take over Gisela's place and considered me as the new hummingbird." Matigas na sabi ko.

Lahat ay gagawin ko para bawiin ang aking anak. Sinong ina ang hindi?

"We'll retrieve the jewel Cleo. Hindi mo na kailangang pasukin ang ginagalawan ni Gisela." Giit ni Gray.

"But they wanted hummingbird's existence. Gusto nilang ipalabas sa buong mundo na si hummingbird ang nagnanakaw ng mga kilalang bato. Ofcourse to hide the real culprit." Paliwanag ko.

"Are you insane, Cleo? Dadami ang kalaban mo." Singit ni Bryce.

"Matagal ko nang tinanggap ang pagdami ng kalaban ko matapos mawala sa mga bisig ko ang aking anak. I am now the hummingbird at walang kahit sinong makapipigil sa akin." Buo na ang desisyon ko at wala nang makakapagpabago rito.

"They are just using you, Cleo. Sa tingin mo ba ay totoong ibabalik nila ang bata? Siguradong matapos mong makumpleto ang mga alahas ay ipapapatay ka nila." Pagsabat ni Alexis.

Nasa isip ko na rin ito, pero hindi na ako kailanman magiging tanga sa galaw ng mundong pinasok ko. My son is involved, I should think about everything in advance.

"Why would I allow that to happen? Kung sa mga panahong 'yon ako na ang totoong babae sa likod ng pangalang hummingbird? I wasn't skilled enough when they got my baby, pero sisiguraduhin kong sa susunod na umingay muli ang pangalang hummingbird, gatilyo ng aking mga baril ang unang puputok para pasabugin sila."

They are so wrong for waking up a demon sleeping inside a mother's body. Pinakamatinding kalaban ang inang inagawan ng anak.

Matapos kong sabihin sa kanilang lahat ang gusto ko ay nagsimula na akong mag-ensayo. Hindi na sila nakipagtalo pa sa akin dahil alam nilang seryoso at determinado na ako sa aking desisyon.

I conditioned my body with combats. I went on boxing, martial arts, arnis and even gun shooting. Habang tumatagal ang mga ensayo ko ay nagsisimulang magkaroon ng katanungan ang aking buong kaisipan maging ang aking mga katawan.

I was expecting that training will be hard for me, katulad nang unang beses na humingi ng tulong sa akin si Gisela. Pero habang tumatagal ay napapansin ko na parang matagal nang sanay sa ganitong mga bagay ang aking katawan.

The movement of my body to protect myself, movement to attack for the enemies and even the proper conditioned of my combat skills and techniques are damn coordinating. Even my skills in computer whether it is critical or not is damn impressive. I can even hack a well-protected firewall!

Habang nagtuturo sa akin si Alexis ay hindi man lang kumunot ang noo nito. I never asked dahil madali ko lamang itong natututunan, minsan ay kung may itinatanong ako ay hindi na sinasagot ng mga ito dahil hindi na raw kailangan.

Dumating ako sa pag-aaral ng bomba, dapat marunong akong magpatigil at magpagana nito. Bryce helped me with this, hindi tumagal ng tatlong araw ay kabisado ko na ang mga bomba na madalas ginagamit ng mga sindikato.

Sunod kong pinag-aralan ang iba't ibang klase ng baril, ilang mga kagamitan na tanging si hummingbird lamang ang nagamit. Dahil minsan ay nanunuod ako ng ensayo ni Gisela at ipinapaliwanag niya rin ang mga kagamitan niya, hindi na ako nagtagal dito.

Gray trained me on how to easily familiarize a building's blueprint. Pero hindi katulad nila Bryce, Alexis at Dhaywill hindi na ito nagulat sa mabilis kong pagkakatoto. Pagkatapos nito ay kinilala ko na ang mga posibleng ahensiyang makakasalubong ko.

Sous L'eau agency is our number one enemy. Matagal na daw mainit ang dugo nito sa hummingbird na hanggang ngayon ay hinahabol ng mga ito. I tried find more information but there were few to read. Kahit isa man lang miyembro nito ay wala.

"How can I analyse this agency? Papaano kung sila ang makasalubong ko?"

"I'll kill them for you, babe. Don't mind Sous L'eau, ako ang bahala sa kanila." Sagot sa akin ni Gray.

Hindi na muli ako sumagot sa kanya. Matagal kong kinundisyon ang sarili ko bago ako magtungo sa pinakamahalagang parte ng pagiging hummingbird.

I watched a lot of movies with seductive protagonist. Hindi ko na mabilang at makilala kung sino-sino ang mga babaeng napanuod ko.

Pinag-aralan kong mang-akit ng mga lalaki. Pinilit ko ang sarili kong masanay sa matataas na takong, magsuot ng damit siguradong magpapatindig sa ipinagmamalaki ng bawat lalaki.

I never liked this, kailanman ay hindi ko gustong isampal sa kalalakihan kung ano ang kakayahan ng katawan ko bilang isang babae. Pero para sa anak ko, para sa nag-iisang taong siyang pinakamahalaga sa akin sa aking mundong punong-puno ng katanungan gagawin ko.

I exercised my body, made myself physically fit, hindi ako nakuntento sa magandang hubog ng aking katawan sa halip ay gumawa pa ako ng paraan para mas pagandahin ito sa natural.

Dugo at matinding pawis ang pinuhunan ko para makamit ang perpektong katawan na nakatakdang magpaluhod sa libong kalalakihan ng mundong ito.

Lulunukin ko ang mga mapagnasa nilang mga mata at taas noo kong ipamumukha sa kanilang ako ang kaakit-akit na babaeng dapat nilang sambahin.

I even studied how to pole dance, table dance and of the dirty dance that was created in this filthy world.

Pero sa tuwing ihaharap ko ang aking katawan, sinisigurado kong tanging kanilang mga mata lamang ang makakaabot sa akin. Dahil sa sandaling may magtangkang humawak sa akin, pagsabog ng bungo ang karampatang kaparusahan.

Men's fragile state was when their manhood stood strongly. Oras kung saan mas malakas ako sa kanila, ang pagkahumaling nila sa akin ang nag-aalis sa kanilang marupok na atensyon dahilan kung bakit ako nagtatagumpay.

Men's weakness is a seductive woman. A deceiving seductive woman.

Ngayong gabi ang unang misyon ko. I ran fast until I reached the rooftop. Alam kong nakasunod silang lahat sa akin.

Isinuot ko ang magandang kwintas na ninakaw ko bago ako tumayo sa mataas na pader na siyang nagsisilbing proteksyon ng mga taong magtutungo sa rooftop.

I never mind the heights, kahit sa kaalamang isang maling kilos ng paa ko ay mahuhulog ako sa kamatayan.

Hinayaan kong liparin ng hangin ang nagniningning kong manipis na kasuotan habang hinihintay ko ang yabag ng mga lalaking humahabol sa akin.

I stared at the moon.

Dalawang kamay ko ang may hawak ng baril.

"Put your guns down!" sigaw mula sa aking likuran.

Dahan-dahan kong itinaas ang dalawa kong kamay habang hawak ang aking mga baril at walang pasabing inihagis ito sa likuran.

Sa pagbagsak ng aking baril ay ang sunod-sunod na pagbagsak ng katawan ng mga lalaking humahabol sa akin.

Bahagya kong inilingon ang aking mga mata pakanan para sulyapan ang mga ito. Buong akala ko ay napatay silang lahat ng aking sniper pero may natitira pang buhay.

"Who are you?"

Marahas kong hinila ang kwintas sa aking leeg at inangat ito dahilan para kumuha ito ng repleksyon ng liwanag mula buwan.

Theon, mommy got one jewel.

"I am the hummingbird."

At matapos ang gabing 'yon, muling umalingawngaw ang alindog ng babaeng handang luhurin ng napakaraming kalalakihan. 


--

VentreCanard 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro